Professional Documents
Culture Documents
151
152
Mahirap ang pagpunta sa nasabing lugar dahil sa malayo at lubak-lubak ang daan,
kaya umaabot ng hanggang isang libong piso ang pamasahe sa motorsiklo na tinatawag
na habal-habal. Tanging motorsiklo lamang ang sasakyang pampasahero para
makarating lamang sa tuktok ng Sangab. Minsan, kung may marami na silang
produktong abaka, mais, at mga gulay na ibebenta sa bayan ay hinahakot ito ng sadam
na isang uri ng sasakyan tulad ng dump truck.
Sa Brgy. Pichon at Sityo Sangab, lubos nilang napapanatili ang kasuotan nilang
Mandaya, gayundin ang paghahabi nito na tinatawag nilang dagmay, isang hinabing
telang mula sa abaka.
Ang Sityo Sangab ay isang lugar na tahimik, walang nagsasalimbayang mga
sasakyan, malayo sa polusyon, at walang gulo. Ang mga taong naninirahan dito tulad
ng matatanda—babae man o lalake, ay nasa kanilang sakahan upang magtrabaho.
Lunes hanggang Sabado ng umaga ang iniuukol nila sa kanilang pagtatrabaho sa
bukirin. Tuwing Sabado ng hapon naman, sila ay umuuwi na sa kanilang mga tahanan
upang paghandaan ang misang dadaluhan sa araw ng Linggo.
Walang sinumang makapapasok sa nasabing lugar (Sangab) kung walang
pahintulot ang kanilang tinaguriang datu o tribal chieftain.
Hindi rin masasabing malayo sa kabihasnan ang lugar dahil nakikita na rito ang
bunga ng teknolohiya. Mayroon namang nakikisabay sa kung ano ang uso sa
kasalukuyan. Hindi naman kasi lahat ay tinatanggap ng tribu. Nariyan ang mga
Mangkatadong (council of elders), na nagsusumikap sa pagpapaalala sa mga
kabataang produkto ng bagong henerasyon kung ano ang katanggap-tanggap sa
kanilang lipunan. Isa na rito ang mahigpit na pagbabawal sa paggamit ng maiksing
pantot (short) para sa mga babae dahil taboo para sa kanila ang pagsusuot nito.
Ayon kay Ernesto I. Corcino, isang manunulat ng Davao History ang mga
Mandaya ay walang kaibahan sa ibang grupo sa kanilang sosyal na gawain at sa
kanilang pananampalataya. Mahirap tukuyin kung ito ay matatawag na sosyalisasyon
o panama o mamamalagi sa kanilang pamayananang Mandaya dahil mahihirapan
talagang makapaglikom impormasyon tungkol sa kanilang tribu.
Nakasanayan ng mga Mandaya na bago magsimula sa anumang mga gawain ay
dapat manawagan o manalangin sa Panginoon. Kahit bago umalis ng bahay, dumaan
sa malaking puno o kaya’y malaking bato, dumaan sa tubig, uminom sa nadaanang
tubig, magputol ng punong kahoy, mangaso, at iba pang gawain ay kailangan talagang
magpaalam at manawagtawag (prayer offering) sa may-ari. Naniniwala ang mga
Mandaya, na ang tao at lahat ng bagay dito sa lupa at sa langit pati na ang mga bagay
na hindi nakikita ng tao ay may nagmamay-aari. Ang lahat ay ginawa at pag-aari ni
Magbabaya (God). Ang salitang Magbabaya ay galing sa salitang ugat na baya na ang
ibig sabihin ay walang pinagmulan at walang katapusan.
Pagpapakasal at Pag-aasawa
Ayon sa mga naging impormante, ang pag-aasawa ay isang paraan lamang ng mga
Mandaya upang masunod ang kayamanan o pamana ng mga magulang. Kaya ang mga
magulang ang nag-uusap para sa kanilang mga anak, at kahit sa panliligaw din ay
kasama rin sila, lalong-lalo na kung ang ama ay isang pinuno sa pamayanan at ang
anak ay mayroon ding mabuting pag-uugali at pananaw sa kanilang lipunang
ginagalawan.
Sa mga babae naman, pinapaburan nila ito kung siya ay gimbubayan—ibig sabihin
ay babaeng marunong gumawa ng mga gawain ng lalaki, gaya ng pangangaso.
Walang pagkilala o pagtiyak sa taon kung kailan mag-aasawa ang isang babae o
lalake. Sila ay naniniwala na kung biologically fit na ang mga ito ay pwede na. Ang
gustong mag-asawa ay madedetermina lamang kung ang mga lalaki ay marunong na
ng mangaso, magtayo ng bahay, magsaka, at iba pa; samantalang ang mga babae
naman ay kung marunong nang magluto, magtanim, at gumawa ng iba pang gawain
sa bahay.
Ang gawaing pag-aasawa at pagpapakasal ng isang babae at lalake ay hindi biro
at kailangan itong sumunod sa mga hakbang tulad ng mga sumusunod:
1. Pagdali-dali. Dito, ang lalaki ay kailangang bumisita o pumunta lagi sa bahay
ng babae.
2. Pagatud-atod. isang bahagi ito ng pamamanhikan na ang lalaki ay magdadala
ng mga pagkain sa bahay ng babae.
3. Pagkagon. Dito dadalhin na ng lalaki ang kanyang mga magulang upang
ipakilala sa pamilya ng babae at kaibigan. Sa panahong ito ay kailangan nang
pag-usapan ang sukat (dowry) ng babae.
Wika at Kultura sa Mapa yapang Lipunan
Panganganak
Sa pagbubuntis, ang Mandayang babae ay palaging hinahaplasan o pinapahiran ng
mga halamang gamot. Pagdating ng ikalimang buwan ay hinihilot ng manghihilot. Ang
mananabang din ay gumagamit ng mga tagal’lumo (mga bagay-bagay o halaman na
pinagsama-sama/pinaghalo-halo para panggamot). Kadalasan ay galing ito sa
panaginip o kaya’y itinuro ng kanilang abyan (espiritu). Ang iba naman ay pamana ng
pamilya, magulang, o kaya’y angkan.
Pagdidiriwang ng Kaarawan
Sa tradisyon ng mga Mandaya, ang pagdiriwang ng kaarawan ay hindi sinusunod.
Tanging bunong (bagong silang) lamang ang kanilang ipinagdiriwang.
Noong unang panahon, kapag may ipinanganak na sanggol, ang ama ay agad
magtatanim ng punongkahoy sa kanilang bakuran para maging kasabay ito sa paglaki
ng kanyang anak. Ang punongkahoy na itinanim ay magsisilbing tanda rin ng edad ng
157
Pananampalataya
May ritwal na ginagawa ang mga Mandaya bilang paraan ng kanilang pasasalamat
at paghingi ng kapatawaran sa mga nagawang kasalanan kay Magbabaya (God).
Ito ay kailangan upang suyuin ang masasamang espiritu upang hindi manggulo sa
mga tao. Pinaniniwalaan din ng mga Mandaya na habang nabubuhay pa ang tao dito
sa donya (sanlibutan) ay maraming mga manudyaay (tukso) ang maaaring maganap
kaya kinakausap at humihingi sila ng tulong sa mga espiritu. Ngunit ito’y hindi
nangangahulugang kanila na itong sinasamba.
Ang Mandaya ay lubusang naniniwala na ang lahat ng bagay ay talagang may
nagmamay-ari kaya, dapat lamang magbigay-galang o respeto gayundin ang
pagpaalam sa mga espiritu na naninirahan tulad ng nasa punongkahoy o ‘di kaya’y sa
ibang lugar.
Gamot
Sinasabi ng mga katutubong Mandaya na ang kagubatan ay nagsisilbi nilang
palengke at parmasiya sapagkat dito sila kumukuha ng kanilang pang-araw-araw na
158
Paniniwala sa Sakit
Kung may sakit ang tao, pinaniniwalaan nilang may masasamang espiritu na
sumanib, dumapo o ‘di kaya’y nakialam sa katawan nito. Marahil, dahil hindi niya
nirespeto o ‘di kaya’y nakaligtaan niyang magpaalam sa mga naninirahang espiritu sa
lugar na kanyang napuntahan. Kung ang lugar na iyon ay bawal puntahan, kailangang
tandaan at huwag talagang puntahan o lapitan upang walang masamang mangyari.
Pampaganda
Para sa tribong Mandaya, ang kagandahan ay makikita sa ugali lalong-lalo na
kapag ang babaeng Mandaya ay byagid o byabagid o ang ngipin nito ay pinutulan.
Ang mga babae ay dapat kompleto sa gamit, mula sa byatataan (embroidered blouse),
linangaw (kuwintas), balikog (hikaw), pamul’lang (set ng pulseras), kurbata (breast
cover made of beads) at iba pa.
Ang mga sangkap na kanilang ginagamit sa pagpapaganda ay kinukuha lamang
nila sa mga halaman at bulaklak na tumutubo sa kagubatan. Ito ay kanilang dinudurog,
pinipiga at ipinapahid sa kanilang mga mukha upang pumuti at mawala ang
taghiyawat.
Pagluluto
Ang pagluluto ng Mandaya ay di-pangkaraniwan. Ang lahat ay niluluto sa
kawayan. Kung bigas ang lulutuin ito ay tinatawag na yumbol’l. Gamit ang kawayan
ay babalutin ito ng dahon ng halamang bagikik. Ang karne, pasayan (malaking hipon),
kasili (igat), at iba pang ulam na niluluto sa kawayan ay tinatawag na lul’lut. Kung ang
isda o karne ay iihawin, ay tinatawag itong sinugba. Kung ito naman ay binalot sa
dahon ng saging at iihawin, ito naman ay tinatawag na bungos. Napakasarap nito kapag
kompleto sa katutubong mga sangkap kagaya ng dul’law (turmeric), kabuwayna,
sibuling (native na sibuyas na may dahon), luya, kalabo (oregano) at tanglad. Ang mga
sangkap na ito ay gamit din na mga gamot nila.
159
Mga Taboo
Ang mga sumusunod ay iilan lamang sa mga ipinagbabawal ng katutubong
Mandaya:
1. Bawal pagtawanan ang mga nakikitang hayop na nagtatalik baka kumulog at
kumidlat.
2. Bawal makipag-asawa ng kapamilya baka ang anak ay maging abnormal.
3. Bawal tumawa kapag may kulog at kidlat at baka ikaw ay kainin ng kidlat.
Konsepto sa Oras
Ang mga Mandaya ay may kakaibang konsepto o sinusunod na oras. Ito ay
naiihayag lamang sa pagmamasid sa araw, mga bituin at sa nakapaligid na mga hayop.
Ito talaga ang nagsisilbi nilang orasan. Halimbawa, kung ang araw ay nakasentro sa
gitna ng bahay, tanghali na. Kung maririnig ang unang tilaok ng manok (rooster) sa
madaling araw, ito ay nangangahulugang ala una na ng umaga. Kapag nagpapalitan na
160
Ikalawa, ang mandal’luman na tumutukoy sa mga tao. Dito sa mundo ay maraming
tukso. Kaya kailangan ng tao ang ritwal para kaibiganin o suyuin ang masasamang
espiritu upang hindi magalit sa tao.
Ang ikatlong leyer ay tinatawag na pagawanan, kung saan bahagi nito ang langit.
Sa langit naninirahan si Magbabaya (God). Ang naninirahan sa langit ay hindi na
kailangan kumain dahil ito ay napakasayang lugar at napakabango. Pinaniniwalaan
nila na ang bango ang siyang nagsisilbing pagkain ng mga naroroon.
166
Pinagmulan ng Kaamulan Festival
Ang selebrasyon ng piyesta sa Munisipalidad ng Malaybalay ang kauna-unahang
Kaamulan Festival na ginanap noong Mayo 15, 1974. Sa pagnanais na mapanatili ang
piyestang ito, ang bise-alkalde ay nag-isip na imbitahin ang mga taal na katutubo o
indigenous people na makisalo sa kanilang selebrasyon, at magtanghal ng ilang
etnikong sayaw sa kinikilala ngayong Rizal plaza. Hindi nila lubos maisip na ang
kauna-unahang okasyon ay naging popular dahil sa isang reporter ng Manila Times
na naging bisita ng bise-alkalde. Sinulat niya ang lahat ng nangyayari sa isang nasyunal
na magasin at dito nagsimula ang pagkilala sa Kaamulan. Ang festival ay pinagtibay
bilang rehiyunal na festival ng Hilagang bahaging Mindanao ng Regional
Development Council noong Setyembre 16, 1977.
Sa pagitan ng taong 1960 hanggang 1970, bawat indibidwal ay nagpunyaging
buuin ang selebrasyon bilang paggalang sa mga naging kontribusyon ng mga katutubo
ng Bukidnon lalo na sa kanilang kultura. Sa buwan ng Nobyembre 1977, pinangunahan
ng gobyernong probinsyal ng Bukidnon ang kauna-unahang Kaamulan Festival. Sa
taong 1978 hanggang 1998, ang Kaamulan ay napagkasunduang idaos tuwing unang
Biyernes ng Setyembre. Subalit noong 1999, ito ay inilipat sa kalagitnaan ng Pebrero
hanggang Marso, kasabay na rin sa selebrasyon ng pagkatatag o Foundation Day ng
Bukidnon. Ang kauna-unahang Kaamulan Off-Road Challenge at Kaamulan
Invitational Shootfest ay naidagdag na rin bilang isa sa pangunahing kaganapan ng
festival noong 2002. Mayroon ding pagpapakita ng mga kontemporaryong sining ng
Bukidnon na tinatawag na bansagen. Noong 2006, nagkaroon ng kaunaunahang
National Folklore Conference at pagsusulat ng katutubong awit para sa mga
estudyante.
167
168
169
Pangalawa, ang panagulilay, isang pagdarasal na nagaganap tuwing buwan ng Marso at humihingi kay
Magbabaya ng ulan para sa kanilang lupang sakahan. Dahil dito, nagiging masagana raw ang ani ng
kanilang mga pananim. Ang Salangsang ay isang seremonya rin sa paghingi ng pahintulot kay Magbabaya
na magtanim ng iba’t ibang halamang pagkain. Ang pang-ibabasok naman, ay pagsamba bago at
pagkatapos magtanim. Nangangailangan ng tatlong manok na kulay puti, pula at dilaw. Mayroon din silang
seremonyas ng panangga o proteksyon ng kanilang tanim na tinatawag na layag-layag. Ang ritwal na
170
tambol ay gawa sa hungkag na kahoy. Ito ay hugis bilog at silindro na may balat ng hayop tulad
ng kambing o baka na binanat at nilalagyan ng sacra sa itaas upang hindi matanggal ang
pagkakakapit nito. Ginagamit ito tuwing may festival at tinutugtug sa pamamagitan ng paghampas
sa dulo ng patpat na pantambol.
Ang bantola naman ay gawa sa kawayan na may nakahilerang linyang butas sa gitna na may isang
istring. Habang sumasayaw ang mga mananayaw ay pinaghahampas ito upang makabuo ng kakaibang
tunog. Ang saluray ay isang instrumetong katulad ng bantola ngunit. May walong kwerdas na siyang
nakalilikha ng tunog. Ginagamit din ito sa pagsasayaw tuwing may festival.
Ang kutyapi o kudyapi ay parang gitara na may mahabang leeg at may isa o dalawang kwerdas.
Kinakaskas ito upang tumaginting ang tunog na nililikha nito. Isinasabay rin ito sa pag-awit at pagsayaw
ng mga mananayaw. Ang kodlong ay tulad ng kutyapi ngunit mas malaki ang katawan nito at mahaba rin
ang leeg na katulad din ng gitara.
171
Ang lebpad ay isang uri rin ng tambol ngunit gawa ito sa manipis na kahoy. Tinatakpan ito ng katad o
balat ng hayop tulad ng usa.
Lahat ng mga instrumentong ito ay makikita sa Kaamulan Festival. Ito ang nagpapaiba sa tunog ng
ibang ritwal o selebrasyon ng Bukidnon dahil sa mga materyal na ginamit sa paggawa ng mga
instrumentong ito.
Etnikong Awitin
Pinakasikat na epiko sa Bukidnon ang Olaging. Isa itong katutubong epiko na may iba’t ibang berso.
Nilalaman ng epikong ito ang tungkol sa agrikultura ng Bukidnon.
Limbay ang tawag sa isang patulang awitin na pagpapahayag ng mang-aawit ng kanyang hinaing at
damdamin. Ang awitin naman na nagpapahiwatig ng panliligaw ay tinatawag na sala.
Ang awiting puro lamang sa aliwan ay tinatawag na nanangaon. Ito ay nag-iiwan ng magandang asal
at inaawit tuwing gabi o ‘di kaya’y tuwing nagbabalat ng mais, naghahabi ng banig at naglilinis ng ratan.
Nagreresulta ito sa maingay na katuwaan at kasayahan.
Mayroon ding pagbigkas sa mga salawikain o kasabihan ang Bukidnon. Tinatawag itong basahan na
ginaganap tuwing may paligsahan upang malaman kung sino ang magaling.
Wika at Kultura sa Mapa yapang Lipunan
172
binanog ay tipikal na sayaw ng tribung Talaandig na ginagaya ang galaw ng isang ibong kilala sa
tawag na banog. May sayaw rin ang kalalakihan at kababaihan ng Talaandig bilang pag-aaliw at pag-aalay
sa kanilang Diyos na si Magbabaya. Tinatawag itong tinambol. Ang saut naman na sinasayaw ng mga
lalaki lamang ay magpapakita ng pagiging eksperto nila sa iba’t-ibang estilo at sining ng pakikipaglaban.
Ang paggaya ng paglalakbay ng isang mangangaso ay tinatawag na sayaw pagadugsa.
Sayaw pang-aliw naman na pinapakita kung may pagtitipon at piyesta ang inagong. May sayaw rin
silang ginagawa na dapat ay marami ang makakakita nito at ipinapakita ang kanilang pamamalakad at
paraan ng pagtatanim, pag-aani at pagpapahangin ng palay. Tinatawag itong talupak. Ang paggaya sa
pagtatanim ng palay ay tinatawag din na tinagpi, samantalang ang sayaw naman ng mga mananayay ay
may hawak na poste o haligi bilang pandurog ng butil ng palay ay tinatawag na bubudsil.
Ang dugso ay isang ritwal na sayaw ng kababaihan tuwing may selebrasyong panrelihiyon. Ang
pagsasayaw ng mag-isa o solo ay tinatawag na pinagkabula. Ang binalanak na sayaw ay nangangahulugang
sosyal na sayaw.
173
Ang salibulan ay maliit na kahon na gawa sa ginto, pilak o bronse. Inilalagay sa loob ang mamâ at
ipinapasok sa loob ng kamiseta.
Ang iba pang mga kagamitan ng datu ay ang sangi, isang matulis na kutsilyong nakakurba na may
espesyal na artistikong sakuban na nakadikit sa kamiseta ng datu. Mayroon ding bari o bolo, kalasag o
taming, bangkaw o kalawit, baliug o kuwintas na gawa sa butyl o mga bead na pinaghalong kulay pula,
puti, itim, asul, at dilaw.
Ang panutod ay kilala sa tawag na tattoo. Ang mga datu ay mayroon nito sa iba’t ibang parte ng
katawan gamit ang itim na tinta.
Ang damit naman ng Bae ay blusang maaaring may guhit o imahen ng bulaklak o linsong tela lamang.
Mayroon ding linabian, ginontingan, at kinabukang disenyo ang damit niya.
Ang patadyong ay saya o palda na maaaring may guhit o simple lamang ngunit nangingibabaw ang
kulay pula, asul o puting kulay. Ang disenyo ay balon at pinalibutan mula sa dulong parte ng palda nito.
Ang head-dress o panika na isinusuot tuwing may festival ay yari sa katutubong materyal at himaymay
na sinulid o yarn. Karaniwang ang mga materyal ay mula sa patpat ng kawayan at balahibo ng manok. Ang
benoong ay isang lasong disenyo ng pinong tela. Ginagamit ito bilang dekorasyon tuwing may pagtitipon
at ilang espesyal na okasyon. Simbolo ito ng pagrespeto sa asawa ng kanilang datu.
Ang mga kagamitan at palamuti ng Bae ay ang balaring o kuwentas na gawa sa sinulid at butyl o mga
bead; Kapulan na maliit na kahon na gawa sa ginto, pilak o bronse at nilalagyan ng kanyang mga personal
na gamit tulad ng mama at iba pa; Lebad, ang maliit na buslo mula sa ratan na may palamuting bead,
butones, at buhok ng hayop na inilalagay sa gilid nito; songol, na pulang sinturon; Tacus na isang pulseras
sa bukong-bukong (anklet) at yari sa mga bead, at senibod naman kung yari sa kahoy; at Sonong, buslo
ng babae at bukala sa pulseras.
Ang mga kagamitan at palamuti ng bae o mga babae sa Bukidnon ay sumasalamin sa mayamang likas
na yaman. Dito lamang sa tribu ng Bukidnon o maging sa probinsyang ito makikita ang ganitong paraan
ng pananamit ng mga babae at mga lalaki. Kung makakikita ng ganitong damit at mga palamuti, makikilala
kaagad na ito ay Manobo o mula sa Bukidnon.
Sa mga maysakit na Mansaka, ang baylan ang tagagamot at tagapag-alaga nila. Karaniwang gamit nila
sa panggagamot ay iyong nakuha nila sa gubat at sapa. Naniniwala sila sa mga espiritung nakatira sa
kagubatan, lalo na sa puno ng balite.
Noong unang panahon, kapag may namatay na Mansaka, siya ay pinaglalamayan lamang ng dalawang
gabi, at sa pangatlong araw ang kanyang libing. Hindi rin nila ginagalaw ang paboritong pagkain o inumin
ng namatay ayon sa tagal ng pangako nila sa kanya kung hanggang kailan na hindi ito gagalawin. Iniiwasan
din nila ang mag-ingay tuwing dumadalaw sa puntod ng namatay. Ang bahay kung saan namatay ang
Mansaka ay kanilang sinusunog o ‘di kaya ay tinatanggalan ng dingding. Nililinis nila ang lugar ng namatay
at lumilipat sila sa bagong tirahan dahil sa paniniwalang hindi na maganda o mabuti ang bahay kapag
namatayan.
Para sa mga Mansaka, ang pag-aasawa ay isang bagay na pinaghahandaan at isinasaayos.
Paghahandaan ng binata ang iba’t ibang yugto tungo sa paglagay sa tahimik. Ang mga yugtong ito ay tagna
o pag-alam, mangusip o panunuyo, manubay o pagpapaabot at mamungad o mamanhikan. Sa yugto ng
pamamanhikan malalaman kung magkano ang gagastusin ng lalaki sa kasal.
May dalawang pagpipilian ang lalaki upang mapangasawa ang babae. Una, tumitira siya sa bahay ng
babae upang manilbihan nang sa ganoon wala na siyang dowry na ibibigay sa pamilya ng babae. At ang
pangalawa ay iyong hindi muna siya makakaakyat sa bahay ng babae kapag hindi siya makapagbibigay ng
halaga o bagay na tinatawag nilang saud sang gatas ng ina o sahud sa gatas ng inahan sa wikang Sebuano.
Ang ibibigay ng lalaki ay baboy para sa kasal at perang pambayad sa lahat ng kamag-anak ng babae.
Tinutumbasan din daw ito ng babae para hindi siya api-apihin ng lalaki.
176
Ayon sa mga antropolohista at arkiyolohista, ang mga Mamanwa ay sumusunod sa mga yapak ng
unang tao sa Pilipinas na dumating mula sa mga lugar ng Asia 50,000 taon na ang nakalilipas. Sila ang
pinakamatandang pangkat na naninirahan sa Pilipinas at pinangalawahan ng mga Aeta sa Luzon.
Wika at Kultura sa Mapa yapang Lipunan
Pag-aasawa
Karaniwan sa mga mag-aasawang Mamanwa ay may labintatlo hanggang labinganim na taong gulang
lamang. Hindi sila nag-aasawa ng kamag-anak. Minsan ang mga magulang ang nag-aayos ng kanilang pag-
aasawa. Ang lalaki ay humihingi ng tulong sa mga magulang niya upang mapuntahan ang tahanan ng babae.
Tinatawag nila itong pamadje. Ang mga magulang ng babae ay humihingi ng bogay o bride’s price sa
pamamagitan ng kawali, kaldero, gong, bolo, pera, at iba pa.
Ang seremonya sa pag-aasawa ay ganito: Ang dalawang ikakasal ay uupo sa sahig na malapit sa isa’t
isa na may kaharap na isang pinggan na puno ng bigas. Kukuha sila ng bigas, hahawakan iyon at ang
kabilang kamay ng lalaki ay hahawak sa kabilang kamay ng babae at sasabihin ng baranggay kapitan na
sila ay mag-asawa na. Ang pagkatapos ay ang tinatawag na kombite.
177
Ang pag-aasawa sa mga Mamanwa ay monogamous o isa lamang ang asawa dahil sa hindi nila kayang
buhayin ang maraming asawa.