You are on page 1of 6

ANG MGA LUMAD SA MINDANAO

3.1 – ANG MGA B’LAAN


● Sakop ng mga Indonesian na nanirahan at dumating sa Pilipinas 5,000-6,000 taon na ang
nakaraan.
● Mayroon silang pagkakatulad sa sistema ng ponemang patinig ng mga Javanese sa Java.
Parehas silang may 7 vowels.
● Mas gugustuhin ng mga B’laan na tawagin silang B’laan kaysa Bi-la-an dahil para sa
kanila ito’y nangangahulugang malandi.
● Ang “Bila” ay nangangahulugang kaibigian.
● Ang mga B’laan ay mga tao sa bundok. Karaniwan silang nakatira a matataas na bahagi
ng mga bulubundukin sa North Cotabato, Davao, at Saranggani Islands. May ilan na
nakatira sa Lake Buluan at malapit sa mga dalampasigan ng Davao.

Politikal na pamumuhay
● Bago dumating ang mga Kristiyano, ang politikal na teritoryo ng mga B’laan ay nahahti
sa maliliit na baryo. Pinangungunahan ito ng datu o village chief na ang tawag nila ay
fulong.
● Fulong
- Pinakamatanda at pinakamaalam sa baryo na itinuturing na may kaya sa buhay.
- Hindi dumadaan sa pormal na pagpili.
- Maaaring mag-asawa ng higit sa isa hanggang kaya niyang suportahan.
- Itinuturing siyang pinuno, tagapagsanggalang, tagapamagitan, at tagapagbigay ng solusyon sa
mga suliranin.
- May awtoridad sa pagpapatupad ng batas at hustisya, at tagapag-ugnay sa iba pang fulong.

Buhay ng mga B’laan


● Ang pangunahing ikinabubuhay ng mga B’laan ay pagkakaingin, o inigo sa kanilang
wika.
● May dalawang magkasalungat na paliwanag tungkol sa relasyon sa lupa ng mga B’laan.
1. Ang kaingin ay resulta ng paraan ng pamumuhay ng B’laan na palipat-lipat ng lugar
dahil iniisip nilang hindi kailangan ng permanenteng lupa para sa kabuhayan.
2. Dahil sa kalikasan ng kaingin kaya napipilitang lumipat ng lokasyon ang mga B’laan
at bumabalik sila kung maayos na ang lupa na kadalasan ay pagkatapos ng isang taon.
Palay at mais ang unang itinatanim pagkatapos ay kamote at iba pang pananim.

Pagdating ng mga Kristiyano


● Ang pagdating ng mga Kristiyano ay nagbunsod sa pag-iwan ng mga B’laan sa kanilang
minanang lupa.
● Ang lupa ay inangkin na ng mga nandarayuhang pamilya.
● Ang pagkakaingin ay itinigil na ng karamihan sa mga B’laan.
● Karamihan ay naging tenant o nangungupahan na lamang at ang iba naman ay naging
katulong ng mga Kristiyano.

Paniniwala
● D’wata (God) - itinuturing na Mele (planter) ng Langit (heaven) at Tana (earth) at lahat
ng bagay sa daigdig
● May tinagurian din silang L’nilong (fairies) na mas mababa sa D’wata. Ang kalikasan ay
ipinagkatiwala sa kanila upang pangalagaan. Hindi sila manlilikha sapagkat tanging ang
D’wata lamang ang manlilikha. Sila’y karaniwang tinatawag na M’ fun Mahin (owner of
the sea), M’ fun D’lag (owner of the forest).
● Para sa kanila ang lupa ay likha ng Panginoon at hindi maaaring ariin ng sinumang
nilalang. Kung hindi, sisirain ni M’ fun Tana ang lupa sa pamamagitan ng lindol o
pagguho at pagkawasak.
● Kaya’t sinasaka ng mga B’laan ang lupa sa loob ng isang taon. Ang pagtatanim ng palay
na tumatagal ng limang buwan (Mayo-Oktubre), samantalang sa susunod na limang
buwan naman ang sa kamote (Nobyembre-Marso).
● Pagkatapos nito ibabalik ng mga B’laan ang lupa sa komunidad at lilipat ng ibang
lokasyon upang isagawa ulit ang pagtatanim.
● Tinatayang 40% ng mga B’laan ay naging Kristiyano.

Bahay ng mga B’laan


● May taas na anim hanggang sampung pulgada mula sa lupa at may hagdan na binubuo ng
tatlong baytang
● Yari sa ipil-ipil o gemilina ang haligi ng bahay.
● Ang dingding ay yari sa kawayan at kogon naman ang ginamit na pang-atip.
● May isang kuwarto lamang ang bahay ng mga B’laan. Iisa ang nagsisilbing kusina at sala
nito.
● Nakasabit sa mga dingding ang mga sandata na gawa sa kahoy.
● Ang silong ng bahay ay nagsisilbing kulungan ng mga alagang hayop tulad ng manok,
pato, at kambing

Kasuotan
● Parehong nagsusuot ng tela na yari sa abaka ang kasuotang pantaas ng mga B’laang
babae at lalake.
● Ang mga blusa ng mga babae ay napapalamutian ng mga makikinang na mga materyales
tulad ng mga beads at mga butones.
● Ang mga dyaket ng mga lalaki ay di-gaanong burdado.

3.2 – ANG MANDAYA: WIKA AT KULTURA NG SANGAB, CARAGA, DAVAO


ORIENTAL

Ang Mandaya
● Isang tribu ng Davao Oriental. Partikular sa Sangab, sa Munisipalidad ng Caraga, Brgy.
Pichon, Davao Oriental.
● Sa Brgy. Pichon, kapansin-pansing nananatili pa rin ang kanilang katutubong
pamamaraan.
● Ang katagang Mandaya ay nagmula sa salitang “man” (tao) at “daya” ( itaas na bahagi ng
ilog). Kaya ang Mandaya ay tinatawag sa Ingles na Inhabitants of the Uplands.
● Karaniwang naninirahan sa bulubunduking bahagi ng Katimugang Mindanao sa Davao
del Norte, Compostela Valley province, Agusan del Sur, at Davao Oriental. Sa Davao
Oriental ang may pinakamaraming populasyon ng mga Mandaya.

Sangab
● Matatagpuan sa Silangang bahagi ng Mindanao sa lalawigan ng Davao Oriental, sa
munisipalidad ng Caraga, ng Barangay Pichon.
● Mula sa poblasyon ng Caraga, may apatnapung (40) kilometro ang layo at may isang libo
at dalawang daan (1,200) na talampakan ang taas mula sa dagat ang Sangab.
● Umaabot ng hanggang isang libong piso ang pamasahe ang pagpunta dito sa motorsiklo
na tinatawag na habal-habal.
● Tanging motorsiklo lamang ang sasakyang pampasahero para makarating lamang sa
tuktok ng Sangab.
● Kung may marami na silang produktong abaka, mais, at mga gulay na ibebenta sa bayan
ay hinahakot ito ng sadam na isang uri ng sasakyan tulad ng dump truck.
● Dito, lubos nilang napapanatili ang kasuotan nilang Mandaya, gayundin ang paghahabi
nito na tinatawag nilang dagmay, isang hinabing telang mula sa abaka.
● Isang lugar na tahimik, walang nagsasalimbayang mga sasakyan, malayo sa polusyon, at
walang gulo.
● Walang sinumang makapapasok sa nasabing lugar (Sangab) kung walang pahintulot ang
kanilang tinaguriang datu o tribal chieftain.

Kultura (Paniniwala at Gawi)


● Hindi rin masasabing malayo sa kabihasnan ang lugar dahil nakikita na rito ang bunga ng
teknolohiya
● Nariyan ang mga Mangkatadong (council of elders), na nagsusumikap sa pagpapaalala
sa mga kabataang produkto ng bagong henerasyon kung ano ang katanggap-tanggap sa
kanilang lipunan.
● Ang mga Mandaya ay walang kaibahan sa ibang grupo sa kanilang sosyal na gawain at sa
kanilang pananampalataya.
● Nakasanayan ng mga Mandaya na bago magsimula sa anumang mga gawain ay dapat
manawagan o manalangin sa Panginoon. Kailangan muna nilang magpaalam at
manawagtawag (prayer offering) sa may-ari.
● Naniniwala ang mga Mandaya, na ang tao at lahat ng bagay dito sa lupa at sa langit pati
na ang mga bagay na hindi nakikita ng tao ay may nagmamay-aari.
● Ang salitang Magbabaya ay galing sa salitang ugat na baya na ang ibig sabihin ay
walang pinagmulan at walang katapusan.
● Bago nakapagsagawa ng pananaliksik, kinailangan munang magsagawa ng
panawagtawag ang balyaang priestess at lokal na manggagamot at isa sa mga naging
importante.
● Ayon din sa kanila, ang pagbibigay ng kaalaman o transfer of knowledge lalong-lalo na
kung ito ay may kinalaman sa panggagamot ay mahigpit na ipinagbabawal.
● Para sa kanila, baka ito ay dida magtugo (mawalan ng bisa o kaya’y saysay) dahil
kanilang pinaniniwalaan na ipinagkaloob ito sa kanila ng kanilang abyan (espiritu).
● Sa pagsasagawa ng panawagtawag, ang balyan ay gumagamit ng inuming mallorca, sa
halip na byais (local fermented wine).
● Sa isinagawang panawagtawag, lahat ng mga mananaliksik ay pinapainom din bilang
tanda ng isang mabuting pangtanggap sa kanila o bilang pakikisundo at pagbati.

Pagpapakasal at Pag-aasawa
● Ang pag-aasawa ay isang paraan lamang ng mga Mandaya upang masunod ang
kayamanan o pamana ng mga magulang.
● Sa mga babae naman, pinapaburan nila ito kung siya ay gimbubayan—ibig sabihin ay
babaeng marunong gumawa ng mga gawain ng lalaki, gaya ng pangangaso.
● Sila ay naniniwala na kung biologically fit na ang mga ito ay pwede na mag-asawa ang
babae at lalaking mandaya.
● Ang gustong mag-asawa ay madedetermina lamang kung ang mga lalaki ay marunong na
ng mangaso, magtayo ng bahay, magsaka, at iba pa; samantalang ang mga babae naman
ay kung marunong nang magluto, magtanim, at gumawa ng iba pang gawain sa bahay.
● Ang gawaing pag-aasawa at pagpapakasal ng isang babae at lalake ay hindi biro at
kailangan itong sumunod sa mga hakbang tulad ng mga sumusunod:
1. Pagdali-dali. Dito, ang lalaki ay kailangang bumisita o pumunta lagi sa bahay ng
babae.
2. Pagatud-atod. isang bahagi ito ng pamamanhikan na ang lalaki ay magdadala ng
mga pagkain sa bahay ng babae.
3. Pagkagon. Dito dadalhin na ng lalaki ang kanyang mga magulang upang ipakilala sa
pamilya ng babae at kaibigan. Sa panahong ito ay kailangan nang pag-usapan ang
sukat (dowry) ng babae.
4. Pagtawas. Tumutulong na sa mga gawain ang lalaki sa pamilya ng babae.
5. Pagbutang ng sukat. Dito susubukin ang kakayahan ng lalaki ng pamilya ng babae.
Sa pagsubok na ito, ang mga magulang ng babae ay magpapahayag ng kanilang mga
kahilingan (sukat). Ito ay isang pagsubok na kapag matugunan ng lalaki ang
kahilingan ng mga magulang, nangangahulugan itong kaya nang buhayin o
suportahan ng lalaki ang babae
6. Pag-ol’lonan. Ang lalaki ay magbibigay sa babae ng regalo (remembrance) na
sasaksihan ng mga magulang at kaibigan ng dalawang panig.
7. Pagtutuonan. Ito ang panahon ng kasalan. Isa itong seremonya na lahat ng tao sa
pamayanan ay imbitado. Ito ay gagawin sa bahay ng babae. Aanyayahan din ang mga
mangkatadong (council of leaders) at balyan. Ang babae ay papayuhan ng kanyang
ina at ang lalaki naman ay papayuhan ng mga mangkatadong at balyan at iba pang
respetado sa pamilya. Pagkatapos ng mga payo ay susunod ang pagdarasal ng balyan
at idedeklara na ang kanilang pagsasama. Susunod na rito ang salo-salo.
Unang-unang pagsisilbihan ang bagong kasal. Bibigyan ng kanin at byais. Sumunod
ang mga mangkatadong, balyan, mga magulang, at ibang mga panauhing dumalo.
Magkakaroon din ng sayawan, inuman, at kantahan.
8. Pagdudul’logan. Pagkatapos ng kasal, ang lalaki ay uuwi sa kanilang bahay at iiwan
ang babae sa mga magulang. Makalipas ang tatlong (3) araw, pwede na silang
magsiping sa bahay ng babae sa isang gabi lamang. Mayroon na namang kainan na
ihahanda para sa mga kaibigan na hindi nakadalo sa pagtutuonan (kasal)
9. Pagdadal’laan. Ito ang katapusang proseso ng pag-aasawa kung saan ang babae ay
dadalhin na sa bahay ng lalaki.
“KAAMULAN FESTIVAL: ISANG TAUNANG SELEBRASYON SA PROBINSYA NG
BUKIDNON”

● Ang Kaamulan Festival ay maituturing na kaisa-isang piyestang etniko ng


Pilipinas na kasabay rin sa araw ng pagkatatag ng Bukidnon noong 1917 at
inaantabayanan ng lahat
● Bawat taon, tuwing buwan ng Marso, ang Bukidnon, bilang sentro ng pinyahan sa
Pilipinas, ay nagdiriwang ng Kaamulan Festival. Ito ay Pistang etnikongkultural.
● Ang katawagang Kaamulan ay mula sa wikang Binukid na amul na nangangahulugang
“lipunang pagtitipon.” Ito rin ay nangangahulugang ritwal ng mga datu tulad ng
seremonya sa kasal, piyesta ng pasasalamat gaya ng pag-aani, kasunduang
pangkapayapaan, at iba pa.
● Tampok sa piyesta ang iba’t ibang exhibit tulad ng mga halamang doon lang makikita,
trade fair, iba’t ibang putahe, mga bazaar, live stock show, agri fair, Motorcross,
paligsahan ng off-road, mga isports, karerahan ng mga kabayo o horse radeo, amatyur na
boksing, invitational basketball tournament, adventure races, mga konsyerto, at
pagsasayaw sa daan o street dancing at mga magagarang float ng bawat tribung
inirerepresenta nito
● Ginaganap ito sa Siyudad ng Malaybalay na at ipinagdiriwang ng pitong etnikong tribu:
Bukidnon, Higaunon, Talaandig, Manobo, Matigsalug, Tigwahanon, at Umayamnon.
● Sa kasalukuyan, ang Kaamulan ay umuunlad habang dumaraan ang panahon—hindi
lamang ang etnikong tribu ng Bukidnon, kundi pati na rin ang kanilang mga produktong
iniluluwas at lokal na establisamento ng buong probinsya

PINAGMULAN NG KAAMULAN FESTIVAL

● Ang selebrasyon ng piyesta sa Munisipalidad ng Malaybalay ang kauna-unahang


Kaamulan Festival na ginanap noong Mayo 15, 1974. Sa pagnanais na mapanatili ang
piyestang ito, ang bise-alkalde ay nag-isip na imbitahin ang mga taal na katutubo o
indigenous people na makisalo sa kanilang selebrasyon, at magtanghal ng ilang etnikong
sayaw sa kinikilala ngayong Rizal plaza. Hindi nila lubos maisip na ang kauna-unahang
okasyon ay naging popular dahil sa isang reporter ng Manila Times na naging bisita ng
bise-alkalde. Sinulat niya ang lahat ng nangyayri sa isang nasyunal na magasin at dito
nagsimula ang pagkilala sa kaamulan festival.
● Sa taong 1978 hanggang 1998, ang Kaamulan ay napagkasunduang idaos tuwing unang
Biyernes ng Setyembre. Subalit noong 1999, ito ay inilipat sa kalagitnaan ng Pebrero
hanggang Marso, kasabay na rin sa selebrasyon ng pagkatatag o Foundation Day ng
Bukidnon.

ANG MGA KULTURAL NA GRUPONG KASAPI SA KAAMULAN FESTIVAL

1. Ang mga Manobo. Nabibilang sa orihinal na proto-Philippines stock ang mga taong
Bukidnon. Kahit na ang grupo ng Bukidnon ay watak-watak, nangingibabaw pa rin ang
iisang tradisyon ng bawat grupo.
2. Ang terminong Higaunon ay nangangahulagang people of the wilderness. Hindi lamang
sa probinsya ng Bukidnon ang kanilang tirahan kundi pati na rin sa Agusan del Sur at
hangganan ng Misamis Oriental. sa Bukidnon, ang principal na pinuno na may maraming
angkan ang namamahala sa buong komunidad. sa Ilalim ng pinuno ay ang mga menor na
datu na nagsisilbing tagabantay ng buong komunidad. Responsibilidad ng pinuno ang
tagapamalaad lamang.
3. Matigsalug ay grupo ng Bukidnon na makikita sa lambak ng Tigwa-Salug, San
Fernando. Nangangahulugang “mga Tao sa Ilog ng Salug” ang Matigsalug. Ang mg
akalalakihan ay nakasuot ng maikling-masikip na pantalon hanggang sa tuhod lamang at
tinuping turbante o telang pamugong sa ulo na may maraming plamuti tulad ng butyl o
beads na may buhok ng kambing o kabayo. Tinatayang mahigit sa 146,500 ang
populasyon ng matigsalug.
4. Isa sa nagpapatuloy at nagpepreserba ng kanilang katutubong kaugalian, paniniwala at
praktis ay ang tribong Talaandig kahit na sa malakas na pagpasok ng modernisasyon at
pagbabago. Ang tinatanyang populasyon ng Talaandig ay mahigit na isandaang libo. Ang
pinaniniwalaang Diyos ng mga Talaandig ay tinatawag nilang Magbabaya.
Pinaniniwalaan nila itong pumuproktekta ng kanilang kalikasan na makikita sa sosyal,
pulitikal, at pangkabuhayan na aspeto ng kanilang buhay.
5. Watak-watak sa buong Munisipalidad ng San Fernando at hangganan ng Davao del Norte
ang Tigwa o Tigwahanon. Ang ibig salitang Tigwahanon ay mula sa salitang guwa o
scattered sa Ingles at mula sa ilog ng Tigwa na kung saan sila nakatira. Sa kasalukuyan,
ang mga Tigwahanon ng Agusan Del Norte, Bukidnon, Agusan del Sur at Misamis
Oriental ay umaabot na sa bilang na 36,128 ang populasyon.
6. Ang Umayamnon ay nakatira sa may ilog ng Umaran sa Probinsya ng Bukidnon. Kilala
ang tribong ito sa kanilang pagkamahinhin, matatag kung magdesisyon at eksperto sa
gubat. Makikilala sila dahil sa kanilang katamtamang kulay ng balat, katamtamang
tangkad, at sa kanilang prominenteng panga at buto sa dakong itaas ng pisngi o
cheekbone. Gumagawa sila ng mga butyl o beadworks bilang palamuti sa katawan tulad
ng ginakit at inaboy o kwintas, suning o handbag ng lalaki, at binuklad o pulseras. Ang
populasyon nila ay aabot sa 101,906.

SANGGUNIAN
Hufana, N. L., et. al (2018). Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan (pp. 43-54). Mutya Publishing
House Inc.

You might also like