You are on page 1of 15

CANUBIDA, KRISTIE

BONGCAYAO, LUZEL MAE


CABULAY, JOAN JOY
ALCIDO, SOPHIA
CANOY, ALEXANDRA

BACHELOR OF SCIENCE IN BUSINESS ADMINISTRATION MAJOR IN HUMAN


RESOURCE MANAGEMENT
HRM2 – B

VILLADOLID, MARILYN
INTRODUKSYON

Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa katutubong Bagobo dito sa bansang pilipinas. Makikita
dito kung ano ang pinagmulan ng katutubong ito. Ang mga Bagobo ang sinasabing unang
nakatagpo sa mga Kastila pero bigo ang mga Kastila na sakupin ang mga Bagobo. Naninirahan
sila sa Davao at kilala sila sa kulay mais na buhok na inilalagay sa kanilang ulo. Ang “Bagobo”
ay nagmula sa salitang “bago” (new) at “obo”(growth). Ito ay isang tribo na kung saan ang
pinagmulan ay nag-ugat sa mga taong nagdala ng Hinduismo sa Mindanao sa panahon ng
pananakop ng Imperyong Sri Vijayan at Majapahit. Ang mga dayuhang ito ay nakihalubilo sa
mga taong dati nang nakatira roon hanggang sa sila'y makabuo ng isang panibagong lipunan. At,
sila nga'y tinawag na Bagobo na sa madaling sabi ay nangangahulugang pagsibol ng bagong
lipunan.
Katawan ng Pananaliksik 
Ang nilalaman ng katawan ng pananakiksik ay ang kultura ng mga Bagobo tulad ng wika,
pananalita, paniniwala, pananamit, tirahan, hanapbuhay, tradisyon, at katangian na meron sila.
Dito natin malalaman kung ano talaga sila bilang mga bagobo.
Wika
Kláta ay ang wikang sinasalita ng grupong Bagóbo Kláta o Bagóbo Tagabáwa na matatagpuan sa
lalawigan ng Davao del Sur, partikular sa mga distrito ng Calinan at Tugbok sa Lungsod Davao.
Bukod sa kanilang katutubong wika, nakapagsasalita rin ang mga Bagóbo Kláta ng Binisayâng
Mindanáw na rehiyonal na wika sa kanilang lugar. Sa katunayan, nahahaluan na ng Binisayâng
Mindanáw ang wikang Kláta na nakagisnan ng mga katutubo. Nababawasan na rin ang bílang ng
mga nagsasalita ng wikang ito dahil sa pagpili ng mga katutubo na gamítin ang mas
maimpluwensiyang wika sa kanilang rehiyon.
Pananalita
Ang mga katutubong Bagobo ay may tatlong pananalita tulad ng Klata,Tagabawa, at Giangan.
Paniniwala
Naniniwala sila sa mga makapangyarihang nilalang na nakatira sa kalangitan, at Diyos at Diyosa
o mga diwata na may makapangyarihan magbigay ng mga kaparusahan at kamatayan sa mga
taong nagkasala. 
Pananamit
Ang mga Bagobo ay kilala sa kanilang maliliit na mga bells na nakakabit sa kanilang kasuotan
na karaniwang gawa sa abaka na dinisenyuhan ng mga makukulay na tela at mga beads. Ginawa
nilang inspirasyon ang mga nakikita nila sa kanilang kapaligiran sa paggawa ng kanilang
kasuotan.
Sa Lalaki - ang kanilang sinusuot pang itaas upper class ay dyaket na may maikling manggas
may basehan. Itim ang kanilang mga mata na may bahagyang pagkasingkit. Ito ay sinadyang
Malaki ang yari upang kumasya saparehong babae o lalaking magsusuot. Sa Babae naman ay
magkapareha lang sa lalaki ang disenyo pero may kaibahan lang sila sa pang ibaba dahil
nagsusuot an mga babaeng Bagobo ng mahabang saya. Ang kanilang kasuotan ay tinatawag na
"Lumad"
Tradisyon
• Nasanayan na nga mga Bagobo ang pagamit ng mga instrumento at pagsasayaw tuwing may
okasyon o pagdiriwang. 
• Sa pagkasal ay kailangang magbigay ng dowry ang pamilya ng lalaki sa babaeng pakakasalan.
• Ang mga magulang ang nagdedesisyon kung sino ang mapapakasalan ng kanilang anak.
• Mga lalaki lamang ang nagdedesisyon para sa pamilya.
• Mas mahalaga ang mga lalaki kaysa sa mga babae. 
• Pinapahalaghan ang pagtulong sa kapwa.
• Pinapahalagahan ang pagkakabuklod-buklod ng magkakamag-anak.
• Ang pagkakaroon ng kapangyarihan ay mayroong kaakibat na responsibilidad.
Hanapbuhay 
Ang kanilang mga hanapbuhay ay pagsasaka, paghahabi ng abaka, paggawa ng damit, paggawa
ng basket, palamuti sa katawan, at paghahabi ng tela.
Katangian
Ang mga Bagobo ay may malalapad na mukha, kayumangging balat, at itim na buhok na may
pagkakulot. Ang kanilang mga mata ay malaki ng konti at ang kanilang kilay ay manipis ang
pagkakaahit. Ang karaniwang taas ng mga lalaking Bagobo ay 5'3” habang ang mga babae
naman ay 5'0”. Pango ang kanilang ilong at may mabibilog at itim na mga mata.
KONKLUSYON

Ipinapahiwatig ng pananaliksik na ito na ang bagobo ay ang unang tribong nakatagpo sa mga
Kastila ito rin ang pinagmulan ng Hinduismo sa Mindanao sa panahon ng pananakop ng
Imperyong Sri Vijayan at Majapahit, kaya tinawag silang bagobo dahil sa kahulugan nitong
pagsibol ng bagong lipunan, ang mga bagobo ay may tatlong pananalita ito ang Kláta,
Tagabawa, at Giangan, ang wikang kláta ay isang wikang Austronesian ng timog Pilipinas. Ito ay
sinasalita sa silangang dalisdis ng Mount Apo sa Davao del Sur, at marunong din silang gumamit
ng Binisayâng Mindanáw na rehiyonal na wika sa kanilang lugar. Naniniwala din sila sa mga
makapangyarihang nilalang na nakatira sa kalangitan at sa Diyos at Diyosa o mga diwata na may
makapangyarihan magbigay ng mga kaparusahan at kamatayan sa mga taong nagkasala. Kilala
din sila sa kanilang maliliit na mga bells na nakakabit sa kanilang kasuotan, tinatawag ang
kanilang kasuotan na “Lumad”, Marami din silang tradisyon na naiiba sa ating mga nakasanayan
isa na rito ang tradisyon na kung saan mga magulang ang nagdedesisyon kung sino ang
mapapakasalan ng kanilang anak. Tulad din ng ating mga hanapbuhay hindi rin naiiba ang
kanilang mga hanapbuhay tulad ng pagsasaka, paghahabi ng abaka, paggawa ng damit,
paggawa ng basket, palamuti sa katawan, at paghahabi ng tela. Sila ay makikilala din natin na
may malalapad na mukha, pango na ilong, mabibilog at itim na mata, kayumangging balat, at
itim na buhok na may pagkakulot, karaniwang taas nila sa lalaki ay nasa 5’3 habang ang babae
ay 5’0.

You might also like