Decir, Rivendel Ang pangkat na Badjao ay naninirahan sa Sulu, sa mga bayan ng Bangas, Bus-bus, Parang, Pata,Tapul, Lugus, Maubu, Tanjung, Maimbung, Karungdung at Talipaw. Tinatawag din silang Luaan, Lutaos,Bajau, Orang Laut, Pala'u at Samal Pal'u. Samal ang kanilang wika. Ang mga Badjao ay isang grupo ng mga taong naninirahan sa kayamanan ng dagat gamit ang kaalamang nagpasalin- salin sa kanilang mga ninuno. Isang ritwal ngdiumano'y pagtanggap sa lipi ng mga Badjao, ang pagtapon ng bagong panganak sa malamin na dagat at muling pag-ahon ngmga nakatatandang mga lalaki sa sanggol. Magkaibang-magkaiba ang kostumbre ng dalawang tribung kaagtas sa buhay. Ang mga Tausog ay hambog, tila sila na ang nakaaangat sa mga Badjao, sapagkat sila ay may paniniwala at tapang. Kahawig ng mga Samal ang kanilang kultura. May haka-hakang sila at ang mga Samal ay isang pangkatna nagmula sa Johore sa dakong timog ng pinensulang Malaya.Nakatira sila sa mga bangkang-bahay. Isang pamilya na may myembrong 2-13 miyembro ang maaaring tumira sa bangkang-bahay. Pangingisda ang pangunahin nilang hanapbuhay. Gumagawa rin sila ng mga vinta at mga gamit sapangingisda tulad ng lambat at bitag. Ang mga kababaihan ay naghahabi ng mga banig na may iba’t-ibang uri ng makukulay na disenyo. Magaling din silang sumisid ng perlas.Dahil malapit sa Tausug, karamihan sa kanila ay Muslim. Gayunpaman, naniniwala pa rin silasa, Umboh o kaluluwa ng kanilang mga ninuno. Kung tutuusin, ang panglilimos ay hindi naman kaugalian ng mga Badjao, kinailangan lamang na gawin nila ito upang mabuhay, hindi man kinasanayan ang buhay na wala sa gitna ng karagatan pinipilit na gawing normal ang kanilang buhay. Dahil sa kakulangan ng kaalaman sa pamumuhay malayo sa karagatan panlilimos ang kanilang naging solusyon at naging pinakapangunahing ikabubuhay sa lungsod mairaos lamang ang pangaraw-araw na pamumuhay. Delikado man sa kanilang buhay, pero ito na ang kadalasang sitwasyon na makikita mo sa bawat Badjao na nandito sa Maynila at kong saan mang lugar. Sumasampa sa mga jeep, nangangaroling at umaasa sa kaunting barya o pag-kain na pwedeng maiabot sa kanila. Kung hindi sila kinaawaan, sila’y kinatatakutan at pinandidirihan ng mga tao. Hanggang kailan magiging ganito ang sitwasyon ng mga Badjao? Kailan maririnig ang kanilang mga tinig upang mabigyan ng pansin at maialis sa sitwasyong kanilang kinasadlakan? Kung sana ay nabigyan sila ng proteksyon sa karagatan na kanilang tinitirhan, hindi na sana sila nakarating pa dito sa kamaynilaan at nasadlak pa sa mas matinding hirap ng buhay.
Paniniwala ng mga badjao:
bawat simbahan sa kanilang lugar ay dapat na mayroong mosque official. Hindi dapat na mawalan ng Imam, ang nangunguna sa pagdarasal, Bilal, ang tumatawag at nagpapasimula ng pagdarasal, at Hatib, ang nagsasagawa ng pagbasa tuwing araw ng biyernes. pagkilala sa kanilang panginoon at pagkakaroon ng karunungan ay ang pinakamabisang daan sa pagkakaroon ng magandang buhay sa hinarap. Sa kanilang pagpapahalaga sa kanilangbpanginoong Mohammed, binibigyan nila ng karangalan ang mga salip nito. ang mga espirito ng patay ay pinananatili sa isang libingan at tuwing panahon ng Shaaban, ang mga kaluluwa ay pinapayagan ng kanilang panginoon na bumalik sa ating mundo. Bilang pag-salubong, ang mga tao ay nililinis ang mga libingan at nagsasagawa ng pagdarasal. ang kanilang pinagmulan ay mga dugong bughaw kung kaya’t ang kanilang mga kasuotan ay makukula, naniniwala din sila na ang mga patay ay kayang makipag-usap sa mga buhay sa pamamagitan ng ritual ceremonies of celebration, worship, and exorcism.
Tradisyon ng mga badjao:
Ang kasal ay tumatagal ng tatlong araw na sayawan, kainan, at pagsasaya na buong bayan ay kasama, ang pag-paplano ng kasal ay dapat na pagkatapos ng ikatlong dalaw ng babae. Dapat din na mas matanda ng isang taon o higit pa ang lalaking mapapangasawa, and pagpapatuli ay hindi lamang para sa mga lalaki kung hindi para rin sa mga babae, ang Panday, babae o lalaking nag-gagamot, ay tinatawag para sa pag-papaanak, pag-gagamot ng nalaglagang ina, pagbibigay ng gamot para sa pagpapalaglag, at para sa pagtutuli sa mga babae.
Ang tradisyonal na pagkain ng mga Badjao:
Panggi at isda. Ang kanin ay inihahain lamang sa hapag bilang panghimagas o ‘di kaya ay tuwing mayroong espesyal na okasyon. Walang almusal, tanghalian, merienda, at gabihan sa mga Badjao. Kumakain sila kung kailan nila gusto at kung kailan sila may pagkain. Ang pananamit ng mga badjao: makukukay at kaakit akit tignan. Ang tradisyonal na suot mga lalaki ay may mga saplot sa kanilang ulo at may makukulay na damit. Sa mga babae naman ay may mga perlas sila na kanilang gawa sa kanilang ulo na kanilang tinuturing palamuti sa kanilang mga katawan. Makukulay din ang kanilang mga suot tulad ng mga sa lalaki. May iba naman sa kanila na hindi nakasuot ng kanilang tradisyonal na pananamit.
Wika ng mga badjao:
Sinama ang tawag ng mga Badjao sa kanilang wika, na diyalekto ng wikang Samal. Ang iba nama’y Badjau, Badjaw, o Badjao ang tawag sa kanilang wika upang maiba sa salitang ginagamit ng mga Samal na naninirahan sa lupa. Ipinagpapalagay ng ilan na ang Badjao ay katulad ng maliit na pangkat ng mga Samal laut (mga Samal na naninirahan sa dagat) o Samal tonqongan (totoong Samal.) Gayunpaman, itinuturing ni blumentritt(1892) na ang Samal Laut at Badjao ay dalawang magkaibang grupo. Unang dumating ang mga Samal Laut bago ang mga Badjao at nanirahan sila sa kapuluan ng Samales na matatagpuan sa pagitan ng Jolao at Basilan. Naiiba sila sa Samal de Lea o Samal Dea o Samal Lipid(mga Samal na naninirahan sa lupa) o Samal ha Gimba( Samal sa Kagubatan) na Samal o Sama sa simpleng katawagan. Tinatawag na Luwaan(tagalabas o itinakwil) ng mga Tausug ang mga Badjau at Palau (lumulutang na mga tao) kung saan nagmula ang pangalan ng isla ng Palawan. Ang saliatang Palau ay ibang katawagan sa Paraw (Bangka). Pinangangalanan din silang Kuto Dagat o Kuto Tahik ( mgakuto ng dagat) ng mga Tausug at Samal, Gayunpaman, sinasabi ng mga Badjao na sila ay mga Samal o Sama (nimmo 1968).
Maniniwala ba kayo kung sa pagbabasa ng blog na ito ay malalaman ninyong mayroon pa palang mga taong namumuhay sa liblib na lugar tulad ng kweba at nananatiling tapat sa mga sinaunang mga gawi ng ating mga ninuno.docx