You are on page 1of 12

LET'S TALK ABOUT

BADJAO
badjao
Ang pangkat na Badjao ay
naninirahan sa Sulu, sa mga bayan ng
Maubu, Bus-bus, Tanjung,
Pata,Tapul, Lugus, Bangas, Parang,
Maimbung, Karungdung at Talipaw.
Tinatawag din silang Luaan,
Lutaos,Bajau, Orang Laut, Samal
Pal'u at Pala'u. Samal ang kanilang
wika
badjao
Ang mga Badjao ay ang mga taong
naninirahan sa karagatan sila ay
tinatawag din na "Man of the Seas".
Ang mga badjao ay magaling sa
pangingisda dahil ito ang pangunahin
nilang hanapbuhay.
badjao
Kahawig ng mga Samal ang kanilang
kultura. May haka-hakang sila at ang
mga Samal ay isang pangkat na
nagmula sa Johore sa dakong timog ng
pinensulang malaya Nakatira sila sa
mga bangkang-bahay. Isang pamilya na
may miyembrong 2-13 miyembro ang
maaaring tumira sa bangkang-bahay.
KASUOTAN NG MGA
BADJAO
Ayon sa kanilang tradisyon, ang karaniwang kasuotan ng mga
Badjao ay ang “patadyong”. Ito ay sinadyang malaki upang
kumasya sa parehong babae o lalaking magsusuot.
PAMUMUHAY NG MGA
BADJAO
Paniniwala
Una, naniniwala ang mga Badjao na ang pagkilala
sa kanilang panginoon at pagkakaroon ng
karunungan ay ang pinakamabisang daan sa
pagkakaroon ng magandang buhay sa hinarap. Sa
kanilang pagpapahalaga sa kanilangbpanginoong
Mohammed, binibigyan nila ng karangalan ang
mga salip (pinagmulan ng panginoon) nito;
Pangalawa, bawat simbahan sa kanilang lugar ay
dapat na mayroong mosque official. Hindi dapat na
mawalan ng Imam, ang nangunguna sa pagdarasal,
Bilal, ang tumatawag at nagpapasimula ng
pagdarasal, at Hatib, ang nagsasagawa ng pagbasa
tuwing araw ng biyernes;

Pangatlo, naniniwala sila na ang kanilang


pinagmulan ay mga dugong bughaw kung kaya’t ang
kanilang mga kasuotan ay makukulay;
Pang-apat, ang mga espirito ng patay ay pinananatili
sa isang libingan at tuwing panahon ng Shaaban, ang
mga kaluluwa ay pinapayagan ng kanilang
panginoon na bumalik sa ating mundo. Bilang pag-
salubong, ang mga tao ay nililinis ang mga libingan
at nagsasagawa ng pagdarasal;

At pang-lima, naniniwala sila na ang mga patay ay


kayang makipag-usap sa mga buhay sa pamamagitan
ng ritual ceremonies of celebration, worship, and
exorcism
Tradisyon
Una, ang kasal ay tumatagal ng tatlong araw na sayawan, kainan, at
pagsasaya na buong bayan ay kasama;
Pangalawa, ang pag-paplano ng kasal ay dapat na pagkatapos ng ikatlong
dalaw ng babae. Dapat din na mas matanda ng isang taon o higit pa ang
lalaking mapapangasawa;
Pangatlo, ang pagpapatuli ay hindi lamang para sa mga lalaki kung hindi
para rin sa mga babae;
At pang-apat, ang Panday, babae o lalaking nag-gagamot, ay tinatawag
para sa pag-papaanak, pag-gagamot ng nalaglagang ina, pagbibigay ng
gamot para sa pagpapalaglag, at para sa pagtutuli sa mga babae.
Tradisyonal na pagkain
Ang tradisyonal na pagkain ng mga Badjao ay
panggi at isda. Ang kanin ay inihahain lamang sa
hapag bilang panghimagas o ‘di kaya ay tuwing
mayroong espesyal na okasyon. Walang almusal,
tanghalian, merienda, at gabihan sa mga Badjao.
Kumakain sila kung kailan nila gusto at kung
kailan sila may pagkain.
Tradisyonal na sayaw
Limbai- sinasayaw para sa malugod na pagsalubong
sa ikakasal at pamilya ng lalaki.
Igal-igal- sa sayaw na ito, binibigyang pansin ang
pagka-lambit ng galaw ng mga kamay at pagka-sexy
ng galaw ng baywang ng babae.
Daling-daling- ang sayaw na ito ay nagmula sa Sulu
ngunit itinuring na ring tradisyonal na sayaw ng mga
Badjao. Sa pagsayaw nito, dapat na sexy ang
galawng babae.

You might also like