You are on page 1of 1

Tayong mga Pilipino ay kilala sa ating kakaibang tradisyon pagdating sa larangan ng

pag-ibig. Kilala ang ating mga tradisyon sa panliligaw. Maging ang mga banyaga ay alam ang
ating tradisyon. Ngayon, pag-usapan natin ang mga tradisyon na ito. Simulan natin sa ilang
tradisyon sa panliligaw.
Una, naging tradisyon na sa panliligaw sa isang babae ay ang kilala ng lahat na pang-
haharana. Ito ang panliligaw ng lalaki kung saan kinakantahan at ginigitarahan niya ang babaeng
kaniyang nililigawan habang ito ay nakadungaw sa kanilang bintana. Bagamat tradisyon ay
nakakalimutan na ito dahil ilan na lamang ang gumagawa nito dahil na rin sa nagiging moderno
na ang panliligaw. Gaya ng pagcha-chat na lamang at tawagan. Isa na rin sa mga dahilan ay ang
di paglinang ng mga kalalakihan sa kanilang talento sa pagkanta at paggi-gitara at pagtuon ng
pansin sa mga bisyo at online games.
Ikalawa, ang pamamanhikan. Ito ang panliligaw kung saan kasama ng lalaki ang kanyang
mga magulang na manligaw sa bahay ng babae kung saan naroon din ang mga magulang ng
babae sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga putahe at pagkain. May ilang pagkakataon kung
saan ang pamilya ng babae ay naghahandog din ng pagkain sa pamilya ng lalaki. Matapos
patuluyin ang lalaki at kaniyang mga magulang sa tahanan ng babae ay pag-uusap nila sa
kanilang plano sa pagpa-pakasal. Matapos nilang mapag-kasunduan ay magpa-paalam na ang
pamilya ng lalaki upang umalis.
Sa ibang kaso naman ng panliligaw ay mayroong hindi magandang tradisyon. Gaya ng
pinagkakasundo ng mga magulang ang kanilang mga anak upang ipakasal sa isang taong di man
lang niya nagugustuhan. Madalas ang dahilan ng kasunduan ay ang kayaman na makukuha ng
isa kung papakasal siya sa taong ipinagkasundo sa kaniya. Madalas din itong mangyari sa
mayayamang pamilya kung saan ipinagkakasundo nila ang kanilang mga anak sa isa ring
mayaman na tagapagmana upang masigurong hindi maghihirap ang kanilang pamilya. Sa
kasalukuyan ay hindi na halos ito ginagawa dahil na rin sa pagkakatuto ng mga magulang na
bigyan ng kalayaan ang kanilang mga anak.
Para sa akin hindi nalalayo ang ilan sa ating tradisyon sa ibang bansa. Gaya ng
pamamanhikan na ginagawa din ng mga banyaga mula sa ibang bansa. Mayroon ding bansa
noon ang gumagawa ng pagkakasundo ng mga anak upang ipakasal. Ngunit sa paglipas ng
panahon ay unti-unti itong binalewala dahil sa pag-iintindi ng mga magulang sa mga ninanais ng
anak. Marami pang kultura ng Pilipinas sa larangan ng pag-ibig ang nakuha ng mga banyaga.
Sa aking opinion ay mas maganda pa rin ang ilan sa ating dating tradisyon. Dahil ditto
mas makikita ang pagpu-pursigi ng isang tao na ibigay at gawin ang lahat para sa minamahal. Sa
isang banda naman, mali para sa akin ang dating tradisyon na pagkakasundo ng mga anak upang
ipakasal. Dahil hindi nila nakukuha ang kalayaan na pumili at hanapin ang kanilang tunay na
pag-ibig. Dahil tatandaan na alam ng magulang ang lahat ng ikabubuti para sa kanilang anak
kaya’t nararapat na maintindihan nila ang kahalagahan ng sariling desisyon nito.

You might also like