You are on page 1of 2

NAME: Sophia Allison Rocamora

BSECE-2

Minamahal kung mga tagapakinig, magandang umaga sa inyong lahat.

Diborsyo sa Pilipinas, dapat bang ilunsad? Ang panahon, tao at ugali ay iba na ngayon. Kaya
dapat bang sa Diborsyo ay sumang-ayon? Mahirap man itong isipin at labag sa relihiyon. Kung
ito ang angkop, edi putulin ang relasyon. Kung itutuloy pa ang sinumpaang kasal .Lagi namang
away. Limot na ang dasal.

Marapat munang aking bigyan ang diborsyo ng kahulugan. Ang diborsyo ay ang proseso ng
pagputol o pagtermino ng kasal. Ang diborsyo ay isang komplikadong isyu na pinagdedebatehan
sa bansang Pilipinas.Sa nakaraang estatistikong iminungkahi ng pamahalaan, halos walumpo’t
limang porsyento ang hindi sumang-ayon sa diborsyo. Ngunit, ano nga ba ang dahilan kung bakit
halos lahat ng pilipino ay hindi pabor?

Una, dahil sa usaping pangrelihiyon. Ang Pilipinas ang tanging bansa sa Silangang Asya na
kung saan siyamnapu’t dalawang porsyento ng populasyon ay Kristyano, mga taong naniniwala
sa Diyos na nasa langit. Batay sa aral Katoliko-Apostoliko Romano, ang mag-asawang
pinagbuklod sa simbahan ay maybasbas o bendisyon ng kabanalan. Dahil dito, ang mag-asawa
ay may sinumpaang magsasama sa hirap at ginhawa hanggang sa huling sandali. Isinumpa rin na
ang mag-asawa ang siyang magtuturo sa kanilang magiging mga anak na kabanalan upang
lumaking may takot sa Diyos. Paano na lamang nila matuturuanang isang bata ng kabanalan
kung ang sya mismong nagtuturo ay lumabag sa kautusan?

Pangalawa, usaping pang-edukasyon. Layunin ng mag-asawa ang pag-aralin ang kanilang mga
anak.Ngunit pano na lamang mag-aaral ang isang musmos kung ang kanyang pamilya ay hiwa
hiwalay? Ang pagdidiborsyo ng mag-asawa ay hindi raw makabubuti sa kanilang anak.

Pangatlo, usaping pangkultura. Ayon sa ating mga ninuno. Hindi kaugalian ng mga Pilipino
noon ang iwanang kanilang asawa sa kung ano mang dahilan. Marahil ay ang problema ay
sinosolusyonan.

Iyan lamang ang ilan sa mga dahilan kung bakit karamihan sa atin ay tutol sa diborsyo. Ngunit
kung ating babalikan at muling pakikinggan, sapat ba ang kanilang naging dahilan?

Nang dahil sa sinumpaang salita sa harapan ng diyos di sila pumayag. Ang magasawa ay
binuklod ng pagmamahal, ngunit paano na kung dumating yung araw na sila nagkakasakitan at
puro na lang bulyawan at wala ng pagmamahalan? Oo’t masakit sa isang anak ang maghiwalay
ang kanilang magulang. Pero mas masakit sa isang anak na makita ang kanilang magulang na
nagkakasakitan. Tayo ngayon ay nasa modernong panahon. Panahon, at pag-uugali ay iba na
ngayon. May mga problemang tanging pagsuko na lang ang sulosyon.
Sa sarili kung opinion, higit na makakatulong sa bawat pamilyang Pilipino ang diborsyo. Una,
sa dating mag-asawang nagkaroon ng pagkukulang at nagkamali. Magkakaroon ang bawat isa ng
kapayapaan, maiiwasan ang sakitan at magkakaroon ng pagkakataon na makahanap ng tamang
mapapangasawa. Pangalawa’t panghuli, sa mga anak. Mababawasan ang mga negatibong
maririnig ng bata sa kanilang tahanan. Kahit na magkahiwalay na ang kanilang magulang maari
pa rin nila silang makasalamuha o makapiling sapagkat iyon ang naayon sa kustodiyang
nakapaloob sa diborsyo.

You might also like