You are on page 1of 2

Donna D.

Dorado
MAED –SOCIAL SCIENCE Dr. Panopio

SOC.SCI – Final Examination


Narrative Report
Magandang hapon po sa lahat. Ako po ang iyong likod na si Donna Dorado ay ilalahad ang
napiling paksa para sa huling pagsusulit sa Social Science na “Gawing legal ang Same-sex
marriage sa Pilipinas”. Bago po ang lahat nais ko lamang po mag pasintabi sa ating mg LGBT
wala po ako kahit anog intension na masama, ipapahayag ko lamang po ang aking saloobin at
pananaw sa panili kong paksa.
Ano nga ba ang same- sex marriage, so batay po sa aking na research ang same-sex marriage
po ay isang panunumpa ng dalawang taong nagmamahalan pero sila ay magkapareho ng
kasarian. Alam nyo po ba na hindi na bago sa atin ang makaalam na meron po nag exist na
bakla, tomboy, sapagkat kung ating pagbabatayan ang kasaysayan meron po tayong tinatawag
na “Babaylan” kung saan ang tradisyon ay kinakapon ang lalake upang ma maintain ang boses
na matinis ayun sa pag-aaral kung tatanggalan ang isang lalake ng testosterone mawawala ang
kakayahan ng katawan ng isang lalake ng mag produce ng pang masculine na hormone. Maari
nating mahalintulad ang babaylan sa bagong henerasyon ngayon na transgender. Kung saan
ang transgender ay nagpapa opera upang matanggal ang kanilang kasarian. Sa totoo lang ang
mga kapatid naten LGBT ay hindi nila ninais o ginusto na sila ay ipinanganak sa katawan ng
isang lalake pero my busong babae o katawan babae na my pusong maton ika nga. Ayun sa
pag-aaral asa genetic kung bakit nakakaroon ng bakla o tomboy sa isang pamilya. Kaya nga
wag tayong mapanghusga.
Sa ating pagpapatuloy alam nyo ba ng meron na naitala na 29 countries na nagpatupad na ng
same-sex marriage sa ibang mga bansa. Pero dito sa atin sa Pilipinas ay hindi pa po
pinapatupad ang legal na pagpapalakas ng parehong kasarian. Meron lamang po tayo
pinapatupad na tinatawag na anti-discrimination ordinace pero hindi po ito pang buong bansa
na kautusan, meron laman ilang lugar sa Pilipinas ang maroon. Sa kadahilanan siguro na ito ay
patuloy pa din pinag- aaralan ng ating pamahalaan kung dapat pa isa batas. Ang kontrobersyal
sa same-sex marriage ay talaga naman napaka init na issue sapagkat iba kase ang ating
kultura talagang na kagisnan dito sa Pilipinas, at halos lahat po na mga Pilipino ay saradong
Katoliko na naniniwala sa sakramento ng kasal na an gating pinagbuklod lang ng Diyos ay ang
lalake at babae.
Sa kadahilanan na meron sating mga pinoy ang talaga naman mapanghusga nalilimitahan ang
laya ng mga LGBT sa pagkilos, kaya naman naitayo ang tinatawag nilang MCC Metropolitan
Communit Church, ito ay isang simbahan wala itong particular na relihiyon pero my isang pastor
na nangangaral ng salita ng Diyos. Ito ay lugar kung saan malaya ang LGBT gumalaw na hindi
kailangan mailang sa ibang tao sa mga kilos at pananamit nila. Nagsasagawa din sila ng
sermonya ng pagkakasal sa parehong kasarian kaso formality lamang po ito at hindi talagang
legal na totoong mag-asawa kase nga wala pa po tayong batas. Ang location ng MCC dito sa
Pilipinas ay sa Makati, Quezon City at Baguio.
Sa aking pag-aaral may maganda naman epekto kung magkakaron na legal na same-sex
marriage. Una maaring mabawasan ang mga bata nasa bahay ampunan. Since, wala silang
kakayahan na magkaanak ang tendency mag-aampon na lang sila. Pangalawa magandang
epekto nito nakatutulong ito sa paglago ng ekonomiya at pagdami ng oportunidad na
negosyo.ang pagiging legal ng same sex marriage sa ibang banssa ay matagal ng
nakakakitaan ng mabilis na paglago ng ekonomiya. Ang pagpapalno ng kasal ay isa sa
pinakamagandang negosyong puwede makuha mula rito.  Ang mga maliliit na establisyimento
na nag-aasikaso ng kasal at kung anu-ano pang mga bagay na nakaakibat dito ay maaaring
madoble ang mga suki. Ayon sa isang report, ang New York ay nagkaroon 260 milyong dolyar
na paglago ng ekonomiya matapos maisabatas ang same sex marriage. Pangatlo,
sinusuportahan nito ang tunay na kalayaan sa kanyang relihiyon. Ang kalayaan sa relihiyon ng
isang indibidwal ay nakatutulong upang kanyang maipagpatuloy ang kanyang pananampalataya
na walang humahadlang na gobyerno o simbahan. Ang pantay na pagtrato sa kasarian ng
bawat indibidwal ito man ay lalaki, babae, bakla o tomboy sa aspeto ng ating pananampalataya
at batas.  Pang-apat at higit sa lahat, pinapatibay nito ang reputasyon ng isang indibidwal sa
sarili man niyang bayan o maging saan man sa buong mundo. Ang pagsasabatas ng same sex
marriage ay makakatulong upang mawala ang kanilang mga pangamba. Masamang epekto
naman ay Nananabik ang mga bata sa kanilang biyolohikal na mga magulang.
Nangangailangan ang mga anak ng ama o ina. Walang katibayan ang pagiging epektibo
ng ‘same-sex couple parenting’. Ang mga bata ay nakakaranas ng ‘gender and sexual
disorders’. Nasisira ang pamantayan ukol sa sekswal na katapatan sa loob ng kasal.
Lalong pinapaghihiwalay ng same-sex marriage ang pag-aasawa at pagkakaanak.
Binabawasan ng same-sex marriage ang halaga ng parental commitment. Ang same-sex
marriage ay nagreresulta ng kalituhan at malabong gampanin sa mag-asawa.
Kung ako po ang tatanumgin ako po ay hindi sang ayon na maging legal ang same-sex
marriage sa atin sa Pilipinas. Okay lang po sa akin na sige po anjan po ang mga LGBT
iginagalang kop o ang karapatan nila bilang isang mga tao pero. Dapat po alam pa din po nila
ang limitasyon nila sa mga bagay, lagat po tayong nilikha ng Diyos ay may limitasyon din. So
sana po igalang pa din po natin ang kautusan ng Diyos. Na ang kanyang pinagbubuklod lamang
ay ang babae at lalake. Maging matapat naman po tayo kahit sa simpleng kautusan lamang.

Marami pong salamat ay dito po nagtatapos ang aking saloobin sa issue ng same-sex marriage.

You might also like