You are on page 1of 2

Editoryal

Bawal na Pagmamahalan

Ibat iba ang opinyon at paniniwala ng mga Pilipino tungkol sa Same Sex Marriage.
May mga sumasang-ayon dahil lahat naman daw ng tao ay may karapatang magmahal at
mahalin. Ang karamihan naman ay tutol dahil salaula raw ito at taliwas sa turo ng simbahan. Ang
hidwaan ng karapatang pantao at ng salita ng Diyos ay parang mga bombang sumasambulat sa
ating bansa ngayon. Ikaw, saan ka ba papanig? Sa panig ng pagsang-ayon o sa panig ng pagtutol
sa pagsasabatas ng Same Sex Marriage?

Alam niyo bang mainit na pinag-uusapan ngayon sa mga social networking sites ang
pagtutol ni Cong. Manny Pacquiao tungkol sa pagpapaligal ng Same Sex Marriage? Ang
pagsasabatas nito ay magbibigay ng kalayaan sa mga lalaki na magpakasal sa kapwa lalaki at
mga babae na magpakasal sa kapwa babae.

Mas mabuti pa ang hayop, marunong kumilala, lalaki o lalaki, babae o babae, o diba,
ngayon, kung lalaki sa lalaki, babae sa babae, e, mas masahol pa sa hayop ang tao. Ito ang
sinabi ni Pacquiao na nakatanggap ng sandamakmak na pagbatikos. Isa sa mga kilalang
personalidad sa nagbigay ng reaksyon ay si Jose Mari Viceral na kilala sa bansag na Vice Ganda.
Ipinaglaban niya na walang karapatan ang ibang tao na ihalintulad nila sa hayop o mas masahol
pa. Karapatan daw nilang gawin ang mga bagay na magpapaligaya sa kanila kaya naman
naghahanap sila ng pagtanggap ng lipunan o kung hindi man mapigil ang matatabil na dila,
sanay sarilihin na lamang ang komento at panlalait.

Labis na pinagbabangayan ng mamamayan ng Pilipinas, ng gobyerno, at ng simbahan


ang pagsasabatas ng Same Sex Marriage dito sa ating bansa. Ayon sa simbahan, laban daw ito
sa kanilang itinuturo na ginawa si Adan (isang lalaki) para kay Eba (isang babae). Ayon din kay
Cubao Bishop Honesto Ongtioco, labag sa kagustuhan ng Diyos ang Same Sex Marriage dahil
babae at lalaki lamang ang dapat magpakasal na sinabi rin sa Mateo 19: 4-6. Ang isang pamilya
ay binubuo ng isang Padre de Pamilya at ilaw ng tahanan. Paano mapalalaki ng ayos ng mga
bakla o lesbian ang kanilang anak, kung sila man ay mag-aampon, kung pareho silang Padre
de Pamilya o ilaw ng tahanan? Isang layunin ng pagpapakasal ay para makapagparami. Delikado
lalo kung tangkain nilang magkaroon ng bunga ang kanilang pagmamahalan. Sa katunayan, isa
sa dalawang lalaki na nakikipagtalik sa kapwa lalaki ay nagiging positibo sa Human
Immunodeficiency Virus (HIV) na isang halimbawa ng Sexually Transmitted Disease (STD). Sa
isang iglap, maara silang mahawahan o makahawa ng nakamamatay na sakit na ito.

May kanya-kanyang dahilan at ipinaglalaban ang bawat panig. Oo ngat may karapatan
ang LGBT (Lesbians, Gays, Bisexual at Transgender) Community na magmahal at maikasal
ngunit kailangan nilang isipin ang ibang tao at ang bansa. Ang problema ay kahit alam ng mga
tao lalo na ang mga bakla at lesbian ang mga negatibong epekto ng Same Sex Marriage ay
tila nagbubulag-bulagan sila dahil sa kanilang ipinaglalaban. Maari namang magmahalan ang
may parehong kasarian nang hindi nagpapakasal ngunit pilit nilang ipinaglalaban na hindi
maaring mawala ang kasal sa pag-itan ng taong nagmamahalan. Kinokonsidera ng gobyerno ang
turo ng simbahan dahil ang Pilipinas ay isang Kristiyanong bansa, bagamat hindi lahat ay
Katoliko.

You might also like