You are on page 1of 3

A.

Banyaga
Ayon sa pananaw ni Jean-Paul Sartre (1948) maliit mapansin ang sekswalidad sa Pilipinong
komunidad. Ilang sentenaryo nang nakaraan, ang hindi pagkakapantay pantay ng kalalakihan at
kababaihan ang pinagtatalunan. Marami ng hakbang ang kinuha upang solusyunan ang
diskriminasyon na pinagtutungkulan ng isyu ng seksismo at ngayon, unti-unti na itong
tinutugunan sa bansa. Subalit sa kasalukuyan, hindi pa man nabibigyan ng lubos na kasagutan
ang mga suliranin sa pagitan ng mga lalaki at babae, dumungaw sa eksena ang mga bakla at
tomboy o lalong mas kilala bilang homosekswal. Sa isang bansang umakma sa buhay ng iba’t
ibang kultura lalo na sa konserbatibong turo na nagmula sa mga Kastila at sa liberal na
pamamalakad ng mga Amerikano, isang matinding suliranin ang paghahanap ng “ikatlong”
kasarian ng lugar sa lipunan. Bagama’t kasalukuyan ay marami na sa ating mga kababayan at
maging sa ibang bansa, ang tanggap na at may bukas na pagtingin hinggil sa mga homosekwal,
hindi maikakaila na tampulan parin sila ng diskriminasyon at pagkutya. Lalo na sa mga gawaing
sa tingin ng lipunan ay panglalaki o di kaya’y pambabae lamang.
Ayon kay Baehr v Lewin (1993) na ang pagtanggi ng estado na magbigay lisensya ng kasal ng
parehong-sex couples amounted sa “estado sanctioned diskriminasyon laban sa anumang tao sa
pagsasakatuparan ng kanyang karapatan bilang mamamayan sa ang batayan ng kasarian. Ito,
inaugurated ng isang pandaigdig paligsahan sa ibabaw ng mga papel ng batas sa panlipunang
patakaran na amy kinalaman sa anti-diskriminasyon batas at ang katayuan ng mga lesbians, gays,
at iba pang sekswal na mga minorities.
Lokal
Ayon sa pag-aaral ni Neil Garcia sa kanyang aklat tungkol sa Philippine Gay Culture, kung ang
pag-uusapan ay ang pagtanggap ng homoseksuwalidad sa lipunang Pilipino, mas mailalarawan
ito kung gagamitin ang salitang pagtotolera. Sapagkat para sa mga Pilipino, ayos lang ang
magkaroon ng isang kaibigan, katrabaho, o kakilalang bakla o homosekswal subalit kung
mangyaring kasapi ito sa pamilya, kamag-anak, asawa, o anak, iba na ang usapan. Ang sabi
nga,“Ang ilang mga magulang ay mas pipiliin pang maging babaero at nananakit ng asawa ang
kanilang anak na lalaki kaysa maging isang bakla.” Ito ang umiiral na pananaw ng karamihan sa
mga Pilipino tungkol sa kabaklaan dahil sa kabila ng pagiging modernisado ng panahon, hindi
maiaalis na malaki ang epekto sa ganitong pagtingin ng pagiging Kristyano o di Muslim. Ang
relihiyon at malakas na pananampalataya ng mga Pilipino sa maykapal ang siyang nagdidikta sa
tao kung paano ba dapat kumilos upang maging katanggap-tanggap sa paningin ng Diyos at ng
lipunan.
Ayon kay R. Charles Aniceta, isang sikolohista, masasabing likas sa mga Pilipino ang maniwala
sa isang pananampalataya. Aniya ito ay maaaring makita na bago pa pumasok ang Islam at
Katolisismo sa bansa sa pamumuno ng mga babaylan ng Cebu at katalonan ng Katagulan.
Karaniwan na sa atin ang marinig ang mga katagang, “ magpakababae ka!” o dikaya’y “para
kang hindi lalaki!”. Kung babae ka nakalip ang konspeto ng pagiging mahinhin, pino at matiisin.
Samantalang ang pagiging lalaki ay ang pagiging malakas, matapang at mahinahon. Sa ganitong
pananaw, ang maiiwasang katanungan ay: paano ang mga homosekswal o mga taong nabibilang
sa ikatlong kasarian? Konserbatibo ang pagtingin ng mga Pilipino sa kasarian kung kaya’t hindi
masisisi kung may hindi pantay na pagtingin ang mga Pilipino sa kasalukuyan sa isyu ng
homosekswalidad.

B.
Banyaga
Ayon kay Stefen S. Smith (2003) Nagkaroon ng pag-iiba ng kahulugan ng kasal kabilang na ang
magkasintahang parehas ang kasarian. Same-sex marriage ay isang kasal ng magkasintahang
magkaparehas ang kasarian. Sa kasalukuyan, tatlompu’t pitong bansa kabilang ang District of
Columbia sa kumikilala sa same-sex marriage bilang isang legal na pagpapakasal. Matinding
debate ang naganap sa nakaraang ilang buwan, na kung saan ang mga mamamayan ay tutol padin
sa legalisasyon ng same-sex marriage, ngunit ang iba naman ay lumalaban parin upang maging
legal ang same-sex marriage sa iba pang bansa.

Ayon kay Dianne Marie M. and Bayot, Donalyne B. (2011) ang isyung pag lelegalisado sa same-
sex marriage ay pinaguusapan parin hanggang ngayon. Nakakuha ito ng ilang pagtutol at
pagsalungat dahil ito ay salungat sa nakasanayang kahulugan ng kasal na “union between man
and woman”. Sa kabila ng mga bansang nagkaroon ng legalisasyon sa same-sex marriage kagaya
ng bansang Canda, Italy at iba pa. Karamihan padin sa mga bansa ay hindi pa nagkakaroon ng
legalisasyon sa nasabing isyu o ang same-sex marriage.

Lokal
Ayon kay Bataan Rep. Geraldine Roman, ang Lesbian, Gay, Bisexual, and Transgender (LGBT)
community na maging makatotohanan sa usapin ng same-sex marriage. “To say that the
Philippines and Congress are already ready for same-sex marriage would simply be dishonest,”
Ayon kay Roman. Iginiit ni Roman na ang civil partnerships sa ilalim ng House Bill No. 6595 ay
magbibigay ng parehong mga karapatan at obligasyon gaya ng sa opposite-sex marriage. “Should
we fight for something that will never win at this point in time? Or should we lobby for something
that will give us practically the same rights and obligations and that has more certainty of being
passed into law?” ani Roman. Binigyang diin rin nito na hindi siya aktibista na “all-or-nothing”
ang approach sa mga isyu. Malayo na rin naman anya ang narating nang pagsusulong ng mga
karapatan ng LGBT sa pamamagitan ng naipasang Sexual Orientation and Gender Identity or
Expression Equality Bill sa Kamara, kaya hindi ito dapat sayangin para makamit ang iba pa nilang
hangarin.

You might also like