You are on page 1of 1

Pagpapakasal ng Parehong Kasarian

Iba’t iba ang pananaw ng mga tao tungkol sa “same sex marriage”. May mga
sumasang-ayon,dahil para sa kanila, lahat naman ng tao ay may pantay na karapatan
at may karapatan din silang magmahal. Ngunit karamihan din ay hindi sumasang-ayon
dito dahil imoral ang mga ginagawa ng mga ito. Kung ako ang tatanungin, ay tutol din
ako sa pagpapakasal ng parehong kasarian.

Hindi ako sang-ayon sa pagpapakasal ng parehong kasarian sa dahilang kung


magkakaroon man ng karapatan ang mga tomboy at bading na pakasalan ang kapwa
babae o lalaki maaari pa itong makasira sa isang pamilya. Halimbawa, ang padre de
pamilya o ang tatay na noong bandang huli lang napagtanto na hindi pala siya tunay na
lalaki at imbes na maging padre de pamilya, gusto niyang maging ilaw ng tahanan.
Napilitan lang siyang pakasalan ang babae dahil sa di-sinasadyang pangyayari ay
nabuntis niya ito at sa kung ano pang kadahilanan. Sa medaling salita,kung
magkakaroon sila ng karapatang magpakasal sa kapwa nila lalake maiisipan nilang
hiwalayan ang kanilang asawa at abandonahin ang kanilang pamilya at masisira ang
bawat pamilyang may ganitong sitwasyon at magiging kawawa ang pamilyang naiwan
ng mga ito. Kaya hindi ako sang-ayon sa gusto ng mga LGBTQ Community na gawing
legal ang same sex marriage.

Dito sa pilipinas,tinututulan ng simbahan ang same sex marriage. Alam naman


natin na ang Pilipinas ay isang kristyanong bansa. Ayon sa simbahan, malaking
kasalanan ang makipagrelasyon sa kapwa mo lalaki kung ikaw ay isa ring lalaki at
ganun din naman kung ikaw ay isang babae hindi ka ring pwedeng makipagrelasyon sa
kapwa mo babae. Nilalabag ng mga nasa ikatlong kasarian ang kagustuhan ng Diyos
na si Adan ay para kay Eba at hindi si Adan ay para kay Adan o si Eva ay para kay Eva.
Mas mabuting maging totoo na lamang sa sarili at sundin ang kasarian na ipinagkaloob
ng ating Panginoong Diyos sa atin para sa ating payapang pamumuhay.

You might also like