You are on page 1of 3

FILAMER CHRISTIAN UNIVERSITY

AUTONOMOUS STATUS - CHED


PAARALANG GRADWADO
Roxas Avenue, Roxas City 5800, Philippines
Tel. No. (036) 6212-317 Fax No. (036) 6213-075
Website: http://www.filamer.edu.ph/

FIL 408

MITHCHELLE S. FLORES Gng. MELODY J. BLANCE


Taga-ulat Propesora

Ang Talasalitaan Kaugnay sa Pag-unawa ng Teksto


Pag-uugnayan ng Kaalamang Pantalasalitaan sa Pag-unawa ng Teksto

 Ayon kina Anderson at Freebody sa kanilang aklat na Vocabulary Knowledge (1981) may tatlong pananaw o
posisyon sa ganitong pag-uugnayan:
• Pangkagamitang posisyon
• Pangkakayahang posisyon
• Pangkaalamang posisyon

Pangkagamitang Posisyon(Instrumentalist position) Dapat na pag-aralan nang tuwiran ang mga talasalitaan ng
mga estudyante sa halip na hayaan na lamang silang matutunan ito sa pagbabasa.

Pangkakayahang Posisyon(Aptitude position) Ang mga estudyante ay nagkakaroon ng malawak na kaalamang


pantalasa- litaan sa pamamagitan ng malawakang pagbabasa. Nararapat na magkaroon ang mga estudyante ng
maraming pagkakataon sa pagbabasa at pagsasanay sa pagkilala ng mga salita

Pangkaalamang Posisyon (Knowledge position) Sinasabing ang pagkakaroon ng kakayahang pantalasalitaan at


pag-unawa ay dulot ng malawak na kaalaman tungkol sa sariling kapaligiran at kultura Pagkakaroon ng mga batayang
kaalaman at konsepto na ginagamit ng isang estudyante sa pag-unawa ng mga salita, sa kabuuan ng teksto

Kaya upang mapalawak ang talasalitaan ng mga mag-aaral, nangangailangan na magkaroon sila ng sapat na mga
karanasan na pag-uusapan at maisusulat nang sa gayon ay mapauunlad ang mga konsepto at kaisipan nila na magagamit
sa pag-unawa ng nilalaman ng teksto.

Interaktibong Posisyon (Interactive position) May idinagdag si Frank May (1986)na pang-apat na posisyon, ang
interaktiv. Ito ang pag-uugnayan ng mga sistema ng palatandaan o hudyat (cueing systems) sa teksto na tumutulong sa
mabisang pag-unawa. Ang mga palatandaang ito ay: Palatandaang Grapoponiko – nauukol sa tunog na bumubuo sa mga
salita

Palatandaang Sintaktiko – nauukol sa pagbubuo o kayarian ng mga salita

Palatandaang Semantiko – nauukol sa kahulugan ng salita ayon sa pagkakaugnayan nito sa iba pang salita

Palatandaang Iskematik – pag-uugnayan ng sariling karanasan sa binabasa

Mga Istratehiya sa Paglinang ng Talasalitaan


A. Pagsusuring Pangkayarian (Structural Analysis)
Nauunawaan ang salita sa pamamagitan ng mga bahagi nito: - salitang-ugat - panlapi – pagkakabuo ng salita
Halimbawa: buhay kabuhayan nabubuhay buhay-buhay buhay-alamang

B. Paggamit ng mga Palatandaang Nagbibigay Kahulugan (Context Clues) Sa pamamagitan ng


kasingkahulugan ng salita na napapaloob din sa pangungusap. Halimbawa: Masarap mamuhay sa bansang may
kasarinlan na kung saan may kalayaan ka sa pagkilos at pagsasalita.

2. Sa pamamagitan ng kasalungat na kahulugan ng salita.


Halimbawa:
Masugid si Renato na makatapos ng hayskul ngunit tila matamlay naman ang kanyang ama na tustusan siya dahil sa
kakulangan ng salapi.
3. Sa pamamagitan ng katuturan ng salita.
Halimbawa:
Ipinamalas ng mga tao sa EDSA ang marubdob o matinding pagnanasa na magkaroon ng kalayaan.

4. Pag-uugnay sa sariling karanasan. Nakikilala ang bago o mahihirap na salita sa pamamagitan ng pag-alala sa mga
naging karanasan.
Halimbawa: Dahil sa bahang dala ng bagyong si Roming, inilikas sa ligtas na pook ang mga tao sa aming lugar.

5. Ayon sa sitwasyong pinaggamitan ng salita. Dito nauunawaan ang salita ayon sa mga pangyayari o sitwasyon na
kaugnay nito.
Halimbawa:
Pinag-iibayo ng pangulo ang kampanya laban sa lumalaganap na kilusan ng mga pangkat laban sa pamahalaan. Itinaas
niya ang moral at sahod ng mga kawal.

6. Sa pamamagitan ng buod o lagom ng binasa.


Halimbawa: Naranasan niya ang matinding kahirapan noong siya ay bata pa. Salat na salat silang mag-anak sa pagkain,
damit at maayos na tirahan. Mula siya sa isang maralitang mag-anak.

7. Sa pamamagitan ng halimbawa.
Halimbawa: Maiiwasan ang sigalot tulad ng patayan, nakawan, awayan kung ang mga mamamayan ay matututong
kumilala sa Diyos at magmahal sa kapwa.

8. Sa pamamagitan ng pormal na depinisyon ng salita.


Halimbawa:
Mahilig tayong sumulat ng sanaysay. Ito ay isang kathang tuluyan na naglalahad ng kaalaman, kuru-kuro at damdamin
ng sumulat.

9. Sa pamamagitan ng paglalarawan.
Halimbawa:
Sa kabuuan ng kanyang mukha. Sa mga mata niya at sa nagbabagong pangangatawan, sa balat niyang manilaw-nilaw at
pinamumutukan ng maraming
tagiyawat. Ang mga ito ay naglalarawan na siya ay lumipas na sa pagiging musmos.

10. Sa pamamagitan ng pahiwatig na tono o damdamin.


Halimbawa: Mulasakusina, angtibokngakingpuso ay nakipag-unahansaakingmgahakbang. At angakingagam-agam ay
napawinangmakitakosiyasasala.

C. Pag-uugnayan ng mga Salita (Word Association)

1.Pagsasama ng salita sa iba pang salita upang makabuo ng ibang kahulugan (collocation).
Nabibilang dito ang mga matalinhagang salita o parirala.
Halimbawa: puso = bahagi ng katawan ng tao bato = matigas na bagay pusong bato = matigas
ang puso o sa tunay na kahulugan ito ay naglalarawan ng taong hindi marunong mahabag o maawa.

2. Pagbibigay ng iba pang salita na halos kapareho rin ng kahulugan ng pangunang salita (clustering). Halimbawa: Ano-
ano ang iba pang salita na maaaring ipalit sa salitang tingnan?

masdan silipin

TINGNAN

lingunin sulyapin

tanawin

3. Pagkilala ng pagkakaugnayan ng mga salita ayon sa antas o tindi ng kahulugan na ipinahahayag (clining). May mga
salita na ginagamit ayon sa tindi ng damdamin na nais ipahayag.
Halimbawa, hindi maaaring sabihing nagalit ka kung naiinis ka lamang. Pansinin ang ayos ng mga salita ayon sa tindi ng
damdaming ipinahahayag o ayon sa haba ng panahon. Damdamin: inis, yamot, suklam, galit Panahon: noon,
kamakalawa,ngayon, mamaya,bukas, sa isang buwan,

4. Pagpapangkat ng mga salita ayon sa antas ng paggamit o pormalidad ng gamit nito (level of formality). May mga
salitang ginagamit sa mga di-pormal, pormal na kalagayan o sa pangkalahatan. Halimbawa: Ang iba pang salita na
itinatawag sa kasama ay maaaring pangkatin ayon sa paggamit sa sitwasyon na maaaring:
PORMAL
 kapanalig
 kaanib

DI-PORMAL
 kabagang
 utol

NEUTRAL
 kaibigan
 kasama
5. Pagpapangkat ng mga salita ayon sa punong salita o paksa (classification).
Halimbawa:
 Panlasa – mapait, matamis, maanghang, matabang
 Kilos – mabagal, mabilis, maliksi, makupad, dahan-dahan

6. Pagbibigay ng mga salitang kaugnay sa isang paksa o ideya (association or word network). Ang mga salitang
nauugnay sa isang paksa o bagay ay naaayon sa karanasan o nakaraang kaalaman.

7. Paggamit ng Semantic Mapping – ito ay isang paraan ng pagpapalawak ng kahulugan ng isang salita sa pamamagitan
ng pagpapakita ng mga kategorya ng salita na nauugnay rito. Ito ay nababatay sa panuntunan na ang mga bagay na
natututuhan ay kaugnay ng mga karanasan at dati nang alam.

SANGGUNIAN

https://l.facebook.com/l.php?u=https%3A%2F%2Fwww.slideserve.com%2Fsonora%2Fang-talasalitaan-kaugnay-sa-pag-
unawa-ng-teksto%3Ffbclid%3DIwAR34WEWBNoTXf-
D82n9HbSQcmEoooOTHibpQYPzPEdUGozcpPp3I4s1Hpl0&h=AT35uIE6EKziIdJO-4eI2tn1C-lRc-
IYE5Omah6sGxobAPcJ3Rbe5HXuC2vC_vrBQ4ZUuzik_Jpkd-
Bt4RkE5P2oZ_6ZynXaTCCKetqhSykwJwXHwhqoi_gUC7kTBwnY1XY1

You might also like