You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Surigao del Sur State University


Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
ARALIN 9- SINTAKSIS/PALAUGNAYAN: PANGUNGUSAP

INAASAHANG MATUTUHAN
Pagkatapos ng aralin, ang mag-aaral ay inaasahan na :
1. Nakilala ang mga katangian ng bahagi ng pananalita.
2. Natatalakay at Nasusuri ang sintaksis.
3. Nakabubuo ng sariling pangungusap gamit ang mga uri ng pangungusap.
PANIMULA
Ang pag-aaral ng pagbubuo ng mga pangungusap o sentens ang tinatawag na sintaks.
Kalakip sa pag-aaral na ito ang tungkol sa pag-aaral kung paano ang pagbuo ng pangungusap at
pagkilala sa mga bahagi ng pananalita.
Ano nga ba ang Pangungusap? Ito ang lipon ng mga salitang nag-sasaad ng buong diwa o
kaisipan. Kailangan sa pagsulat ang kaalaman sa wastong gamit ng mga salita at pangungusap.
Kung ito sa paraang pasulat, makikita ang mga panandang tuldok, tandang pananong o
padamdam sa dulo ng pahayag.

Dalawang uri ng pangungusap sa Filipino:


(1) Pagpapanaguri/predikeytib
(2) Di-pagpapanaguri/non-predikeytib

Ayos ng Pangungusap:
1. Karaniwang ayos
2. Di-karaniwang ayos

Mga Uri ng Pangungusap ayon sa kayarian:


1. Payak- Ang payak na pangungusap ay mayroon lamang iisang diwang ipinahahatid.
Tingnan ang sumusunod na mga halimbawa:

a. Ang labis na pagtotroso ay nakasasama.


b. Nakakalbo ang ating kagubatan.
c. Ang mga kongresista at mga senador ay umiisip ng mga paraan upang masugpo ang
suliraning ito.
d. Sila ay nagsasaliksik at nagpapanukala ng mga batas na makasasagot sa problema.
e. Ang Pangulo at an gating mga mambabatas ay naniniwala at nagkakaisa na kailangang
kumilos tayong lahat upang mapangalagaan ang kapaligiran.
2. Tambalan- Ito ay binubuo ng dalawa o higit pang payak na pangungusap. Kadalasang
ginagamit ang mga pangatnig na at, saka, at o sa pag-uugnay ng mga tambalang
pangungusap.
a. Pigilin ang labis na pagtotroso at tayo ay magtanim ng puno.
b. Binungkat nila ang lupa saka sila ay nagtanim.
c. Sila ba ay tama o sila ba ay mali?
3. Hugnayan- Ang hugynayang pangungusap ay binubuo ng isang sugnay na makapag-iisa
at ng isa o higit pang sugnay na di-makapag-iisa.
a. Umaksyon ang mga mambabatas nang magkaroon ng malubhang pagbaha.
b. Maiiwasan ang mga pagbaha kung lahat tayo ay makikipagtulungan.
4. Langkapan- ito ay binubuo ng dalawa o higit pang malayang sugnay at ng isa o higit pang
di malayang sugnay.

Mga Uri ng Pangungungusap ayon sa gamit:


1. Paturol- kung ito’y nagpapahayag ng katotohanan, bagay o pangyayari. Ito’y nagtatapos
sa bantas na tuldok.
2. Patanong- ito ay may himig na nag-uusisa o nagtatanong. Nagtatapos ito sa tandang
pananong (?).
3. Pautos- ito’y ang mga pangungusap na nakikiusap o nag-uutos.

Fil. Cog. 2- Batayang Estruktura ng Filipino


Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
4. Pakiusap- ito’y nag-uutos na may paggalang na kalakip ang mga katagang maaari, paki at
iba pa.
5. Padamdam- ito’y nagpapahayag ng matinding emosyon o damdamin. Nagtatapos ito sa
tandang padamdam (!).

Mga Iminumungkahing Gawain: (Isulat sa inyong kwaderno/sa malinis na papel)


A. Gumawa ng isang maikling kuwento gamit ang uri ng pangungusap ayon sa gamit at uri
ng pangungusap ayon sa kayarian.

Sanggunian:
Andaya, A. M.C et.al, 2018. Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina. Jimcyzville Publications
Austero, C.S. et.al, 2012. Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Rajah Publishing House

Fil. Cog. 2- Batayang Estruktura ng Filipino

You might also like