You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF PAMPANGA
ARAYAT NATIONAL HIGH SCHOOL
300873

PAGBASA AT PAGSUSURI SA IBA’T IBANG


TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK 12
KASANAYANG PAMPAGKATUTO
 Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa layunin, gamit, katangian, at
anyo. (CS_FA11/12PN-0a-c-90)
 Napahahalagahan ang natamong kasanayan sa pagsulat ng talumpati sa
pamamagitan pagsulat ng sariling talumpati. (CS_FA11/12PN-0g-i-91)
 Napagtitibay ang natamong kasanayan sa pagsulat ng talumpati sa pamamagitan ng
pinanood/pinakinggan/binasang halimbawa. (c)

TUKLASIN!
Sa loob ng klasrum may pagkakataon na ikaw ay natatawag ng guro para sagutin ang
tanong bilang bahagi ng talakayan. May pagkakataon na mapapapalakpak ang iyong
kamag-aral sa iyong sagot nagpapatunay na magaling ka sa pagsasabi ng iyong saloobin. Sa
kabilang banda, mapapansin mo na may mga kamag-aral ka kapag tinawag ng guro ay tila
baga iyon na ang huling araw niya at makikita pa sa mukha nito ang nararamdamang takot
at nerbyos. Isa lamang ang dahilan, natatakot itong magsalita sa harap ng marami dahil
baka siya ay mapagtawanan. Isa lamang ang solusyon dito. Kailangan lamang na sanayin
siya sa pagsasalita sa tulong hayaan siyang magtalumpati sa harap ng marami. Ngunit ano
nga ang talumpati?
Ang talumpati ay isang tekstong binibigkas sa harap ng maraming tao at ito ay isang
uri ng akademikong teksto/sulatin na maaaring gamitan ng paglalarawan, pagsasalaysay,
paglalahad at pangangatwiran.
Ang talumpati ay isang uri ng panitikan sapagkat ito ay may aral na ipinararating at
may lalim ang salita/ paksa.
Ito ay paraan ng pagbabatid ng mga opinyon o kaisipan na ginagawa sa
pamamagitan ng pagsasalita sa entablado.
Layunin nitong mapakinggan sa harap upang manghikayat, tumugon o mangatwiran
sa isang paksa, magbigay ng kaalaman o maglahad lamang ng paniniwala. Maaaring ito ay
pinaghanda, sinulat man o sinaulo, biglaang talumpati.
Mga dapat taglayin ng isang talumpati upang ito’y maging mabisa:
 Panimula- Dito inilalahad sa mga tagapakinig ang paksang tatalakayin upang
mapukaw ang kanilang interes
 Paglalahad -Dito nakapaloob ang pinakadiwa ng talakayan. Nagsisilbi itong
katawan ng talumpati na naglalaman ng mga kaisipan o mga detalye ukol sa paksa.
Ito ay kinakailangang maging malinaw upang maging mabisa ang
pakikipagtalastasan.
 Nilalaman -ang mga makabuluhang punto na mananalumpati.
Ang talumpati ay maaaring nakapanghihikayat, nagbibigay-galang, pang-akit,
nagbibigay kabatiran, pampalibang, papuri at pampasigla.
 Paninindigan- Kinakailangang mapatunayan ng mananalumpati ang kanyang

Address : Purok 06 Arenas, Arayat, Pampanga


Telephone No : 0907-051-8373
Email Address: r3pamp.300873@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF PAMPANGA
ARAYAT NATIONAL HIGH SCHOOL
300873
gustong ipunto o linawin na susuporta ng kahalagahan ng kanyang paksa.
 Pamimitawan- Dito nilalahad ang buod ng nilalaman ng talumpati. Nagsisilbing
wakas at pangsara sa talakayan na naglalaman ng maindayong kaisipan.

Hakbang sa pagsulat ng talumpati


1. Pumili ng paksa. Piliin ang paksang nakabatay sa iyong interes,
karanasan at kaalaman
2. Pagtitipon ng mga materyales. Dito na nagkakaroon ng
pagkakataong humanap ng mga materyales na may kaugnayan sa
paksang gagamitin sa pagsulat ng talumpati
3. Pagbabalangkas ng mga Kaisipan. Ang mga nakalap na kaisipan ay
isasaayos bilang panimula, katawan at wakas ng talumpati.
4. Paglinang sa mga kaisipan. Ilahad ang mga mahahalagang
impormasyon na sumusuporta sa pangunahing kaisipan ng paksa.
Mga katangian ng isang magaling na mananalumpati
1. Magsalita nang may angkop na lakas ng boses na maririnig ng
lahat ng tagapakinig
2. Isaalang-alang ang paghina at paglakas ng boses o pagbibigay diin sa
mga kaiisipan na nakapaloob sa iyong talumpati
3. Lakasan ang iyong loob at maniwala sa iyong kakayahan na kaya
mong magsalita sa harap ng maraming tao.
4. Tumayo nang maayos, huwag magpakita ng anumang kaba kapag
nagsimula nang magsalita.
5. Huwag masyadong gumalaw nang gumalaw. Huwag din namang hindi
ka na gumagalaw. Katamtaman lamang. Ang lahat ng sobra a
nakasasama.
6. Iwasan ang hindi kinakailangang paggalaw ng mga kamay
katulad ng paghawak sa ID, laylayan ng damit, panyo at iba pa.
7. Bukod sa paglakas ng boses, maaari ring gumamit ng angkop na
pagkumpas ng mga kamay upang mabigyang diin ang iyong
pinaninindigan o katuwiran.
8. Higit sa lahat humingi ng gabay sa Poong Maykapal
Bagay na dapat isaalang-alang sa pananalumpati
1. Mananalumpati- kailangan handa ang sarili sa pagtatalumpati
2. Talumpati-natugunan ang layunin ng magtatalumpati
3. Publiko – isaalang-alang ang tagapakinig o manonood
Hangarin kung bakit nagtatalumpati
1. Magbigay katwiran
2. Magturo
3. Manghikayat
4. Magpaganap o magpatupad
5. Manlibang

Address : Purok 06 Arenas, Arayat, Pampanga


Telephone No : 0907-051-8373
Email Address: r3pamp.300873@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF PAMPANGA
ARAYAT NATIONAL HIGH SCHOOL
300873

Mga patunay sa mabisang paggamit ng kumpas


Ang pagkumpasay makatutulong sa pagbibigay-diin sa ideyang nais ipahatid ng
mananalumpati.
1. Dapat na galing sa kalooban at natural ang pagkumpas.
2. Dapat na angkop sa mga salitang binibitawan ang pagkumpas.
3. Iwasan na nakatuwid lamang ang siko at bisig.
4. Palaging nauuna ang pagkumpas sa pagbigkas.
5. Nagsisimula sa balikat at nagtatapos sa dulo ng daliri ang kumpas.
6. Sapat na dami lamang ng kumpas ang kailangan.
7. Iwasan ang mga di tiyak na pagkumpas.
8. Dapat na may hangganan ang paggalaw.
9. Magpakita ng maayos na tindig habang kumukumpas.
10. Ang kanang kamay ang gamitin sa pagkumpas kapag kanang paa ang nauuna sa
pagtayo o vice versa, kapag dalawang kamay ang ginagamit sa pagkumpas dapat na
pantay lamang ang mga paa.

PAGYAMANIN!
Mahalaga ang gampaning-papel ng wika sa ating buhay, ngunit dahil lagi na natin
itong ginagamit, hindi natin gaanong naoobserbahan ang tungkulin nito. Natural na lamang
sa atin ito, tulad ng ating paghinga at paglakad. Ang pagkakaroon ng wika ay isang
katangiang ikinaiba ng tao sa mga hayop. Totoong ang mga hayop ay may sariling paraan
ng komunikasyon sa mga kapwa hayop, ngunit iba ang wika ng tao. Sa Language, Culture
and Societyni Salzmann (sa Tumangan, et al., 2000), tinukoy niya ang mga ikinahihigit o
ikinalalamang ng wika ng tao kaysa sa hayop. Ilan sa mga ito’y ang kalawakan ng saklwan
ng wika ng tao at ang antas ng kakayang maituro ito sa iba. Bukod dito, tinukoy pa ni
Salzmann ang gamit ng wika sa mga hayop. Sinabi niya, it is important to their survival. Sa
tao, higit sa survival ang tungkulin ng wika.
Pananda para sa Kohesyong Gramatikal (Cohesive Devices). Ginagamit upang hindi
paulit-ulit ang mga salita at maging maayos ang daloy nito.
1. Anapora- ang panghalip na tumutukoy sa naunang nabanggit na pangngalan o
paksa.
2. Katapora- ang panghalip ay unang ginagamit sa pangungusap bago ang pangngalan
o paksang tinutukoy.
3. Pangatnig- ginagamit para maging magkakaugnay ang mga ideya.
4. Panandang Salita- pagbibigay-diin, naglilinaw at pumupukaw ng atensiyon ng
tagapakinig

Address : Purok 06 Arenas, Arayat, Pampanga


Telephone No : 0907-051-8373
Email Address: r3pamp.300873@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF PAMPANGA
ARAYAT NATIONAL HIGH SCHOOL
300873

SUBUKIN!
A. Suriin ang mga salitang nakasulat nang madiin sa bawat pangungusap, isulat ang ( =
) sa patlang kung ito ay magkasingkahulugan at ( ≠ ) kung hindi naman.
1. Magalang ang nanalumpati kung matalas na pananalita ang lumalabas sa
kanyang bibig.
2. Hangarin natin na maiparating sa iba ang gusto nating sabihin.

3. Ikaw ay nanlilibang kung napapaalis mo ang iyong tagapakinig.

4. Nagtuturo sa iba ang nagbabahagi ng nalalaman mo sa isyu.

5. Sa harap ng publiko dapat na binibigkas ng isang nagtatalumpati.


6. Ang paksa sa talumpati ay mahusay kung ito ay napapanahong isyu.
7. Upang maging kaakit-akit ang anyo sa harap madla dapat na maganda
ang tindig at tikas ng isang mananlumpati.

8. Ang lakas ng loob ay mahahalata kung may kaba sa pagsasalita sa harap ng


marami.
9. Kailangan na maiwan sa madla ang kaisipan at gusto mong aral na
matutunan nila.
__ 10. Ang labis na pagkumpas ay hindi nakakatulong sapagkat sobra itong
makakaagaw sa atensyon ng iyong tagapakinig.

B. Basahin ang mga pahayag sa ibaba. Lagyan ng kung ay wasto ayon sa nabasang
teksto at kung mali naman.

1. Ang tinig ay dapat na nawiwiling pakinggan.


2. Iisa lamang ang uri ng talumpati.
3. Hindi lahat ng talumpati ay binibigkas sa harap ng madla.
4. Panghalip ang salitang ginagamit sa pagdurugtong ng 2 kaisipan.
5. Walang hangganan ang pagkumpas o paggalaw sa pagtatalumpati.
6. Ang pagtaas at pagbaba ng tinig ay mainam sa pagtatalumpati.
7. Ang maayos na pananamit ay kailangan ng nagtatalumpati.
8. Nagtatalumpati upang kutyain ang tagapakinig.
9. Ayos lamang kabahan ngunit huwag ipahalata sa iyong tinig.
10. Laging nauuna ang pagbigkas kaysa sa pagkumpas.

ISAISIP!

Address : Purok 06 Arenas, Arayat, Pampanga


Telephone No : 0907-051-8373
Email Address: r3pamp.300873@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF PAMPANGA
ARAYAT NATIONAL HIGH SCHOOL
300873
Punan ng iyong saloobin ang bawat pahayag na hinihingi ito.

ISAGAWA!
Sa puntong ito, ikaw ay kinakailangan na bumuo ng isang talumpati mula sa
sitwasyong mapipili mo sa ibaba. Alalahanin at sundin mo ang mga hakbang at
kaisipan na natutunan mo sa mga tekstong binasa mo. (Gumamit ng ibang papel
para dito at idikit sa huling pahina ng modyul na ito).

SITWASYON 1: Kinatawan ka ng mga mag-aaral sa Grade 12 na magbibigay ng


talumpati para sa mga bagong pasok na mag-aaral sa Grade 11 sa pag-uumpisa ng
klase sa senior high school.

SITWASYON 2: Kinatawan ng mga mag-aaral sa Grade 12 na magbibigay ng talumpati


para sa araw ng pagtatapos ng klase sa senior high school na may temang
“Kabataang Mula K to 12: Produkto ng Kalidad na Edukasyon.”

SITWASYON 3: Kinatawang mag-aaral ng paaralan na magbibigay ng talumpati sa


isang paaralan sa junior high school upang himuking pumasok sa inyong paaralan
para mag-aral sa senior high school.
SITWASYON 4: Kinatawang mag-aaral ng paaralan na magbibigay ng talumpati sa
lahat ng mga papasok na mag-aaral sa senior highschool upang himuking
makilahok sa clean up drive sa paaralan.
SITWASYON 5: Kinatawang mag-aaral ng paaralan na magbibigay ng talumpati sa
lahat ng mga papasok na mag-aaral upang himuking makipagtulungan sa laban ng
gobyerno kontra COVID- 19.

Pamantayan sa bubuuing Talumpati

Address : Purok 06 Arenas, Arayat, Pampanga


Telephone No : 0907-051-8373
Email Address: r3pamp.300873@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF PAMPANGA
ARAYAT NATIONAL HIGH SCHOOL
300873
Pamantayan Puntos Natamong Puntos
Kapaki-pakinabang na paksa 30
May matibay na batayan sa mga detalyeng inilahad 30
Nasunod ang hakbangin sa pagsulat ng 20
talumpati
Malinaw at nakawiwili ang paglalahad ng layunin, 20
mensahe ng talumpati
KABUUAN 100

TAYAHIN!
Piliin ang titik ng wastong sagot sa mga pagpipilian sa ibaba. Isulat ito sa
nakalaang patlang.
1. Ang hindi sangkap ng talumpati.
2. Hindi kailangan sa talumpati.
3. Bahagi ng talumpati kung saan ipinakikita ang hangarin ng
mananalumpati.
4. Ang kahulugan kapag nakataob ang palad at biglang ibinagsak ng
mananalumpati.
5. Bahagi ng talumpati kung saan dapat talakayin nang mahusay ang paksa ng
talumpati.
6. Ang dapat naghahanda bago humarap sa tagapakinig o manonood.
7. Siya ang isinasaalang-alang ng mananalumpati kaya ibayong
paghahanda ang kanyang kailangan.
8. Tumutukoy sa pagnanais na hikayatin ang publiko sa kaisipang hatid ng
talumpati.
9. Angkop na pangatnig sa pahayag na: naflatten na ang curve saka pa
lamang aalisin ang ECQ sa NCR.
10. Akademikong sulatin na ang layon ay bigkasin sa harap ng madla.
1. 2. 3. 4. 5.
a. kuro-kuro a. kumpas a. wakas a. nagtuturo a. katawan
b. katunayan b. musika b. simula b. masaya b. pakinabang
c. damdamin c. tinig c. pakinabang c. malungkot c. simula
d. pondo d. tindig d. katawan d. galit d. wakas
6. 7. 8. 9. 10.
a. mananalump a. publiko a. magturo a. kapag a. tula
ati b. mananalumpati b. manghikayat b. samantala b. talumpati
b. guro c. panauhin c. manlibang c. sana c. dula
c. hurado d. guro d. magpapansin d. dahil d. awit
d. panauhin

Address : Purok 06 Arenas, Arayat, Pampanga


Telephone No : 0907-051-8373
Email Address: r3pamp.300873@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF PAMPANGA
ARAYAT NATIONAL HIGH SCHOOL
300873

KARAGDAGANG GAWAIN!
Gamit ang internet o ang iyong cellphone panoorin ang isa sa mga Ulat sa
Bayan ng Pangulong Duterte na may kinalaman sa COVID-19. Suriin ang
nilalaman nito at tukuyin ang apat na paraan ng pagpapahayag. Isulat ang sagot
sa loob ng graphic organizer sa ibaba.

Prepared by:
CATHERINE N. BELZA
SST-I
Noted by:
Checked by:
BRICCIO P. CORPUZ
MICHEL T. VINLUAN
Principal IV
Filipino Coordinator

Address : Purok 06 Arenas, Arayat, Pampanga


Telephone No : 0907-051-8373
Email Address: r3pamp.300873@deped.gov.ph

You might also like