Professional Documents
Culture Documents
Speech Act
Mga bagay na nasambit o sinasambit na siyang nagpapakilos sa isang tao na gawin ang isang
aksyon buhat sa intensyon ng tagapagsalita.
Hindi ka lang nagbibigay ng impormasyon kundi nagsasaad ng kilos.Isang kilos na may langkap
na intensyon at posibleng may inaasahang tugon.
Nangangako
Nagbabanta
Bumabati
Nagpapasalamat
Nang-iinsulto
Nag-uutos
Nagpapasalamat
Nagpapayo
Theory of Meaning
Sina Lemaître and Fallah-Seghrouchni ang siyang nanguna sa pag-aaral ng tatlong kategorya sa
teorya ng kahulugan na nakaka impluwensiya sa pormalismong komunikasyon.
2. Intentionalistic Semantics
Ang pokus (ng talastasan) ay ang nais ipakahulugan ng tagapagsalita. Ang kahulugan ay
ipinahahayag sa pamamagitan ng intensyon ng tagapagsalita.
1|FIL 106 a c r r
Ang Teoryang Speech Act
Isang kilalang teorya sa larangan ng pilosopiyang pangwika. Kaugnay nito ang pag-aaral ng
“performative function” ng wika at komunikasyon.
Iminumungkahi sa SAT na ang bawat anyo ng ekspresyon maging ito man ay berbal o tekstwal ay
siyang nagrerepresenta ng mga “kilos o acts” na kinakailangang isagawa at may mga aksyon na
kinakailangang isagawa ng tagatanggap (ng mensahe), sa madaling sabi, sinusubukan ng SAT na
unawain kung paano nakatutulong o kung ano ang gampanin ng “utterance” o nasambit na
salita upang matamo o makamit ang isang aksyon.
Pangunahing ideya ng SAT: Sa proseso ng komunikasyon, ang tao ay hindi lamang basta
bumibigkas o sumasambit ng proposisyon o pahayag upang tanggapin o tanggihan lamang ng
tagapakinig, bagkus, bawat pagpapalitan ng pangungusap sa isang sitwasyong
pangkomunikasyon ay may kalakip o kabilang na intensyon ng tagapagsalita na makapagtamo ng
alinman sa mga sumusunod:
a. Paghingi ng pabor
b. Pagpapayo
c. Pakikiusap
d. Pagpapahiwatig
Si J.L Austin ay naglarawan ng 3 katangian o akto sa pagsasalita ng tao (Acts of Human Speech)
Isinalarawan ni Austin ang tatlong katangian ng pahayag o akto na nagsimula sa pagbuo ng mga
salita at pagtatapos na may epekto sa madla.
2|FIL 106 a c r r
2. Declarations-simpleng pagpapahayag
3. Directives-nakakaimpluwensiya sa tagapakinig na magsagawa ng isang particular na aksyon
tulad ng kahilingan, pag-uutos, pagbibigay ng payo.
4. Expressive-nagsasaad o nagpapakita ng sikolohikal na kalagayan ng tagapagsalita batay sa
kaniyang pahayag na may impact o dating sa kaniyang tagapakinig.
5. Representatives-isinasaad ang kalagayan ng tagapagsalita.
Pragmatiks
Ang Pragmatiks o pragmatika ay isang bahaging larangan ng linggwistika na nag -aaral ng mga paraan
kung paano nakapag-aambag ang konteksto sa pagbibigay ng kahulugan sa wika o salita. Isa itong sangay
ng semantika ito ay ang pag-aaral mismo ng kahulugan ng wika.
Ang semantika ang tumatalakay sa ugnayan ng mga pinapakitang senyales o paraan ng pagpapahayag at
pati ng mga taong gumagamit nito.
Kung ang isang tao ay may kakayahang pragmatic natutukoy nito ang kahulugan ng mensaheng sinabi at
di sinasabi, batay sa ikinikilos ng taong kausap. Natutukoy din nito ang kaugnay ng mga salita sa kanilang
kahulugan batay sa paggamit at sa konteksto.
Ang pragmatiks ay ang pag -aaral kung papaano iniimpluwensyahan ng konteksto ang paraan ng
paghahatid ng impormasyon ng mga sentens o pangungusap. Samakatuwid , ito ay pag -aaral ng aktwal
na pagsasalita.
Ang ganitong kakayahang kumunikatibo ang nais nating itampok sa araling ito sa pamamagitan ng pag-
unawa sa kakayahang pragmatiko. Ang kakayahang pragmatiko ay mabisang nagagamit ang yaman ng
wika upang makapagpapahayag ng intension at kahulugang naayon sa konteksto ng usapan at gayundin
natutukoy ang ipinahihiwatig ng sinasabi di-sinasabi at ikinikilos ng kausap.
3|FIL 106 a c r r
SPEAKING ni Dell Hymes
- Isang modelo sa pagsusuri ng diskurso bilang isang serye ng sitwasyon at akto pagsasalita at akto
ng pagsasalita sa loob ng isang kontekstong kultural.
- Isang paraan upang maging mabisa ang pakikipagkomunikasyon ay kailangan tukuyin o isaalang-
alang ang paggamit ng wika.
S E T T I N G (Saan nag-uusap?)
• Kailangang malaman kung nasaan ang tagapagsalita para maiyon niya ang kanyang pananalita at
paggamit ng wika sa kanyang kausap.
• Dito binabatay ng tagapagsalita ang kanyang tono ng pananalita at salita dahil ikinukunsidera
nito ang panlipunan katayuan ng kanyang mga tagapakinig.
E N D S (patutunguhan)
• Ito ay dumidepende sa gamit ng salita, ayos ng pananamit ng tao at sa kanilang galaw. Dito rin
malalaman kung anong salita ang dapat na gagamitin.
4|FIL 106 a c r r
I N S T R U M E N T A L I T I E S (Midyum ng usapan)
• Kailangan alamin kung anong midyum (pasulat o pasalita) ang gagamitin sa pakikipag-
komunikasyon, kung ito ba‘y bumabagay sa sitwasyon.
NORMS
• Dito inalam kung tugma o alam ng tagapagsalita ang mga paksang kanyang ginagamit at kung
ito‘y binabatay sa sosyal na panuntunan at pamamahala ng mga aksyon at reaksyon.
GENRE
• Isinasaalang-alang ang uri ng pagsasalita, gawa o kaganapan para sa mga halimbawa at ang uri
ng kwento na ginamit.
Ayon kay hymes sa kanyang acronym na SPEAKING, mapapansing tatlo sa mgaito ay participant, setting
at norm na binibigyan din ng konsiderasyon ng isang taong may kakayahang sosyolingguwistik. Kaya‘t
mahalagang ito‘y mapag-aralan dahil dito malalaman kung mahusay magsalita ang isang tao. Dito rin
natin matutunan kung paano maki-angkop ang taong may kakayahang sosyolingguwistiko.
―Hindi lamang dapat sinasaklaw ng kasanayan ang pagiging tama ng pagkakabuo ng mga pangungusap,
kundi ang pagiging angkop ng mga ito, depende sa sitwasyon.‖-Hymes
5|FIL 106 a c r r