You are on page 1of 7

Kumunikasyon at Pananaliksik sa

Wika at Kultura Pilipino

Quarter 2

KAKAYAHANG PRAGMATIK
Isinumete nina:
Aguila, Jillian Keira
Guevarra, Sam Lanver James A.
Junio, Jan Ezekiel
Murcia, Gracelyn Mae
Navato, Seandrei
Olivete, Jordan
Pentinio, Izellah
Perlado, Daniel
Solis, Precious kelly D.
Umayam, Kristensen Ashley

Isusumite kay: Bb. Chaves

1
TABLE OF CONTENT
Kakayahang Pragmatik —------------------------------------------------------------------------ 3

Larangan ng Pragmatik—-------------------------------------------------------------------------4

Pragmatik sa Komunikasyon—------------------------------------------------------------------ 5

Importansya ng Kakayahang Pragmatik—---------------------------------------------------- 6

2
Minsan mo na bang naisip, kung paano nagkakaunawaan ang isang indibidwal patungkol sa
kahulugan ng isang sitwasyon kahit na hindi naman ginagamitan ng verbal na kumunikasyon at sa halip
ay ang paggamit ng kilos upang maipahayag ang nais iparating? Kung oo, magaling! Dahil sa araling ito,
bibigyan nating pokus ang Kakayahang Pragmatik ng mga Pilipino.

Kakayahang Pragmatik
Pagtukoy sa kahulugan ng sitwasyong sinasabi, di-sinasabi, at ikinikilos ng taong kausap.

Pragmatik
Ang pragmatiks o pragmatika ay isang bahaging larangan ng linggwistika na nag-aaral ng mga
paraan kung paano nakapag-aambag ang konteksto sa pagbibigay ng kahulugan sa wika o salita. Isa itong
sangay ng semiotika o semantika, ito ay ang pag-aaral mismo ng kahulugan ng wika.
Ang semantika ang tumatalakay sa ugnayan ng mga pinapakitang senyales o paraan ng pagpapahayag, at
pati ng mga taong gumagamit nito.

BALIK TANAW! Semiotika


- Pagaaral mismo ng kahulugan ng wika.
Halimbawa: Pagbabasa ng Diksyonaryo.
Semantika
- Pagpapakita ng senyales o paraan para
makapagpahayag ng kahulugan.
Halimbawa: Paghawak at pagtapik sa tiyan, na
nangangahulugang gutom.

Kung ang isang tao ay may kakayahang pragmatik natutukoy nito ang kahulugan ng mensaheng
sinabi at di sinasabi—batay sa ikinikilos ng taong kausap. Natutukoy din nito ang kaugnay ng mga salita

3
sa kanilang kahulugan, batay sa paggamit at sa konteksto. Ang pragmatiks ay ang pag-aaral kung
papaano iniimpluwensyahan ng konteksto ang paraan ng paghahatid ng impormasyon ng mga sentens o
pangungusap. Samakatawid, ito ay pag-aaral ng aktwal na pagsasalita.

Kadikit ng paglinang sa kakayahang pragmatiko ang konsepto ng speech act. Ito ay ang paggawa
ng mga bagay gamit ang salita. Halimbawa nito ay pakikiusap, pagtanggi, pagpapaumanhin, pangangako
at iba pa. May tatlong sangkap ng speech act ;

Illocutionary Force – sadya o intensyonal na papel


Locution – anyong linggwistiko
Perlocution – epekto sa tagapakinig

LARANGAN NG PRAGMATIKS
Ayon kay Yule 1986:
“BINIBIGYANG-PANSIN DITO ANG GAMIT NG WIKA SA MGA KONTEKSTONG
PANLIPUNAN GAYUNDIN KUNG PAANO LUMILIKHA AT NAKAUUNAWA NG KAHULUGAN
ANG TAO SA PAMAMAGITAN NG WIKA.” Nakatuon ang Larangan ng Pragmatik sa
Kumunikatibong aksyon sa luob ng Kontekstong Soysokultural. Sa madaling salita, Binibigyang pansin
ang Kaangkupan ng gamit ng wika sa isang lartikular na sitwasyon.

Para kay Fraser 2010:

4
“NAKAPALOOB SA KAKAYAHANG ITO ANG PAGPAPARATING NG MENSAHENG
NINANAIS---KASAMA ANG LAHAT NG IBA PANG KAHULUGAN---SA ANUMANG
KONTEKSTONG SOSYO-KULTURAL.”

Para kay Chromsky:


“ANG KAKAYAHANG ITO AY TUMUTUKOY SA KAALAMAN KUNG PAANO
NAIUUGNAY ANG WIKA SA SITWASYON NA PINAGGAGAMITAN NITO.”

SANG-AYON NAMAN KINA BADAYOS AT MGA


KASAMA 2010.
Ang Pragmatiks ay Kinapapalooban ng Tatlong Pangkalahatang kakayahan sa Kumunikasyon:
1. Ang gamit ng Wika sa ibat ibang layunin gaya ng pagbati, Pagbibigay Impormasyon pananais,
Paghiling, at Pagbibigay pangako.
2. Paghiram o pagbabago ng wikang gagamitin batay sa pangangailangan o
inaasahan ng tagapakinig at/o sitwasyon.
3. Ang paggamit ng tuntunin sa isang talastasan at mga naratibong dulog gaya ng
pagkukuwento, pagbibigay ng ulat, at iba pa.

PRAGMATIKS SA KOMUNIKASYON
Saligan ng larangan ng pragmatiks ang pag-aaral ng wika mula sa pananaw ng mga gumagamit
nito, partikular ang kanilang pagpipilian, ang mga balakid na nararanasan sa paggamit ng wika sa isang

5
interaksiyonal na konteksto,Tinataya sa teoryang pragmatiks na ang isang mahusay na diskurso ay
palaging nakabatay sa kinalalagyang sitwasyon ng mga taong sangkot sa isang usapan.Mahalagang
elemento ng kakayahang pragmatik ang pag-alam sa kumbensiyon ng sosyolinghuwistika upang
maisakatuparan nang may kaangkupan ang gamit ng wika sa isang konteksto.

Makakamtam ito sa pamamagitan:


• pag-alam sa layunin ng pakikipag-usap
• ugnayan ng mga sangkot sa usapan
• paksa ng usapan
• sitwasyong umiiral sa usapan
Sa pakikipagtalastasan, mahalaga(ng):
• Mauunawaan ang intensiyon ng nagsasalita dahil mahuhulaan ang mensahe nito
nang tagapakinig.
• Ang kakayahang pragmatiko bilang daan sa pagiging epektibo nang
pakikipagtalastasan, sapagkat nililinaw nito ang relasyon sa pagitan ng intensiyon
ng nagsasalita o nagpapahatid ng mensahe at ang kahulugan nito.

Dapat isaalang-alang sa pragmatiks:


✓ INTELEKTUWAL NA KALAGAYAN NG DECODER
✓ KALINAWAN NG ENCODER
✓ PAGTATAGPO NG INTERPRETASYON

IMPORTANSYA NG KAKAYAHANG PRAGMATIKO

Mabilis na mauunawan ang konteksto ng isang usapin, malaking tulong ito upang lubos na
maging epektibong kumunikatibo ang isang tao. Kung walang kakayahang pragmatiks ang
isang tao maaring maging malaking hadlang ito sa epektibong kumunikasyon.

6
7

You might also like