Professional Documents
Culture Documents
Retorika - Modyul 1
Retorika - Modyul 1
Pananaw ng Kolehiyo: An advanced and adaptive university pursuing quality education, lifelong
gender-sensitive learning environment, responsive research-based community programs and
transparent governance with sustainable resource generation by 2025.
Misyon ng Kolehiyo: To provide excellence in instruction, research, extension, and production
that magnifies W.I.S.D.O.M. in leadership through total quality management system responsive
to the challenges of the 21st century education.
_____________________________________________________________________________________
____________
Ang modyul na ito ay dinesenyo upang mabigyan ng tugon ang pagkatuto ng mga mag-
aaral sa asignaturang Filipino 3 na sumasaklaw sa pag-aaral sa mga simulain, pamamaraan at
proseso ng retorika at diskurso sa wikang Filipino, at ang aplikasyon ng mga ito sa pagbubuo ng
mga akademiko at malikhaing anyo ng komposisyon.
Dagdag pa dito, mabibigyang tugon rin ng kursong ito ang nais na ipabatid sa atin ng
pananaw at misyon ng kolehiyo.
Nagsimula ang lahat sa salita. Mula nang matuklasan ng tao ang eksklusibong katangiang
ito na kaloob ng Maykapal, gumanap na ito ng napakahalagang papel sa kanyang buhay. Simula
noon hanggang sa kasalukuyan, wika ang pangunahing instrumento ng tao sa pakikipagtalastasan
na gumugugol ng mahigit sa limampung bahagdan ng kanyang masasayang sandali at ito ay
nagagawa sa paraang pasalita at pasulat.
Magiging mabisa ang anumang pahayag kung ito ay pasining. Dahil maaring magdulot
ang pahayag na ito sa tagumpay o kabiguan ng isang tao. Wika nga ni Ludwig Wittgenstein, Ang
limitasyon ko sa wika ay limitasyon ko sa mundo.
Kung tutuusin, ang mga kaalaman at kasanayang ito ay napag-aaralan o natututuhan. Ang
pag-aaral na kaugnay nito ay tinatawag na Retorika.
A. Depinisyon at Katangian ng Retorika, Saklaw at Gampanin ng Retorika
Sa website na http://www.gsu.edu, sa https://www.slideshare.net, at sa
https://google.com/amp/s/akosiniko.wordpress.com, matutunghayan ang mga iskolarling
depinisyon ng Retorika. Dinepayn at inilarawan ang disiplinang ito ng mga pangunahing
awtoridad sa larangang ito sa iba’t-ibang lokasyon at panahon. Pansinin natin ang ilan sa
mga ito:
Upang mas higit na maunawaan kung ano ang Retorika, ipinapakita ng ilustrasyon ang saklaw
nito:
Wika
Iba pang
Larangan Sining
RETORIKA
Lipunan Piliosopiya
Ngunit ang Retorika upang maging mabisa ay kailangnang sumunod sa mga tuntuning
pambalarila. Wika ang midyum ng Retorika, kaya hindi maihihiwalay ang gramatika sa retorika.
Sa pagpapahayag ng ideya ng isang tao, maari siyang maging pilosopikal ngunit kailangan
niyang maging risonable o makatwiran upang maipakita na ang kanyang mga argumento ay may
padron ng sensibilidad upang matanggap ng iba.
Dahil siya’y mamamayan, kailangan niyang maging konsern din sa lipunang kanyang
ginagalawan. Kailangang maisaalang-alang niya ang realidad ng kanyang panahon. Isa ito sa
tungkulin ng sino mang gumagamit ng Retorika.
Ngunit ang Retorika ay hindi lamang eksklusibo sa larangan ng Wika, Sining, Pilosopiya
at Lipunan. Sino mang tao, saan mang larangan ay may pagnanasang maging mabisa sa
pagpapahayag. Sa ano mang larangan, hindi maaaring hindi magsasalita o magsusulat ang mga
taong kasangkot doon. Samaktwid, maging sa ibang larangan, ang Retorika ay may malaking
kinalaman.
Napakahalaga ng Retorika sa buhay ng tao. Malaki at marami ang gampaning papel nito
sa atin. Ilan sa mga ito ay ang sumusunod:
Gaano man kasining ang isang pahayag, kung mali naman ang Gramatika o balarila- bala
ng dila nito, maari itong maging hindi katanggap-tanggap lalo na sa mga iskolar, edukado at
kritiko. Bukod pa rito, maaari rin itong maging ‘di kapani-paniwala o maging katawa-tawa.
Sa katunayan, ang gramatika ay isa ring espesyalisadong disiplina. Ang masusing pag-
aaral nito ay komplikado at nangangailangan ng mahabang panahon. Kung pakaiisipin, hindi
kailangang maging dalubhasa sa larangang ito upang maging mapanghikayat na ispiker at
manunulat dahil ano mang diskurso ang ating naiaaplay dito ay malaking tulong sa ating
pagpapahayag.
Dahil sa imposibleng talakayin pa rito ang lahat ng mga tuntuning pambalarila, ang focus
ng talakayan sa bahaging ito ay madalas na katisuran o pagkamalian ng marami.
Sa pagpili ng wastong salita- ang pagigng malinaw na pahayag ay nakasalalay sa mga
salitang gagamitin. Kinakailangang angkop ang salita sa kaisipan at sitwasyong ipapahayag.
Sa wastong gamit ng mga salita- kailangnang taglayin ng mga pahayag ang kawastohang
panggramatika. May mga salita kasi tayong ginagamit na ang akala natin ay maaaring malayang
nagkakapalitan, ngunit hindi naman kung ibabatay natin sa istriktong tuntuning panggramatika.
Ilan sa mga ito ay ang sumusunod:
1. NANG at NG
a. Ang NANG ay karaniwang ginagamit na pangatnig sa mga hugnayang pangungusap
at ito ang panimula ng katulong na sugnay. (nang + Bakit?; nang + Kailan?)
Halimbawa:
Mag-aral kang mabuti nang makapasa ka sa pagsusulit.
Nagsisimula na ang programa nang dumating ang mga panauhin.
Magsikap tayo nang umunlad ang ating buhay.
b. Ang NANG ay nagmula sa NA at inaangkupan ng NG at inilalagay sa pagitan ng
pandiwa at ng panuring nito. (nang + Paano?)
Halimbawa:
Nagpasa si Marvin ng proyekto nang maaga.
Nangaral nang mahinahon si G. Morales.
Nagdasal nang taimtim ang mga deboto.
c. Ginagamit ang NANG sa gitna ng dalawang salitang-ugat na inuulit, dalawang
pawatas o neutral na inuulit at dalawang pandiwang inuulit. (salita nang salita).
Halimbawa:
suklay nang suklay
mag-ipon nang mag-ipon
nagdasal nang nagdasal
d. Ang NG ay ginagamit na pananda sa tuwirang layon ng pandiwang palipat. (ng +
Ano?)
Halimbawa:
Nag-aral siya ng leksyon.
Bumili siya ng pasalubong para sa kanyang anak.
Nagtanim ng palay ang magsasaka.
e. Ang NG ay ginagamit na pananda ng actor o tagaganap ng pandiwa sa tinig
balintiyak. (ng + Nino?)
Halimbawa:
Pinangaralan ng guro ang mga nahuling mag-aaral.
Tinulungan ng binata ang matanda sa pagtawid.
Ibinaling ng bata ang kanyang atensyon sa leksyon.
f. Ang panandang NG ay ginagamit kapg nagsasaad ng pagmamay-ari ng isang bagay o
katangian. (ng + Kanino?)
Halimbawa:
Ang pera ng bayan ay kinurakot ng ilang buwayang politiko.
Ang palad ng mga mayayaman ay karaniwang makikinis.
Ang pagsabog ng bulkan ay nag-iiwan ng mapapait na alaala sa mga Ita.
2. KUNG at KONG
a. Ang KUNG (if) ay pangatnig na panubali at ito’y ginagamit sa hugnayang pangungusap.
Halimbawa:
Malulutas ang mga problema ng bayan natin kung isasantabi ng mga pulitiko ang kanilang
pamumulitika.
Aatend ako ng parti kung papayagan ako ng aking mga magulang.
Kung hindi kasana nagtaas ng boses ay hindi kayo nag-away ng iyong kaibigan.
b. Ang KONG (I, my) ay nanggaling sa panghalip na panaong KO at inaangkopan lamang
ng NG.
Halimbawa:
Gusto kong tulungan ka ngunit kailangan mo munang tulungan ang iyong sarili.
Maasahan sa mga gawain ang mga matalik kong kaibigan.
Ang tangi kong inaasahan sa iyo ay ang maging tapat sa ating pag-ibig.
3. MAY at MAYROON
a. Ginagamit ang MAY kapag sinusundan ng pangngalan.
Halimbawa:
Ang ngiti ay may ligayang dulot sa pinagbibgyan nito.
May virus ang USB na hiniram ni Verna.
Habang may buhay ay may pag-asa.
Halimbawa:
May pupuntahan k aba mamaya?
May tatapusin pa akong trabaho mamayang gabi.
May nakita siyang nakakapanghilakbot na pangitain kagabi.
Halimbawa:
4. SUBUKIN at SUBUKAN
a. Ang SUBUKIN ay nanganghulugan ng pagsusuri o pagsisiyasat sa uri, lakas o
kakayahan ng isang tao o bagay.
Halimbawa:
Subukin mong gamitin ang sabong ito at baka hiyang sa iyo.
Subukin mong kumain ng gulay at prutas upang sumigla ka.
Susubukin ng mga tagalalawigan ang galing ng mga tagalunsod.
Halimbawa:
7. PINTO at PINTUAN
a. Ang PINTO (door) ay bahagi ng daanan na isinasara at ibinubukas. Ginagawa ito upang
ilagay sa PINTUAN.
b. Ang PINTUAN (doorway) ay ang kinalalagyan ng pinto. Ito rin ang bahaging daraanan
kapag bumukas na ang pinto.
Halimbawa:
Isinara niya ang pinto upang hindi makapasok ang lamok.
Nakaharang sa pintuan ang paso ng halaman kung kaya’t hindi niya maisara ang
pinto.
8. TUNGTONG, TUNTONG at TUNTON
a. Ang TUNGTONG ay panakip sa palayok o kawali.
b. Ang TUNTONG ay pagyapak sa ano mang bagay.
c. Ang TUNTON ay pagbakas o paghanap sab akas ng ano mang bagay.
Halimbawa:
Hindi makita ni Mang Efren ang tungtong ng palayok sa kusina.
Tumuntong siya sa mesa upang maabot ang bumbilya.
Hindi ko matunton kung saan na nagsuot an gaming tuta.
9. DAHIL SA at DAHILAN SA
a. DAHIL SA ang wasto. Sinusundan ito ng pangngalang pinagsanhian ng isang
pangyayari.
b. Mali ang DAHILAN SA. Ang DAHILAN ay pangngalan mismo.
Halimbawa:
Hindi siya nakapasa sa pagsusulit dahil sa hindi niya pagsunod sa panuto.
Paninira sa mga kasamahan sa trabaho ang naging dahilan ng pagkasira ng
reputasyon ni Romano.
Dahil sa pag-iisip ng masama, nag-away-away tuloy ang dating magkakaibigan.
10. KUNG ‘DI, KUNGDI at KUNDI
a. Ang KUNG ‘DI (if not) ay pinaikling KUNG HINDI.
b. Ang KUNGDI ay di dapat gamitin. Walang salitang ganito.
c. Ang KUNDI ay kolokyalismo ng KUNG ‘DI.
Halimbawa:
Kung ‘di ka sana nagmataas ay kaibigan mo pa rin si Bernie.
Hindi ka sana nakapagtrabaho kung ‘di dahil sa iyong kaibigang pinagtaksilan mo
ngayon.
Walang makakapasok sa gusali kundi ang mga empleyado lamang.
Pagbuo ng Pangungusap- kailangan ang kaisahan sa pangungusap para maging epektibo ito.
Kung bawat bahagi ng pangungusap ay tumutlong para maihayag nang malinaw ang
pangunahing diwa nito, masasabing may kaisahan ang pangungusap.
1. Tiyaking magkatimbang at pararelismo ang ideya sa pangungusap.
Di- Timbang: Matapos magsitangis ay agad na nagbalot ng mga gamit ang mga pinaalis na
iskwater.
Timbang: Matapos magsitangis ay agad nagsipagbalot ng mga gamit ang mga pinaalis na
iskwater.
Di- Paralel: Ang pageehersisyo at masustansyang pagkain ay mahalaga sa pagpapabuti ng ating
katawan.
Paralel: Ang pag-eehersisyo at pagkain ng masusustansiyang pagkain ay mahalaga sa
pagpapabuti n gating katawan.
2. Tiyaking nagkakaisa ang mga aspeto ng pandiwa.
Di nagkakaisa: Nagsialis at nagsisiuwi ang mga panauhin ko kanina.
Nagkakaisa: Napagsialis at nagsiuwi ang mga panauhin ko kanina.
3. Huwag pagsamahin ang mga pangungusap na di magkaugnay.
Di magkaugnay: Hindi uunlad ang ating wika kapag hindi natin ito gagamitin at mahilig tayo sa
kalayawan.
Wasto: Hindi uunlad an gating wika kapag hindi natin ito ginamit.
4. Iwasan ang pagsama-sama ng maraming kaisipan sa isang pangungusap
Di mabisa: Ang pagsasayaw gaya rin ng paglalaro ng mga bata ng taguan kung gabing walang
buwan at padadama ng mga lalaking walang magawa at nagpapalipas ng oras sa pagupitan ay
tunay na nakaaliw.
Mabisa: Ang pagsasayaw, gaya ng paglalaro ng taguan ng mga bata ay tunay na nakalilibang.
5. Gawing malinaw kung alin ang punong sugnay at pantulong na sugnay.
Hindi malinaw: Dahil sa ayaw koi yon, hindi ko binili ang aklat.
Malinaw: Dahil sa ayaw ko ang aklat, hindi koi yon binili.
6. Gamitin ang tinig na balintiyak ng pandiwa kapag ang simuno ng pangungusap ang di
gumaganap ng kilos.
Mali: Si Joel ay binili ang relo para kay Bernie.
Tama: Ang relo ay binili ni Joel para kay Bernie.
Mali: Si Marie ay kinuha ang hinog na papaya sa puno.
Tama: Ang hinog na papaya sa puno ay kinuha ni Marie.
Kinuha ni Marie ang hinog na papaya sa puno.
7. Huwag ilayo ang salitang panuring sa tinuturingang salita.
Malayo: Maganda ng kwentong binasa ko talaga.
Malapit: Maganda talaga ang kwentong binasa ko.
Malayo: Tinawag ni Ron yang tao nang malakas.
Malapit: Malakas na tinawag ni Ron yang tao.
8. Ilapit ang panghalip na pamanggit sa pangngalang kinakatawan nito
Malapit: Ipinanhik ni Jun ang telebisyon sa bahay na binili ng tatay niya.
Malapit: Ipinanhik ni Jun ang telebisyong binili ng tatay niya.
9. Sa Filipino nauuna ang panaguri sa simuno sa karaniwang ayos ng pangungusap.
Karaniwang ayos: Minahal at ginamit ang sariling wika.
Mabait na bata si Marvin. Kaw ang
Di karaniwang ayos: Ang sariling wika ay minahal at ginamit niya.
Si Marvin ay mabait na bata.
Maling Paggamit o ‘Di Paggamit ng Gitling- talamak din sa social media laong-lalo na sa mga
meme sa Facebook ang maling paggamit ng Malaki at maliit na titik, paggamit ng parirala sa
halip na pangungusap, at maling paggamit ng mga bantas.
Kaugnay ng mga bantas, ang maling paggamit o ‘di paggamit ng gitling na yata ang
pinakatalamak.
Halimbawa:
Pare, ikaw ang MAKIPAGUSAP, ako ang kakatok.
Baka kaya tayo INI-IWAN, kasi hindi tayo sumasama.
Tunay na babae lang ang MAKAKA GETS nito.
Bigla kang tinawag ng guro mo para MAG RECITE.
Ang hirap ng grouping kapag wala kang KACLOSE.
KAWAY KAWAY sa mga ganito magsulat.
Samaktwid, kalian ba ginagamit ang gitling? Halika, at ating balik-aralan ang mga ito.
a. Ginagamit ang gitling sa pagitan ng panlaping nagtatapos sa katinig at ng salitang-ugat na
nagsisimula sa patinig.
Mga halimbawa:
1. Mag-anak 4. Tag-ani
2. Tag-ulan 5. May- abuloy
3. Pag-ibig 6. Pag-asa
e. Ginagamit ang gitling kung may nawawalang kataga sa pagitan ng dalawang salitang
pinag-uugnay.
Mga halimbawa:
1. alupihang-dagat 4. kahoy-gubat
2. kambal-tuko 5. sulat-kamay
3. buhay-manggagawa 6. tubig-alat
William Safire
Ayon sa aming obserbsayon sa mga post ng mga kabataang tulad niyo sa social media lalo na sa
mga meme sa Facebook, napansin namin ang sumusunod na talamak na pagkakamali. Minsan
kami ay napapaisip kung ito ba ay dulot lamang ng makabagong henerasyon o hindi.
Ano nga ba?
………pagdating sa pag-post, walang mahirap at mabilis na panuntunan, ngunit ayaw mong
palitawin ang iyong mga tagasunod sa pamamagitan ng pagiging isang talamak na
"overposter," sabi ni Meuser. Gusto mong tingnan ang iyong mga antas ng pakikipag-ugnayan
upang makatulong na gabayan ang dami ng iyong nai-post, ngunit kung gumagamit ka ng
Facebook, tatlo hanggang limang post sa isang linggo ay isang mahusay na numero. Ang buong
punto ng social media ay upang makisali sa iyong target na madla, sabi ni Meuser. Kung hindi
ka nakikipag-ugnayan sa iyong mga tagasunod, ano ang punto? Kahit na ang isang customer ay
nagrereklamo, o nagsabi ng isang negatibong bagay tungkol sa kumpanya, kailangan mo pa
ring tumugon sa isang napapanahon at angkop na paraan.
Angkop? Oo, angkop na paraan na dapat lamang natin taglayin upang hindi magkaroon ng
missinterpretasyon sa bawat pahayag
Ating alamain kung ano ang mga karaniwang pagkakamali na nagdudulot ng misinterpretasyon
ng bawat pahayag pagdating sa Social Media.
1. Paggamit ng NIYO sa halip na NINYO o N’YO
Halimbawa:
Barkada: Hindi mo man kadugo pero ang turingan NIYO sa isa’t-isa ay pamilya.
Tandaan: Walang salitang NIYO. Ang tamang salita ay NINYO o kaya naman
ay N’YO.
Tandaan: Walang salitang SAKIN, SATIN, SAMIN, NAKO, at KONA. Ang mga
tamang salita ay SA AKIN o SA ‘KIN, SA ATIN o SA ‘TIN, SA AMIN o SA
‘MIN, NA AKO o NA ‘KO, at KO NA.
NGUMITI KA NAMAN :)
Totoong sa pangaraw-araw na buhay, higit na ninanais ng mga karaniwang tao ang mga salitang
karaniwan sa kanilang mga mata at pandinig. Kung maari nga, ayaw na nilang mag-isip pa ng
kahulugang malalim. Ngunit sa maraming pagkakataon ay kailangang maipahayag natin ang
ating niloloob at damdamin sa ating pakikipag-usap, sa mga isinusulat, mga akda tulad ng
sanaysay, tula, maikling kuwento atbp. Sa paano mang paraan, pasalita man o pasulat, walang
dudang lubhang naptitingkad ang kariktan ng pagpapahayag kun sinasangkapan ng iba’t-ibang
uri ng estilo. Dahil sa katotohanang ito, ang masining ng pagpapahayag at ang mga
kasangkapang panretorika ay dapat na isaalang-alang at pag-ukulan ng pansin. Ang mga ito ay
maaaring maging mabisa sa pamamagitan ng:
MGA TAYUTAY
1. Pagtutulad (Simile)
- Ito ay isang uri ng tayutay na lantaran ang paghahambing ng dalawang bagay, tao,
pangyayari at iba pa. Ginagamitan ito ng mga salitang katulad ng, gaya ng, kapara, kawangis,
magkasim- magkasing- , kasing- at iba pa.
Halimbawa:
a. Si Lolo Candido ay kasing-tibay ng punong Narra dahil sa edad na 80, nagagawa
pa niyang bumuo ng bahay na siya mismo ang pumapanday.
b. Ang puso ni Manolito ay katulad ng isang bato. Hindi niya tinulungan ang
matandang babae sa pagtawid kahit nagmakaawa na ito sa kanya.
7. Pagpapalit-tawag (Metonymy)
- Ang ibig sabihin ng “meto” sa metonymy ay panghalili o pagpapalit. Ito ay paggamit ng
salitang panumbas o pamalit sa bagay, tao o pangyayaring pinatutungkulan.
Halimbawa:
a. Isang Einstein ang nanalo sa Science Quiz Bee. (Einstein na panghalili sa
napakatalinong tao)
b. Siya ang butuing nag-uwi ng koronang Mutya Hong Libertad. (bituin na panhalili sa
napakagandang kandedata)
8. Paripantig (Aliterasyon)
- Pag-uulit ng magkatulad na mga titik o tunog sa simula ng dalawa o higit pang
magkasunod na mga salita o salitang magkakalapit sa isa’t isa.
- Inuulit ang pantig sa unahan ng mga salita.
Halimbawa:
a. Masakit man sa akin pero sabi niya kulang pa ang pagmamahal, pagaaruga at
pagmamalasakit ko sa kanya.
b. Si Perla ay maituturi kong isang maganda, maalaga at mapagmahal na kaibigan.
ALUSYON
- Ito ay paggamit ng mga salita sa pagtukoy sa isang tao, pook o pangyayari. Karaniwang
ginagamit ng mga taong may pinag-aralan at taong dalubhasa.
1. Alusyon sa Heograpiya
a. Ang Britania Islands ay ang Boracay ng CARAGA Region.
b. Ang DELTA ay ang Dahilayan ng Butuan.
2. Alusyon sa Literatura
a. Nahihiya man akong aminin pero mithiin kong maging isang Juliet ng aking kaklase
na si Romeo.
b. Si Bonie ang Shakespeare ng aming unibersidad dahil sa angking talino sa larangan
ng literatura.
3. Alusyon sa Bibliya
a. Si Pipoy, na palaging maagang pumapasok sa paaralan, ay naatasang maging isang
San. Pedro ng aming guro. Siya ang taga-hawak ng susi ng aming silid.
b. Lahat ng mga ilaw ng tahanan ay mga Maria sa kanilang mga pinakamamahal na
anak.
4. Alusyon sa Mitolohiya
a. Kahit ano pang puri ang ibigay mo sa iyong sarili, hinding-hindi ka magiging Eros sa
aking paningin.
b. Sa husay ni Kiray sa pakikipaglaban, siya ang Athena ng kanilang purok.
SAWIKAIN o IDYOMA
- Ang sawikain o idyoma ay salita o grupo ng mga salitang patalinhaga ang gamit. Ito ay
nagbibigay ng ‘di tuwirang kahulugan.
* luha ng buwaya – hindi totoong nagdadalamhati, nagkukunwari, pakitang tao
- Huwag kang magpapaniwala sa kinikilos ni Jen tungkol sa pagkamatay ng isa ninyong
kaibigan dahil nararamdaman ko na iyan ay luha ng buwaya lamang.