You are on page 1of 91

MASINING NA PAGPAPAHAYAG FIL 1

KABANATA I

MGA BATAYANG
KAALAMAN SA
RETORIKA

MGA LAYUNIN:

1. Matalakay ang relasyon ng wika, masining at mabisang pagpapahayag sa retorika;


2. Mabigyang kahulugan ang retorika, retor at retorisyan;
3. Mailahad ang kasaysayan ng retorika sa daigdig at sa Pilipinas;
4. Maisa-isa at mapahalagahan ang mga dakilang retor, retorisyan at teorista ng
retorika; at
5. Maisadiwa ang pagtataglay ng tunay na retorika.

1 This Self-Learning Module (SLM) is a property of KCC, College Department. Unauthorized reproduction and distribution of this material is strictly prohibited.
FIL 1 MASINING NA PAGPAPAHAYAG

ARALIN 1:
ANG RETORIKA AT MASINING NA PAGPAPAHAYAG

“Kahit saang may paghihimok, may Retorika. At kahit saang may kahulugan, may panghihikayat.”

-K. Burke

A ng modyul na ito ay magpapakita ng masining na pagpapahayag na


nakaugnay sa retorika. Hindi mailalayo ang retorika sa pasulat at
pasalita mang diskurso. Nasasalat sa masining na pagpapahayag
ang tungkulin ng retorika – bilang isang agham at bilang isang sining. Isa itong
agham sapagkat may sinusunod na mga tiyak na tuntuning itinakda ng balarila;
at isang sining, sapagkat bukod sa mga aspektong pambalarila, isinasaalang-
alang nito ang estilo, himig o tono, at mga piling salita, para sa
maganda at epektibong pagpapahayag upang maging ganap na retorikal ang
iyong sasabihin o susulatin.

Napapaligiran tayo ng napakaraming halimbawa ng masining na pagpapahayag. Sa araw-araw


nating pakikisalamuha sa iba, sa simpleng pag-commute o panonood ng TV, tiyak na nakarinig o
nakabasa tayo ng mga halimbawa nito. Siguradong ikaw mismo ay may nasambit na ring mga
opinyon o ekspresyon na malikhain. Dahil pangkaraniwan ito sa ating buhay, madalas hindi ito
napapansin o nasisiyasat.

Ang Relasyon ng Wika at Retorika

Sa mga dakilang kaloob ng Diyos, hindi mapasusubalian ang kahalagahang naipagkaloob ng


wika sa tao. Mula sa salitang nagkabuhay ay uminog ang buhay ng tao sa daigdig. Buong husay
itong kinasangkapan upang tumuklas, magpamalas ng kapangyarihan, magpasaya at mangarap.
Ngunit, hindi rin naman maitatatwa na ito rin ang kasangkapan sa pagwasak, pagpapaluha,
pananakop, pang-aapi at kawalan ng pag-asa. Ganito rin kinasangkapan ang retorika sa pag-
imbulog ng panahon. Mula sa dakilang layuning gumamit ng mga pananalitang mabuti sa
pandinig, masarap sa puso at hangaring manghimok ay kinasangkapan ito upang manlinlang,
humatol nang walang sapat na katibayan at magpahinuhod gayong hindi makatwiran. Ganyan
ang kapangyarihan ng wika. Ganyan din ang kapangyarihan ng retorika. Alalahanin ang
analohiya ng isa sa dakilang manunulat ng literatura na si Edgardo Reyes (2010), wala raw hindi
nakukuha sa maayos na pag-uusap. Sa maayos, una sa lahat, dapat ay nagkakaintindihan. At
liban kung sa iisang wika ang pag-uusap, magiging isang Babel.

Ang Masining na Pagpapahayag

Hinahangaan ng lahat ang isang taong nagtataglay ng kasanayan sa mahusay na


pakikipagtalastasan. Kasangkapan ito upang makapangumbinsi o
makapanghimok. Pinatunayan ng kasaysayan na ang masining na pagpapahayag ay katuwang ng
mga politiko upang tangkilikin ng mga boboto. Katunayan, napakarami sa mga naging pangulo
ng iba’t ibang mga bansa ay taglay ang kahusayan sa pagsasalita. Hindi rin siguro kalabisan kung
sasabihing, pangangailangan ng isang ihahalal na pangulo ang pagtataglay ng kahusayan
sa pakikipagtalastasan. Maaaring sabihing magkasingkahulugan ang pagiging mahusay sa
pagpapahayag sa pagiging masining ng pagpapahayag. Kung masining ang pagpapahayag, ay

2 This Self-Learning Module (SLM) is a property of KCC, College Department. Unauthorized reproduction and distribution of this material is strictly prohibited.
MASINING NA PAGPAPAHAYAG FIL 1

taglay ng pahayag ang kariktan, ang talinghaga na nagpapakilos ng imahinasyon, damdamin at


higit sa lahat, ang kawastuhan ng pahayag sa angkop na sitwasyon.

Ang Masining na Pagpapahayag at Retorika

Ang salitang retorika ay karaniwan ding iniuugnay sa pagtataglay ng kahusayan sa


pakikipagtalastasan gamit ang kakaibang estilo, masisining na pangungusap, estratehiyang
tumatagos sa damdamin na may layuning makapangumbinsi ng tagapakinig, tagamasid, o kaya’y
ng mambabasa. Sa katunayan, kapag nagtanong ka sa mag-aaral at pinabigyan ng
kasingkahulugan ang salitang retorika, hindi malalayo sa mga sumusunod na ideya
ang maririnig:

 Ang retorika ay paggamit ng mapapalabok na salita sa pangungusap, kaya’t ang mga


pahayag ay maligoy at hindi direkta ang kahulugan;

 Ang retorika ay paggamit ng mga talinghaga at pagkukumpara gaya ng paglalagay ng


mga tayutay at idyoma sa mga pahayag;

 Ang retorika ay panghihimok, pangungumbinsi o pagpapahinuhod;

 Ang mga politiko ay maretorika;

 Ang mga taong maretorika ay karaniwang mambobola; at

 Ang mga taong maretorika ay kahanga-hanga ang paraan ng pagsasalita.

Kung lilimiin, mapapansin na ang pagiging masining sa pagpapahayag at retorika ay


ipinalalagay na magkasingkahulugan. Sa katunayan, matutunghayan talaga ang ganitong
pakahulugan sa pagbasa ng iba’t ibang mga aklat. Batay sa kahulugan ni Aristotle, hindi maiaalis
ang sining kapag tinutukoy ang retorika sapagkat kung ang paghahanguan ay ang etimolohiya ng
salita ay mula ito sa mga salitang “rhetor” na nangangahulugang “may karanasang mambibigkas
o pampublikong mambibigkas”, samantalang ang panlaping “ika” ay nangangahulugan namang
sining at kasanayan. Sa iba pang mga aklat ay binibigyang kahulugan ang retorika bilang
masining at mabisang paraan ng panghihimok. Nakasentro ang panghihimok sa perspektibo ng
mananalita―sa kanyang husay sa paghahatid ng katuwiran; sa kanyang husay sa paghawak sa
emosyon; at sa kanyang husay na maisaulo ang nais maipahayag. Ganito ang mga paunang
paglalarawan ni Aristotle sa mga retor na ang tungkulin ay makumbinsi ang kanyang
tagapakinig. Ngunit higit sa layunin lamang ng mananalita, pinagdedebatihan ng mga iskolar
ang mga umiiral na pagpapakahulugan sa retorika na karaniwang iniuugnay lamang sa mga
aktibidad politika na ang pangunahing layunin ay makapangumbinsi lamang. Sa paniniwala ng
marami, higit dito ang saklaw ng retorika na maaari rin namang magamit sa pang-araw-araw na
usapin.

Sa isang matandang aklat na nasulat sa Roma, ang Rhetorica ad Herrenium, masasabing


ang pahayag ay retorikal kung nagsaalang-alang ito sa mga sumusunod na kanon: ayos o
estruktura ng pangungusap; estilo na nagpapakita ng kasiningan sa paggamit ng wika; memorya o
ang pagkakasaulo ng pahayag; ang paraan ng pagpapahayag o paghahatid ng pahayag
(delivery)―kasama ang mga manerismo at pisikal na pagkilos gayundin ang lakas, hina, liwanag
at intonasyon ng pagbigkas kung paano makapanghihikayat.

3 This Self-Learning Module (SLM) is a property of KCC, College Department. Unauthorized reproduction and distribution of this material is strictly prohibited.
FIL 1 MASINING NA PAGPAPAHAYAG

Sa ganitong mga punto maiuugnay kung bakit ang katuturan sa retorika, matutunghayan
na kundi man salat sa teksto ay napakalawak naman ng saklaw ng kahulugan. Ika nga ng mga
iskolar na sina Lucaites, Condit at Caudell (1989):

…the definitions attributed to rhetoric have made it so narrow as to include little


more than style and delivery within its purview; in other instances its meaning
has been so broad as to colonize and include all other forms of discourse (Timothy
Borchers, 2009).

Pangangailangan ng Retorika ang Masining at Mabisang Pagpapahayag

Gaya ng nabanggit na, hindi maihihiwalay ang sining sa retorika. Ngunit tandaan na
kaakibat ng pagiging masining ang pagkakaroon ng mabisa ng pahayag. Kung gayon, ang
pagiging masining at mabisa ay kapwa dapat taglay ng retorika. Isang estilo ng pagpapahayag
ang pagiging masining. Sa pamamagitan ng mga talinghaga, pahiwatig, metapora, tugmaan,
palaisipan, nabubuo ang kariktan ng pahayag na umaakit sa pandinig at nagpapagana o
nagpapalakbay ng imahinasyon. Sa kabila ng halinang ito, ang pahayag ay dapat ding malinaw
at madaling maunawaan. Ngunit higit sa lahat, bigyang konsiderasyon ang paksa o nilalaman ng
talumpati. Dapat tama ang nilalaman at dapat nakasalig sa katotohanan.

Sa punto ng pagbibigay-kahulugan sa salitang “katotohanan” bagamat ang pananaw nina


Plato at Aristotle ay may pagsasaalang-alang sa maraming konsiderasyon, napakaideyal ng
hinahanap na katotohanan ni Plato. Nais niya ang katotohanang pantay at para sa lahat na
tinatawag niyang “absolute truth” na siya rin ang nagsabing kailanman ay maaaring nasa isip
lamang. Kaisa niya ang mga Hindu sa pagsasabing:

Truth is defined as "unchangeable", "that which has no distortion", "that which is


beyond distinctions of time, space, and person", "that which pervades the universe
in all its constancy".

Inilarawan naman ni Aristotle na may akmang katotohanan sa partikular na lipunan:


batay sa karanasan, batay sa paniniwala, katayuan sa buhay, kasarian, kapaligiran at iba pa.
Bahagi ito ng kanyang konsepto sa “Correspondence Theory of Truth” na nilapatan naman ni St.
Thomas Aquinas ng tinatawag na balanseng pormula o ekwasyon ng kaisipan sa mga bagay na
nasa kanyang paligid. Ipinaliwanag nga ni Aquinas na ang kaisipan ay maaaring totoo sapa gkat
umaangkop ito sa realidad, at ang realidad ay totoo sapagkat umaangkop ito sa kaisipan.

Kung ang absolute truth ay mananatiling nasa isip lamang at ang katotohanan ay
magiging totoo batay sa iba’t ibang konsiderasyon, kung gayon ang retorika na nagtataglay ng
katotohanan ay nararapat ding may perspektibong retorikal na nakabatay sa mga konsiderasyong
ito: kultura, pagkalahi, mga batas, edad o gulang, kasarian at iba pa. Ito ang tatawaging
perspektibong retorikal o ang pagbibigay-pananaw sa usaping retorikal na nakabatay sa iba’t
ibang konsiderasyon.

4 This Self-Learning Module (SLM) is a property of KCC, College Department. Unauthorized reproduction and distribution of this material is strictly prohibited.
MASINING NA PAGPAPAHAYAG FIL 1

Ang Perspektibong Retorikal

Sapagkat ang mga lipunan ng tao ay nabuo sa pamamagitan ng pinagkaisahang


katotohanang tanggap ng lahat, ito ang nagiging komon sa magkakaibang taong may iisang
kultura. Ibig sabihin, ang katotohanang tanggap ng lahat (social truth) ng miyembro ng
partikular na lipunan ang nagdidikta ng kung ano ang maaari at hindi maaari; ng tama at mali; ng
kasalanan at bawal; maging ng responsibilidad at obligasyon. Dito ibinabatay ang perspektibong
retorikal sa pagdulog sa mga usapin. Kung may perspektibong retorikal ang isang retor,
magtataglay siya ng ideya kung paano maaaring husgahan ng isang lipunan ang usapin na
tatalakayin. Mapupulsuhan niya kung magiging tanggap o magkakaroon ng masidhing pagtutol
ang mga tagapakinig, awdyens, tagahatol o ang simpleng mambabasa, manonood, manunulat at
maging ang mga tagapagsalita sa diskursong ihahain.

Isinilang ang tao bilang isang nilalang na nag-iisip, nagtitimbang, nangangatwiran at


nagpapasya. Ang bunga ng karunungan ay patunay na ang tao ay nag-iisip. Ang kanyang
prayoridad ay resulta ng pagtitimbang. Ebidensya ng pangangatwiran ang mga
desisyong kanyang pinipili. Ang kalagayan ng kasalukuyan ang pruweba ng kanyang
pagpapasya. Bagamat sa paniniwala ng iba ay kapalaran ang magbubunsod sa landas na
tatahakin ng tao, sa larangan ng retorika, ang makapanatiling namimili sa magkakataliwas na
kaisipan (mabuti vs. di mabuti; tama vs. mali; mahirap vs. madali; atbp.) ay bunga ng paggamit
ng pag-iisip, pagtitimbang, pangangatwiran at malayang pagpapasya na walang pamimilit.

Nang ang tao ay makapagpahayag, makakilala ng mga kahulugan ng mga salita, at


makapagbigay-kahulugan sa mga simbolo, retorika ang kanyang kasangkapan. Ang persepsyon
sa sarili, sa mga kakilala o hindi man kakilala ay may paggamit din ng retorika. Ibig sabihin, sa
anumang pakikipagtalastasan, pasulat man o pasalita, pakilos man o pasimbolo taglay ang
retorika, ang pagiging retorikal. Ika nga ng sikolohistang si Joseph Gusfield sa aklat ni Borchers:

…walang sinuman ang makaiiwas sa retorika. Sa pagsasalita, sa pananamit, sa


pagkilos, sa pagkain at maging sa paggawa ng araw-araw na aktibidad ng buhay
na nakikipagtalastasan. Nanghihimok tayo ng iba upang makabuo ng konsensus, at
hinihimok natin maging ang ating sarili, upang isagawa ang bagay na
gagawin (“we can not avoid rhetoric. When we speak, act, dress, eat, and
generally conduct our lives we communicate and, in doing so, persuade others,
including ourselves.”)

Ang Katotohanang Panlipunan (Social Truths)

Sa mga balita sa pahayagan, bagamat punong-puno ito ng mga pangyayaring di kanais-


nais ay hindi rin naman nawawala ang magagandang balita na pumapaksa sa pagkakaisa ng mga
desisyon upang matamo ang kapayapaan; pagpipirmahan ng mga kontrata upang magkaroon ng
kasunduan tungo sa parehong ikabubuti ng mga partidong sangkot; pagbabati ng mga dating
magkaaway o magkatalo; pagwawaksi sa marahas na pamamaraan ng digmaan. Pawang iisa ang
patutunguhan ng lahat ng ito – ang layuning magkaisa sa kabila ng pagkakaiba ng wika, kultura,
pananamit, moral na pagpapahalaga, estadong panlipunan at ideolohiya. Gayunpaman, sa kabila
ng pagkakaiba-ibang ito, binubuklod sila ng mga katotohanang panlipunan (social truths)
na tanggap at kinikilala ng mga lahing nagkakasundo-sundo. Ang “social truth” na ito ay nalikha,
pinatatag at sinubok sa panahon ng mga miyembro ng lipunan at nakaiimpluwensya sa
pagtatamo ng pagkakasundo sa mga desisyong panlipunan at politika. Anuman ang maging

5 This Self-Learning Module (SLM) is a property of KCC, College Department. Unauthorized reproduction and distribution of this material is strictly prohibited.
FIL 1 MASINING NA PAGPAPAHAYAG

sigalot ng mga lipunang may magkataliwas na paninindigan, kung batid ang tanggap at sinubok
na “social truth” ay tiyak na matatamo ang tugon upang magkasundo.

Ipinahihiwatig ng pahayag na ang tinatawag na katotohanang panlipunan o “social truth”


ay relatibo, maaaring magbago, mapalitan, mapaunlad batay sa hinihingi ng pagkakataon at
pangangailangan ng kasalukuyan.

Relatibo ang Katotohanang Panlipunan

Isa sa mga paraan kung paanong mapatutunayan ang pagiging relatibo ng katotohanang
panlipunan ay sa pamamagitan ng mga batas at moral na mayroon ang lipunan. Pansinin ang
mga batas sa pagbabayad ng buwis, pag-aasawa, pananampalatayang espiritwal (bilang ilan sa
mga halimbawa) na nakaaapekto sa pagtatakda kung ano ang moral para sa isang lipunan. Bakit
nga ba ang pagbabayad ng buwis ay sadyang dapat pahalagahan at may karampatang parusa ang
hindi makapagbabayad nang wasto, gayong ito’y donasyon mula sa sariling pagod at
pinagsikapan? Bakit sa ibang lahi ay pinahihintulutan ang pag-aasawa nang higit sa isa gayong
sa iba ay isa itong kasalanan? Bakit ang anumang aktibidad ay dapat isaisantabi kapag sumapit
ang takdang oras ng pagsamba? Moral na tungkulin ng isang mamamayang masunurin sa batas
na ibahagi ang kanyang kita para sa kapakanan ng bayan at ng kanyang kapwa. Paniniwala ng
iba na ang pag-aasawang higit sa isa ay naaayon sa kalikasan ng buhay hangga’t naisasaalang-
alang ang pagkakapantay-pantay sa pakikitungo at responsibilidad; para sa iba pa ang pag-aasawa
naman ay pagiging tapat at naglilimita sa pagkakaroon ng responsibilidad at pananagutang
sekswal sa iisang tanging kapareha lamang. Higit at di mapapantayan ang pagpapahalaga sa
kaligtasan ng kaluluwa at paniniwala sa maylalang kaysa anupamang materyal na bagay ang
ipinakikita ng pagkilala sa dakilang sinasamba ng iba’t ibang lahi.

Sa kabila ng pagkakaiba-ibang ito ay pinagtatagpo ng retorika ang magiging konsensus at


katanggapan ng mga kasunduang mapagtitibay ng mga sangkot sa usapin. Pagkakasundong
ibinatay sa katwirang makabubuti sa lahat at walang naging pamimilit.

Makikita ring relatibo ang katotohanang panlipunan batay sa pag-usbong ng “suliranin.” Ang
suliranin ay magiging suliranin lamang batay sa kung sino ang sangkot, ano ang layunin at
maging kung ano ang realidad.

Sa isang talumpating mula sa anak ng isang mambabatas, naikuwento niya kung


paanong ang mataas na ekspektasyon ng kanyang amang senador ay lagi niyang isinasaalang-
alang upang magkamit ng mataas na marka sa lahat ng kanyang asignatura sa abogasya. Sa
lahat ng asignatura ay impresibo at maipagmamalaki ang kanyang naging marka. Sa
katunayan, pangatlo siya sa may pinakamataas na marka sa paaralang kanyang pinagtapusan na
isa ring kinikilalang paaralan. Hindi nagkaroon ng puwang na magpatumpik-tumpik sa panahon
ng kanyang pag-aaral dahil sa pagsasaalang-alang sa ama. Gayunpaman, sa kabila ng lahat ng
ito, bagamat natuwa ang amang senador ay di rin naisaisantabi ang pangarap na sana ay
nakamit ng anak ang pagkakaroon ng may pinakamataas na marka. Kung sakali’t may
asignaturang ibinagsak ang anak ng senador; kung sakali’t di siya nagkamit ng matataas na
marka, maaaring masalamin na magiging suliranin ng anak ng senador ang ganitong
sitwasyon. Kung ikukumpara ang ganitong sitwasyon sa lahat ng mga nag-aral ng
abogasya, ang iba ay kuntento na sa markang pasado lamang kaya’t di kasing sigasig ng anak
ng senador; samantalang may iba rin namang maaaring higitan pa ang sigasig ng anak ng
senador upang makalikha o makagawa ng pangalan.

6 This Self-Learning Module (SLM) is a property of KCC, College Department. Unauthorized reproduction and distribution of this material is strictly prohibited.
MASINING NA PAGPAPAHAYAG FIL 1

Ang suliranin, ang mga taong sangkot, ang mga ekspektasyon, ang kasalukuyan at tunay
na kalagayan, ito ang mga salik na isinaalang-alang upang kumbinsihin ng sinuman ang
anumang gagawing dulog sa pang-araw-araw na pakikisalamuha sa buhay. Ang mga
konsiderasyong pinagbabatayan rin ng pang-araw-araw na retorika.

Ang Retorika, Retor at Retorisyan

Ang Retorika ang sining ng argumento o diskurso; ito rin ang sining at agham ng
pagpapasang-ayon. Kung tayo ay nagsusulat o nagsasalita upang kumumbinsi sa kung anuman
ang ating pinaniniwalaan, tayo ay maituturing na mga retor. Kung tayo naman ay nag-aanalisa at
sumusuri sa kabisaan ng isang argumento o diskurso, tayo ay maituturing na mga retorisyan.

Ang pag-aaral ng retorika ay ikinokonsidera bilang sentral na bahagi ng malalayang


sining sa edukasyon. Bilang karunungan ng pagpapahayag o ekspresyon, sa retorika makikita
ang sining at kagandahan ng pagbubuo at paglalatag ng diskurso at argumento. Sa anumang
pamamaraan, sa larangan man ng pagsasalita at pagsusulat; sa paglulubid ng mga salita gamit ang
dila o pagtatahi ng wika gamit ang panulat; ibinabanig natin ang mga ideya sa mas kongkretong
pamamaraan upang umapela, upang humikayat at upang magpaniwala.

Samakatuwid, kakambal ng pagbubuo ng diskurso at paglalatag ng mga argumento ay


ang tungkulin ng isang retor na kumumbinsi, magpaniwala at magpasang-ayon sa kanyang ideya.

Sa araw-araw na nabuhay tayo sa mundo; marami tayong pinaniwalaan, marami tayong


kinabiliban, nakumbinsi tayo at napasang-ayon. Naniwala tayo sa relihiyon sapagkat maaaring
nasumpungan natin ang inaakala nating totoo na nagpatatag ng ating pananampalataya.
Bumibilib tayo sa isang produkto sapagkat danas na natin at subok na ang husay at kalidad nito.
Ibinoto natin ang isang kandidato dahil nakumbinsi tayo at napasang-ayon sa maayos na
paglalatag niya ng kanyang plataporma para sa interes at kapakanan ng bayan. Patuloy tayong
nakikinig at naniniwala sa ating mga magulang dahil batid nating walang hinangad ang magulang
na ikapapahamak ng kanyang anak.

Ngunit sa kabilang banda, nagawa na ba nating tayo naman ang paniwalaan? Naranasan
na ba nating tayo naman ang pakinggan? Nagawa na ba nating kumumbinsi, magpabilib at sang-
ayunan ng iba?

Isang hamon sa talino at kakayahan ng tao ang kumbinsihin at pasang-ayunin ang isa sa
ating mga paniniwala. Dikta ng sintido-komon, likas sa bawat nilalang na ihayag ang kanyang
mga saloobin at mga pananaw. Handa tayong ipagtanggol ang ating mga ideya. Naninindigan
tayo sa ating mga saloobin at prinsipyo. Nakikitalad tayo at nakikipagkiskisan ng talino at
karanasan sa paglalatag ng ating mga argumento at diskurso.

Ngunit papaano nga ba higit pang magiging epektibo ang isang argumento upang mabago
ang paniniwala ng iba at sa huli ay tayo naman ang makakumbinsi?

Sa Matandang Gresya, unang pinag-usapan ng mga pilosopo ang tatlong basikong


retorikal na dulog na maaaring gamitin upang makakumbinsi. Ito ay ang mga sumusunod:

 Logos – Ito ang pamamaraang umaapela sa isip.


 Pathos – pamamaraang umaapela sa emosyonal na reaksyon ng mga manonood.

7 This Self-Learning Module (SLM) is a property of KCC, College Department. Unauthorized reproduction and distribution of this material is strictly prohibited.
FIL 1 MASINING NA PAGPAPAHAYAG

 Ethos – pamamaraang nagpapakita sa karakter o rapor (rapport) na taglay ng


isang mananalumpati (may tiwala ba siya? May kredibilidad ba? May karisma
ba?)

Sa mga dulog na ito, nagtatalumpati man tayo o nagsusulat, makikita natin at mapag-
aaralan ang mga punto ng atake upang higit tayong makakumbinsi. Mahalagang mapag-aralan at
masaliksik kung ano ang paksang ating tinatalakay at dapat ding isaalang-alang kung sino at
anong uri ng manonood, mambabasa o tagapakinig mayroon tayo.

Minsan sa buhay natin, nakakapakinig tayo ng mga mananalumpati o tagapagsalita na


may kakaibang paraan ng paggamit ng retorika. Bukod sa lohika, emosyon at karisma,
mahalagang isaalang-alang din ng isang retor ang paggamit ng wika.

Mahalagang talakayin at mapag-aralan ang “mabulaklak” na paggamit ng salita upang


higit na maging mabisa ang pangungumbinsi. Sa agham ng pagpapasang-ayon, ito ang tinatawag
na “flowers of rhetoric” o bulaklak ng retorika. Ito ang mga sumusunod:

 Inventio – ito ang teknik sa pag-iisip ng mga punto ng talakay sa isang paksa.
 Schemes – isa sa mga “rhetorical devices” na bahagi sa masining na paglalatag
at pagdadala sa estruktura ng pangungusap.
 Tropes – isa rin sa mga “rhetorical devices” na patungkol sa pagbabago at
pagpapalit ng kahulugan o paggamit ng salita. Sakop nito ang pag-aaral ng mga
tayutay at mga matatalinghagang salita.

Nagtatalumpati man tayo o nagsusulat, mahalaga ang maayos na pagpaplano upang


maging epektibo ang ating paglalahad ng mga argumento. Hindi biro ang magpasang-ayon at
magpaniwala ngunit sa patuloy na pag-eensayo at patuloy na paglilinang ng talino; walang
imposibleng makapagpabilib tayo at makapangumbinsi.

Ang Mananalumpati

Maraming personalidad sa mundo ang kinilala dahil sa kanilang kahusayan sa


pagsasalita. Noon pa man, sa Matandang Gresya at Roma; ang mga pilosopo noon bukod sa
pagsusulat ay madalas ipinahahayag ang kanilang mga punto de bista at paniniwala sa paraan ng
pagsasalita sa maraming tagapakinig. Nakikita sila sa mga plasa at mga bayan-bayan na
nangangaral at nagtuturo ng kanilang mga pilosopiya at talino. Madalas nilang paksain ang iba’t
ibang larangan tulad ng agham, sining, panitikan at maging ng politika. Ang pagsasalita o
pagtatalumpati sa harap ng publiko ay isang paraan ng paghahatid ng impormasyon sa mas
malawak na tagapakinig. Bukod pa rito, kinagigiliwang pakinggan at panoorin ang isang
mananalumpati na taglay ang katangian ng tunay na orador ng bayan.

Si Demosthenes

Kinilala bilang “The Father of Oration” isang dakilang orador ng Athens si


Demosthenes. Ang kanyang mga talumpati ay nagpapakita ng mahalagang ekspresyon ng
kontemporanyong Athenian at nagbibigay ng mahalagang pagsilip sa politika at kultura ng
Matandang Gresya.

Natutuhan ni Demosthenes ang retorika sa pag-aaral ng mga talumpati ng mga unang


dakilang orador ng kanyang bayan. At sa edad na dalawampu, binigkas niya ang kanyang unang
talumpati nang epektibo niyang ipagtanggol at pangatwiranan na dapat niyang makuha mula sa
kanyang mga tagapag-alaga ang mga natitirang pamana mula sa kanyang mga magulang.

8 This Self-Learning Module (SLM) is a property of KCC, College Department. Unauthorized reproduction and distribution of this material is strictly prohibited.
MASINING NA PAGPAPAHAYAG FIL 1

Mula sa Alexandrian Canon, kinilala si Demosthenes bilang isa sa sampung dakilang


Attic Orator. At ayon kay Cicero, si Demosthenes ang “perpektong orador” na walang
makikitang kakulangan.

Ngunit si Demosthenes, sa kanyang pagkabata ay mayroon ding problema sa pagsasalita.


Sinasabing dumanas siya ng tinatawag na rhotacism o maling pagbigkas sa (r) sa (l). Dumaan si
Demosthenes sa matinding disiplina upang malampasan ang kanyang mga kakulangan. May mga
kuwento na nagsasabing gumigising ng madaling-araw si Demosthenes at pumupunta sa may
dalampasigan. Habang naglalakad sa may baybay-dagat, nagsasalita siya at nagtatalumpati sa
kung anong paksa ang pumasok sa kanyang utak. Sa ganitong paraan, nagawang malampasan ni
Demosthenes ang kanyang mga kahinaan. Tanungin mo si Demosthenes kung ano ang tatlong
importanteng elemento sa pagtatalumpati? Ang madiin niyang sagot… Delivery! Delivery!
Delivery!

Ang Mabuting Mananalumpati

Ang mabuting mananalumpati o orador ay nangangahulugan na siya ay nakapagsasalita


ng may tamang pagbigkas, intonasyon, tono at karakter. Mahalagang taglayin ng isang orador ang
katangian ng mahusay na mambibigkas sapagkat kailangan niyang pukawin ang interes ng mga
nakikinig. Paano ito magagawa ng isang orador?

1. Gumamit ng wikang madaling maintindihan ng makikinig. Tanggalin natin ang


tinatawag na “language barrier”. Kung gusto nating tayo ay pakinggan, kumonekta tayo
gamit ang wika. Mahalaga na tayo ang mag-adjust sa kahingian at pangangailangan ng
mga nakikinig o nanonood.

2. Magbigay ng halimbawa. Mahalagang makapagbigay tayo ng malinaw na ilustrasyon


ng mga konsepto o ideya ng paksang ating tinatalakay. Mas madaling maipaunawa sa
mga tagapakinig o manonood ang paksang may matibay at pulidong halimbawa.

3. Gumamit ng “body language”. Magandang makita sa isang mambibigkas na


sinusuportahan niya ang kanyang mga sinasabi sa pamamagitan ng kanyang mga kilos.
Ang ekspresyon ng mukha at kumpas ng kamay ay malaki ang maitutulong upang
maipakita sa mga manonood o tagapakinig ang kahandaan sa ating binibigkas. At
nakadaragdag ito ng interes upang tayo ay pakinggan.

4. Huwag maging monotono. Mahalagang isaalang-alang ng isang mananalumpati na


huwag maging monotono sa pagbigkas. Ang pagtaas at pagbaba ng tinig o intonasyon,
ang wastong hinto ay nakadaragdag ng interes ng mga manonood upang tayo ay
pakinggan. Ang pagkakaroon ng baryasyon ng boses ay mahalaga sa pagbibigay ng
wastong damdamin na kailangan sa pagbigkas.

5. Aliwin o Libangin ang mga nakikinig. Ang mahalaga sa isang tagapagsalita ay ang
makuha ang buong atensyon ng kanyang tagapakinig. Mahirap itong gawin ngunit ang
isang mabuting kasangkapan ay ang aliwin sila, libangin at patawanin. Mahalaga ang
“humor” upang hindi magsawa ang mga manonood. Maaari rin namang magbigay ng
kuwento o anekdota sa inyong pagsasalita upang maging kawili-wili ang ginagawang
pakikinig.

9 This Self-Learning Module (SLM) is a property of KCC, College Department. Unauthorized reproduction and distribution of this material is strictly prohibited.
FIL 1 MASINING NA PAGPAPAHAYAG

6. Magtanong. Bilang tagapagsalita, maaari tayong magbato ng tanong sa mga manonood.


Mahalagang makabuo tayo ng interaksyon sa ating mga tagapakinig. Paraan din ito
upang malaman natin kung naiintindihan ba o nauunawaan ang ating mga sinasabi.

7. Magbigay ng Kongklusyon. Bilang mambibigkas o mananalumpati, responsibilidad


natin na maipaabot sa ating tagapakinig ang buong esensya ng paksang ating tinatalakay.
Mabuting bigyan natin ng maayos na kongklusyon ang ating mga sinasabi sa katapusan
ng ating talumpati. Talakayin sa kongklusyon ang mahahalagang punto o bigat ng
paksang ating tinatalakay.

10 This Self-Learning Module (SLM) is a property of KCC, College Department. Unauthorized reproduction and distribution of this material is strictly prohibited.
MASINING NA PAGPAPAHAYAG FIL 1

ARALIN 2:
KASAYSAYAN NG RETORIKA SA DAIGDIG

“Ang pinakamabuting retorika ay ang magsabi ng totoo.”


A. M. Camba

Ang Retorika ng Klasikal na Panahon

Sa panahon ni Aristotle, sapagkat ang mga mamamayan ay karaniwang bahagi ng


politikal na usapin ng bayan, deliberatibo o intensyonal ang paggamit ng retorika.
Pasalita ang retorika ng sinaunang panahon. Nagiging kasangkapan sa paggawa ng
mga polisiya at sa pagtalakay ng mga isyung pampolitika ang retorika. At dahil ang uri
ng pamahalaan nang panahon ni Aristotle ay demokrasya, napakahalaga ng mga
tagapakinig sa mga usapin. Ibinabatay sa konsensus ng mga tagapakinig ang anumang
magiging pagpapasya ng pamahalaan. Ang ganitong sitwasyon ay nag-iiwan ng bigat
ng tungkulin sa mga retor. Nakasalalay sa isang retor ang tagumpay ng pagtanggap,
pag-aapruba at pagpapatibay sa batas at magiging desisyon ng pamahalaan. Sa layunin
ng retor na maimpluwensiyahan ang isipan ng mga tagapakinig, bahagi ng pagiging retor ang
maging malikhain sa pagbuo ng kanyang pahayag, magtaglay ng estilo at maging
mapanghimok. Ang mga retor ang pinakamahuhusay, pinakamatatalino at tunay na tinitingala ng
bayan.

Ang ganitong kalagayan ng bayan ay napakabuting oportunidad para sa mga sophist, na


mga binabayarang guro upang magsanay ng mga retor na magtaglay ng kakaibang kasanayan sa
paghabi ng mga salita sa paglalahad ng usapin, di matawarang galing sa paggamit ng wika upang
makaapekto sa emosyon, kakaibang pag-angkop sa kanilang tagapakinig.

Sa aklat na Rhetoric ni Aristotle, inilahad niya ang pangangailangan sa pagpili ng


artistikong estratehiya sa paggawa ng talumpati na angkop sa pagkatao o palagiang
nararamdaman ng mga tagapakinig. Ang pagsasaalang-alang sa pagkatao at mga emosyon ng
mga tagapakinig ay mahalagang hakbang sa paggawa ng isang talumpati upang
maimpluwensiyahan ng mga retor ang isipan ng kanyang mga tagapakinig. Sa katunayan,
binigyang-diin niya na ang mga talumpati ay dapat na nagsasalang-alang sa logos, pathos at
ethos. Dagdag dito, tinalakay din ni Aristotle ang iba’t ibang emosyonal na kalagayan ng mga
tagapakinig at gumawa siya ng isang sikolohiya ng mga uri nito na sa tingin niya ay dapat na
malaman ng retor. Naging bahagi ng kanyang talakay ang iba’t ibang emosyon tulad ng inis,
galit, inggit, pati na rin ang kanilang mga kasalungat. Hinati ni Aristotle ang ugali ng tao: ang
ugaling panlalaki – batay sa gulang at suwerte. Inisa-isa ni Aristotle ang pagkakaiba sa pagitan ng
mga batang lalaki, matandang lalaki at mga lalaking nasa hustong gulang. Ayon sa kanya, ang
mga batang lalaki ay may malakas na silakbo ng damdamin, ideyal at sobra kung magtiwala. Ang
mga matatandang lalaki naman ay karaniwang masungit, hindi madaling maniwala, mapaghinala
at makitid ang pag-iisip. Ang mga lalaking nasa hustong edad ay may tamang balanse ng pag-
uugali. Bagamat sila ay nagtataglay ng pagtitiwala, may kaakibat rin silang paghihinala. Payo rin
ni Aristotle na dapat ding isaalang-alang ng retor ang mga “biyaya ng kapalaran” – ito ay
tumutukoy sa katayuan sa lipunan at mga propesyonal na kalagayan ng tao. Ang pamilyang
kinabibilangan ng tao at katayuan nito sa buhay ay nakaaapekto rin sa kanyang pananaw sa
buhay; halimbawa, karaniwan sa mga mayayaman ay mapanghusga sa kanilang kapwa, ang mas
mayayaman ay mayabang at ang tao na may kapangyarihan ay higit na ambisyoso.

11 This Self-Learning Module (SLM) is a property of KCC, College Department. Unauthorized reproduction and distribution of this material is strictly prohibited.
FIL 1 MASINING NA PAGPAPAHAYAG

Sa paglalarawan ni Aristotle ipinakita niya ang intelehente at pilosopikal na tagapakinig


na nakikilahok sa diyalektiko. Ang uring ito ng tagapakinig ay naiiba sa mga pampublikong
tagapakinig. Ang mga pampublikong tagapakinig ay bilanggo ng kanilang mga emosyon,
samantalang ang mga pilosopikal at diyalektikong tagapakinig (na kilala natin bilang mga pantas
sa lohika, matematika at iba pa) ay bumabatay sa nilalaman o diskurso ng talumpati.

Nang ang mga sophist ay naging kilala dahil sa husay nilang humubog ng mga retor,
kinatakutan ni Aristotle ang maaaring maging epekto nito sa pagtatanggol sa mga usaping
pambayan. Ipinakita niya ang sitwasyon kung saan ay nasasangkot ang isang maalam na retor na
siyang “may hawak ng katotohanan” at ang walang muwang na tagapakinig na maaring
maimpluwensyahan ang pag-iisip dahil sa husay ng retor sa paghabi ng mga pahayag at hindi sa
marapat na pinapaksa ng pahayag. Nang mga panahong iyon ay naging mabisa ang paggamit ng
enthymeme o mga pagbibigay-kongklusyon nang walang sapat na katibayan bagamat batay sa
parsyal na katotohanan. Sa ganitong mga sitwasyon, napaglalaruan ng retor ang kawalan ng
muwang ng mga tagapakinig.

Ang Retorika ng mga Romano

Para sa mga Romano, ang emosyon at awdyens o tagapakinig ay may malabong


gampanin sa retorika. Pinalawig nila ang ilang bahagi ng retorika ni Aristotle tulad ng estilo. Isa
sa naging tatak ng mga estilong Romano ay ang pagbibigay-diin sa panimula ng isang talumpati.
Sa panimulang bahagi pa lamang ng talumpati ay dapat nang makuha ang atensyon at ang loob ng
mga tagapakinig.

Ayon sa De Inventiore at Rhetorica ad Herennium, sa panahon ng medieval rhetoric, ang


tagapakinig ay binubuo ng publiko at ng mga tagahatol. Bagamat ang tagapakinig o awdyens ang
pinakama-impluwensiya sa magiging pasya ng pamahalaan, hindi ito masyadong binibigyang-
pansin. Para kina Cicero at Quintilian, (na ilan sa mga sinanay upang maging retor) nakasalalay
sa mga retor na pagtagpuin ang ideya at disposisyon ng anumang uri ng tagapakinig ukol sa
isang paksa. Ipinunto ni Quintilian na ang pag-alam sa katayuan o estado ng tagapaghatol ay
mainam upang matiyak ang paraang magagamit upang galitin o pakalmahin ang mga tagapakinig.
Sa De Oratore at Institutio, sinasabing ang estilong ginagamit ng mga retor ay dapat na umaakma
sa mga uri ng tagapakinig. May tiyak na mga estilo sa mga uri ng tagapakinig na kinakaharap
ng mga retor.

Kung kay Aristotle ay ipinalalagay niya na ang publiko ang boboto o pipili ng magiging
desisyon, ipinakita naman ng mga Romano na tanging ang hurado o lider lamang ang maaaring
makapagpasya. Binigyang-pagpapakahulugan ng mga Romano ang kaibahan ng intelligent peer
audience at general audience. Kay Cicero tinawag niya itong ad populum o ang publiko at ang ad
senatum o ang mga hurado at mga lider. Ang ad populum o ang publiko ay itinuturing na walang
muwang at babatay lamang sa magiging pasya ng mga lider ng bayan; ang mga hurado at mga
lider lamang ang siyang may kakayahang magpasya.

Tandaan na ang kombensyonal na retorika ay retorika ng talumpati sa mga okasyon na


siyang karaniwang ginagamit sa batas kaya ang tagapakinig ay pawang mga lalaki na sadyang
naroon upang makibahagi sa talumpati ng retor. Isang halimbawa ay ang pagpupulong ng mga
Athenian na puro kalalakihan lamang ang kasapi. Nakikibahagi talaga sila sa mga debate at mga
usaping politikal. Sa Gresya, ang isang nililitis ay maaaring ipaglaban ang kanyang punto
(bagamat maaari siyang maghain ng isang kinabisadong talumpati na ginawa ng iba).

12 This Self-Learning Module (SLM) is a property of KCC, College Department. Unauthorized reproduction and distribution of this material is strictly prohibited.
MASINING NA PAGPAPAHAYAG FIL 1

Dahil sa pagkakaiba ng estadong panlipunan, nagbunga ng sigalot ang mga pagpapasya


ng mga lider na pawang nagkaroon ng personal na interes at nahirati sa kapangyarihan. Ang
gampaning panlipunan na ginagamitan ng retorika ay unti-unting naputol. Maging ang relasyon
ng retor sa pampublikong awdyens ay bibihira na lamang. Ang mga politikal na usapin ay
inihaharap na lamang sa kongreso at senado. Bumaba na rin ang kahalagahan ng “maemosyong
pananalita” sapagkat mas naging mahalaga ang kaalaman sa batas at legal na usapin kumpara sa
retorikal na kakayahan. Napahalagahan ang pagkakaroon ng abogado na higit ang kaalaman ukol
sa usaping legal at politikal. Hindi naman naisasantabi ang retorika, sa halip ay palagian itong
kaakibat sa pagtatanggol.

Ang Mga Pangunahing Retor/Retorisyan

Napakahalaga ng naging gampanin ng mga retor at retorisyan sa kasaysayan ng mundo.


Sa pamamagitan ng kanilang mga konsepto ay patuloy na napauunlad ng tao kung paanong ang
usaping politikal, sibil at kriminal ay mabibigyang-hustisya. Dahil dito, marapat lamang na
kilalanin ang mga taong ito. Matutunghayan ang mga sinaunang teorista ng retorika:

Ang mga Sophist

Nagtuturo sila ng iba pang mga aralin gaya ng politika, gramatika at matematika. Ang
mga sophist ay naglalakbay upang hasain ang kanilang mga karanasan. Naging epektibo silang
mga guro ng retorika sapagkat bahagi ng kanilang karanasan ang kabatiran sa mga kultura at
tradisyon ng iba’t ibang lugar na kanilang napuntahan. Sa paniniwala nila ang katotohanan ay
nakabatay sa mga batas, paniniwala at gawi ng mga tagapakinig sa isang kongkretong oras at
panahon.

Estilo ng mga sophist na gumamit ng mapapalabok na salita metapora at nakalilitong


argumento upang mahimok, mapagalaw at maimpluwensiyahan ang isip ng mga tagapakinig.
Ang ganitong mga estilo na lubhang tinutulan nina Plato at Aristotle, ang nagpatanyag sa mga
sophist.

Si Plato

Isa si Plato sa mga pinakaimpluwensiyal na sinaunang teorista, na mariing sumasalungat


sa pagtuturo at pananaw ng mga sophist. Hanggang sa ngayon, mataas pa rin ang pagkilala sa
kaniyang mga isinulat ukol sa Pilosopiya, Politika at Retorika, at madalas din siyang nababanggit
sa ilan pang disiplina.

Ipinanganak si Plato sa isang pamilyang mayaman at aktibo sa politika, sa Athens noong


humigit-kumulang 428 BCE. Siya ay sinaunang mag-aaral ni Socrates, na nahatulan ng
kamatayan ng korte ng Athens at sa katagalan ay nagpakamatay. Matapos ang kaganapang ito,
naglakbay si Plato patungong Italya at Sicily sa sandaling panahon upang harapin ang ilang pag-
uusig mula sa mga pinuno ng pamahalaan. Ang kamatayan ng kanyang guro na si Socrates na
napilitang inumin ang hemlock bilang hatol sa kanyang prinsipyo, ang naging dahilan upang
bumaba ang pagtingin ni Plato sa oratoryo. Sa kanyang pagbabalik sa Athens ay itinayo niya
ang isang paaralan na kilala bilang “Akademya”. Si Aristotle ang isa sa mga sikat niyang mag-
aaral.

Estilo ng mga panulat ni Plato ang paggamit ng diyalogo sa pagitan ng mga tauhan. Ilan
sa kanyang mga obra ay ang “Gorgias” at “Phaedrus”.

13 This Self-Learning Module (SLM) is a property of KCC, College Department. Unauthorized reproduction and distribution of this material is strictly prohibited.
FIL 1 MASINING NA PAGPAPAHAYAG

Si Aristotle

Ipinanganak si Aristotle sa hilagang bahagi ng Gresya. Siya ay anak ng isang


manggagamot kaya’t nakatanggap siya ng maagang pagsasanay sa biyolohiya. Inaasahan ng
kanyang ama na si Aristotle ay magiging manggagamot din subalit sa hindi inaasahang
pangyayari ay maaga siyang naulila. Ang kanyang tiyuhin ang nagpalaki sa kanya. Tinuruan siya
nito ng retorika, wikang griyego at tula. Noong siya’y labimpitong taong gulang, nagtungo siya sa
Athens upang mag-aral sa Akademya ni Plato. Dahil sa pagiging magaling niyang estudyante,
naging guro rin siya rito nang humigit-kumulang dalawampung taon. Ang asignaturang itinuro
niya ay walang nakakaalam ngunit ang iba’y may hinuha na ito ay retorika o diyalektiko. Ang
pagsasanay na tinanggap niya sa ama ay nakatulong upang maging magaling na tagamasid si
Aristotle. Ipinakikita ang hindi matatawarang galing ni Aristotle sa pamamagitan ng kanyang
mga kontribusyon sa larangan ng lohika, retorika, pilosopiya at biyolohiya. Noong 335 BCE,
nagsimula siyang gumawa ng sarili niyang paaralan sa Athens at tinawag itong Lyceum.
Napakalawak ng saklaw ng kurikulum sa Lyceum, kabilang na rito ang lohika, retorika,
pilosopiya, pisika at biyolohiya. Sinasabi na nakapagsulat siya ng mahigit 150 na libro.
Karamihan sa librong ito ay mula sa mga pinagsama-samang sulat niya sa kanyang kuwaderno at
ang iba’y gawa ng ibang guro sa Lyceum.

Si Isocrates

Si Isocrates ang isa sa pinakatanyag at pinakamahusay na guro noon ng mga Griyego.


Siya ay ipinanganak noong 436 BC sa isang mayamang pamilya sa Athens. Naging estudyante
siya ni Socrates at Gorgias subalit siya’y umalis sa kanyang bayan noong panahong may
kaguluhan sa politika at nagbukas ng paaralan sa Chios kung saan siya pansamantalang namalagi.
Matapos ang pagtatayo ng paaralan doon ay naisipan niyang bumalik sa sariling bayan upang
doon naman itatag ang kauna-unahang permanenteng institusyon para sa sining. Ito ay nakapokus
sa politika. Sa mahigit limampung taon, siya’y naging tanyag sa pagtuturo at paghubog ng mga
kabataang Athenian sa larangan ng politika.

Sinasabing si Isocrates ay hindi kagalingan sa pagsasalita na batid ng nakararami dahil sa


minsanang pagharap at pagsasalita nito sa madla. Sa obserbasyon ng marami, ang mga sulating
likha ni Isocrates ay mas makabubuti raw na ilimbag at ipabasa kaysa bigkasin at marinig mismo
kay Isocrates. Si Isocrates ay kilala rin bilang manunulat ng talumpati ng mga orador.

Sumasalungat si Isocrates sa sinabi ni Plato na “ganap ang katotohanan” dahil para sa


kanya ang mga teorya ay may limitado lamang na pinaggagamitan.

Si Cicero

Si Marcus Tullius Cicero ay isang Romanong orador sa panahon ng Republika. Siya ang
nagdala at nagpakilala ng Griyegong pilosopiya at retorika sa Roma. Siya rin ang nagpakilala at
nagpaliwanag ng mga natatanging gawa ng mga Griyego tulad ng kay Aristotle.

Bagamat isang aristokrata, ang kanyang pamilya ay hindi mayaman at sila ay walang
pinanghahawakang puwesto at kapangyarihan sa politika. Siya ay nagsanay ng kanyang
propesyon sa pamamagitan ng pag-aaral ng retorika at pilosopiya. Bilang isang abogado, nagamit
ni Cicero ang kaniyang pagiging magaling na orador na naging dahilan upang siya ay magkaroon
ng maraming tagasuporta. Kaya naman nang siya ay lumahok sa politika, nahalal siya sa

14 This Self-Learning Module (SLM) is a property of KCC, College Department. Unauthorized reproduction and distribution of this material is strictly prohibited.
MASINING NA PAGPAPAHAYAG FIL 1

maraming matataas na posisyon kabilang ang tungkulin niya sa senado ng Roma. Siya rin ay
nakilala sa paglalantad ng korapsyon at katiwalian. Noong 60 BC, inanyayahan ni Julius Caesar
si Cicero upang pumanig sa pamahalaan ngunit tinanggihan niya ito sa paniniwala sa Republika
na may pamahalaang may demokratikong pamamalakad. Ipinalasap ni Caesar kay Cicero ang
kapangyarihan ng isang diktador at noong 58 BC, sapilitan niyang ipinadala si Cicero sa Gresya
at kinamkam ang kanyang mga ari-arian. Dahil sa mahusay na pagtatanggol ni Cicero ay
nakabalik siya sa kanyang bayan at nabawi niya ang kaniyang mga ari-arian maging ang
pagiging abogado. Nagsulat rin siya ng ilang mga libro.

Nang namatay si Caesar noong 44 BC, nakabalik si Cicero sa politika. Nag-iwan siya ng
marka sa kanyang mga kontrobersiyal na pananalumpati sa Senado na nagbigay daan upang
magkaroon siya ng mga kaaway at kritiko. Pinatawan siya ng parusang kamatayan ng pamahalaan
noong 43 BC. Upang bigyang-babala ang mga susunod pang orador, ang mga kamay at ang ulo
ni Cicero ay ipinako sa pulpito o sa speaker’s podium. Naging daan sa pagkamatay ng
demokrasya sa Roma ang uri ng kamatayang ipinataw kay Cicero.

Sa kanyang mga naisulat tungkol sa retorika tulad ng On Invention (De Inventione) at ang
On the Orator (De Oratore), hinihikayat ni Cicero ang praktikal na paggamit ng retorika. Sa
katunayan, karamihan ng mga gawa ni Cicero ay bumuhay sa mga gawa ng mga Griyego tulad
nina Aristotle, Plato at Isocrates. Naniniwala siya na ang mga Romanong orador ay dapat na
sanayin sa liberal na edukasyon gayundin sa sining ng retorika.

Sa ibaba ay matutunghayan ang ilan sa mga konsiderasyong dapat isaalang-alang ng


isang retor ayon kay Cicero:

Ang Husay sa Pagsasalita o Eloquence

Mahalaga ang husay sa pagsasalita dahil ito ang kauna-unahang instrumento para
makahikayat, sumunod na lamang dito ang speech o talumpati.

Ayon kay Cicero ang eloquence ay nakabubuti sa tao, sapagkat inilalayo o iniaalis nito
ang isang indibiduwal sa isang brutish o malupit at magulong uri ng pamumuhay, bagkus
inilalapit sa mas sibilisadong buhay. Ang nagtataglay ng husay sa pagsasalita ay may kakayahang
humubog ng karakter at nagpapasiklab ng lakas ng isang tao.

Ang taong nagtataglay ng eloquence ay may kakayahang magsalita sa harap ng maraming


tao. Sa pagpapatunay o paglalahad ng mga pruweba, simpleng estilo at hindi maemosyong
pagpapahayag ang estilong ginagamit ng retor; upang magbigay naman ng kasiyahan ay
ginagamit ang estilong pangkaraniwan at tila nakikipag-usap; samantalang upang maipakita ang
angking kakayahan na makahikayat na magpakilos ay estilong maringal, may awtoridad ang
ginagamit. Ang isang retor na may kakayahang pagsama-samahin ang mga nasabing estilo ay
magiging isang epektibong orador at retor.

Ang Panghihikayat o Persuasion

Sa pananaw ni Cicero, ang pangunahing layunin ng retor ay ang pukawin ang simbuyo ng
damdamin. Naniniwala siya na nakaatang ito sa husay ng retor. Kailangan ng isang retor ang
wastong paggamit ng mga salita para palawakin ang mga negatibong epekto ng mga bagay na
pinaniniwalaang mali at pagtutuunan ng mas malaking pansin ang kahit anong bagay na sa
pananaw ng nakararami ay mas kapansin-pansin.

15 This Self-Learning Module (SLM) is a property of KCC, College Department. Unauthorized reproduction and distribution of this material is strictly prohibited.
FIL 1 MASINING NA PAGPAPAHAYAG

Sa isang diyalogo, binanggit ng tauhang si Antonius na hindi niya kailangan ng


pilosopikal na pagpapakahulugan, bagkus ang mga taong matalas ang pag-iisip at malikhain ay
nakabubuo ng sariling kaisipan, damdamin, paniniwala at mithiin ng kapwa.

Hindi naman naalis sa isip ng ilan ang negatibong pananaw sa kakayahang


makapanghikayat ng mga retor. Ilang mga manunulat ang nagsasabing ang tunay na tungkulin ng
mga retor ay ang pagmamanipula ng mga pahayag upang mahikayat na magsagawa ng aksiyon
ang tagahatol bunga ng silakbo ng damdamin.

Pinagdebatihan sa De Oratore ang kahalagahan ng kaalaman at emosyon sa pamamagitan


ng pagtatalo ng magkabilang panig at malayang hinahayaang humatol ang mga tagapakinig.

Sa huli, labis din ang pagpapahalaga ni Cicero sa karakter ng retor. Malaking basehan ito
ng pagiging etikal ng isang talumpati. Ang pagpapakita ng orador/retor ng kabutihan o paggalang
at kakayahang makahuli ng simpatiya ay katangiang higit na kailangan. Mahalaga ang emosyon
ng orador/retor sa paksang talakay. Ang pagkakaroon ng puso at damdamin ng orador para sa
kanyang paksa ay tunay na makahihikayat sa kanyang tagapakinig.

Sa pahayag ni Antonius, bilang isang retor ay wala nang higit na mahalaga sa


pagkakamit ng pabor o panigan ng mga tagapakinig at mapukaw ang kanilang mga damdamin.

Si Quintilian

Si Quintilian ay isang matagumpay na orador ng Espanya at Roma. Tanyag ang kanyang


pangalan pagdating sa kanyang mga ideya tungkol sa pagsasanay sa mga retor.

Kilala ring orador ang ama ni Quintilian na nagpadala sa kanyang anak sa Roma upang
mag-aral ng retorika. Nang siya ay naging isang mahusay na retor, bumalik siya sa Espanya kung
saan nagpatayo siya ng pampublikong paaralan. Sumulat siya ng ilang aklat tulad ng Institutio
Oritoria na tumalakay sa pag-aaral ng isang retor. Ang aklat ay nagsaad ng mga impormasyong
katulad ng mga teoretikal na akda nina Aristotle at Cicero ukol sa pagkakaayos, estilo at
imbensyon sa retorika.

Siya na marahil ang pinakatanyag pagdating sa pagtuturo ng kaisipan na, “a true


rhetorician is a good man skilled at speaking”.

Dadag-Babasahin:

Pamana ng Klasikal na Retorika

Oral ang Midyum ng Panghihimok. Sa panahong ito, dahil wala pang mga cellphone,
rekorder, telebisyon at radyo na maaaring gamiting midya upang mabilis na iparating sa
madla ang mga kaalaman ukol sa usaping pag-uusapan, sa pamamagitan ng personal na
paghaharap ito isinasagawa.

Bagamat marunong magbasa ang mga sinaunang Griyego, mahirap din namang
gamitin ang pagsulat, na maaaring sa halip na mapabilis ang usapin, ay lalo itong

16 This Self-Learning Module (SLM) is a property of KCC, College Department. Unauthorized reproduction and distribution of this material is strictly prohibited.
MASINING NA PAGPAPAHAYAG FIL 1

mabalam. Praktikalidad marahil ang dahilan kung bakit mas pinili ng mga Griyego at
Romano ang paggamit ng kanilang boses upang makipag-ugnayan at magbigay ng
kaalaman sa ibang tao. Upang matawag na isang epektibong tagapagsalita, kailangan ng
isang retor na maging mahusay sa pagsasaulo ng iba’t ibang impormasyong nais
ipamahagi at bigyang punto. Dahil sa sitwasyong ito, naging inobatibo ang mga retor sa
pag-isip ng paraan kung paanong gagawing madali ang pagmememorya ng mga detalye
ng sasabihin. Sa ganitong paraan, kung bakit napadali ang pagsasaulo sa tamang
pagkakasunod-sunod ng siyam na planeta ay tinandaan ang pangungsap na “My Very
Eager Mother Just Served Us Nine Pizzas.” Na ang unang titik ng bawat salita ay
katumbas ng unang letra ng bawat pangalan ng planeta ayon sa tamang pagkakasunod-
sunod, “Mercury Venus Earth Mars Jupiter Saturn Uranos Neptune Pluto.” Sa isang
banda, bagamat ang ganitong paraan ay maghahantad sa tunay na husay ng
mananalumpati, retor/orador, may mga pagkakataong kulang sa mga kongkretong
impormasyon at basehan ang ipinapahayag sa mga tao, bunga ng pagkalimot sa mga
impormasyon at kakulangan sa pananaliksik. Dahil sa panahong ito ay wala pang ganap
na pananaliksik na maaaring pagbatayan, dumidepende ang mga abogado sa kung ano
ang naririnig-rinig, pinupulsuhan ang damdamin ng bayan, at ang mga argumento ay
hindi batay sa kongkretong obserbasyon na maghahatid sana ng katotohanan.

Mapanghikayat ang Pagdidiskurso. Panghihimok ang pangunahing layunin ng retorika


sa panahong ito sapagkat naging kasangkapan ito sa pagtalakay sa mga politikal at legal
na isyu. Tatlong uri ng retorika ang matatalakay sa ganitong aspekto:

Una, ang Panghukumang Retorika na kadalasang isinasagawa sa korte upang


litisin ang isang taong nasasakdal sa isang gawain; ikalawa, ang Lehislatibong
Retorika na ginaganap naman sa kongreso sa pagitan ng mga mambabatas kung
pag-uusapan ba, aaprubahan o tututulan ng mga mambabatas ang mga mungkahing
batas na inihaharap at batay na rin sa paraan kung paano ito mapag-uusapan sa
kongreso; at ang huli naman, ang Demonstratibong Retorika na kadalasang
isinasagawa upang purihin o sisihin ang isang tao sa isang espesyal na pangyayari.
Ang isang halimbawa nito ay ang pagpuri sa pamamagitan ng eulohiya sa araw ng
paglibing sa taong namatay.

Dahil nang panahong iyon ang retorika ay isang daan sa panghihimok, ang mga
katotohanang inihahain ng retor sa kanilang diskurso ay nakabatay sa kung sino ang
makikinig – ang publiko ba na wala namang kakayahang magpasya? O ang mga opisyal
ng pamahalaan na siyang may kapangyarihan? Isa si Plato sa tumutol sa ganitong uri ng
nilalaman ng mga talumpati. Para sa kanya, ang retorika ay isang katotohanang mahirap
unawain.

Pampubliko ang Pagdidiskurso. Batay sa gampanin ng retorika na manghikayat,


nangangailangan ito ng mga tagapakinig na kikilos o magpapasya batay sa sinabi ng
retor. Tungkulin ng publiko na maging bahagi ng ganitong aktibidad noong panahon ng
Matandang Gresya. Naganap ang mga pagtatalumpati sa harap ng mga tagapakinig o
awdyens na sa kalaunan ay magbibigay-panig o kikilos ayon sa paksang tinatalakay. At
dahil ang retorika ay tinanaw bilang pampublikong pangyayari, ang mga pribadong
usapan sa pagitan ng mga indibidwal kahit pa ito’y likas na mapanghikayat ay hindi
maituturing na retorika. Gayundin ang mga sikat na dulang Griyego na kadalasan ay
mapanghikayat ay hindi maibibilang na retorika.

17 This Self-Learning Module (SLM) is a property of KCC, College Department. Unauthorized reproduction and distribution of this material is strictly prohibited.
FIL 1 MASINING NA PAGPAPAHAYAG

Intensyonal o deliberatibo o may tiyak na tunguhin ang retorika nang panahong ito.

Ipinakita ng retorika nang panahong ito ang kapangyarihan ng paggamit ng wika.


Bunsod nito, ayon kay Barry Brummett, may apat na katangian ang mga teksto nang
panahong iyon:

1. Berbal – Gumagamit ng mga salita upang makipagtalastasan.

2. Eksposisyonal – Ito ay may kabilang na hanay ng mga karapatan at pagtaguyod sa


mga iyon. Maaari rin itong tawaging hanay ng mga argumento.

3. Diskreto – Mayroong ispesipikong hangganan. Halimbawa nito ay isang talumpati.


Kapag nagsimula ang isang talumpati, nagsimula na rin ang retorika. At kapag
natapos ang talumpati, natapos na rin ang retorika.

4. Hayrarkikal – Gumagawa ng mga inaasahan ukol sa papel ng mga tagapagsalita at


miyembro ng tagapakinig. Ang tagapagsalita ang may tanging karapatan sa
kapangyarihan.

Ibinunsod ng ganitong uri ng retorika ang paghahanap sa kahalagahan ng awdyens.


Sa mga demokratikong bansa, ipinalalagay ni Aristotle na ang tagapakinig ay may
kapangyarihang maging bahagi ng pagpapasya, samantalang sa mga bansang
awtoritaryan, marapat na ang mga lider ay walang personal na interes at pagmamalabis sa
kapangyarihan upang makapagpasya ng tapat batay sa kung ano ang maririnig at hindi
batay sa kung ano ang nais na mapakinggan.

At dahil ang wika ay nagagamit sa panlilinlang, ang paghulma sa katotohanang patas


sa lahat at walang kinikilingan ang naging sentro ng pananaliksik ng mga kasunod na
panahon.

Panahon ng Medieval Hanggang sa Muling Pagbangon

Matapos ang pagbagsak ng Emperyo ng Kanlurang Romano, ang pag-aaral ng retorika ay


nagpatuloy bilang sentro ng pag-aaral ng sining na pasalita (verbal arts) ngunit ang pag-aaral ng
sining na pasalita ay unti-unti ring bumaba dahil sa pagtaas naman ng pagpapahalaga sa pormal
na edukasyon. Nagbago ang pananaw sa retorika. Mula sa dating ang bigat ay nasa sining ng
pagsasalita ay humantong ito sa sining ng pagsulat (ars dictaminis) at naging paksa nito ang
pangangaral na pagsulat (ars praedicandi). Bilang bahagi ng pagbabago ng kurikulum, higit na
pinahalagahan ang lohika, at sekondarya na lamang ang retorika. Napakahalaga at napakataas o
iskolastik ang ekspektasyon sa pag-aaral. Ang mga estudyante ay binibigyan ng paulit-ulit na
pagsasanay sa paggawa ng diskurso sa asignaturang pangkasaysayan (suasoriae) o sa mga
sitwasyong panghukuman (controversiae).

Bagaman hindi itinuturing na eskperto sa retorika si St. Augustine (354-430), siya ay


sinanay sa retorika at naging isang propesor ng Latin sa Milan. Ang bagong paggamit ng retorika
ay nasa Ikaapat na aklat niyang De Doctrina Christiana. Ang aklat na ito ang naging pundasyon
at batayan ng homiletics o ang paggamit ng retorika sa pangangaral. Ayon sa prinsipyong ito,
tungkulin ng sinumang retor na mapanatili ang atensyon ng kanyang tagapakinig at sa huli ay ang

18 This Self-Learning Module (SLM) is a property of KCC, College Department. Unauthorized reproduction and distribution of this material is strictly prohibited.
MASINING NA PAGPAPAHAYAG FIL 1

mahikayat silang sumunod o gumawa ng aksyon tungo sa mabuting pamumuhay na naniniwala sa


Diyos. Ang uri ng retorikang ipinakilala ni St. Augustine ay mula sa pinagsanib na ideya nina
Plato (na naghahanap sa ganap na katotohanan) at ni Cicero (na naghain ng kanon ng retorika).
Para kay St. Augustine, ang masining na pagsasalita ay maaaring magamit sa mabuti o masama
at kritikal lalo’t gagamitin upang pasubalian ang kamalian lalo na sa pamamagitan ng oratoryo.
Gayunpaman, palagian sa kanyang pagpapayo na di dapat ginagamit ang retorika sa panlilinlang
bagkus upang higit na makaimpluwensya upang mailahad o makahimok tungo sa katotohanan.
Nakilala si St. Augustine sa kanyang pakikipagtalo upang mapanatili at mapangalaan ang
tradisyong pangsimbahan na nagbigay-daan din naman sa preserbasyon sa di mabilang na
retorikal na panulat ukol sa Kristiyanismo.

Sa pagdating ng Muling Pagbangon (Renaissance) ang mga usapin ukol sa retorika ay


umangat. Isinulat ni Boetthius (480-524) ang kanyang maiksing pagtingin sa estruktura ng
Retorika na ipinagpatuloy ni Aristotle sa kanyang taksonomiya. Sa panahong ito, ang retorika ay
bahagi ng pilosopiyang pakikipagtalo. Nang pinatatatag ng mga Arabong iskolar ang kanilang
pakikipagrelasyon sa Europa, muling ibinalik ang interes sa uri ng retorikang ipinakilala ni
Aristotle. Nang sumapit ang ikalabindalawang daantaon ng Muling Pagbangon ang pagpapasigla
sa pag-aaral ng gramatika, tula at retorika ay muli ring napasigla..

Sina St. Thomas Aquinas (1225-1274), Matthew of Vendome (Ars Versificatoria, 1175)
at Geoffrey ng Vinsauf (Poetra Nova, 1200-1216) ang mga naging kilalang manunulat sa
larangan ng pasulat na retorika sa huling bahagi ng Medieval Period. Bagamat pawang mga
kalalakihan ang mga manunulat, ilan sa mga babaing nag-ambag sa pasulat na retorika ay sina
Julian ng Norwich (d. 1415), at Christine de Pizan (1364-1430).

Noong 1943 sa Unibersidad ng Cambridge, ang doktoradong disertasyon ng isang


Canadian na si Marshall McLuhan (1911-1980) ay nagsarbey sa pasalitang sining mula sa
panahon ni Cicero hanggang sa panahon ni Thomas Nashe (1567-1600). Ang kanyang
disertasyon ay nananatiling pinakagamiting pag-aaral sa kasaysayan ng pasalitang sining kasama
ang trivium. Si McLuhan ay naging isa sa mga pinakanailathalang palaisip noong ika-20 siglo.
Napakahalaga ng kanyang matalinong pag-aaral ng kasaysayan ng retorika at diyalektiko.

Isa pa sa pinakainterasadong naitala noong Middle Ages ukol sa retorika ay makikita sa


maraming pagtatalo sa tula na natanyag sa England gaya ng The Owl at ang Nightingale (13th
Century) kasama ang sinulat ni Geoffrey Chaucer sa kanyang Parliament of Fowls (1382).

Ikalabing-Anim na Siglo (16th Century)

Sa 1967 New Catholic Encyclopedia, nalathala ang isang artikulong may pamagat na
“Humanism.” Ang artikulong ito ay nagbigay ng pinakamaalam na sarbey ng Renaissance
Humanism na tumutukoy sa malawak na hindi pagsang-ayon sa pag-aaral ng lohika at diyalektiko
noong panahong Medieval. Batay rin sa artikulo, higit na pinapaboran ang pag-aaral ng klasikong
Latin, estilo at gramatika, maging ang pilolohiya at retorika.

Isa sa maimpluwensiyang tinitingala noong muling pagsilang ng interes ng klasikong


retorika ay si Erasmus (c. 1466-1563). Ang kanyang akda, De Duplici Copia Verborum et Rerum
(kilala rin bilang Copia: Foundations of the Abundant Style) ay pinakamalawak na nalathala sa
buong Europa. Umabot ng mahigit 150 na edisyon ang pagkakalahathala nito at naging isa sa
batayang aklat sa paaralan. Hindi man kasing komprehensibo kaysa sa mga nalathalang aklat
noong panahong klasikal, nagkaloob ito ng pagtalakay sa res-verba (nilalaman at porma). Ang

19 This Self-Learning Module (SLM) is a property of KCC, College Department. Unauthorized reproduction and distribution of this material is strictly prohibited.
FIL 1 MASINING NA PAGPAPAHAYAG

kanyang unang akda ay pumaksa sa kahusayan sa pagsalita na naglahad sa mga estudyante kung
paano gamitin ang eskema at estropa. Ang kanyang pangalawang aklat ay tumalakay naman sa
inventio. Karamihan sa pinagtuunan sa aklat ay ang maraming baryasyon ng mga uri ng
diskurso.

Si Juan Luis Vives (1492-1540) ay isa rin sa nakatulong sa paghulma ng pag-aaral ng


retorika sa England. Isa siyang Espanyol na pinagkakatiwalaan ni Henry VII bilang isa sa nagturo
kay Mary. Si Vives ay isa sa mga tumutol noong magpasya si Henry VII na makipaghiwalay kay
Catherine ng Aragon. Iniwan niya ang England noong 1528. Siya ay nakilala sa kanyang mga
nasulat na aklat sa edukasyon gaya ng De Disciplinis na nalathala noong 1531 at ang kanyang
mga isinulat sa retorika gaya ng Rhetoricae, Sive De Ratione Dicendi, Libri Tres (1531), De
Consultatione (1533), at ang retorika ng liham na pasulat, De Conscribendis Epistolas (1536).

Ang kalagitnaan ng 16th Century ay kakikitaan ng pag-angat ng bernakular na retorika,


yaong mga nasusulat sa Ingles kaysa sa klasikong mga wika (Griyego at Romano). Ang gawa ni
Leonard Cox na may pamagat na The Art o Crafte of Rhetoryke (c. 1524-1530; ikalawang
edisyon na nalathala noong 1532) ay ikinokonsidera bilang pinakaunang teksto sa retorika sa
Ingles. Karamihan sa mga bahagi nito ay isinalin na gawa ni Philipp Melanchthon. Ang isa
pang matagumpay na naunang teksto sa Ingles ay ang gawa ni Thomas Wilson, ang The Arte of
Rhetorique (1553), na naglaman ng mga tradisyonal na pagtrato sa retorika tulad ng pagtalakay sa
limang kanon ng retorika (Invention, Disposition, Elocutio, Memoria at Utterance or Actio).
Kabilang sa mga dapat tandaan ay sina Angel Day sa kanyang The English Secretorie (1586,
1592) George Puttenham sa kanyang The Arte of English Poesie (1589) at Richard Rainholde sa
kanyang Foundation of Rhetorike (1563).

Si Petrus Ramus ay isang protestante na tumuligsa at nagbigay ng bagong pananaw sa


retorika. Sa paghamon na kanyang ginawa, inilahad niya na mas marapat pahalagahan ang
pagtuturo sa katotohanan kaysa sa retorika. Isa sa kanyang mga gawa ay ang pagtalakay na ang
inventio, dispositio at memoria ay bahagi ng dialectic (logic) samantalang ang elecutio at
pronuncio lamang ang naging bahagi ng retorika. Higit na nagpahalaga sa larangan ng edukasyon
ang uri ng retorika ni Ramus at hindi nito tinaglay ang kagaya ng kay Augustine na ginamit ang
retorika sa paraang pasermon sa misa upang maipakita ang debosyong espirituwal.

Isa sa mga Pranses na sumunod kay Ramus ay si Audomarus Talaeus (Omer Talon) na
nalathala ang kanyang retorika na Institutiones Oratoriae nong 1544. Ang aklat niyang ito ay
nagbigay ng presentasyon ng retorika na nagbibigay-diin sa estilo na lalong naging popular nang
binanggit ni John Brinsley (1612) sa kanyang aklat na Ludus Literarius o ang Grammar Schoole
bilang “pinakagamitin ng mga paaralan.”

Ikalabimpitong Daang Taon (17th Century) New England

Sa New England, ang Kolehiyo ng Harvard (itinatag noong 1636) ay tunay na kumikilala
sa mga akda ni Petrus Ramus. Inihayag ito ni Perry Miller sa kanyang akda na may pamagat na
The New England Mind: The Seventeenth Century (Harvard University Press, 1939). Ang
pinakamahalagang pangyayari sa dantaong ito ay makikita sa pag-unlad ng modernong estilo ng
bernakular na makikita sa Ingles kaysa sa Griyego, Latin o modelong Pranses. Isa sa kinilalang
retorisyan nang panahong ito ay si Francis Bacon. Sa kanyang akda na may pamagat na The
Advancement of Learning, binigyang-kritiko niya ang mga panghihimok na higit ang
pagpapahalaga sa estilo kaysa sa bigat ng usapin, paksa ng talakay, kabutihan ng argumento,
paglalahad ng paksa at ang lalim ng paghuhusga. Upang pabutihin ang estilo ng pagpapahayag,

20 This Self-Learning Module (SLM) is a property of KCC, College Department. Unauthorized reproduction and distribution of this material is strictly prohibited.
MASINING NA PAGPAPAHAYAG FIL 1

iminungkahi niya ang paggamit ng simpleng mga salita hanggat maaari. Idinagdag pa niya na
ang retor ay dapat pumili ng estilong angkop sa uri ng tagapakinig.

Ikalabingwalong Daang Taon (18th Century)

Hindi mapasusubalian na ang pinakamaimpluwensiyang paaralan ng retorika sa


panahong ito ay ang University of Edinburgh na ang puno ng Departamento ng Retorika at ng
Belles Lettres ay ang paring presbiteryo na si Hugh Blair. Sa kanyang aklat na may pamagat na
“Sermon” inilahad niya kung paano mamumuhay nang praktikal at may moral bilang isang tao.
Bagamat hindi mahusay sa pagsasalita si Blair, napakagaan at madaling sundan ang kanyang mga
isinulat kung kaya’t nagkaroon siya ng maraming tagasunod o mambabasa. Ang kanya ring gawa
ay naging gabay ng mga kabataan sa praktikal na pagsulat ng komposisyon. Ang gabay na ito
ang naging daan upang tawagin si Blair na “the first great theorist of written discourse”.

Ang Mga Modernong Retorisyan

Chaim Perelman

Isang pilosopo sa batas na nag-aral, tinuruan at namuhay ng maraming taon sa Brussels si


Chaim Perelman. Siya ay isa sa mga importanteng retorisyan noong 20th Century. Ang kanyang
pangunahing gawa ay ang Traite de lrgumentasyon – La Nouvelle Rhetorique (1528) kasama si
Lucie Olbrechts-Tyteca na isinalin sa Ingles bilang The New Rhetoric: A Treatise on
Argumentation ni John Wilkinson at Purcell Weaver (1969). Isa sa mga
pinakamaimpluwensiyang konsepto ni Perelman ay ang mga “dissociation”, “the universal
audience”, “quasi-logical argument” at “presence”.

Kenneth Burke

Siya ay isang retorisyan, pilosopo at makata. Marami sa kanyang gawa ay nakasentro sa


modernong teoryang retorika. Ilan sa kanyang mga akda ay ang Language as Symbolic Action
(1966), A Rhetoric of Motives (1950), A Grammar of Motives (1945) at Counterstatement (1931).
Isa sa pinakamaimpluwensiyang konsepto niya ay ang “identification”, “consubstantiality” at ang
“dramatistic pentad”. Inilarawan niya ang retorika bilang “ang gamit ng wika bilang simbolo na
paraan ng panghihikayat sa kooperasyon ng buhay na natural at ayon sa mga simbolo”.

Edwin Black

Siya ay isang retorisyan na mas nakilala sa kanyang aklat na Rhetorical Criticism: A


Study in Method (1965) na kung saan binigyang-puna niya ang pagdami ng “Neo-Aristotelian”.
Naglathala siya ng ilang beses na pinakamaimpluwensiyang sanaysay gaya ng: “Secrecy and
Disclosure as Rhetorical Forms,” “The Second Persona,” at “A Note on Theory and Practice in
Rhetorical Criticism”.

Marshall McLuhan

Si Marshall McLuhan ay isang media artist at pamoso sa kanyang sinulat na “The


Medium is the Message”. Ang akda ay naghahayag sa kanyang kaisipan na higit diumanong
mahalaga na hanapin ang kaalaman kaysa ang magpaliwanag ng kaalaman. Samakatuwid marapat
lamang na ang isang tao ay may pagpapahalaga sa eksplorasyon at pagtuklas ng kaalaman bilang

21 This Self-Learning Module (SLM) is a property of KCC, College Department. Unauthorized reproduction and distribution of this material is strictly prohibited.
FIL 1 MASINING NA PAGPAPAHAYAG

bahagi ng karanasan. Si McLuhan ay tulad ng isang sophist na may angking husay sa paghahabi
ng mga salita. Pinatunayan ito sa kanyang mga akda na mayaman sa mga salitang nagpapalawak
ng imahinasyon, may tugmaan at talinghaga.

I. A. Richards

Siya ay isang kritiko sa panitikan at retorika. Ang kanyang The Philosophy of Rhetoric ay
mahalaga sa teksto ng modernong teoryang retorika. Sa isinulat niyang ito, binigyan niya ng
kahulugan ang retorika bilang “pag-aaral ng hindi pagkakaintindihan at ang solusyon nito”. At
nagpakilala sa maimpluwensiyang konsepto ng tenor at behikulo upang ilarawan ang bahagi ng
metapora–ang pangunahing ideya at ng konsepto na kailangang mapaghalintulad.

Stephen Toulmin

Si Stephen Toulmin ay isang pilosopong Briton, awtor at edukador. Inilaan ni Toulmin


ang kanyang panahon sa pag-aanalisa ng mga praktikal na pagreresolba ng mga argumento sa
mga isyung moral. Nadiskubre na napakahalaga ng kanyang mga isinulat upang suriin ang mga
argumentong retorikal. Ang kanyang naging kontribusyon sa larangan ng retorika ay ang The
Toulmin Model of Argumentation, ang dayagram na naglalaman ng mga magkakaugnay na
elemento sa pag-aanalisa ng argumento. Sa loob ng tatlong taon na pagtatrabaho niya sa The
National Commission for the Protection of Human Subjects of Biomedical and Behavioral
Research, na itinatag ng United States Congress. Nakipagtulungan siya kay Albert R. Jonsen
upang isulat ang The Abuse of Casuistry: A History of Moral Reasoning (1988), na naglalahad sa
pagreresolba ng mga suliranin sa usaping moral. Isa sa kanyang pinakahuling gawa ay ang
Cosmopolis: The Hidden Agenda of Modernity (1990), ay tiyakang tumutuligsa sa pagbaba ng
pagtingin sa moralidad dahil sa pag-usbong ng modernong agham.

22 This Self-Learning Module (SLM) is a property of KCC, College Department. Unauthorized reproduction and distribution of this material is strictly prohibited.
MASINING NA PAGPAPAHAYAG FIL 1

ARALIN 3:
KASAYSAYAN NG RETORIKA SA PILIPINAS

“Ang pinakamabuting retorika ay ang magsabi ng totoo.”


A. M. Camba

Panahong Bago Dumating ang Kastila

Bagaman hindi maituturing na may pag-aaral na sa retorika ang


mga Pilipino bago dumating ang mga Kastila, masasabing ang
kasanayan sa pagtataglay ng retorika ay taglay ng mga Pilipino. Sa
pagpili ng mga salita, naihayag ng mga nagsasalita ang pagiging
maingat at tumpak ayon sa pangangailangan. Makikita ito sa mga
kasabihan, tanaga, diona at dalit. Pansinin ang halimbawa:

Con ualang sumaclolo


sa sucab na couro,t, lilo
yayang dinatin matalo
macca tamaan saolo.

Kung papansinin ang halimbawa, makikitang maayos na pinili ang mga salita upang
maging kanais-nais na pakinggan. Pansinin pa ang halimbawa:

Daliring nanhihinoco
ang camucay nanlolomo
at nag paapaui nag puyo
sa pag potol niyong boto.

Mapapansin na ang maaaring pinapaksa ng tula ay tungkol sa buhay ng isang magsasaka,


manghahabi o may kinalaman sa paggamit ng mga daliri, na sa kanyang kasipagan ay nanghihina
at napapagal ang kanyang mga buto.

Dahil pasalita ang uri ng paglilipat ng mensahe, walang naitalang pag-aaral sa retorika sa
panahon bago pa man dumating ang mga Kastila. Mayroon mang baybayin na nagpapatunay sa
pagsulat ng mga Pilipino, karamihan sa mga ito’y sinunog ng mga Kastila. Subalit hindi
mapasusubalian na mulat ang ating mga ninuno sa tamang paggamit ng salita sa isang takdang
panahon, okasyon at sitwasyon batay sa hinihingi ng pagkakataon.

Panahon ng Kastila

Nang dumating ang mga Kastila sa Pilipinas nangibabaw ang mga wikang katutubo.
Hindi itinuro sa mga Pilipino ang wikang Espanyol ng mga Kastila. Dahil dito, maraming wika
ang nagkaroon ng mga diksyonaryo at gramatika na malaki ang naitulong upang umunlad ang
mga ito. Sa wikang Tagalog lumabas ang kauna-unahang diksyonaryo na Arte y Reglas de la
Lengua Tagala na isinulat ni Padre Blancas de San Jose at isinalin sa Tagalog ni Tomas Pinpin
noong 1610. Gayundin sa ibang wika gaya ng Kapampangan na Vocabulario de la Lengua
Pampango na nailathala noong 1732 na isinulat ni Padre Diego Bergano. Vocabulario de la
Lengua Bisaya na isinulat ni Padre Marcos Lisboa noong 1754.

23 This Self-Learning Module (SLM) is a property of KCC, College Department. Unauthorized reproduction and distribution of this material is strictly prohibited.
FIL 1 MASINING NA PAGPAPAHAYAG

Ang mga pangyayaring ito ang nagbunsod para pag-aralan ang mga wika sa Pilipinas ng
mga Kastila na magiging tulay upang madaling maipalaganap ang Katolisismo. Lumabas din sa
panahong ito ang pag-aaral sa wika tulad ng Compendio del Arte de la Lengua Tagala na
nailathala noong 1703 na tumatalakay sa sining ng wikang Tagalog. Pinag-aralan dito ni Padre
Gaspar de San Agustin na siyang sumulat ang paggamit ng mga salita sa pagtula ng mga Pilipino,
kung paano pinipili ng mga Pilipino ang mga salita upang maging kaaya-aya ang tunog sa tuwing
pakikinggan. Ang halimbawa ng kanyang natuklasan, kapag ang huling pantig ng huling salita sa
bawat taludtod ay in o an, ito ay may mahinang dating dahil nagtatapos sa katinig. Tingnan ang
halimbawa:

Galing nang may sinicuan


nang may kabilabihan
cun maghabi nang birang,
tambing marorolan.

Isa sa mga naging tanyag sa panahong ito ay si Francisco Balagtas. Ang paggamit niya ng
salita sa tula ay matatas at kapuna-puna ang mga rhetorical devices na kanyang ginagamit. Ito ay
mapapansin sa kanyang Florante at Laura na nasa anyong awit. Dito gumamit siya ng metapora,
simile at iba pang mga tayutay. Gayundin ang tamang paggamit ng mga salita na nagpatingkad sa
kanyang obra na naging daan upang ito’y kilalanin bilang isa sa ipinagmamalaking obra sa
Pilipinas. Pansinin ang saknong bilang halimbawa:

O pagsintang labis na kapangyarihan


sampung mag-aama’y iyong nasasaklaw;
pag ikaw ay nasok sa puso ninuman,
hahamaking lahat masunod ka lamang!

Mapapansing gumamit dito si Balagtas ng mitonomiya. Dahil kinakausap niya ang isang
taong wala sa kanyang harapan.

Marami sa mga manunulat ang mulat sa tamang paggamit ng mga salita lalo na ang
pagkakaroon ng magandang tunog sa dulo ng mga salita. Dito maingat ang mga Pilipino sa
kanilang pagpili, ang magkatunog ay mas magandang pakinggan, gaya ng ginawa ni Balagtas.

Si Jose Rizal ay gumawa rin ng pagsusuri ukol sa pagtula ng mga Pilipino. Pinamagatan
niya itong Arte Metrica del Tagalog na binasa niya sa Sociedad Etnografica sa Berlin noong
1887. Sa kanyang pag-aaral, sinabi niya na gaya sa ibang mga wika, ang Tagalog ay gumagamit
sa tula ng sukat at tugma. Sinabi pa niya na ang huling pantig na may tuldik o tuldikan ay
karaniwang hindi nakasisira sa tula. Gaya ng mapapansin sa halimbawa:

Pag-ibig anaki’y aking nakilala


Di dapat palakhin ang bata sa saya.

Panahon ng Amerikano

Sa panahong ito, nagkaroon ng paglilinaw sa retorika. Nang gawin ni Lope K. Santos ang
gramatika ng Tagalog, maraming mga likhang salita ang kanyang inilahok. Subalit hindi lahat ng
mga salitang inilahok niya ay tinanggap ng bayan dahil alam ng mga gagamit na hindi angkop
ang mga salitang ito sa pagpapahayag ng kanilang mensahe. Tulad na lang ng salumpuwit para sa
upuan, salipawpaw sa eroplano at iba pa. Sa panahong ito naging popular sa mga tao ang

24 This Self-Learning Module (SLM) is a property of KCC, College Department. Unauthorized reproduction and distribution of this material is strictly prohibited.
MASINING NA PAGPAPAHAYAG FIL 1

Balagtasan bilang pag-alaala kay Francisco Balagtas. Dito, kailangang matalas ang isip ng
mambabalagtas upang makatugon agad sa inihayag na katuwiran ng kapwa mambabalagtas. Dito
pinipili ng mambabalagtas ang mga salitang kanyang gagamitin upang siya ang paboran ng mga
tagapakinig. Isa sa mga naging dakilang mambabalagtas ay si Jose Corazon de Jesus na siyang
kauna-unahang hari ng balagtasan.

Panahon ng Hapon

Naging gintong panahon ng Tagalog ang panahong ito. Naging popular ang mga tulang
Haiku at Tanaga na nasusulat sa Tagalog. Sa panahong ito maraming nagsisulat sa Tagalog.
Bihira ang pag-aaral ng retorika subalit umunlad naman ang panitikan sa panahong ito dahil
maraming mga manunulat sa wikang Ingles ay napilitang magsulat sa Tagalog.

Panahon ng Isinauling Kalayaan Hanggang sa Kasalukuyan

Sa panahong ito lalong sumigla ang pagkatha ng mga akda. Ang kadalasang paksa ay ang
kalupitang ginawa ng mga Hapon sa Pilipinas, kung paano inalipin at dinusta ang mga Pilipino.
Naging usap-usapan rin sa mundo ng panitikan ang pagsali sa Palanca, isang patimpalak
pampanitikan. Nang dumating ang panunungkulan ni Pangulong Ferdinand Marcos, naging
mapanghimagsik ang kadalasang paksa ng mga manunulat dahil sa pang-aabuso sa
kapangyarihan.

Sa kasalukuyan, isa sa mga masisigasig na sumusuri sa tamang paggamit ng mga salita ay


ang Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan na si Virgilio Almario. Dito niya pinansin ang
mga edukador na mala-siyokoy ang paggamit ng mga salita na ayon sa kanya ay maling
pagsasalin, tila pinaghalong Kastila at Ingles. Tulad na lang ng salitang kontemporaryo na mula
sa Ingles na contemporary at contemporaneo sa Kastila, na dapat sa Filipino ay kontemporanyo.
Gayundin ang salitang aspeto na mula sa aspecto ng Espanyol at aspect sa Ingles na dapat ay
aspekto sa Filipino. Ang kanyang aklat na Filipino ng mga Filipino ay nagtataglay ng pagsusuri
sa retorika, salita at iba pang mga isyu na may kinalaman sa wikang pambansa ng Pilipinas.
Pinuna niya rito ang mga maling paggamit ng mga salita sa iba’t ibang larangan at tinalakay rin
dito ang tamang paggamit ng mga salita sa ilang sitwasyon.

25 This Self-Learning Module (SLM) is a property of KCC, College Department. Unauthorized reproduction and distribution of this material is strictly prohibited.
FIL 1 MASINING NA PAGPAPAHAYAG

ARALIN 4:
ANG RETORIKA BILANG DISIPLINA: KATANGIAN. GAMPANIN AT KANON

“Kung sinuman ang nangangarap na sumulat sa isang maliwanag na pamamaraan, kinakailangang


liwanagin muna ito sa kaniyang isipan.”

-Johann Wolfgang Von Goethe (1749-1832)

Ang Retorika Bilang Disiplina

Binigyang-depinisyon ang retorika bilang isang sangay ng pag-aaral na


nakatuon upang maging mabisa ang pagpapahayag ng isang tao. Gamit ang kaalaman
sa wastong gamit at estruktura ng pananalita at tamang paghahabi ng mga kaisipan sa
pahayag ay nakabubuo ng epektibong diskurso. Masusukat ang kabisaan ng
pakikipagdiskurso sa pamamagitan ng retorika kapag nagkaroon ng pagbabago sa
pagkilos ng taong tagapakinig o awdyens.

Ang Sakop ng Retorika

Simula pa noong matandang panahon, pinagtatalunan na ng mga palaaral ang saklaw ng


retorika. Ang ilan ay nililimitahan lamang ang sakop nito sa mga diskursong pampolitika habang
ang mga makabagong mag-aaral naman ay ibinibilang ito sa bawat aspekto ng kultura. Sa
ngayon, higit na malawak na pag-aaral ang inilalapat sa kabuuan ng retorika sa kalakaran ng
pananaliksik kumpara sa nakaraang dantaon.

Pangunahing pokus ng klasikal na retorika na magsanay ng isang mabisang


tagapaghikayat sa mga pampublikong usapan at sa mga institusyon gaya ng mga korte at
asembleya. Sa makabagong pag-iimbestiga sa larangan ng retorika ay binibigyang-pagpapahalaga
naman nito ang malawak na gampanin ng tao sa pakikipagdiskurso. Pinagtutuunan ng pag-aaral
ng mga mananalumpati ang malawak na saklaw nito kabilang ang natural at mga agham
panlipunan, purong sining, relihiyon, pamamahayag, digital media, fiction, kasaysayan,
kartograpiya at arkitektura, kabilang din ang mga tradisyonal na saklaw ng politika at batas.

Mariing-pagpapahalaga sa politikal na pakikilahok ang binigyang- tuon ng panahon ng


Matandang Gresya. Bunga nito, itinuring na ang retorika ay isang krusyal na sandata upang
makaimpluwensya sa larangan ng politika. Kaugnay rin nito, iniuugnay ang pinagmulan ng
retorika sa kasaysayan ng politika sa mundo. Gayunpaman pinatatalunan din maging ng mga
kauna-unahang tapagsulong ng kanluraning pagdidiskurso, ang mga sophist, ang limitadong
pananaw na ito hinggil sa sinasaklaw ng retorika. Ayon sa mga sophist, gaya ni Gorgias, ang
isang mabisang mananalumpati ay nakapagsasalita ng kapani-paniwala sa anumang paksa, gaano
man kalawak o kalaki ang kanyang karanasan sa paksang kanyang tinatakalay. Ang
pamamaraang ito ay maaaring maging daan upang maisakatuparan ang pakikipagtalastasan sa
anumang kasanayan at hindi lamang nakatuon sa politikal na paksain.

Binigyang-pagpapakahulugan ni Plato ang saklaw ng retorika batay sa kanyang


negatibong pagtingin sa mga sining. Tinuligsa niya ang mga sophist sa paggamit ng retorika
upang magpahayag ng kabalintunaan o kasinungalingan sa halip na magpakita ng katotohanan.
Ayon pa kay Plato, sa akda niyang Gorgias isa sa kanyang mga Socratic Dialogue, binigyan
niyang kahulugan ang retorika bilang panghihikayat sa mga ignoranteng masa sa loob ng mga

26 This Self-Learning Module (SLM) is a property of KCC, College Department. Unauthorized reproduction and distribution of this material is strictly prohibited.
MASINING NA PAGPAPAHAYAG FIL 1

korte o asembleya. Sa pananaw ni Plato ang retorika ay isang anyo lamang ng pamumuri.
Maihahalintulad ang retorika sa pag-aadorno ng isang pagkaing hindi masustansiya upang
pagtakpan ang kakulangan nito at gawing mukhang kaaya-aya ang pagkain.

Ayon kay Aristotle may tatlong pangunahing tuon ang retorika―deliberative, forensic o
judicial at epideictic. Higit ding pinalawak ni Aristotle ang kahulugan ng retorika sa
pamamagitan ng pagturing dito bilang kakayahan upang matukoy ang pinakaangkop na
panghihikayat sa isang tiyak na pangyayari. Bunga nito, maituturing na ang retorika ay
sumasaklaw hindi lamang sa larangan ng politika, kundi maging sa iba pa.

Ang pagkakahati sa pagitan ng magkatunggaling mga Sophist at Aristotelian ay umiiral


hanggang sa kasalukuyan. Ayon kay Michael Leff, naniniwala ang mga desipulo ni Aristotle na
ang retorika ay isang politikal na diskurso; habang ang mga Neo-Sophist naman ay mariing
naniniwala na hindi limitado ang retorika at higit pa sa usaping politikal ang saklaw nito.
Inilalagay ng unang paniniwala ang retorika sa krusyal na kalagayan samantalang tunay naman
na maaari itong sumaklaw sa iba pang larangan.

Sa pananaw naman ni Kenneth Burke, ginagamit ng tao ang retorika upang tugunan ang
suliranin at tukuyin ang magkatulad na katangian at interes ng mga bagay. Likas sa mga tao na
tukuyin ang sarili o tukuyin ang ibang mga tao sa isang pangkat na dapat nilang kabilangan. Sa
puntong ito, higit na napalawak ang saklaw ng retorika bilang hindi direktang pamamaraan ng
pagtukoy ng pagkakakilanlan.

Ayon naman kay James Boyd White, ang retorika ay bunga ng impluwensya ng mga
teorya ng pagbubuong panlipunan. Iginiit ni White na ang kultura ay muling nabubuo o
nabibigyang-anyo bunga ng wika. Katulad din lang ito ng kung paano naimpluwensiyahan ng
wika ang tao at ng tao ang wika. Ang wika ay bunga ng pagbubuong panlipunan at nakabatay ang
kahulugan nito sa ibinibigay ng tao. Dahil ang wika ay nagbabago batay na rin sa sitwasyon, ang
pangunahing gampanin ng wika ay retorikal sapagkat sinisikap nitong papaniwalain ang tao sa
kahulugang nabuo ng lipunan.

Naging bahagi ng buhay ng isang nilalang ang retorika sa panahong siya ay magsimulang
magsalita at makalikha ng kahulugan. Sa larangan naman ng agham na gumagamit ng
pamamaraang gaya ng pagsasagawa ng pagsusulit at pag-uulat ng mga impormasyon, kailangang
mahikayat ng mga siyentista ang kanilang mga tagapakinig na tanggapin ang kanilang mga
natuklasan sa pamamagitan ng pagpapakita na ang kanilang isinagawang pag-aaral ay bunga ng
mapagkakatiwalaang patunay na pinagbatayan ng kanilang kongklusyon.

Ang malawak na saklaw ng retorika ay mahirap na matukoy at mabigyang kahulugan;


gayunpaman ang mga diskursong politikal ay nananatili pa ring batayan at halimbawa para sa
pag-aaral at pagbubuo ng teorya para sa tiyak na teknik sa panghihikayat.

Ang Retorika Bilang Arte Sibiko

Sa kabuuan ng kasaysayan ng Europa inihahanay ang retorika bilang pangunahing


pangungumbinsi sa publiko at mga lunsarang politikal gaya ng mga asembleya at korte. Bunga ng
pagkakaugnay nito sa mga demokratikong institusyon, itinuring ang retorika sa dahilan ng
paghahantad sa isang bukas at demokratikong lipunan na may kalayaan sa pagsasalita, asembleya
at politikal na pakikilahok. Ang ilan ay iniuuri ang retorika bilang isang Arte Sibiko. Kaakibat

27 This Self-Learning Module (SLM) is a property of KCC, College Department. Unauthorized reproduction and distribution of this material is strictly prohibited.
FIL 1 MASINING NA PAGPAPAHAYAG

nito ang paniniwalang ang retorika ay may kakayahang humubog ng komunidad at karakter ng
mga mamamayan at may malaking impak sa sibikong pamumuhay.

Sa pananaw ng ilang matandang Pilosopo, tinitingnan nila ang retorika bilang isang Arte
Sibiko. Sina Aristotle at Isocrates ang dalawa sa unang tumingin sa kalagayang ito. Ayon kay
Isocrates sa kanyang Antidosis:

"...... we have come together and founded cities and made laws and invented arts; and,
generally speaking, there is not institution devised by man which the power of speech has
not helped us to establish.”

Batay sa kanyang pahayag, mariin niyang binibigyang-turing ang retorika bilang


pundamental na bahagi ng sibikong pamumuhay sa bawat lipunan at ito ay pangangailangan sa
pagbubuo ng lahat ng aspektong panlipunan. Dagdag pa niya, mula sa kanyang piyesang Against
the Sophists, na ang retorika bagamat hindi maaaring ituro kaninuman, maaari naman itong
makahubog ng karakter ng isang tao.

"I do think that the study of political discourse can help more than any other thing to
stimulate and form such qualities of character.”

Sa pagdaan ng panahon, sinusugan ng mga panulat ni Aristotle na ang retorika ay isang


Arte Sibiko. Sa mga pahayag ni Aristotle sa kanyang sanaysay na Rhetoric:

"...... the faculty of observing in any given case the available means of persuasion.”

Dagdag pa ni Aristotle, ang sining ng pangungumbinsi at/o panghihikayat ay maaaring


gamitin sa tatlong magkakaibang pamamaraan.

".... A member of the assembly decides about future events, a juryman about past events:
while those who merely decide on the orator's skill are observers. From this it follows
that there are three divisions of oratory (1) political, (2) forensic, and (3) the ceremonial
oratory of display.”

Ayon kay Eugene Garver sa kanyang panunuri sa Rhetoric ni Aristotle, pinatutunayan


niya ang pananaw ni Aristotle na ang Retorika ay isang Arte Sibiko. Ayon kay Garver:

"..... Rhetoric articulates a civic art of rhetoric, combining the almost incompatible
properties of technique and appropriateness to citizens.”

Ipinakikita lamang ng dibisyong nilikha ni Aristotle na gumaganap sa sibikong


pamumuhay at maaaring gamitin sa iba’t ibang pamamaraan upang makaapekto sa lipunan ang
retorika.

Ayon naman sa ilang matandang palaaral na kinabibilangan ni Plato, kinakitaan niya ang
retorika ng kahinaan dahil ito ay isang pampublikong sining na may kapasidad na humubog ng
opinyon. Tinukoy niya na habang ito ay ginagamit upang mapaunlad ang sibikong pamumuhay,
maaari rin itong maging dahilan upang makapanlinlang o makapamanipula na may negatibong
epekto sa lipunan. Ayon pa kay Plato, may kakulangan ang masa na ianalisa o mapagpasyahan
ang mga bagay-bagay ukol sa kapaligiran sa sarili niyang kaparaanan. Dahil dito, aayon lamang
siya sa pinakakapani-paniwala at/o pinakanakahihikayat na pananalita. Bunga pa rin nito,

28 This Self-Learning Module (SLM) is a property of KCC, College Department. Unauthorized reproduction and distribution of this material is strictly prohibited.
MASINING NA PAGPAPAHAYAG FIL 1

maaaring makontrol lamang ng nagsasalita ang kanyang tagapakinig. Sa pagpapatunay ni Plato


ukol sa suliranin o kahahantungan nito, inilahad niya ito sa kanyang dalawang obra, Sa Gorgias
at sa Phaedras na naging kilala dahil sa mga pahayag ukol sa pag-ibig.

Ang isa pang nakapagpalakas sa kapangyarihan ng retorika ay ang Romanong


mananalumpati na si Cicero na mariing naniniwala na higit pa sa kahusayan sa pagsasalita ang
pangangailangan ng sining. Ang isang mahusay na mananalumpati ay nangangailangang maging
mabuting tao na may malawak na kabatiran sa usaping panlipunan.

Sa kasalukuyan, patuloy pa ring sinususugan ang paniniwala ng matandang palaaral na


ang retorika ay isang sining na may kakayahang makaimpluwensya sa sibikong pamumuhay.
Ayon kay Robert Hariman sa kanyang Political Style:

"..... Furthermore, questions of freedom, equality, and justice often are raised and
addressed through performances ranging from debates to demonstrations without loss of
moral content.”

Ayon naman kay James Boyd White, ang retorika ay hindi lamang may kakayahang
tumuon sa mga usaping politikal. Ito ay sumasaklaw rin sa kultura sa kabuuan. Sabi niya:

"..... the methods by which culture is maintained, criticized, and transformed.”

Sa mga pahayag nina Hariman at White, magkatulad nilang napagkasunduan na ang wika
at retorika ay may kakayahang humubog ng kultura at sibikong pamumuhay.

Sa kasalukuyan, patuloy pa ring iniuugnay ang retorika sa Arte Sibiko. Sa mga talumpati,
patuloy na ginagamit ang retorika upang makaimpluwensiya sa mga komunidad.

Ang Retorika Bilang Kurso

Simula pa noong matandang panahon, nagkaroon na ng tuon sa pag-unlad ang larangan


ng retorika bilang bahagi ng akademya. Nakikiangkop din ang paraan ng pag-aaral at pagtuturo
ng larangang ito sa panahon kung kailan ito umusbong. Bunga nito, nagagawa nitong tugunan at
umayon sa iba’t ibang gamitin, magmula sa arkitektura hanggang sa panitikan. Sa kabila ng
maraming pagbabagong pangkurikula, pangkalahatang tuon pa rin ng retorika ang pag-aaral ng
prinsipyo at tuntunin sa komposisyon bilang daan sa pagpapakilos sa mga tagapakinig. Sa gayon,
ang pag-aaral ng larangang ito ay pagsasanay sa mga mag-aaral na mabisang makapagsalita at/o
makapagsulat, kaakibat ang kritikal na pag-unawa at pag-aanalisa sa diskurso.

Nagsimula sa panahon ng Matandang Gresya ang retorika bilang Arte Sibiko kung saan
ang mga mag-aaral ay sinasanay upang maging mahusay sa paggamit ng kanilang pamamaraan sa
oratorikal na pangungumbinsi at/o panghihikayat lalo’t higit sa usaping legal. Nagmula ang
retorika sa pamantasang ng mga pilosopong Pre-Socratic na kilala bilang Sophists. Sa panahon
ding ito umusbong at nakilala naman sina Demosthenes at Lysias bilang mga pangunahing
orador, habang prominenteng mga guro naman sina Isocrates at Gorgias. Ang pag-aaral ng
retorika noong panahong ito ay nakatuon sa limang tiyak na kanon: inventio (invention),
dispositio (arrangement), elocutio (style), memoria (memory) at actio (delivery). Sa makabagong
pag-aaral ng klasikal na retorika patuloy na nagiging lunsaran ang mga aral at tuntunin ng mga
pangunahing palaaral sa kasaysayan ng retorika.

29 This Self-Learning Module (SLM) is a property of KCC, College Department. Unauthorized reproduction and distribution of this material is strictly prohibited.
FIL 1 MASINING NA PAGPAPAHAYAG

Sa gitnang panahon, naging bahagi ng tinatawag na “Trivium” ang retorika o tatlong


orihinal na malalayang sining na itinuturo sa mga unibersidad kabilang ang lohika at gramatika.
Sa panahon ding ito humina at nawalan ng lakas ang politikal na retorika bunga ng pag-usbong
ng kapangyarihan ng mga Romano. Sa pag-usbong din ng Monarkiya sa Europa sa mga sumunod
na dekada nabago ang gamit ng retorika patungong sa mga maka-relihiyong pamamaraan.
Pinangunahan ni Augustine ang pagpapalakas ng kristiyanismong retorikal na humihikayat na
gamitin ang retorika upang magabayan ang mga tagasunod patungo sa katotohanan at pag-unawa
lalo’t higit sa simbahan. Ayon kay Augustine:

“In the case of a keen and ardent nature, fine words will come more readily through
reading and hearing the eloquent than by pursuing the rules of rhetoric.”

Naging sentrong bahagi ng pag-aaral ng retorika noong gitnang panahon ang pagsulat ng
mga tula at liham. Matapos na bumagsak ang Republika sa Roma, naging pangunahing gamitin
ang pagsulat ng mga tula bunga ng pagkawala ng pagkakataon sa mga pananalitang politikal.
Naging pangunahing anyo rin ng edukasyong retorikal ang pagsulat ng liham bunga ng
pagsesentro ng kalakalan sa mga estado at simbahan.

Noong ika-16 na daangtaon lalong nasiil ang pag-aaral ng edukasyong retorikal bunga ng
pag-usbong ng pag-aaral sa dulog siyentipikal. Ayon kay Ramus, isang maimpluwensyang
palaaral, ang proseso ng imbensyon at pagsasaayos ay marapat na maiangat sa antas ng sangay
pilosopikal habang ang pagtuturo naman ng retorika ay ituon lamang sa paggamit at ibang anyo
ng ornamentasyon ng wika. Ang mga palaaral kabilang si Francis Bacon ay binuo ang pag-aaral
ng siyentipikong retorika. Pangunahing tuon nito na maiwaksi ang masaklaw na katangian ng
klasikal na pananalumpati.

Noong ika-18 daangtaon, ipinalalagay na higit na nagkaroon ng mahalagang gampaning


panlipunan ang retorika bilang panimula sa paglikha ng bagong sistema ng edukasyon.
Umusbong ang “Elocution School” partikular sa England na kung saan ang mga kababaihan ay
sinusuri ang klasikal na panitikan, karaniwan ang mga gawa ni William Shakespeare na
tinatalakay sa pagbigkas na pamamaraan.

Nagkaroon ng muling pagsigla ang pag-aaral ng retorika sa pag-usbong ng mga


institusyong demokratiko noong huling bahagi ng ika-18 daangtaon at sa simula ng ika-19 na
daangtaon. Naging pangunahing susi sa pagbangong ito ang mga teorya at sulatin ng manunulat
na si Hugh Blair mula sa Scotland. Sa kanyang tanyag na likhang "Lectures on Rhetoric and
Belles Lettres", hinikayat niya ang mga karaniwang mamamayan na pag-aralan ang retorika
bilang pangunahing pinagmumulan ng pagtatagumpay ng panlipunan. Noong ika-19 na
daangtaon, naging gamitin sa ilang mga kolehiyo at mataas na paaralan sa Amerika ang mga sulat
ni Blair sa pagtuturo sa mga mag-aaral ng retorika.

Muli ring nabuhay ang politikal na retorika sa pagkabuhay ng rebolusyong Pranses at


Amerikano. Nabigyang muli ng tuon ang mga pag-aaral panretorika ng Gresya at Roma kabilang
si Cicero upang magbigay ng inspirasyon sa bagong republika. Nangunang tagapagtaguyod
naman ng mga teoryang retorikal ang guro mula sa Harvard na si John Quincy na nanghihikayat
sa pagpapaunald ng sining ng retorika. Ang pagkilos na ito ni Quincy at ng institusyon ng
Harvard ang naging huwaran ng mga programang panretorika sa buong Amerika.

Sa kabuuan ng ika-20 daangtaon, napaunlad ang retorika bilang pangunahing sangay ng


pag-aaral, sa katunayan nito ang pagkakatatag ng mga kursong panretorika sa mga matataas na

30 This Self-Learning Module (SLM) is a property of KCC, College Department. Unauthorized reproduction and distribution of this material is strictly prohibited.
MASINING NA PAGPAPAHAYAG FIL 1

paaralan at unibersidad. Kabilang sa mga kursong ito ang pampublikong pagbigkas at panunuri sa
pagsasalita gamit ang pundamental na teoryang Griyego (kabilang ang paraan ng
pangungumbinsi: ethos, pathos at logos). Sa pag-usbong ng pag-aaral pangkomunikasyon
nakakuha ng higit na magandang pansin ang pag-aaral ng retorika. Napalawak na ang naging
gampanin ng retorika at naging mahalaga ang gamit nito sa larangan ng pangangalakal, politika at
panitikan.

Ang Retorika Bilang Karunungan

Ang ugnayan ng retorika at karunungan ay isa sa pinakamatanda at pinakamahalagang


tinalakay sa kasaysayan. Ang kontemporanyong pananaw sa retorika bilang “empty speech” o
“empty words” ay nagpapakita ng paghihiwalay ng retorika sa karunungan. Ito ang dibisyong
mariing naiuugnay sa hangaring gawing malinaw, walang kinikilingan na midyum ang wika.
Isang pilosopikal na usapin at ilang siglo na ring pinagtatalunan hinggil sa ugnayan ng retorika sa
katotohanan. Ayon sa matandang Gresya, naniniwala ang mga Sophist na walang kakayahan ang
mga tao na matukoy ang katotohanan subalit gumagamit ito ng logos upang malaman kung alin
ang mahusay o hindi mahusay para sa lipunan. Binigyang tuon din ng mga Sophist kabilang si
Protagoras ang pananalita bilang behikulo upang makapagsagawa ng isang pagpapasya para sa
komunidad.

Samantala, sa pananaw ni Plato, kritikal ang pinaniniwalaan ng mga Sophist. Ayon sa


kanya mapanganib ang retorika kung ibabatay ito sa kasanayan at komon na pananaw (doxa).
Nang dahil sa pananaw na ito ni Plato, nabuo sa kanluraning pilosopiya na ang retorika ay
maituturing na masama at walang anumang kalagayang epistemiko o pangkarunungan.

Bunga ng impluwensya ng pagbubuong panlipunan (social constructionism) at


pragmatismo, nagsimulang magkaroon ng pagbabago. Sa pananaw ni Robert L. Scott, “rhetoric
is, in fact, epistemic.” Ang kanyang argumento ay batay sa paniniwala na ang katotohanan ay
hindi ang sentro, kundi batay sa kasalukuyang pangyayari. Pahayag pa rin ni Scott, ang tao kapag
naniniwala sa isang pinakamataas na katotohanan at pabulaanan ito, niloloko lamang niya ang
kanyang sarili sa pamamagitan ng pangungumbinsi sa kanyang kaisipan sa isang argumento na
marami namang pagpipilian. Panghuli, maiuugnay ang katotohanan sa sariling karanasan, at ang
retorika ay ang nagbibigay-kahulugan sa kalagayan ng isang tao. Ang mga mananaliksik sa
agham ng retorika ay nagsasabing mahirap paghiwalayin ang dalawa at kung paano ang diskurso
ay bumubuo ng karunungan. Ang pananaw na ito ay karaniwang kinikilala bilang “Epistemic
Rhetoric”, na kung saan ang pakikipagtalastasan sa mga kasama sa isang tiyak na lunan ay
nagiging pundamental para sa paglikha ng karunungan para sa komunidad.

Sa teoretikal na pananaw, tinitingnan ang katotohanan bilang isang mutual agreement sa


isang komunidad. Ayon kay Thomas Farell isang propesor, mahalaga ang pagkakaroon ng pagkakaisa
ng komunidad bilang karunungan. Dagdag pa rito ang tinuran ni F. Brummet na:

“…A worldview in which truth is agreement must have rhetoric at its heart, for
agreement is gained in no other way.”

Samakatuwid, ang indibidwal na naniniwala na ang katotohanan ay pinagkaisahan ng


isang komunidad, nagpapatunay lamang ito na ang katotohanan ay may kaugnayan at
pangangailangan sa pangungumbinse at/o panghihikayat.

31 This Self-Learning Module (SLM) is a property of KCC, College Department. Unauthorized reproduction and distribution of this material is strictly prohibited.
FIL 1 MASINING NA PAGPAPAHAYAG

Pangkalahatang Katangian ng Retorika

Ang retorika ay may iba’t ibang katangian. Ang iba’t ibang kahulugan ng retorika ay
tumutukoy sa mga katangian nito. Sa bahaging ito, tatalakayin ang mga katangian ng retorika. Ito
ang mga sumusunod:

1. Ang Retorika ay Simbolikal

Ang mga simbolo ay kinakatawan ng mga letra, imahe o kaya’y kumpas na may
ipinararating na ideya o kaya nama’y natatagong kahulugan. Halimbawa, ang salitang “pusa” ay
kumakatawan sa isang hayop na may malago at malambot na balahibo at may mahabang buntot.
Alam din natin na ang pagkaway ay isang paraan ng pagbati sa kapwa. Kapag tayo naman ay
nakikipag-usap o nakikipag-ugnayan, gumagamit tayo ng simbolo upang makapagbigay ng
mensahe na maiintindihan ng kausap.

Ano nga ba ang mga simbolo? Una, ang simbolo ay hindi nauugnay sa bagay na
pinapangalanan nito, kung bakit tinatawag ang isang bagay sa pangalan nito at kung bakit
pinangalanan ang isang bagay sa ganitong pamamaraan ay walang kinalaman sa kung anong anyo
ng simbolong ginamit. Pangalawa, nabibilang sa pagiging simbolikal ang pagsasama sa iba’t
ibang simbolo tulad ng mga letra at salita, imahe at kumpas. Isa sa mga magandang halimbawa
ng kumpas o di berbal na kumpas ay ang katahimikan. Pansinin natin na ang katahimikan ay may
iba’t ibang kahulugan. Maaari ring magamit sa pakikipag-ugnayan sa kapwa ang katahimikan na
ang ibig sabihin ay kapayapaan o kapanatagan.

2. Ang Retorika ay Nagsasangkot ng mga Tagapakinig

Ang retorika ay isang relasyon sa pagitan ng isang retor at tagapakinig. Lumalabas lamang ang
paggamit ng retorika kapag nag-usap o nagkaroon ng intensyon ang dalawang tao na magpalitan ng
impormasyon. Maaring intensyon ng retor na magbigay ng impormasyon o manghikayat ng mga
tagapakinig. Isang halimbawa rito ay ang pagtatanong sa atin ng mga kaibigan kung ano ang pipiliin
nating palabas sa sinehan at kung saan kakain pagkatapos manood. Isa pang halimbawa ay ang pagpili
ng unibersidad na papasukan pagkatapos maghayskul. Halimbawa, maraming mga magulang na
hinihikayat ang kanilang mga anak na mag-aral sa PUP. Sinasabi ng mga magulang na abot-kaya ang
matrikula at mataas ang kalidad ng edukasyon dito.

Ang retor at ang mga tagapakinig ay dapat nagkakaintindihan sa mga simbolong kanilang
ginagamit. Ang wika o mga salita ay dapat naiintindihan ng tagapakinig. Mas magkakaintindihan ang
Ilokano kung ang kausap ay ang kapwa Ilokano, kaysa ang Ilokano at isang Maranao.

Ang dami o liit ng bilang ng mga tagapakinig ay depende sa paksang pinag-uusapan. Kapag
sa mga kaibigan lamang nakikipag-usap ang isang retor, halimbawa ay ang pagpili ng makakainan,
masasabing maliit lamang ang bilang ng tagapakinig. Ngunit kapag ang pangulo ay nagpapahayag sa
mga mamamayan ng Pilipinas tulad ng State of the Nation Address o SONA, tiyak na masasabing
madami o malaki ang bilang ng nakikinig sa isang retor.

Ginagamit ang retorika bilang isang praktikal na gawain upang makamit ang gustong
malaman o marinig. Ang pagiging demokratikong bansa ng Pilipinas ay mahalaga upang lalong
maisapraktika ang retorika. Malaya tayo sa pagsasabi ng ating opinyon sa mga batas na inihahain ng
gobyerno, dahil sa ating mga opinyon nasusuring mabuti ang mga batas at nagiging kapaki-
pakinabang sa mamamayan ng ating bansa.

32 This Self-Learning Module (SLM) is a property of KCC, College Department. Unauthorized reproduction and distribution of this material is strictly prohibited.
MASINING NA PAGPAPAHAYAG FIL 1

Ang retorika ay masusumpungan rin sa mga palabas sa telebisyon, damit, musika at magasin.
Hindi natin napapansin na nahikayat na tayong bilhin ang isang produkto dahil sa retorikang ginamit
sa palatastas ng produktong iyon. Isang halimbawa na rito ay ang pagbili ng damit kapag tayo ay nasa
department store. Mapapansin na kapag nakikita natin na karaniwan lamang ang pagkaka-display ng
mga produkto ay patay malisya lamang tayo, ngunit kapag nakita natin sa mga billboard na suot-suot
ng artista ang produkto at kakaiba ang dating nito, kagyat na tinatangkilik natin ito.

Maraming retor ngayon ang hindi na sinusunod and “rhetor to audience relationship”, dahil
mas pinipili na ngayon na kunin ang ideya mula sa audience. Halimbawa ay ang mga itinatatak sa
damit, kinukuha ang mga bersong pinauso na tinatangkilik ng mga tao, palalawakin ito at magiging
tatak sa damit.

3. Ang Retorika ay Nagpapatatag sa Maaaring Maging Katotohanan

“Nakapagdedesisyon ka ba nang maayos kung wala ka namang sapat na kaalaman o


kabatiran hinggil sa isang pangyayari o sitwasyon?” Sa maraming pagkakataon, nasasangkot tayo
sa ganitong sitwasyon.

Katulad ng karaniwang pangyayari sa ating buhay bilang mamimili, nararanasan natin na


maakit agad sa mga mumurahing gamit na hindi man lamang natin naitanong kung saan ito
ginawa at kung matibay ba ang pagkakagawa nito. Magsisisi at manghihinayang na lamang tayo
kapag nasira agad ito.

Paano nga ba nakatutulong ang retorika sa mga pangyayari o sitwasyong salat tayo sa
kaalaman at karunungan upang magdesisyon?

Ang retorika ay kadalasan na ginagamit upang matulungan tayo sa isang sitwasyon na


matukoy ang maaring katotohanan. Tumutulong ito na magpaliwanag sa ating mga
nagugulumihanang kaisipan.

Ang kaalaman o “knowledge” sa Ingles ay maaari natin na isipin na nananatili sa isang


“continuum” na ang kahulugan ay “range” o “scale” sa Ingles.

CONTINUUM

Pawang Paniniwala mula Isyung Tinanggap


Katotohanan sa Ipinabatid na Opinyon sa Pananampalataya

Sinasabi na ang kaalaman ng tao ay may iba’t ibang pinanggalingan at bawat kaalamang
ito ay may iba’t ibang bigat ng katotohanan. Sa ilustrasyon na ipinakikita sa itaas, ang
continuum, sa makikita na ang nasa kaliwang dulo ay kumakatawan sa mga kaalaman na
maituturing na pawang katotohanan o certain truth. Ang halimbawa nito ay ang Theory of
Gravity na kung saan ito’y totoo sa lahat ng panig ng mundo. Samantala, sa kabilang dulo naman
ay ang mga kaalaman na pinaniniwalaan dahil sa pananampalataya o faith. Ang halimbawa nito
ay ang paglalang ng Diyos sa mga tao. Sa gitnang bahagi naman makikita ang mga kaalaman
mula sa ipinabatid na opinyon o informed opinion. Saan nga ba nagmumula ang mga opinyong
ito? Ito ay nagmula sa retorika.

33 This Self-Learning Module (SLM) is a property of KCC, College Department. Unauthorized reproduction and distribution of this material is strictly prohibited.
FIL 1 MASINING NA PAGPAPAHAYAG

Ipinaliwanag ni John Louis Luaites at Celeste Michelle Condit (1999), na kadalasan ang
mga tao ay hindi nag-aantay sa mga katotohanan na ibabahagi sa kanila ng mga tagapagsalita ng
katotohanan at kaalaman. Sa halip, sila ay kikilos ayon sa napagkasunduan at naaayon sa kung
ano ang sa tingin nila’y makapagpapabuti ng kanilang kalagayan.

Mahalaga nga ba ang retorika noon?

Noong panahon ng Matandang Gresya, ang mga lalaki na nagmamay-ari ng lupa ay


nabigyan ng karapatan na makipagtalastasan ukol sa mga politikal at legal na isyu. Sa
pamamagitan ng pakikinig nila sa ideya ng iba’t ibang tao na tumatalakay sa politika at batas,
napalawak nila ang kanilang kaalaman. Sa ganitong uri ng pakikipagtalastasan, nalaman na ang
retorika ay tunay na kapakipakinabang.

Ngunit sa Middle Ages ang mga relihiyosong pinuno o monarkiya ay may tiyak na
kapangyarihan. Ipinapahayag nila sa masa ang kanilang mithiin at mga plano ngunit walang
karapatan ang mga tao na sumalungat o hamunin ang kanilang mga pinuno. Sa kapanahunang ito,
ang retorika ay hindi nabigyan ng pansin o halaga para sa paghuhulma ng kaisipan mga tao.

Hindi nagtagal, ang mga alagad ng agham ay nagpapahayag sa publiko ng kanilang mga
natuklasan o napatunayan sa pamamagitan ng scientific method o siyentipikong pamamaraan.
Gayunman, hindi rin nagkaroon ng interes ang mga tao sa paggamit ng retorika para sa paghamon
ng mga bagong natuklasan sa agham. Ngayon, sa tulong ng teknolohiya, magiging posible ang
paghamon sa mga ideya ng namumuno sa politika, maging mga pinuno sa loob ng simbahan at
komunidad. Mula rito, muling nabuhay ang interes ng mga iskolar sa iba’t ibang disiplina.
Naging instrumento ang diyaryo o pahayagan para mabasa ang mga isinasaad o plano ng mga
pinuno para sa ating bansa o pamumuhay at dahil dito ang ating mga manunulat o mamamahayag
ang nagsisilbing boses ng masa para hamunin ang ideya ng pinuno. Sa pamamagitan nito, ang
retorika ay nagkaroon ng napakalaking bahagi sa pagbuo ng kasaysayan at maging ng lipunan.

Bakit dapat mabuhay muli ang interes ng mga tao sa paggamit ng retorika?

 Ang retorika ay epestemiko o epistemic. Sinasabi nito na ang retorika ay nagiging


daan para sa pagbuo ng katotohanan at bagong kaalaman.

 Hindi nakikita ang retorika bilang conduit. Isang tubo upang magsilbing daanan ng
isang obhektibo at independent na katotohanan.

 Sinasabi ng ibang teorista na ang retorika ay naglilikha ng isang kaisipan na


magtatatag ng katotohanan sa isang partikular na sitwasyon.

 Sinasabi na nais ng teoristang retorikal ay ang unibersalidad ng katotohanan sa tulong


ng retorika.

Sinasabi ni Robert L. Scott (1968), na hindi dapat natin iniisip na ang katotohanan ay tapos na at
hindi na maaaring mabago pa, sa halip ito ay maaaring mabago sa bawat pangyayari. Ang ibang mga
teorista ay nagtatanong sa kahalagahan ng katotohanan na basehan lamang ay ang maaaring katotohanan
sa isang sitwasyon. Katulad na lang ng sinabi ni Plato na ang mga tao ay hindi maaaring palaging tama o
pinakamagaling ang desisyon tungkol sa kung ano ang tama at ang mali. Naniniwala rin siya na ang
mabulaklak na retorika ay maaaring makahikayat at tumaliwas sa ideya ng katotohanan. Samantala, si

34 This Self-Learning Module (SLM) is a property of KCC, College Department. Unauthorized reproduction and distribution of this material is strictly prohibited.
MASINING NA PAGPAPAHAYAG FIL 1

Donald C. Bryant (1953) naman ay nagsasabi na ang retorika ay kailangan dahil sa ang mundo na
walang katiyakan ay hindi mundo ng mga tao.

Nang dahil sa retorika, nabigyan ng daan ang boses ng masa para sa bawat desisyon na
gagawin ng mga pinuno ay matandaan nila na sila ay dapat kumilos at magdesisyon ng para sa
ikabubuti ng nakararami. Dahil sa retorika, tunay na tumatag ang maaaring katotohanan.

4. Ang Retorika ay Malikhain at Analitiko

Masasabing ang retorikal na teorya ay proseso sa pagsasagawa ng epektibong komunikasyon.


Sa kabilang dako, nakapagbibigay rin ito ng paraan upang maanalisa ang mga konseptong nakapaloob
sa isang retorika. Ayon kay Bryant (1953), ang retorika ay tumutulong sa tagapagsalita sa pag-alam
kung ano ang dapat itanong at kung papaano sagutin ang mga ito. Ang konsepto ng pagiging malikhain
ng isang retorika ay maipapakita ng isang tagapagsalita kung nagagawa niyang mabigyan ng
kongkretong imahe ang mga tagapakinig sa pamamagitan lamang ng mga salita. Sa pagiging malikhain,
kailangan ng isang tagapagsalita na magkaroon ng malinaw na ugnayan sa mga tagapakinig upang
maging epektibo ang komunikasyon sa pagitan niya at ng tagapakinig. Ngunit hindi rito natatapos ang
lahat. Kung may kakayahang maging malikhain ang isang tagapagsalita, nangangahulugan itong
anumang ideya ang kanyang nasasagap ay kaya niya ring maanalisa.

Mga Nakaiimpluwensiya sa Retorika

Maraming nakaiimpluwensiya sa retorika at ang dalawa na marahil sa may malaking ambag


sa retorika ay ang kultura at ang teknolohiyang pangkomunikasyon.

Kultura

Ang kultura ay ang lugar kung saan ang partikular na grupo ng tao ay nag-uugnayan.
Nakaiimpluwensiya nang malaki ang kultura kung paano sila nakikipagtalastasan sa isa’t isa at kung
paanong ang komunikasyon ay naaapektuhan ng sitwasyon sa lugar. Ang kultura ang may
pinakamalaking impluwensiya sa retorika. Ang sistemang kultural ay may malaking gampanin sa uri ng
retorikang ginamit ng isang tagapagsalita.

Sa demokratikong bansa, retorika ang ginagamit sa paggawa ng iba’t ibang politikal at legal na
desisyon. Ang mga kumakandidato ay kinukumbinsi ang mga mamamayan na siya ay iboto upang
mailuklok sa puwesto sa pamahalaan. Pagkatapos na sila’y mailuklok sa puwesto ay ginagamit naman
nila ang retorika sa pakikipag-debate sa mga ipapasa at hindi ipapasang polisiya ng pamahalaan at
malaman ang pulso o damdamin ng mamamayan ukol sa polisiyang ito. Retorika rin ang ginagamit ng
isang akusado sa krimen upang patunayang siya ay walang sala. Halimbawa na lamang sa Estados
Unidos na isang demokratikong bansa, ang lahat ng tao ay nagtatamasa ng kalayaan sa pagsasalita dahil
na rin nakasaad ito sa kanilang konstitusyon. Ngunit hindi lahat ng kultura ay ganito ang paggamit sa
retorika.

Teknolohiyang Pangkomunikasyon

Ang unang paggamit ng retorika ay sa pagitan ng tagapagsalita at tagapakinig na


pinagbuklod ng iisang lugar at panahon. Tulad na lamang sa Matandang Gresya, ang
pagsasalaysay ng isang mensahe ay ginagawa sa paraan na mas madali, maikli, maiintindihan at

35 This Self-Learning Module (SLM) is a property of KCC, College Department. Unauthorized reproduction and distribution of this material is strictly prohibited.
FIL 1 MASINING NA PAGPAPAHAYAG

tatatak sa isipan ng tagapakinig upang hindi na kailanganin pang isulat o itala ang mga sinasabi
ng tagapagsalita. At kailangan lakasan ang boses nila upang kumuha ng atensyon mula sa
tagapakinig at upang maging malinaw sa lahat ng dumalo.

Sa kasalukuyan, maraming mga kagamitang pangkomunikasyon ang nakatutulong sa mga


tao upang mas mapadali ang pakikipag-ugnayan sa bawat isa. Nariyan ang cellphone, computer at
mga makabagong kagamitan na tiyak na malaki ang epekto sa pakikipagtalastasan.

Ang Limang Kanon ng Retorika

1. Imbensiyon

Importanteng malaman kung ano ang pangunahing isyu na tinatalakay sa isang pag-uusap.
Dahil dito, nabuo ng mga sinaunang teorista ang ideya ng Istatis. Ang Istasis ay tumutukoy sa punto
kung saan nagkakaroon ng di pagkakasundo ang dalawang retor. Ito ang pag-usbong ng tinatawag na
argumento. Mainam itong gamitin sa mga legal na usapin, kung saan kadalasang nagkakaroon ng
komplikasyon ang diskusyon. Ito ay nahahati sa tatlong isyu: una, ang bagay na pinagtatalunan
(disputed). Sa isang kaso, halimbawa, inakusahan ng pagpatay ang isang tao, bagay na kaniyang
itinanggi. Nagkaroon kaagad ng pagtatalo dahil sa magkaibang paniniwala ng dalawang panig.

Ikalawa naman ay ang kalikasan (nature) ng pangyayari. Sa katulad na halimbawa,


maaaring hindi itinanggi ng suspek ang krimen ngunit patototohanan niya sa hustisya ang
pagkakasala, kung bakit niya ito nagawa. Ikatlo, ang depinisyon. Upang malaman kung ang
krimen ay totoo, ibibigay ang pakahulugan sa salitang “pagpatay” at isasaad kung ano ang ginawa
ng suspek upang ito mailagay sa kategorya ng pagpatay. Dahil dito, magkakaroon ng batayan ang
hatol ng hukom base sa mga argumento ng nagsasadlak.

Ang husay sa pagpapahayag ay kakayahang makapanghikayat ng tagapakinig. Ang


panghihikayat ay kailangan ng patunay o proof, nang sa ganoon ay maging kongkreto at kapani-
paniwala ang sinasabi ng tagapagsalita. Noong panahon ni Aristotle, hindi gumagamit ang mga
guro ng pruweba upang maipahatid ang kanilang punto at sa kanilang ilalagay sa isang partikular
na sitwasyon ang isipan ng mga tao. Hinati ni Aristotle ang pagbibigay ng pruweba sa dalawang
kategorya: artistiko at di-artistiko.

Ang artistikong pruweba ay bagay na nililikha ng tagapagsalita. Siya mismo ang


nagbibigay ng katotohanan na maaari niyang manipulahin, sa paanong paraan niya ipapahayag at
kung hanggang saan ang kaniyang kaalaman. Ang di-artistikong pruweba, sa kabilang banda, ay
mga bagay na hindi nagmula sa nagsasalita. Ito ay mga katotohanang hinihingi ng sitwasyon at di
maaaring imbentuhin tulad ng salaysay ng isang saksi, nilalaman ng isang kontrata at iba pa.

Ito rin ay hinati niya sa tatlong uri: ethos o etika, pathos o emosyon, at logos o lohika.
Ang pag-aaral ng etika ay pag-aaral sa pagkatao at personalidad ng nagsasalita. Bagama’t
mahalaga ang pahayag ng tagapagsalita, dapat din bigyan ng atensyon ang kaniyang asal. Sa
pagbuo ng personalidad ng nagsasalita ay lumalakas ang kaniyang paghikayat sa mga nakikinig.

Ang pathos naman ay tumutukoy sa emosyon. Kadalasan ito ay patungkol sa


nararamdaman o saloobin ng nakikinig. Kailangang ilagay ng nagsasalita ang kaniyang sarili sa
estado ng pag-iisip ng mga nakikinig. Sa pamamagitan nito ay malalaman niya kung ano ang
nararapat bigkasin na makukuha ng tiwala at apruba ng publiko. Sa pag-analisa ng emosyon ng

36 This Self-Learning Module (SLM) is a property of KCC, College Department. Unauthorized reproduction and distribution of this material is strictly prohibited.
MASINING NA PAGPAPAHAYAG FIL 1

iba, importanteng masagot ng tagapagsalita ang tatlong katanungan: ano ang estado ng kanilang
pag-iisip, kanino patungkol ang emosyon nila at ano ang dahilan nila sa ganitong emosyon?

Ang lohika ay tungkol sa mga pangangatwiran. May dalawang uri ng pangangatwiran:


deduksyon at induksyon. And induksyon ay pagbibigay ng katwiran batay sa mga halimbawa na
magbibigay ng pangkalahatang kongklusyon. Sa pagbibigay ng pare-parehong halmbawa,
nakabubuo ng iisang ideya. Ang deduksyon naman ay isang entihimo, kung saan ang pagbibigay
ng kongklusyon ay iniaasa sa isipan ng nakikinig. Sila ang bahalang magbigay ng interpretasyon
batay sa inilahad ng tagapagsalita.

Sa imbensiyon mahalaga rin ang salitang topoi o ang paksa ng argumento. Ito ang lugar kung
saan ang tagapagsalita ay maaaring ipagtanggol ang kaniyang panig at magbigay ng mga
pruweba. May apat na uri ng topoi:

a. Higit kumulang – ito ay nagsasaad na kung ang dalawang bagay ay totoo, ang ikatlo ay
totoo. Ito ay tulad ng deduksyon, kung saan sa pagbibigay ng maraming halimbawa na
may iisang kaisipan, nakabubuo ng kongkretong kongklusyon.

b. Paggamit ng pahayag ng iba – ito ay paggamit ng argumento ng kalaban para mapalakas


ang sariling argumento. Ito ay malaking tulong sapagkat hindi lamang ito pagsira sa
estratehiya ng kalaban, ito rin ang suporta para sa tinuran ng tagapagsalita.

c. Nakaraang desisyon – ang gma matatalinong tao ay may magkakaparehong desisyon o


hukom. Sila ay nagbabatay sa nakaraan o nangyari nang desisyon.

d. Konsikwensya – ito ay argumentong nagsasaad sa kung ano ang maaaring maging resulta
o epekto sa isang argumento.

2. Pagsasaayos

Ito ay sumasakop sa estruktura ng talumpati. Ang isang talumpati, upang maging


epektibo, ay nangangailangan ng organisadong balangkas upang maiwasan ang pagkakagulo at
hindi pagkakaunawaan. Mayroon itong dalawang bahagi: sabihin ang paksa at ipaliwanag ito.
Ayon kay Cicero, nahahati ito sa pito:

a. Panimula – ito ay ang introduksyon, kung saan sinasabi ang paksa ng diskusyon, maging
ang intensyon ng nagsasalita sa tagapakinig.

b. Salaysay – pagbibigay impormasyon tungkol sa paksa. Maaaring pinagmulan,


kasalukuyang estado, atbp.

c. Proposisyon – ideyang nais isulong ng tagapagsalita.

d. Dibisyon o Paghahati – ito ay ang balangkas ng talumpati o pangunahing konsepto ng


retorika.

e. Kumpirmasyon – ito’y mga salaysay na sumusuporta sa argumento ng tagapagsalita.

f. Kontra-argumento – pagtatanggol ng panig mula sa mga hindi sumasang-ayon o salungat


sa kaniyang pahayag.

37 This Self-Learning Module (SLM) is a property of KCC, College Department. Unauthorized reproduction and distribution of this material is strictly prohibited.
FIL 1 MASINING NA PAGPAPAHAYAG

g. Kongklusyon – pinal na apela ng tagapagsalita upang mahikayat ang mga nakikinig.

3. Estilo

Maliban sa imbensiyon at pagsasaayos, ang estilo ng isang talumpati ay mahalaga.


Binuod ni Aristotle ang kaniyang pananaw sa estilo, pangatlo sa limang tuntunin ng retorika, na
may depinisyon na “para maging malinaw.” Kung hindi malinaw ang isang talumpati, hindi ito
magiging makabuluhan.

Ang Antas ng Estilo

Si Cicero at ang Rhetorica ad Herennium ay may kinikilalang tatlong uri ng estilo na


ginagamit ng mga rhetor: maringal (grand), karaniwan (middle) at payak (simple).

Ang maringal na estilo ay gumagamit ng mga gayak o maadornong salita at itinatampok


nito ang maayos na pagkakalagay ng mga salita sa isang pangungusap. Ito rin ay may kasamang
mga anyo ng salita (figures of speech) at anyo ng kaisipan (figures of thought). Isang halimbawa
na lamang ng maringal na estilo ng pagpapahayag ay ang 2003 State of the Union Speech ni
Presidente Bush:

“Many challenges, abroad and at home, have arrived in a single reason. In two
years, America has gone from a sense of invulnerability to an awareness of preil;
from bitter division in small matters to calm unity in great causes. And we go
forward with confidence, because the call of history has come to the right
country”.

Kabaligtaran o katumbalikan ang pagsasama ng magkasalungat na ideya sa isang


pangungusap nung sinabi niya “from a sense of invulnerability to an awareness of peril; from
bitter division in small matters to calm unity. Gumamit din siya ng aliterasyon o ang paglalagay
ng pare-parehong tunog-katinig sa unang letra ng mga salitang malapit sa isa’t isa nang sinabi
niyang “And we go forward with confidence, because the call of history has come to the right
country”.

Ang karaniwan na estilo ay gumagamit ng mga salita na may karaniwang kahulugan


ngunit hindi madalas gamitin sa pang-araw-araw na komunikasyon. Si Presidente Bush, sa isang
pahayag sa radyo noong Agosto 9, 2003 ay gumamit ng katamtaman o karaniwang estilo para
purihin ang U.S. troops sa paglaban sa Iraq:

“Our country and the nations of the Middle East are now safer. We’re keeping our
word to the Iraqi people by helping them to make their country an example of
democracy and prosperity throughout the region. This long-term undertaking is
vital to peace in that region and to the security of the United States. Our coalition
and the people of Iraq have made remarkable progress in a short time, and we will
complete the great work we have begun.”

Mapapansin natin na ang estilo ni Bush ay malinaw, conversational at direkta; nagkulang


ng gayak ng maringal na estilo.

Ang payak na estilo ay sinasabing ang pang-araw-araw na pananalita. Walang gayak at


pagkamakinis. Si Presidente Bush ay gumamit ng payak na estilo noong July 2, 2003 sa isang

38 This Self-Learning Module (SLM) is a property of KCC, College Department. Unauthorized reproduction and distribution of this material is strictly prohibited.
MASINING NA PAGPAPAHAYAG FIL 1

press conference, ipinahayag niya ang kaniyang suporta sa U.S. troops laban sa mga Iraqis na
tapat kay Saddam Hussein. Sinabi niya “There are some who feel like that, you know, the
conditions are such that they can attack us there. My answer is, bring them on. We got the force
necessary to deal with the security situation”. Mapapansin natin na ang estilo ng kaniyang
pananalita ay hindi tipikal na naririnig sa isang presidente. Ang pagkadirekta ng pahayag ni
Presidente Bush ay nakita ng mga Iraqi na isang imbitasyon na atakihin ang Estados Unidos.
Kaya ang babala ng Rhetorica ad Herennium, mag-ingat sa pagpili ng uri ng estilo sa
pagpapahayag dahil baka humantong ito sa kapahamakan.

Ang Rhetorica ad Herennium ay may kinikilala na tatlong katangian ng estilo: panuri


(taste), artistikong komposisyon at pagtatanggi (distinction). Ang panuri (taste) ay ang
kawastuhan at kalinawan ng paggamit ng mga salita samantala ang artistikong komposisyon
naman ang pagkakaayos ng mga salita na magkakatulad ng tapos sa bawat parte ng diskurso. Ang
Rhetorica ad Herennium ay nagbibigay pansin lalong-lalo na sa distinction (pagtatangi), o ang
epekto ng paggawa ng magagayak at iba’t ibang klase ng talumpati. Dalawang pangunahing
pamamaraan na puwedeng gamitin para magawa ang pagtatanggi : anyo ng pananalita (figures of
speech) at anyo ng kaisipan (figures of thought). Ang anyo ng pananalita ay kumukuha ng gayak
sa mga salitang pinili at ang anyo ng kaisipan sa iba’t ibang ideyang kasangkot. Ilan sa mga
tipikal na anyo ng pananalita:

1. Aliterasyon – pag-uulit ng parehas na letra o tunog sa loob ng magkakalapit na salita;


madalas lumalabas sa unang katinig.
Hal. Tatalon-talon, iindak-indak ang tubig sa batis…

2. Pag-uulit – pag-uulit ng parehong salita o parirala sa umpisa ng magkakasunod na


sugnay, pangungusap o linya.
Hal. Minsan, sa kanyang piling;
Minsang dininig ang aking hiling;
Minsang, di na mauulit pa
Minsang ang mali, walang kasingsaya.

3. Tricolon – tatlong pangungusap o parirala na parehas ang haba at nakalapat ng


magkakasunod.
Hal. Makinig. Matuto. Magtagumpay!

4. Antitesis (Anti-thesis) – ang pagkakahanay ng magkakasalungat na salita o ideya.


Hal. O ang babae, ‘pag minamahal
May kursunada, aayaw-ayaw
Pag ‘yong dinalaw ay nayayamot.
‘Wag mong dalawin, dadabog-dabog

5. Oksimoron (Oxymoron) – paglalagay ng dalawang salita na magkasalungat ang ideyang


pinapahayag.
Hal. Nakabibinging katahimikan.
Malungkot na masaya ang makapiling ka.

39 This Self-Learning Module (SLM) is a property of KCC, College Department. Unauthorized reproduction and distribution of this material is strictly prohibited.
FIL 1 MASINING NA PAGPAPAHAYAG

4. Paghahatid

Ang salitang paghahatid ay tumutukoy sa pinagsanib na kahulugan ng dalawang salitang


Romano, ang acto o pag-arte; at pronuncio, o pagbigkas. Sa wikang Griyego naman, ito ay
tinutumbasan ng salitang hypokrisis na nangangahulugan din na pag-arte. Sa uri ng retorika ng
matandang panahon, tumutukoy ang paghahatid sa kung paano ipinarating ang mensahe at hindi
sa kung ano ang nilalaman ng mensahe.

Napakahalaga ng pag-arte at ng mahusay na paggamit ng tinig sa paghahatid ng mensahe


lalo na noong unang panahon. Nakaiimpluwesiya ito sa awdyens na nabagabag ang damdamin
dahil sa napanood at napakinggan.

Sa kasalukuyang panahon, tunay na mahalaga pa rin ang madamdaming pagbigkas ng


mga talumpati. Sa dami ng mga nakaaabalang bagay sa paligid, ang kagalingan sa pag-arte at
masining na paggamit ng tinig ay maaaring makipagkompetensya sa mga sagabal na maaaring
pumukaw sa pansin ng awdyens.

Bagamat sa unang pagtingin, maaaring sabihin na ang intensyon ng madamdaming


paghahatid ng talumpati ay ang pukawin ang atensyon ng awdyens. Mabuting isipin na ang tunay
na hangarin nito ay ang kasiningan ng pakikipag-argumento upang mapanatili ang pagsusuri ng
mga tagapakinig sa mga detalyeng ihahayag ng mananalumpati, retor, o orador. Anong silbi ng
isang mahusay na piyesa sa mga tagapakinig na di handa sa pakikinig? Anong silbi ng
matalinong talumpati sa inaantok, pagod, at may isipang naglalakbay na tagapakinig? Mabuti
ring alalahanin na ang madamdaming paghahatid ng mensahe ay pagpapakita ng kahusayan kung
paanong malilikha ng mananalumpati ang ethos o ang pakakaroon ng ugnayan sa awdyens;
upang magkaroon ng “dating” o pathos, at nang sa gayon ay magkaroon ng inspirasyong
mapagana ang maurirat na isip sa pagtatamo ng logos o kakintalan sa isip ng tagapakinig.

Hindi isinilang ang isang mananalumpati na isa nang ganap na mananalumpati.


Kailangan ang patuloy na wastong pagpapaunlad ng kasanayan at magamit ito sa pagharap ng
katotohanan at kabutihan.

5. Memorya

Paano kaya nagmememorya o nagsasaulo ng mga piyesa ang mga retor ng unang
panahon? Di katulad ng kasalukuyang panahon, sa mga pag-uulat at paghahain ng mga
presentasyon ay maaaring gumamit ng “idiot boards.” Mula sa mga simpleng paggawa ng “cue
cards”, pagsusulat sa mga cartolina, manila paper, at hanggang sa paggamit ng presentasyong
naka-powerpoint, moviemaker, atbp. Dahil dito hindi na kailangan ang masidhing pagsasaulo ng
mga impormasyon. Tunay na matatalino ang mga retor, orador at mananalumpating ang mga
kaisipang nais ipahayag ay naisasaulo. May kakaibang paraan ng pagmememorya ang mga retor
ng unang panahon. Inobatibo o malikhain silang nakaiisip ng mga paraan upang maisakapsula
ang mga impormasyong nais nilang ibahagi. Ang kahalagahan ng mnemonic devices ay
napatunayang epektibo higit noong unang panahon (at maging hanggang sa kasalukuyan ay
ginagamit pa rin ito). Sinasabing ang memorya ay "treasury of things invented," kung gayon,
malaki ang kaugnayan ng memorya sa “inventio” ng retorika.

Ang paghahain ng katwiran, ang pagbali sa nakasanayan, ang lumaban sa


maykapangyarihan ay mga usaping kung maghahain ng detalye ay wala dapat makakaligtaan.
Hahayaan mo bang mahatulan ang isang taong di naipagtanggol nang sapat dahil sa pagkalimot sa

40 This Self-Learning Module (SLM) is a property of KCC, College Department. Unauthorized reproduction and distribution of this material is strictly prohibited.
MASINING NA PAGPAPAHAYAG FIL 1

paksang nais bigyang punto? Paano mo babaguhin ang mga nakasanayang mali kung walang
nakasulat na patotoo? Mababali ba ng isang karaniwang tao ang utos ng maykapangyarihan kung
di matandaan ang mga kasunduan?

Mabuti sa isang mananalumpati na saulado ang kanyang piyesa. Nagkakaloob ito ng


tiwala sa sarili at dagdag na lakas ng loob. Hindi makakamit ang pagiging manananggol kung
walang husay sa pagsasaulo; ang pasasaulo ay daan upang makamit ang pagiging peritus
dicendi, (well-versed in speaking).

Ang Mga Gampanin ng Retorika

Mayroong tatlong gampanin ang retorika, demonstratibo, panghukuman at deliberatibo. Ang


demonstratibong retorika ay ginagamit upang purihin o sisihin ang isang tao o minsan ay maaaring
grupo. Halimbawa sa pagpuri ng tao ay ang eulohiya at ang halimbawa naman ng paninisi sa isang tao o
grupo ay ang mga nagwewelga. Dito nagagamit nila nang mahusay ang retorika sapagkat maaari nilang
mapagpabago ang isip ng mga nakikinig sa kanila. Ang panghukuman na retorika ay makikita sa
husgado. Ito ay ginagamit upang mapawalang-sala ang nasasakdal o maaaring maidiin pa ito sa kaso.
Ang deliberatibong retorika naman ay ginagamit sa senado at kongreso upang ipasa o huwag ipasa ang
isang batas na ipinanukala. Ang demonstratibo ay para sa kasalukuyan, ang panghukuman ay para sa
naganap ng nakalipas at ang deliberatibo ay para sa hinaharap. Kung susuriin, ang iba pang gampanin ng
retorika ay ang sumusunod:

1. Pagbuo ng Paniniwala

Ang retorika ay ang masining na paraan ng panghihikayat gamit ang mga salita, pasulat man o
berbal. Isa sa mga layunin nito ay ang pagbubuo ng paniniwala. Gamit ang retorika, mahihikayat natin
ang mga tao na paniwalaan ang isang bagay o ibahin ang matagal na niyang pinaniniwalaan. Maari rin
itong tawagin bilang pag-aaral o kahusayan ng isang indibidwal sa pagpili ng mga salitang gagamitin sa
pagsulat o pagsasalita.

Ang halimbawa nito ay ang pakikipagdebate. Nagpapalitan sila ng kanya-kanyang paniniwala


at hinihikayat ang mga hurado na ang panig nila ang totoo at tama. Sa huli, nakukuha nilang paniwalain
ang mga tagapakinig sa kanilang panig.

Kung iisipin, araw-araw nating ginagamit ang retorika. Sa eskwelahan, sa bahay at kahit sa
pakikipag-usap sa ating mga kaibigan o kasintahan. Hinihikayat natin ang mga tao sa ating paligid sa
kung ano ang sa tingin natin ay tama.

2. Pagpapaliwanag

Kung susuriin ang mga gawa ng retorika kung paano napapabago ang paniniwala ng mga tao,
malamang karamihan ay masasabi nating bigo. Ang karaniwang tao na may kapangyarihan sa kanilang
pisikal na kapaligiran ay hindi madaling mapapabago ang paniniwala dahil lamang sa isang simpleng
mensahe. Kung ang mga tao ay maimpluwensiyahan man na mabago ang kani-kanilang paniniwala, ito
malamang ay dahil sa marami at iba’t ibang mensahe.

Ang pangangailangan ng mga paliwanag ay dahil sa ang isang tao ay nakaranas ng isang
pangyayari na bago sa saklaw ng kanyang pananaw at pamumuhay. Halimbawa, kapag tayo ay
nakakabasa ng mga balita sa diyaryo o di kaya’y nakakasaksi tayo ng mga pangyayaring hindi natin

41 This Self-Learning Module (SLM) is a property of KCC, College Department. Unauthorized reproduction and distribution of this material is strictly prohibited.
FIL 1 MASINING NA PAGPAPAHAYAG

inaasahan na pupukaw sa atensyon natin, tayo ay nagsisimulang mag-isip ng mga posibleng dahilan at
paliwanag kung bakit ito nangyari at sasagot sa mga tanong na namuo sa isipan natin. Sa mga diyaryo,
mapapansin natin na maraming mga editoryal at kolum na naglalabasan matapos pumutok ang isang
napapanahong isyu. Dito, makikita natin na maraming mga manunulat ang susubukang ipaliwanag ang
buong pangyayari kasama na ang kani-kanilang mga reaksyon at tugon upang makuha ang ating loob
ukol sa balita katulad ng mga manunulat. Ang mga retor ay nagbibigay rin ng mga paliwanag ukol sa
mga pangyayaring pumukaw ng loob ng kanilang mga mambabasa at tagapakinig. Matatandaan natin na
kapag tayo ay nakararanas ng mga pangyayaring kakaiba ay kasunod nito ang ating pangangailangan ng
paliwanag ukol dito. At dahil sa bagay na ito, ang mga retor ay makakukuha ng sapat na atensyon sa
mga mambabasa at tagapakinig, magsisimulang lumikha ng mga virtual na karanasan gamit ang
pagsasalita at pagsulat upang makuha ang loob ng mga tao at saka sila maghahain at magpapatunay ng
mga paliwanag na sa tingin nila at pinakaposible at angkop dito.

3. Pagpapabago ng Paniniwala

Sa pagkakaroon ng tinatawag na virtual na karanasan, may paunang kaalaman at


mababaw na interpretasyon ang isang tao tungkol sa paksang bibigyang-tuon. Subalit sa
pagkakataong nagkaroon na siya ng iba pang kaalamang higit na makapanghihimok at
kapanipaniwala, maaaring mabago ang pananaw niya rito. Sa tulong ng retorika, higit na
madadala at mapag-iisip ang mambabasa sa kung ano ba talaga ang tunay na kuwento sa likod ng
isang pangyayari.

Halimbawa, sa unang tingin ay masasabi mong normal na obra lamang ni Charles M.


Russell, ang limang pinta ng isang babaeng Keoma (Indian). Masasabi lamang sa mababaw na
pananaw na maganda ito at nagpapakita ng sensuwal na katangian ng mga kababaihang Indiyana.
Samantalang ayon sa sanaysay na isinulat ni Corlan Gee Bush, sinabi niya na ang modelo sa mga
obrang iyon ni Russell ay ang kanyang asawang Amerikana, hindi siya Indiyana at ang tunay na
layon dito ng pintor ay isalarawan kung ano ang pagkakakilala niya sa kanyang maybahay sa
katauhan ng isang Indiyana (sensuwal na babae) habang ipinapailalim ang katotohanang isa
talaga siyang Amerikana. Masasabing ang babae sa obrang iyon ay nabubuhay ngunit sa
subconscious na pag-iisip lamang ng mga Amerikano.

Mula sa mga panibagong impormasyong napasok sa isipan ng isang mambabasa,


maaaring mabago na ngayon ang pagtingin niya sa mga pintang iyon. Higit na lalalim na ang
kanyang interpretasyon at pananaw sa tuwing makikita niya ang obrang ito dahil tumatak sa
kaniyang kaisipan ang mga bagong natutuhan mula sa kanyang nabasa.

4. Pagsisimula ng Aksyon

Ang isang kaisipan o paniniwala ay hindi agad nagreresulta ng aksyon o ng kakayahang


magsagawa ng aksyon. Kahit mayroon ng bagay na pinaniniwalaan walang aksyong susunod
hangga’t hindi napapatibay ang mga paniniwalang ito. Dito pumapasok ang isa sa pinakalayunin
ng isang mananalumpati. Ito ay ang panghihikayat sa mga tao na isabuhay ang kanilang mga
paniniwala at umaksyon nang ayon dito.

Halimbawa, ang anti-mining sa Palawan, kahit marami ng mga tao ay naniniwala na


hindi mabuti para sa kalikasan ang pagmimina, hindi ibig sabihin na may mga taong kikilos o
gustong kumilos para itigil ito. Ang isang mananalumpati ay maaaring magbigay ng
impormasyon sa kahit anumang okasyon sa lugar na ito at iparating sa mga tao ang mga
masasamang bagay na naidudulot ng pagmimina sa Palawan na siyang magpapatibay sa

42 This Self-Learning Module (SLM) is a property of KCC, College Department. Unauthorized reproduction and distribution of this material is strictly prohibited.
MASINING NA PAGPAPAHAYAG FIL 1

paniniwala ng mga tao doon na mali ang pagmimina. Hindi man lahat ng mga tagapakinig dito ay
may kakayahang magbago sa usaping ito, posibleng may mga manunulat o mamamahayag na
kasama sa mga nakinig ang susulat ng mga artikulo hinggil sa isyung ito. Kung ang mga taong ito
ay magdesisyong isalin sa papel o kaya’y ilathala ang mga sinabi ng mananalumpati, mas
mapapatibay pa nito ang paniniwala ng mas maraming tao na maaari ring maging simula ng
pagbuo ng mga grupo na kikilos para matapos ang pagmimina sa Palawan.

Makikita dito ang resulta ng retorika. Gamit ang retorika, nakapanghihikayat ang mga tao
tungo sa pagbabago para sa ikabubuti ng nakararami.

5. Pagpapanatili ng Aksyon

Hindi dapat natatapos ang aksyon matapos pa lamang ito maisagawa. Dapat ay
maipagpatuloy ito kahit sa paglipas ng panahon. Trabaho ng isang retor na maipaalala sa mga tao
kung bakit isinasagawa ang mga pagkilos na ito.

Gamitin nating muli ang pagmimina sa Palawan bilang halimbawa, sakaling


maisakatuparan ang pagpapatigil sa mga pagmimina, dapat itong ilagay sa mga libro, pahayagan
para tuloy-tuloy ang desiminasyon ng impormasyon hindi lamang sa Palawan. Maipaalala sa
lahat ang mga dahilan ng pagsasagawa ng ganitong pagkilos at kung ano ang mga dapat at di
dapat gawin.

6. Paglikha ng Virtual na Karanasan

Sa pamamagitan ng simbolo, ang isang tao ay makakukuha ng mga ideya, larawan at


karanasan mula sa kanilang nakaraang damdamin at karanasan na magagamit sa paglikha ng
isang ilusyon o imahe sa kanyang isipan na maaaring kalapit o halos katulad sa nais ipabatid ng
may-akda. Maaari rin itong maging iba-iba depende sa magiging repleksyon at persepsyon ng
bawat indibiduwal.

Kapag ang isang bagay ay tinatawag na virtual, hindi literal at hindi mahahawakan
bagkus ito’y imahinasyon lamang o totoo sa imahinasyon ng tao. Kapag ang isang paksa ay
naisulat o naipahayag nang malinaw, malaki ang pagkakataong tumugma ito sa eksaktong ibig
sabihin ng mga simbolo at makabuo ng isang tumpak na imahe.

Sa madaling salita, ang saligang layon o gamit ng retorika sa pang-iimpluwensya ay


epektibong magagamit sa komunikasyon. Ito ay nagtutulak sa tao upang magsimula ng kilos na
maisasalin sa isang virtual na karanasan. Ang tanong, sa paanong paraan? Isang magandang
instrumento ang panitikan sa pagbuo ng isang virtual na karanasan.

Ang mga akdang pampanitikan ay isinusulat upang palawakin at ihulma ang karanasan
ng mambabasa sa pamamagitan ng paghahatid sa kanila ng isang karanasang kahit hindi man nila
aktuwal na nadama ay nakagagawa sila ng sariling representasyon nito. Sa tulong ng retorikal na
pamamaraan ng pagpapahayag, ang bawat mambabasa ay damang-dama ang mga pangyayaring
pumapasok sa kanilang isipan.

Malaki ring tulong kapag ang mga kathang ito’y naisa-telebisyon, drama o ano pa mang
uri ng midya sapagkat higit na nabibigyan ng kongkreto at aktuwal na pagsasalin ang mga
simbolo at diyalogo. Sinasabi rin na mainam ang may malawak na karanasan ang indibiduwal
dahil higit ang potensiyal na makalikha siya ng maayos at tumpak na karanasang virtual.

43 This Self-Learning Module (SLM) is a property of KCC, College Department. Unauthorized reproduction and distribution of this material is strictly prohibited.
FIL 1 MASINING NA PAGPAPAHAYAG

Ang Retorika ay Pagkikritika

Ano nga ba ang puno’t dulo ng ng pagtalakay ng retorika? Siyempre pa, ang maging
kritiko at kritika. Nakikinig ang mga sinaunang Griyego at mga Romano upang magkaroon ng
ideya sa mga usapin, at bago sila makapagpasya kung alin ang tama at mali, bumibistay ang mga
katwiran sa kanilang pagkikritika. Hindi lamang gusto nating makinig ng masasarap at
mabubuting pahayag na bubusog sa ating puso at guni-guni; ang humahalinang mga pahayag,
bago tayo mapangiti, mapapalakpak, mapasang-ayon ay tinitimbang ng ating puso at sinasala ng
mga pandinig bago masasabing nagtagumpay ang retor sa kanyang layunin. Kung gayon, ang
puno’t dulo ng retorika ay gawin tayong mapanuri at gawin tayong mga kritiko at kritika.
Bigyang-hustisya natin ang pagiging kritiko at kritika. Makinig. Manood. Magbasa. Magsulat.
Bumigkas.

44 This Self-Learning Module (SLM) is a property of KCC, College Department. Unauthorized reproduction and distribution of this material is strictly prohibited.
MASINING NA PAGPAPAHAYAG FIL 1

MGA GAWAING PAMPAGKATUTO

Pangkalahatang Panuto:
 Basahin at unawain ang sumusunod na panuto sa bawat gawain;
 Huwag madaliin ang pagsagot at siguraduhing maisagawa ito ng komprehensibo;
 Sundin ang pormat na ibinigay kasama ang mga kaugnay na digrapo (diagram);
 Isulat ang lahat ng inyong sagot sa papel (yellow pad).

Aralin 1

Gawain 1 Sagutin ang sumusunod na mga tanong o kahingian upang matiyak ang
kaalaman sa Aralin 1.

1. Ano ang relasyon ng wika sa retorika? Ipaliwanag.


2. Bakit pangangailangan ang masining at mabisang pagpapahayag sa
retorika?
3. Ano ang kahalagahan ng “social truth” sa perspektibong retorikal?
4. Sino si Demosthenes? Ilahad ang kanyang naging kontribusyon sa
retorika.

Gawain 2 Ipaliwanag ang kahulugan ng mga sumusunod:

1. Retorika
2. Retor
3. Retorisyan

Gawain 3 Ipaliwanag ang mga sumusunod na pahayag ayon sa mensahing


ipinababatid nito sa iyo.

1. “Walang hindi nakukuha sa maayos na pag-uusap. Sa maayos,


una sa lahat, dapat ay nagkakaintindihan. At liban kung sa iisang
wika ang pag-uusap, magiging isang Babel.”
2. “Ang pinakamabuting retorika ay ang magsabi ng totoo.”

45 This Self-Learning Module (SLM) is a property of KCC, College Department. Unauthorized reproduction and distribution of this material is strictly prohibited.
FIL 1 MASINING NA PAGPAPAHAYAG

Aralin 2

Gawain 1 Sagutin ang sumusunod na mga tanong o kahingian:

1. Ano ang naging tungkulin ng retorika sa Panahong Klasikal?


2. Paano nagkaiba ang retorika ni Aristotle at ng mga sophist?

Gawain 2 Tukuyin ang konseptong hinihingi ng mga pahayag. Isulat sa bukod na


papel ang sagot.

1. Siya ang may-akda ng Gorgias at naging guro ni Aristotle. Isa sa hinahanap ay ang
pagtatamo ng katotohanang pantay at para sa lahat. Tinawag niya itong “absolute truth”.

2. Sila ang mga retor na kilala sa paggamit ng mabubulaklak na pananalitang tumatagos sa


damdamin ng tagapakinig. Estilo rin nila ang paggamit ng enthymeme.

3. Ito ang katawagang Romano sa general audience o ang publiko, ang mga tagapakinig na
itinuturing na walang muwang at babatay lamang sa magiging pagpapasya ng mga lider ng
bayan.

4. Siya ay isang media artist at pamoso sa kanyang isinulat na “The Medium is the Message.”
Ang akda ay naghahayag sa kanyang kaisipan na higit diumanong mahalaga na hanapin ang
kaalaman kaysa ang magpaliwanag ng kaalaman.

5. Siya ay isang protestante na tumuligsa at nagbigay ng bagong pananaw sa retorika. Sa


paghamon na kanyang ginawa, inilahad niya na mas marapat pahalagahan ang pagtuturo sa
katotohanan kaysa sa retorika.

6. Ang panahong ito ay kakikitaan ng pag-angat ng bernakular na retorika. Ang mga akda ay
nasulat sa Wikang Ingles kaysa sa klasikong mga wika (Griyego at Romano).

7. Ito ang pinakamaimpluwensiyang paaralan sa retorika noong 1800 na ang puno ng


Departamento ng Retorika at ng Belles Lettres ay ang paring presbiteryo na si Hugh Blair.

8. Siya ang maysabing, “a true rhetorician is a good man skilled at speaking.”

9. Ang artikulong ito ay nagbigay ng pinakamaalam na sarbey ng Renaissance Humanism na


tumutukoy sa malawak na hindi pagsang-ayon sa pag-aaral ng lohika at dialektika noong
panahong medieval.

10. Siya ay isang pilosopong Briton, awtor at edukador. Inilaan niya ang kanyang panahon sa
pag-aanalisa ng mga praktikal na pagreresolba ng mga argumento sa mga isyung moral.

46 This Self-Learning Module (SLM) is a property of KCC, College Department. Unauthorized reproduction and distribution of this material is strictly prohibited.
MASINING NA PAGPAPAHAYAG FIL 1

Aralin 3

Gawain 1 Sagutin ang sumusunod na mga tanong o kahingian:

1. Paano ipinakikita ng mga akdang Pilipino ang kasiningan ng mga


pagpapahayag?
2. Sino-sino ang mga maituturing na Pilipinong retorisyan?

Gawain 2 Ibuod ang kasaysayan ng retorika sa Pilipinas.

Aralin 4

Gawain 1 Sagutin ang sumusunod na tanong at tugunan ang mga kahingian.

Bakit sinasabi na ang Retorika ay:

1. Mapanghikayat?
2. Lumilikha ng birtuwal na karanasan?
3. Simbolikal?

Gawain 2 Bigyan ng kahulugan o deskripsiyon ang mga sumusunod:

1. Disiplina
2. Ad Herrenium
3. Birtuwal na karanasan
4. Mnemonic device

Gawain 3 Ebalwasyon.

Ipagpalagay mong ikaw ang kasalukuyang pangulo ng Pilipinas at ikaw


ay maglalahad ng talumpati sa iyong SONA (State of the Nation Address.
Buuin ang iyong talumpati.

47 This Self-Learning Module (SLM) is a property of KCC, College Department. Unauthorized reproduction and distribution of this material is strictly prohibited.
FIL 1 MASINING NA PAGPAPAHAYAG

KABANATA 2

ANG GRAMATIKA
AT ESTILO NG
RETORIKA

MGA LAYUNIN:

6. Nabibigyang-kahulugan ang gramatika at estilo;


7. Nailalahad ang mga tuntunin sa paggamit ng gramatika at estilo sa pagbuo ng ng
mga diskursong retorikal;
8. Natutukoy ang pagkakaiba ng tekstuwal, kontekstuwal, subtekstuwal at
intertekstuwal na kahulugan ng mga diskurso; at
9. Nakabubuo ng diskursong retorikal na may pagsasaalangalang sa wastong gramatika
at eleganteng estilo

48 This Self-Learning Module (SLM) is a property of KCC, College Department. Unauthorized reproduction and distribution of this material is strictly prohibited.
MASINING NA PAGPAPAHAYAG FIL 1

ARALIN 1:
ANG GRAMATIKA NG RETORIKA

“Hindi sapat na ang tao’y matuto ng lengguwahe at makapagsalita,


marapat ding maunawaan at magamit nito nang tama ang wika.”

A ng retorika ay proseso ng maayos at maingat na pagpili ng wasto, malinaw, mabisa at


kaaya-ayang pananalita sa pagpapahayag ng mensahe upang higit na maunawaan ng mga
nakikinig o nagbabasa. Maayos sapagkat ito ang nagbibigay ng katiyakan sa ibig
iparating na mensahe. Maingat dahil kapag ang napiling salita ay maaaring ikalungkot o ikatuwa
ng nakikinig o nagbabasa ng mensaheng nais iparating depende sa okasyon o pagkakataon.

Kaakibat ng pagpili ng mga salita ay ang gramatika upang maging wasto, malinaw ang
mensaheng nais ipaabot ng nagpapahayag. Ang gramatika ay may kinalaman sa tungkulin
(function) ng mga salita at ang ugnayan (relation) sa loob ng pangungusap. Samakatuwid, dalawa
ang isinasaalang-alang ng magbibigay ng mensahe, ang retorika at gramatika.

Maging sistematiko sa paggamit ng salita kapag nagsusulat at nagsasalita. Ito ang


parating turo ng mga dalubhasa sa wika. Saanmang lugar sa Pilipinas mapadpad, lahat ng edad,
mapabata man o matanda ay mayroong cellphone. Kaya nga itinuturing ang Pilipinas bilang Text
Capital of the World dahil na rin sa katotohanang karamihan sa mga Pilipino’y gumagamit nito.
Nakatatawag-pansin ang ginagamit na text sa cellphone. Pansinin ang mga sumusunod na
halimbawa:

Asan na u?
D2 na me sa amin.
Punta u d2.

Sa halimbawang ibinigay, kung sa pasulat na aspekto, nilalabag nito ang estruktura ng


isang maayos na pangungusap, gayundin ang paraan ng panghihiram ng salita. Maling-mali ang
paggamit ng salita. Walang salitang “d2”. Kung mapapansin din, wala sa listahan ng leksikon ng
Wikang Filipino maging ng Wikang Ingles ang “u”. Subalit, bakit nangyayari ito? Una, dahil
limitado lamang ang bilang ng karakter kaya nagtitipid ang gumagamit nito. Pangalawa,
masyadong abala o aksaya sa oras kung ite-text pa nang buo o kompleto ang gustong sabihin. Sa
ganitong sitwasyon, bakit nagkakaintindihan pa rin ang mga taong nagpapahayag nito? Dito
pumapasok ang pagiging malikhain ng wika, hanggat ang tao’y nagkakaunawaan sa kanilang
pagpapahayag, tatanggapin at tatanggapin nila ito.

Sa pag-uusap ng dalawang mag-aaral sa kolehiyo, may kapansin-pansin sa kanilang


pagpapahayag. Tingnan natin ang usapan sa ibaba:

Mag-aaral 1: Nasa’n ka no’ng Friday?


Mag-aaral 2: Nag-research para sa assignment natin sa English.
Mag-aaral 1: Sayang! Hindi mo napakinggan ang lecture ni Sir.

Sa halimbawang ito, kapansin-pansin ang mga salitang “Friday”, “assignment”,


“research”, “English” at “lecture” na mga salitang Ingles. Isinama ang mga salitang ito sa mga
salitang Filipino. Ang ganitong pagsasama-sama ng dalawang wika ay code switching. Ang code

49 This Self-Learning Module (SLM) is a property of KCC, College Department. Unauthorized reproduction and distribution of this material is strictly prohibited.
FIL 1 MASINING NA PAGPAPAHAYAG

switching ay ang paggamit ng magkakaibang wika sa loob ng isang pahayag. Madalas na


nangyayari ito sa pasalitang pagpapahayag. Tinatanggap ito sa kasalukuyan lalo na’t
nagkakaintindihan naman ang mga taong nagpapahayag nito. Pero kung ang usapin ay pagsusulat,
hindi maaari ang code switching. Subalit kapansin-pansin ang code switching sa mga pahayagan
sa kasalukuyan. Tunghayan natin ang ilang halimbawa:

1. Partikular na ina-address ng dagdag-pondo ang kulang na classrooms, teachers,


upuan at mga textbooks sa public schools.
2. Patay ang isang fourth year high school student na babae pagkatapos matamaan ng
kidlat.

Sa mga halimbawa sa itaas, nakatatawag-pansin ang kanilang pagsusulat. Kung


nagsusulat, sa pagbuo ng isang maayos na pangungusap, hindi mabuti na magkasama ang
magkaibang wika, walang wikang magkahalo gaya ng Ing-Fil o Ingles-Filipino o kahit Fil-Ing o
Filipino-Ingles dahil parehong nasisira ang estruktura ng pangungusap ng Wikang Filipino at
Ingles. Ayon nga kay Galileo Zafra (2002), “Istrikto ang wika sa usapin ng code switching. Kung
Filipino, Filipino ang dapat gamitin, kung wala sa leksikong Filipino ay saka papasok ang
panghihiram. Kung nais naman ay Ingles, Ingles lang. Hindi maaari ang 50-50 na hatian o 75-25
kaya.” Sa sinabing ito ni Zafra, pagdating sa pagsulat mahigpit ang panuntunan sa gramatika.

Sa puntong ito, mapapansin natin na ang retorika ay magiging makabuluhan kung


isinasaalang-alang ang pagsunod sa panuntunan ng gramatika lalo na kung ito’y sa pasulat na
paraan. Ang maayos na pahayag ay nakasalalay sa wastong pag-aaral ng pagbubuo ng
pangungusap kalakip ang organisadong ideya na nakapaloob dito.

Kaayusan ng mga Salita sa Pagbuo ng mga Pangungusap at Organisasyon ng mga Ideya

Upang maunawaan ng nakikinig o nagbabasa ang nais ipahayag, kailangang magtaglay


ng sapat na kaalaman sa tamang paghahanay ng mga salita, pagbuo ng mga pangungusap at
organisasyon ng mga ideya sa isang pahayag.

Nagiging ganap ang paggamit ng mga salita kung maayos na nakabubuo ng


pangungusap. Kapag hindi maayos, walang bisa ang pagpapahayag. Para magkaroon ng sapat na
kaalaman sa pagbuo ng maayos na pangungusap, kailangang alam ng naghahatid ng mensahe ang
sangkap at ayos ng pangungusap.

Dalawa ang sangkap ng pangungusap sa Filipino, ito ang Paksa at Panaguri. Ang Paksa
ang bahaging pinag-uusapan o binibigyang-tuon sa pangungusap. Nakikita ito sa huling bahagi ng
pangungusap kapag nasa karaniwang ayos ang pangungusap, sumusunod ito sa panandang
ang/ang mga, si/sina. Ang paksa ay maaaring panghalip gaya ng ako, ka, ikaw, siya, tayo, kami,
sila, ito, iyan, iyon.

Halimbawa:
Pogi si sir.
Malinamnam ang manok.
Naging matagumpay ang Palarong Pambansa.
Nagpunta si Kristine sa SM Manila para bumili
ng gamit sa paaralan.

50 This Self-Learning Module (SLM) is a property of KCC, College Department. Unauthorized reproduction and distribution of this material is strictly prohibited.
MASINING NA PAGPAPAHAYAG FIL 1

Ang Panaguri naman ay ang bahagi ng pangungusap na nagbibigay-kaalaman o


impormasyon tungkol sa paksa. Karaniwang matatagpuan ito sa unahang bahagi ng pangungusap.

Halimbawa:
Dito ang tambayan.
Kanais-nais ang kanyang kilos.
Maawain si Bosing.
Natulungan ng Kawanggawa Foundation
ang mahihirap na bata sa Navotas.

Ang ayos ng pangungusap sa Filipino ay mahahati sa dalawa: karaniwan at hindi


karaniwang ayos. Sa karaniwang ayos ng pangungusap, nauuna ang panaguri sa paksa. Ito ay may
balangkas na:

(ang) panaguri + (ang) paksa

Halimbawa:
Maging financial adviser ang pangarap niya.
Malinaw ang kanyang talumpati.
Nanalangin nang taimtim si Jeslie bago kumuha ng Civil Service Exam.

Sa hindi karaniwang ayos ng pangungusap, nauuna ang paksa sa panaguri. Ang


panandang ay ang masusumpungan sa pangungusap. Ganito ang balangkas nito:

(ang) paksa + ay + (ang) panaguri

Halimbawa:
Ang pangarap niya ay maging financial adviser.
Ang kaniyang talumpati ay malinaw.
Si Jeslie ay nanalangin nang taimtim bago kumuha ng Civil Service Exam.

Upang ganap na maunawaan ang mensaheng nais ipahayag, kailangang magkaroon nang
sapat na kaalaman sa pag-oorganisa ng mga ideya. Sa pag-oorganisa ng mga ideya, nararapat na
magkaroon ng balangkas bago gawin ang mensaheng nais ipaabot sa mga tagapakinig.
Napakahalaga ng balangkas bilang gabay sa maayos na paglalatag ng mga ideya. Nakatutulong
ang balangkas sa tagahatid ng mensahe upang mapag-isipan nang mabuti ang kanyang paksa at
magkaroon ng direksyon ang kanyang sasabihin.

Sa pagbuo ng balangkas, maibubukod ang mahahalagang kaisipan na magagamit.


Mababatid ang makatwirang pagkakasunod-sunod ng mga kaisipan at madaling makapipili ng
mga kaisipang walang kabuluhan na dapat alisin. Narito ang mga hakbang sa paggawa ng
balangkas:

Una, basahin nang pahapyaw ang paksa bago gawin ang balangkas. Bigyang-pansin sa
pagbasa, ang pamagat, ang mga pangunahing kaisipan at pantulong na kaisipan.

Pangalawa, balangkasin ang mga pangunahing kaisipan. Piliin ang mga pantulong na
kaisipang bumubuo sa bawat pangunahing kaisipan. Itala rin ang mga bahaging bumubuo sa mga
pantulong na kaisipan.

51 This Self-Learning Module (SLM) is a property of KCC, College Department. Unauthorized reproduction and distribution of this material is strictly prohibited.
FIL 1 MASINING NA PAGPAPAHAYAG

Pangatlo, huwag isama ang mga impormasyong walang kaugnayan sa paksa.

Pang-apat, higit na mainam na gamitin ang mas sistematikong balangkas sa mga paksang
mahirap ipahayag.

Pagpili ng Mabisang Salita para sa Mabisang Pagpapahayag

Ang tagapagsalita ay kailangang may malawak na kaalaman sa wikang kanyang


gagamitin sa pagpapahayag. Pangalawa, kailangang alam niya ang kaantasan ng mga salita batay
na rin sa hinihingi ng panahon at okasyon. Ang mga antas na ito ay pinagpapasyahang mabuti.
Dalawa ang kaantasan ng salita: ang pormal at di pormal na mga salita.

Ang pormal ay nahahati sa pambansa at pampanitikan. Pambansa kapag ginagamit sa


mga aklat at mga magasin o mga babasahing nababasa sa buong kapuluan. Ito rin ay gamit sa
mga opisina, paaralan at pamahalaan. Pampanitikan kapag ginagamit sa paglikha ng mga obra
gaya ng nobela, tula, kuwento at iba pa. Kadalasang ginagamit ito ng mga manunulat.

Ang di pormal o impormal na salita ay karaniwang ginagamit sa mga pang-araw-araw na


pamumuhay―sa palengke, sa tahanan, sa pasyalan at iba pang lugar. Ginagamit din ito sa mga
liham na pangkaibigan, talaarawan at iba pa.

Nahahati sa tatlo ang di pormal na salita. Una ang lalawiganin―mga salitang palasak sa
rehiyon o lalawigan. Pangalawa, ang balbal―tinatawag na slang sa Ingles. Para sa iba,
masagwang pakinggan, subalit sa mga grupong lumikha ng mga salitang balbal, hindi ito
masagwa dahil nakasanayan na nila itong gamitin. Pangatlo ay ang kolokyal―mga pang-araw-
araw na salita na may kagaspangan bagamat hinango rin ito sa pormal na salita. Halimbawa ay
piyesta – pista, aywan – ewan.

Ang wastong paggamit ng salita ay paglinang ng kakayahan kung paano nakikilala ang
bahagi ng ipinapahayag. Ito rin ay may kinalaman sa wastong paraan kung paano
makapagbabalangkas at makabubuo ng pangungusap ayon sa kayarian ng pagpapahayag.

Narito ang ilang gabay para mas lalong lumawak ang kaalaman sa paggamit ng salita:

 Pagpapayaman ng talasalitaan ng mga mag-aaral.


 Pagsasalita nang wasto tungkol sa iba’t ibang kalagayan sa buhay.
 Pakikilahok nang wasto sa mga usapan.
 Pag-uulat tungkol sa mga bagay-bagay sa paligid.
 Pagsasalaysay ng mga karanasan.
 Paglalalarawan ng tao, bagay, pook at pangyayari.
 Pakikipagtalo tungkol sa iba’t ibang paksa.
 Pagpapaliwanag tungkol sa nakita, nabasa, narinig o naranasan.
 Pagsasadula ng mga kuwento at mga kalagayan tungkol sa kabutihang-asal.
 Pagmumungkahi tungkol sa ikabubuti ng tahanan, paaralan at bayan.
 Pagpapahalaga sa tula, maikling kuwento, nobela at dula.
 Pagbigkas ng tula at talumpati.
 Pagbibigay ng mga bugtong, salawikain at mga tanging kasabihan ng mga paham.
 Paglalahad ng anumang paksang nasa kakayahan.

52 This Self-Learning Module (SLM) is a property of KCC, College Department. Unauthorized reproduction and distribution of this material is strictly prohibited.
MASINING NA PAGPAPAHAYAG FIL 1

 Pagpapahayag ng kuro-kuro at diwa.

Sinabi ng isang iskolar ng Wikang Filipino na si Paul Morrow (2003), may mga salita na
binubuo ng iba’t ibang wikang banyaga ngunit hindi naman kinikilala ang mga ito saanman sa
daigdig. Mga salitang siyokoy ang tawag dito ng Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan
na si Virgilio S. Almario.

Tinipon ni Morrow ang ilang salitang siyokoy na nasa talahanayan:

TALAAN NG MGA SALITANG SIYOKOY AT MGA TAMANG SALITA PARA


RITO

Siyokoy Espanyol Ingles Filipino

adbenturero aventurero adventurer abenturéro; taong mapagsápalarán


aspeto aspecto aspect aspekto; 1. mukhâ o panig ng isáng bagay
2. tanáw 3. lagáy
bentaha; lamáng
bentahe ventaja (advantage) baksér, boksér
boksingero boxeador boxer dayagram; krokis (Espanyol), bangháy
dayagramo diagrama diagram diyalektika
dayalektika dialectica dialectics diyalekto; wikaín, wikà, salitâ
dayalekto dialecto dialect diyalogo; sálitaan, úsapan, pag-uusap
dayalogo dialogo dialogue detalye
detalya detalle detail may káranasán, subók na
eksperyensado (experimentado) experienced 1. magtagubilin 2. lumagdâ 3. maglipat
endorso endosar endorse tindahan (tienda+han)
groserya (abacería, grocery
tienda)
golfo 1. malakíng loók 2. agwát
gulpo gulf
intrigante intrigante
intrigero intriguer
(memorizado) 1. isinaulo. 2. sanáy, hiratì
kabisado memorized
comprensivo masakláw
komprehensibo (preocupado, comprehensive
nababahalà, nababalisà (kung konsernido ang ibig
konsernado concerned
inquieto) sabihin, ito ay "may kinalamán")
contemporaneo 1. kapanahón 2. panahóng itó
kontemporaryo contemporary
crítica kritika; pamumuná, panunurì
kritisismo misionero criticism misyonéro
misyonaryo missionary
músico -a músiko, -a, mánunugtóg
musikero objetivo musician obhetibo
obhektibo objective
fanatismo panatísmo
panatisismo fanaticism
parlamento parlamento, párliyamént (Ang bigkas sa Ingles ay
parliyamento parliament karaniwang "parlament"); bátasan
(paisano) magsasaká, magbubukíd
pesante peasant
prioridad priyoridad, prayority; pagkauna, karapatáng máuná
prayoridad priority bilanggô, bihag
1. ságutin, pananagutan 2. tungkulin, katungkulan
prisionero
prisonero prisoner 1. malubhâ 2. hindî nagbíbirô, tapát. 3. nag-iisip nang
responsabilidad
responsibilidad responsibility malalim 4. mahalagá
1.pangyayari 2.kalagayan, katayuan 3.pagkakátaón
serio 4.halimbawà
seryoso serious subhetibo
circunstancia suheto
sirkumstansya circumstance

subjetivo
subhektibo subjective
sujeto
subheto subject

53 This Self-Learning Module (SLM) is a property of KCC, College Department. Unauthorized reproduction and distribution of this material is strictly prohibited.
FIL 1 MASINING NA PAGPAPAHAYAG

Paggamit ng Rhetorical Devices

Ang paggamit ng rhetorical devices sa pagpapahayag ng mensahe ay nakatutulong upang


mas mag-isip ang tagapakinig o mambabasa. Kadalasang nagbibigay ito ng mas malawak na
kaalaman kung susuriing mabuti ang ginamit na salita. Nakadaragdag ito ng kalinawan at
kagandahan sa isang pahayag, pasalita man o pasulat. Ang mga halimbawa nito ay ang mga
tayutay at mga matatalinghagang pagpapahayag.

Mga Tayutay

Ang tayutay ay isang pahayag na ginagamit upang bigyang-diin ang isang kaisipan o
damdamin. Sinasadya ng nagpapayahag nito na gumamit ng talinghaga o di-karaniwang salita sa
pagpapahayag upang bigyang-diin ang kanyang saloobin. Ang mga halimbawa ng tayutay ay ang
mga sumusunod:

Pagtutulad o Simile. Ito ay isang payak at lantad na paghahambing na karaniwang ginagamitan


ng mga salita’t pariralang katulad ng, tulad ng, parang, para ng, kapara ng, animo’y, anaki’y,
kawangis, kagaya ng, gaya ng, atbp.

Halimbawa:
Ang buhay ng tao’y parang gulong.
Animo’y matapang na leon kung siya’y humarap sa taong-bayan.

Pagwawangis o Metapora. Ito ay isang tuwirang paghahambing na hindi ginagamitan ng mga


salita’t pariralang katulad ng, tulad ng, parang, para ng, kapara ng, animo’y, anaki’y, kawangis,
kagaya ng, gaya ng, atbp.

Halimbawa:
Siya ay leon kung magalit.
Maamong tupa kung siya’y makiusap.

Pagmamalabis o Eksaherasyon. Ito ay isang pagpapahayag na lubhang pinalalabis o


pinakukulang ang tunay na kalagayan ng tao, bagay o pangyayari.

Halimbawa:
Gabundok ang kanyang huhugasang pinggan.
Bumaha ng luha sa kanyang kuwarto.

Pagsasatao o Personipikasyon. Ito ay nagsasalin ng katalinuhan at mga katangian ng tao sa mga


bagay o hayop na walang katalinuhan o katangian gaya ng sa tao. Pinakikilos ang mga ito sa
tulong ng pandiwa.

Halimbawa:
Kumakaway sa akin ang dahon ng talahib.
Nakita kong kumikindat ang bituin.

Pag-uyam o Sarcasm. Ito ay paraan ng pagpapahayag na ang isang tao o bagay ay kinukutya sa
pamamagitan ng mga salitang parang pumupuri kung uunawaing mabuti.

54 This Self-Learning Module (SLM) is a property of KCC, College Department. Unauthorized reproduction and distribution of this material is strictly prohibited.
MASINING NA PAGPAPAHAYAG FIL 1

Halimbawa:
Nangunguna ang ating bansa, nangunguna sa katiwalian.
Ang ganda ng kanyang mga binti, sakang naman.

Paghahalintulad o Analohiya. Ito ay isang tambalan ng pagtutulad. Ipinahahayag ng


paghahalintulad ang pagkapareho ng isang kaugnayan sa isa pang kaugnayan.

Halimbawa:
“Ang tingin ng paruparo sa bulaklak ay katulad ng damdamin ng binata sa
dalaga.”

“Ang paghahamok ng hari at ng kawal ay tulad ng paglalaban nina David at


Goliath.”

Alegorya o Allegory. Ang pagpapahiwatig na paglalahad, lalo na sa isang kuwento o salaysay ng


isang kahulugang pawangis ngunit hindi tahasang sinasabi.

Halimbawa:
“Nag-aalma ang lunggati sa budhi ay sumisikad,
Kalayaan, kalayaan ang tuwi na’y hinahangad.
Dumadambana, dumadambana kapag renda’y hinahaltak
O, kay hirap na supilin! May latigo ka mang hawak.”

―Halaw sa tulang “”Erotique” ni Federico Licsi Espino, Jr.

Pagpapatindi o Hyperbole. Pagpapaalpas sa haraya sa pamamagitan ng inilalarawang bagay na


higit na dakila o di-gaano o pinakamasama, o kinapapalooban ng isang ibayong katindihan kaysa
katotohanan o lampas pa sa maaaring mangyari.

Halimbawa:
“Lupang itinambak ng kamay ng Diyos
Ano’t nang lumao’y nakitang umumbok!
Higante ba tilang sa pagkakatulog
Ay hindi mapansing ginubat ang likod;
Minsa’y nakatayong … langit: inaabot,
Minsa’y nakadapang … dagat: niyayapos!”

―Halaw sa tulang “Ang Bundok” ni Fidel M. Guilatco

Pagpapalit-saklaw o Synecdoche. Tayutay na inilalagay ang pangalan ng: (a) isang kabuuan
para sa isang bahagi; (b) isang angkan para sa isang supling; o (c) isang kagamitan para sa isang
likhang bagay.

Halimbawa:
“At ang balang bibig na binubukalan
ng sabing magaling at katotohanan,
Agad binibiyak at sinisikangan
Ng kalis ng lalong dustang kamatayan”

55 This Self-Learning Module (SLM) is a property of KCC, College Department. Unauthorized reproduction and distribution of this material is strictly prohibited.
FIL 1 MASINING NA PAGPAPAHAYAG

―Halaw sa “Florante at Laura” ni Francisco Balagtas


Balintuna o Irony. Ito ay pang-uuyam sa pamamagitan ng pagpapahayag ng laban sa kahulugan
ng ibig ipakahulugan.

Halimbawa:

“Walang kaparis ang pamamaraan niya ng pagtuturo; nakikita nilang ang mga bunga nito ay mga
taong nakapagpapayaman sa sarili nang madalian.”

Pagpapalit-tawag o Metonymy. Ito ay pansamantalang pagpapalit ng mga pangalan ng mga


bagay na magkakaugnay.

Halimbawa:
“Ang pananampalataya ay ating kaligtasan.”

Salantuna o Paradox. Ito ay pagpapahayag ng isang katotohanan sa pamamagitan ng paggamit


ng mga sangkap na animo’y hindi totoo sa biglang basa o dinig.

Halimbawa:
“Ang katamaran ng tao ay nagbibigay daan sa kaunlaran ng daigdig.”

Tanong Retorikal o Rhetorical Question. Ang sagot ay laging paayon o nasa loob mismo ng
pahayag.

“O, Pangarap
Kailan ka matutupad?
O, Pag-ibig
Kailan ka pamamasid?”

Mga Matalinghagang Pananalita

Ang salitang talinghaga ay mula sa mga salitang “talino” at “hiwaga” na ang ibig sabihin
ay isang pahayag na hindi tahasang ibinibigay ang kahulugan―nakatago o hindi lantad. Ang mga
piling matalinghagang pananalita na nasa ibaba ay ilan lamang sa napakaraming matalinghagang
pananalita na nagmula sa librong Matalinghagang Pananalita (with English Equivalents) ng
Surian ng Wikang Pambansa na ngayo’y Komisyon sa Wikang Filipino.

1. Parang pinag-awayan ng aso’t pusa

Kahulugan 1: sirang-sira ang bagay na pinag-awayan


Halimbawa: Parang pinag-awayan ng aso’t pusa ang blusang binili ng ina nang pag-
agawan ito ng kanyang dalawang anak.

Kahulugan 2: magulong-magulo
Halimbawa: Nagulat ang mag-asawang buhat sa panonood ng sine nang makitang
parang pinag-awayan ng aso’t pusa ang kanilang silid-tulugan.

Paliwanag: Likas sa aso at pusa ang laging nag-aaway. Kung may bagay silang pinag-
aawayan, kagat nila ito sa magkabilang dulo at kapuwa umaangil habang naghihilahan sa

56 This Self-Learning Module (SLM) is a property of KCC, College Department. Unauthorized reproduction and distribution of this material is strictly prohibited.
MASINING NA PAGPAPAHAYAG FIL 1

bagay na kanilang pinag-aawayan. Dahil sa matatalim ang kanilang mga ngipin,


nagkakasira-sira ang pinag-aawayan nila. Batay sa pangyayaring ito, kapag may
dalawang batang nag-aaway at nagkakasira-sira ang pinag-aawayan, nakagawian nang
sabihin ang bagay ay parang pinag-awayan ng aso’t pusa.

2. Balat-sibuyas

Kahulugan: maramdamin; madaling magdamdam


Halimbawa: Umiiyak na naman ang kaibigan kong balat-sibuyas.

Paliwanag: Karaniwan nang ang mga bagay na maninipis ay madaling mapunit, masira o
mabutas tulad ng balat ng sibuyas. Dito inihahambing ang damdamin ng isang taong
maramdamin o madaling masaktan. Kaya naman, sinasabing balat-sibuyas ang isang
taong may ganitong pag-uugali.

3. Kulubot na ang balat

Kahulugan: matanda na
Halimbawa: Kung kailan kulubot na ang balat ng tiyahin ko saka pa naisipang mag-
asawa.

Paliwanag: Ang gulang ng isang tao ay maaaring makita sa kanyang panlabas na anyo.
Ang tao kapag bata ay nag-aangkin ng banat at pinong kutis o balat. Ang balat na ito ay
unti-unting nagbabago sa paglipas ng panahon na nagpapahiwatig lamang ng paggulang
niya. Mapapansing ang balat ng isang nagkakagulang ay unti-unting nangungulubot
habang siya ay patanda nang patanda at anumang pamahid na pampaganda ang dito’y
ilagay ay mababakas pa rin ang kulubot. Kaya sa matalinghagang pagtutulad ay ginamit
ng mga tao noon ang pariralang kulubot na ang balat sa pagtukoy sa isang matanda na.

4. Magkibit-balikat

Kahulugan: ipagwalang-bahala
Halimbawa: Ipinagkibit-balikat lamang ni Andremel ang balitang lumayas ang kanyang
asawa.

Paliwanag: Hindi lamang salita ang ginagamit ng tao upang ipahayag ang kanyang
damdamin at pag-iisip. Madalas na sa galaw ng kaniyang katawan ay naipapahayag niya
ang kanyang saloobin. Sa matamang pagmamasid ng mga tao noong unang panahon ay
napuna nilang ang pag-ayaw ng tao sa isang tao, hayop, bagay, ideya o anuman ay
maaaring ipahayag sa pamamagitan ng iling ng ulo at kawalang interes dito o dili kaya’y
iniiingos niya ang kanyang nguso’t labi. Sa pagwawalang-bahala naman, nakagawiang
kilos na ng tao ang kawalang ekspresyon ng kanyang mukha kaalinsabay ng pagkikibit
ng kanyang balikat o bahagyang pagtataas nito. Bunga ng pagkamapagmasid nila, nabuo
ang kasabihang magkibit-balikat upang tukuyin ang pagwawalang-bahala ng tao.

5. Balimbing

Kahulugan 1: kung sino ang kaharap ay siyang kakampi


Halimbawa: Nilalayuan ng mga kaibigan ang isang taong balimbing.

57 This Self-Learning Module (SLM) is a property of KCC, College Department. Unauthorized reproduction and distribution of this material is strictly prohibited.
FIL 1 MASINING NA PAGPAPAHAYAG

Kahulugan 2: doble kara; dalawang mukha; hunyango

Paliwanag: Ang balimbing ay prutas na may limang anggulo at kahit saang anggulo
tingnan ay pareho ang makikita. Dahil dito, ang taong kung sino ang kaharap ay siyang
pinapanigan ay tinatawag na balimbing.

6. May pakpak ang balita

Kahulugan: mabilis kumalat ang balita


Halimbawa: Mag-ingat sa pagsasalita sapagkat may pakpak ang balita.

Paliwanag: Ang may pakpak ay nakapaglalakbay nang mabilis. Itinutulad ang balita sa
bagay na may pakpak at sapagkat ugali ng taong sumagap ng balita na mabilis namang
nagpapasalin-salin sa bibig ng iba’t ibang tao, lumilitaw ang kasabihang may pakpak
ang balita.

7. Bantay-salakay

Kahulugan: nagnanakaw ng mga bagay na ipinagkatiwala sa kanya


Halimbawa: Huli na nang malaman nilang ang kanilang katulong sa bahay ay bantay-
salakay pala.

Paliwanag: Ang talinghaga sa pahayag na ito ay nasa pagsasama ng dalawang salitang


may magkasalungat na kahulugan: bantay at salakay. Ang unang salita, bantay ay
nangangahulugan ng pag-aaruga o pag-aalaga, samantalang ang ikalawang salita, salakay
ay nangangahulugan ng lusob o daluhong. Kapag pinagsama, ang ideyang nabubuo ng
dalawang salita ay maaaring isang taong hinirang na bantay ngunit siyang sumalakay o
nagnakaw sa binabantayan. Ginamit ng mga tao noon ang kawikaang bantay-salakay
upang tukuyin ang isang kasamang pinagkakatiwalaan ngunit nagtaksil naman. Hanggang
ngayon, ginagamit pa ang kasabihang ito.

58 This Self-Learning Module (SLM) is a property of KCC, College Department. Unauthorized reproduction and distribution of this material is strictly prohibited.
MASINING NA PAGPAPAHAYAG FIL 1

ARALIN 2:
ANG ESTILO NG RETORIKA

“Kung ano ang wika mo, iyon ang pagkatao mo.”


-Virgilio Almario

Kahulugan at Kalikasan

K ung babalikan natin ang pagbibigay ng kahulugan sa retorika,


mababatid nating ito ay bahagi ng edukasyon sa malayang sining
nang panahon ng “medieval” at nakatuon sa paggamit ng wika upang
magbigay ng panuto at manghimok. Binigyan ito ng kahulugan ni Sister
Miriam Joseph bilang sining ng pagpapahayag ng naiisip mula sa isang tao
patungo sa iba, at ang pag-aangkop ng wikang gamit sa pangyayari at panahon.
Sinasabi ring ang retorika ay nakatuon sa isang bagay sa panahong ipinahahayag ito. Malinaw na sa
retorika, binibigyang-pansin ang paraan at epekto ng pagpapahayag ng isang tao. Dito pumapasok ang
estilo ng nagpapahayag.

Ano nga ba ang estilo? Ang estilo ay isa sa limang tradisyonal na kahingian ng retorikang
klasikal. Mula kay Richard Nordquist, “the most durable thing in writing is style”. Ibig sabihin, ang
estilo ang pinakamatatag na bahagi sa pagsulat. Mula sa salitang Latin na stylus, isang bagay na matulis
na ginagamit na panulat, ang kahulugan ng estilo noong nakalipas na 2,000 taon. Ngunit sa
kasalukuyan, ang estilo ay nangangahulugang hindi ang gamit-panulat kundi ang katangian ng
pagsusulat mismo: ang paraan ng pagpapahayag, pagsasagawa o paglalahad sa pasalita at pasulat na
paraan. Kung pasisimplehin ang kahulugan nito, ito ay ang mga bagay na pinapalamuti sa diskurso ng
isang tao; na kung palalawakin ay manipestasyon ng taong naghahayag o nagsusulat. Ito ang kahulugan
ng salitang estilo na mula sa salitang Latin na elocutio o salitang Griyego na lexis.

Sa puntong ito, ang estilo ay binigyang-kahulugan bilang paraan kung paano sinasabi, isinusulat
o isinasagawa ang isang pahayag. Sa pinasimpleng pagpapakahulugan, ito ay nakatuon sa paggamit ng
salita, pagsasaayos ng pangungusap at pagggamit ng tayutay. Sa pinalawak na pagpapakahulugan, ito ay
tinitingnan bilang manipestasyon ng taong nagsasalita o nagsusulat.

Inuri ni Quintilian ang tatlong antas ng estilo sa mga sumusunod:

a. ang estilong payak – ginagamit sa pagbibigay panuto sa mga tagapakinig,


b. ang estilong midyal – ginagamit sa pagpapakilos ng mga tagapakinig, at,
c. ang estilong mataas – ginagamit upang mapaglubag o ma-please ang tagapakinig.

Ang mga kaantasang ito ng estilo ay maaaring magamit nang sabay-sabay. Wala ring
kinikilalang mas mataas o mas mababa sa mga ito.

Ngunit ano nga ba ang kahulugan ng pagpapahayag na may estilo? Ang estilo ba ay katangiang
maaaring idagdag o alisin ng naghahayag kung kanyang nanaisin? O maaaring ito ay isang natatanging
kakayahan ng ilang manunulat lamang? Nakasasama ba ito o nakabubuti sa pahayag? Wasto ba ito o
mali? O higit itong nakatuon lamang sa panlasa ng manunulat? Ang estilo ba ay uri ng palamuti na
idinadagdag sa isang akda; o tunay na mahalagang sangkap ng panulat?

59 This Self-Learning Module (SLM) is a property of KCC, College Department. Unauthorized reproduction and distribution of this material is strictly prohibited.
FIL 1 MASINING NA PAGPAPAHAYAG

Ayon sa paniniwala ni Baruch Spinoza, ang estilo ay karakter. Ito ay ang katangian ng
damdamin ng isang tao na inihahayag; at sa hindi inaasahang pag-uugnay, etika at pamahalaan ang
estilo.
Ayon naman kay Johann Wolfgang von Goethe, kinakailangang malinaw raw muna ang pag-
iisip ng isang manunulat upang magkaroon ng estilo ang kanyang isinusulat, at kung may magsusulat sa
kagalang-galang na estilo, dapat maging kagalang-galang muna ang kanyang pagkatao.

Ang estilo ng manunulat ay nararapat sa kanyang larawang-diwa, subalit ang pili at


kapangyarihan ng wikang kanyang gamit ang bunga ng kanyang panulat. Ito ay ayon naman kay
Edward Gibbon.

Kay Lord Chesterfield, ang estilo ay kasuotan ng kanyang naiisip; samantala, kay Richard
Eberhart, ito ay pagpapatumpak ng punto de bista.

Sa aklat namang College Composition and Communication (1974) ni Richard Graves, ang
estilo ay hindi lamang palamuti ni katapusan ang paggamit nito sa isang panulat, ito ay paraan ng
paghahanap at pagpapaliwanag ng katotohanan. Ang layunin nito ay hindi magmayabang kundi
magpahayag.

At kay Gore Vidal, ang estilo ay pagkilala sa totoong pagkatao, sa gustong ipahayag at hindi
nababahala sa kalalabasan.

Sa mga pahayag na ito, malinaw na ang estilo ay “buhay” ng isang panulat. Hindi lamang ito
palamuti kundi kahulugan ng mga pahayag ng isang manunulat. At ayon nga kay Vladimir Nabokov,
ito ang lahat ng mga kailangan sa pagpapahayag.

Kakanyahan at Kapangyarihan ng Wika

Sa mga nakaraang talakay, malinaw na binigyang-kahulugan ang wika bilang masistemang


balangkas ng sinasalitang tunog. At sapagkat ito ay may sistema at may balangkas, may taglay rin itong
mga kakanyahan.

Ang wika ay gamit sa pakikipagtalastasang pantao na may pinagkasunduang simbolo, tinig at


tono, kilos at kumpas. Sa pahayag na ito, may dalawang kakanyahan ng wika ang mababasa: gamit sa
pakikipagtalastasang pantao at may pinagkasunduang simbolo, tinig at tono, kilos at kumpas.

Ayon kay Walt Whitman, ang wika ay hindi isang abstraktong nilikha ng mga nakapag-aral o
ng mga bumubuo ng diksyonaryo, kundi ito ay isang bagay na nalikha mula sa mga gawa,
pangangailangan, kaligayahan, pagmamahal, panlasa ng mahabang talaan ng henerasyon ng lahi at
nagtataglay ito ng malawak na batayang makamasa.

Sa kahulugang ito, mababasa na ang wika ay nabuo batay sa pangangailangan ng gagamit nito.
Ito ay kakanyahan pa rin ng wika.

Ang wika rin ay maaaring itulad sa isang pirasong papel na ang kabilang mukha ay ang
kaisipan at ang kabila ay ang tunog ayon kay Ferdinand de Saussure. Hindi maaaring sa paggupit ng
papel, mahahati ang kaisipan at ang tunog. Anumang bahagi ng putol, magtataglay kapwa ang mga ito
ng kaisipan at tunog. At ang pagtataglay ng wika ng kaisipan at tunog ay kakanyahan nito.

60 This Self-Learning Module (SLM) is a property of KCC, College Department. Unauthorized reproduction and distribution of this material is strictly prohibited.
MASINING NA PAGPAPAHAYAG FIL 1

Sa mga kakanyahang ito, mabibigyan ng kapangyarihan ang wikang maging ina ng karunungan
ayon kay Krank Kruas. Gayundin, ang wika ay maaaring magtago ng naiisip at nagpipigil sa
pakikipagtalastasan ayon kay Abraham Maslow. Ayon din kay Ludwig Wittgenstein, ang limitasyon ng
wika ng nagpapahayag ay nangangahulugang limitasyon sa kanyang mundo.

Kahulugang Konotatibo at Denotatibo

Ang karaniwang layunin ng pakikipag-usap sa kapwa ay upang magkaunawaan subalit minsan,


ang pakikipag-unawaan ay hindi natatamo sapagkat nabibigyan ng ibang kahulugan ang mga salitang
ginamit o ginagamit ng mga nag-uusap.

May dalawang pagpapakahulugan ang maaaring mailapat sa mga salitang ginagamit o ginamit
sa mga pahayag:

Ang Kahulugang Konotatibo

Ang konotatibo ay pagpapakahulugan sa mga salitang ginamit sa pagpapahayag na nakabatay


sa estilo ng nagpapahayag. Kadalasan, ang kahulugang ito ay nakasalalay sa pagtanggap ng nakikinig na
inaangkop sa paraan ng pagpapahayag ng nagsasalita. Nagbibigay ito ng emosyonal at/o intelektuwal na
dating sa tumatanggap ng kahulugan. Karaniwan sa kahulugang ito ang pagiging subhetibo ng
tumatanggap ng kahulugan.

Ang Kahulugang Denotatibo

Ang denotatibo ay pagpapakahulugan sa mga salitang ginamit sa pagpapahayag na nakabatay


sa kahulugang ibinibigay ng diksyonaryo. Ito ang kahulugang literal ng salitang ginamit sa
pakikipagtalastasan. Inilalabas sa pagpapakahulugan ng salita ang pahiwatig-emosyonal, politikal at
etikal. Ang tuon ng kahulugang ito ay ang pagiging obhetibo ng tumatanggap ng kahulugan.

Kahulugang Tekstuwal, Kontekstuwal, Subtekstuwal at Intertekstuwal

Sa bahaging ito, ang bibigyang-linaw ay ang kahulugang inilalapat sa mga pahayag.


Nakatutulong sa pakikipag-unawaan ang kaalaman sa pagkilala sa kahulugan ng mga pahayag na
karaniwan nang nagaganap sa ugnayan ng mga salita sa loob ng mga pahayag.
May apat na uri ng pagpapakahulugan sa mga pahayag na ginagamit sa pakikipagtalastasan:

Ang Kahulugang Tekstuwal

Ito ang literal na kahulugan ng pahayag batay sa ugnayan ng mga salitang ginamit.
Binibigyang-tuon sa kahulugang ito ang kaayusan ng mga salita sa loob ng pangungusap, ang kaayusan
ng mga pangungusap sa loob ng talata, ang kaayusan ng mga talata sa loob ng pahayag, at ang kaayusan
ng mga pahayag sa kabuuan ng diskurso. Ang kahulugang ito ay nakasasalay rin sa kakipilan, kaisahan
at empasis ng pahayag.

Ang salitang tekstuwal ay mula sa salitang-ugat na text o teksto na mula naman sa pandiwang
Latin na texere na nangangahulugang bumuo, humabi o maglatag.

61 This Self-Learning Module (SLM) is a property of KCC, College Department. Unauthorized reproduction and distribution of this material is strictly prohibited.
FIL 1 MASINING NA PAGPAPAHAYAG

Ang Kahulugan Kontekstuwal

Ito ang kahulugang nakabatay sa pahiwatig ng mga pahayag na ginamit sa pakikipagtalastasan.


Ayon kay Kenneth Noland, ito ang kabuuan ng diskurso. Isinasaalang-alang sa kahulugang ito ang
ugnayan ng mga elementong lingguwistikal at hindi lingguwistikal sa kakayahang pangkomunikatibo ng
nagpapahayag. Ang kahulugang ito ay nahuhulma sa ugnayan ng pahayag at ng motibo ng
nagpapahayag.

Binibigyang-pansin dito ang mga context clue o panandang konteksto. Maaaring ito ay mga
inuulit na salita o parirala o mga hindi tiyakang inihahaing mungkahi tungo sa nais na kahulugan ng
nagpapahayag.

Mga uri ang panandang kontektso:

a. kahulugan ng mga salitang nakapaloob sa teksto


b. singkahulugan o kasalungat na kahulugan ng salitang binibigyang-diin na nakapaloob sa
teksto
c. halimbawang nagpapaliwanag sa kahulugan ng pahayag
d. inuulit na salita o ideya

Ang Kahulugang Subtekstuwal

Ang kahulugang ito ay maaaring makita sa kabuuan ng isang aklat, dula, musika o pelikula na
hindi hayagang ipinababatid ng mga nagpapahayag ngunit ganap na nauunawaan ng mga bumabasa,
nakikinig o nanonood sa wakas ng aklat, dula, musika at pelikula. Ang kahulugang ito ay nauukol sa
ideya at motibo ng nagpapahayag na minsang tinatakpan ng paggamit ng tayutay higit ng metapora
upang makaiwas sa sigalot sa mga kilalang personalidad na maaaring “tamaan” ng pahayag.

Ang kahulugang ito ay nakapaloob sa “ilalim” ng sinasalitang pahayag. Ang “ilalim” na ito ay
maaaring nagtatago ng galit, tunggalian, pagmamataas, o anumang hindi hayag na ideya at emosyon. Ito
ang kahulugang hindi tuwirang binabanggit o ipinadarama ng nagpapahayag, ni hindi nag-iiwan ng
pananda upang agad na maunawaan ng mga tagatanggap ng mensahe; bagkus, kinakailangan ang
maingat at seryosong pagtuon sa nagpapahayag at sa kanyang inihahayag nang bago ito matapos ay
ganap na maunawaan ang teksto.

Karaniwang ginagamit ang ganitong pagpapakahulugan sa mga pahayag na nauukol sa mga


usaping sosyal o politikal na hindi maihahayag nang tuwiran. Ito rin ang gamit kung ang pahayag ay
nilimita ng “censorship”. Ginagamit din ang ganitong pagpapakahulugan kung ang layunin ng
nagpapahayag ay makapagpaabot ng ideya sa kabuuan o masang publiko nang hindi nakasasaling ng
damdamin. Ang ganitong pagpapakahulugan ay ginagamit din sa mga pahayag na nais ipaabot sa
kabataan ngunit nararapat ding mabatid ng mga may gulang na.

Ang Kahulugang Intertekstuwal

Ito ay ang kahulugang makukuha sa ugnayan ng mga pahayag sa loob ng isang diskurso na
iniuugnay sa diskurso ng iba. Maaaring mahulma ang kahulugang ito sa pag-alam sa kahulugan ng
ibang tekstong may katulad na paksa. Mabibilang dito ang kahulugang ibinigay ng iba’t ibang
mambabasa sa iisang akda na bibigyang-kahulugan at lalagumin ng iba pang mambabasa. Maaari ring

62 This Self-Learning Module (SLM) is a property of KCC, College Department. Unauthorized reproduction and distribution of this material is strictly prohibited.
MASINING NA PAGPAPAHAYAG FIL 1

mabilang dito ang pagbibigay-kahulugan sa isang akda na sinuri ang kahulugan at paggamit ng mga
salita sa akda, ang pagkakabuo, paglalarawan at pagpapagalaw sa mga karakter nito, ang mga tagpuan at
panahong sangkot, at ang layunin ng may-akda sa paglikha ng akda. Binibigyang-pansin din dito ang
pagkakabaybay o pagkakabigkas ng mga salitang ginamit sa pahayag. Isinasaalang-alang din dito ang
kultura ng nagpapahayag.

Ang pagpapakahulugang ito ay ideya ni De Saussure noon pang ika-dalawampung siglo sa


disiplina ng lingguwistika. Binuo ni Julia Kristeva, isang Bulgarian-French na pilosopo at
psychoanalyst ang salita o terminong intertekstuwalidad.

Katangian, Linaw, Puwersa, Kagandahan at Dating

Ang paglalapat ng estilo sa retorika ay nakapagtitiyak sa kahulugang ibinibigay ng


nagpapahayag. Ang estilo ang nagbibigay-diin sa katangian, kalinawan, puwersa, kagandahan at dating
ng pahayag.

Sa klasikong retorika, upang mapaghusay ang pahayag, gumagamit ito ng estilong naangkop sa
paksa, sitwasyon, mananalita at makikinig o mambabasa. Ito ang tinatawag na dekorum. Sa talakay ni
Cicero, hindi nararapat na magkakatulad ang pagtrato sa iba’t ibang paksa at iba’t ibang makikinig.
Gayundin, nararapat na bigyang-pansin ang kaangkupan ng pananalita ng mga mananalumpati.
Nararapat na isinasaalang-alang ang mga katangian ng pahayag: paksa, sitwasyon, mananalita at
makikinig o mambabasa. Ayon nga kay Cicero:

"For the same style and the same thoughts must not be used in portraying every
condition in life, or every rank, position, or age, and in fact a similar distinction must be
made in respect to place, time, and audience. The universal rule, in oratory as in life, is
to consider propriety. This depends on the subject under discussion, and the character of
both the speaker and the audience.”……………………………….

"This, indeed, is the form of wisdom that the orator must especially employ--to adapt
himself to occasions and persons. In my opinion, one must not speak in the same style at
all times, nor before all people, nor against all opponents, not in defense of all clients,
not in partnership with all advocates. He, therefore, will be eloquent who can adapt his
speech to fit all conceivable circumstances."

Sa pahayag na ito, malinaw na binigyang-diin ni Cicero ang kakayahan ng mananalumpating


iangkop ang sarili sa okasyon at mga tagapakinig. Sa kanyang palagay, hindi nararapat na magsalitang
may iisang estilo sa lahat ng pagkakataon, ni sa harap ng lahat ng tao ni ng lahat ng katunggali, hindi
bilang pagtatanggol sa mga kaibigan, hindi bilang kasosyo sa lahat ng paniniwala. Kung gayon,
nararapat lamang na ang pananalita ng isang mananalumpati ay makaaangkop sa lahat ng pagkakataon.

Ang dekorum ay hindi matatagpuan saanman. Ito ang katangiang taglay ng pinag-ugnay na
pananalita at ideya, bait at kilos, sining at moralidad, pagtataya at pagtitilad, at ng iba pang elemento ng
pagkilos. Ito ang pinataas na estilo ng pagbigkas na may tatlong pangunahing gampanin: magpabatid,
manlibang at manghimok, na sumakop sa malawak na gawaing pantao (Robert Hariman, 2001).

Kaalinsabay ng pagtataglay ng dekorum ng mananalumpati, isinasaalang-alang din ang


elokusyon o ang kasiningan ng mabisang pagsasalita sa publiko.

63 This Self-Learning Module (SLM) is a property of KCC, College Department. Unauthorized reproduction and distribution of this material is strictly prohibited.
FIL 1 MASINING NA PAGPAPAHAYAG

Ito ay ang sining ng pagpapahayag ng nakasulat o sinasalitang wika sa pinakamahusay na


pagtataya ng paraan ng paghahayag ng damdamin, kagandahan o puwersa ng salitang inilalapat ng
mananalumpati.

Ang kahulugan ng salitang elokusyon ay iba sa kasalukuyan kung ihahambing sa klasikal na


retorika. Sa kasalukuyan, iniuugnay ang salitang ito sa paraan ng pagsasalita; na sa klasikal na retorika
ay nangangahulugang estilo.

Lahat ng konsiderasyong panretorika ng estilo ay nagsasangkot sa pili ng salita na kadalasan ay


nasa ilalim ng paksang kawastuhan, kadalisayan, kasimplehan, kalinawan, kaangkupan at kasiningan.
Binibigyang-konsiderasyon din ang kaayusan ng mga salita sa loob ng parirala o sugnay. Isinasangkot
sa konsiderasyong ito ang sintaks, balangkas ng mga pangungusap, tamang gamit ng mga pangatnig at
iba pang pang-ugnay sa loob at pagitan ng mga pangungusap. Higit ding binibigyang-konsiderasyon
ang paggamit ng tayutay at idyoma (Edward Corbett at Robert Connors, 1999).

Ayon kay Richard Nordquist (2009), may mga kahingian ang mahusay na paghahayag:

 malinaw na pagbigkas ng mga salita,


 naaayong bigkas sa kahulugan at katuturan ng salita kaugnay ng diskurso,
 naaangkop na kilos at kumpas tungo sa katanggap-tanggap na animasyon at puwersa
ng pananalita.

Bahagi pa rin ng mahusay na estilo sa pagpapahayag ang eloquence o elekwens. Ito ang kalidad
ng mapuwersa, elegante at mapanghimok na diskurso. Binigyan ito ng kahulugan ni William
Shakespeare bilang “words sweetly placed and modestly directed”. Ang elekwens ay paglalapat ng mga
salita nang may pag-iingat at respeto. Ayon naman kay William Cullen Bryant, ito ang talinghaga ng
mga akdang tuluyan; kay Ralph Waldo Emerson, naangkop na instrumento ng taong may napakataas na
lebel ng enerhiya; at kay John Dryden, ang sining ng pagdadamit sa kaisipan ng matalino, makabuluhan
at makatuturang mga salita.

Ang elekwens ay ang hangganan ng sining kaya’t ito ang kanyang kahalagahan. Lahat ng
sining ay may elekwens batay sa lebel ng kasiningan ng sining.

Ang elekwens, na naiiba sa retorika ay walang layunin. Laro lamang ito ng salita o iba pang
pahayag. Regalo itong nararapat na kawilihan, pinahahalagahan at sinasanay. Tulad ito ng kagandahang
nakaaakit sa kulturang nagpapahintulot dito.

Masining na Ekspresyon ng mga Ideya

May mga pagkakataong sa pagpipilit nating maunawaan ang isang nagpapahayag,


ipinagpapalagay natin na gumamit siya ng masining na pahayag upang mabigyan ng kalayaang
mabigyan ng interpretasyon ang anumang tinanggap na impormasyon bagamat hindi tiniyak ng
nagpapahayag na gumamit nga siya ng masining na pahayag. Ito ay upang maiwasan ang puwang sa
daloy ng unawaan sa pagitan ng nagpapahayag at ng tumatanggap ng pahayag.

Tatlong hakbangin ang dinadaanan ng ganitong gawain:

Una, nilalapatan at sinusuri ng tagatanggap ang literal na kahulugan ng pahayag;

64 This Self-Learning Module (SLM) is a property of KCC, College Department. Unauthorized reproduction and distribution of this material is strictly prohibited.
MASINING NA PAGPAPAHAYAG FIL 1

Ikalawa, tinatasa ng tagatanggap ang katotohanan at kaangkupan ng mga literal na kahulugan


kaugnay ng mga kahulugang kontekstuwal; at,

Ikatlo, kung mapatutunayang bulaan at hindi angkop ang kahulugang literal, gagamitin ng
tagatanggap ang pagpapakahulugang subtekstuwal at intertekstuwal.

Sa pagtitiyak din ng kahulugan, binibigyang-pansin ang mga tayutay at idyoma na gamit ng


nagpapahayag. Ang mga ito ay nagbibigay-buhay at higit na linaw sa kahulugang isinasaad ng
nagpapahayag. Ayon nga kay Tony Robbins (2005), ginagamit ang tayutay at idyoma upang higit na
mapalalim ang pang-unawa ng mambabasa sa inilalahad na tauhan, tagpuan o bagay sa pahayag.

Tinatawag ng mga Griyego ang tayutay bilang iskema sapagkat nagsisilbi naman ang mga
salitang ito bilang paraan ng panghihikayat at tuntunin ng pagpapasang-ayon. Binabago ng tayutay ang
karaniwang wika sa pamamagitan ng pag-uulit, pagpapalit, pagpapatunog at paglalaro ng salita. Iniikot,
pinupudlungan, kinakaltasan at nililikhang tila kakaiba ang salita.

Ang likas na ugnayan ng tayutay at ideya ng pahayag ay madalas na namamali ng pang-unawa.


Karamihan ng mga retor ay itinuturing lamang na palamuti ang mga tayutay na nagbibigay sa diskurso
nang higit na kaaya-ayang dating na maaaring gamitin o hindi sa kagustuhan ng bumibigkas o
nagsusulat. Ngunit kung susuriin daw ang mga sinaunang pahayag, likas ang paggamit ng tayutay.
Hindi ito palamuti na maaaring gamitin o hindi. Kinilala pa ang mga masining na pahayag na
karaniwang paglayo sa ordinaryong pahayag.

Ang Pananalita at Pahayag

Itinututuring na pinakamahalagang instrumento sa pagtatamo ng katagumpayan sa loob at sa


labas man ng isang institusyon ay ang kahusayan ng tao sa pagpapahayag. Malaki raw ang nagiging
papel ng tao sa loob ng lipunan kapag nagkaroon siya ng pagkakataong makuha ang simpatya ng
kanyang mga mamamayan sa pamamagitan ng kahusayan sa pagpapahayag at/o pananalita. Higit itong
angkop sa mga politiko na tuwina’y hinahangad na makuha ang boto ng kanilang mga pinagsisilbihang
mamamayan sa pamamagitan ng pakikipagdiskurso.

Dalawang pangunahing pamamaraan ng pagpapahayag ang maaaring bigyang tuon; ang


pagsasalita o pagsusulat.

Kaakibat ng mga pamamaraang ito ang mga kasanayan at kakayahang pangkomunikatibong


dapat na nililinang sa pagtatamo ng kahusayan sa pagpapahayag. Mahalagang malinang ang kakayahang
panlingguwistika na nakatuon sa kaalaman sa mga aspektong pangwika (ponolohiya, morpolohiya,
sintaksis), masusing pinag-aaralan ang paggamit ng wika bilang instrumento ng pagpapahayag at
kakayahan sa maingat, maayos at magandang paggamit ng wika. Ikalawa rito ang kakayahang
pangkomunikatibo na binibigyang pagpapahalaga ang kakayahang magamit ang wika sa bawat
sitwasyong kinalalagyan ng tao, matalino, maguni-guni at malikhaing pagsasabuhay ng mga kaalamang
pangwika.

Pangunahing konsiderasyon din sa mabisang pagpapahayag ang pormalidad o impormalidad na


gawi sa pagpapahayag, pasulat o pasalita man ang pamamaraan.

Sa pagiging pormal sa pagpapahayag pangunahing konsiderasyon ang pagkakaroon ng


dignidad. Layunin ng pagkakaroon ng dignidad sa pagpapahayag upang matiyak ang kapani-paniwalang

65 This Self-Learning Module (SLM) is a property of KCC, College Department. Unauthorized reproduction and distribution of this material is strictly prohibited.
FIL 1 MASINING NA PAGPAPAHAYAG

dating ng karakter ng nagpapahayag sa kanyang mga tagapakinig. Binigyang kahulugan ang dignidad
bilang tagapagpakilala ng isang matapang at responsableng pagkatao. Kaugnay rin nito ang
pangangailangan sa pagtataglay ng seryosong tono na lalong higit na nagpapakita upang maramdaman
ng mga tagapakinig ang kombiksyon at kabatiran ng mismong nagpapahayag sa kanyang inihahantad sa
kanyang mga tagapakinig.

Marapat din na sa usaping pormalidad ng pagpapahayag na maisaalang-alang ang maayos at


pagtugon sa usaping gramatikal. Kaakibat nito ang masinop na pagpoporma ng lahat ng sangkap ng
wika upang makabuo ng malinaw na kaisipan at maaayos na pagpili ng salita na naaangkop sa paksang
ipinahahayag.

Maihahanay naman ang pagpapahayag sa anyong di-pormal kung hindi ito nagsasaalang-alang
sa mga nabanggit sa pormal. Pasulat man o pasalita kakikitaan ito ng mga katangiang personal, puno ng
kolokyalismo, islang bulgar at eupemismo.

Tumutukoy ang personal sa mismong nilalaman ng paghayag, higit na dapat na maisaalang-


alang sa punto ng pagsasalita ang mga makatotohanang datos sa halip na personal na pananaw lamang
ng nagpapahayag. Hindi maaaring imanipula ng nagpapahayag ang kanyang mga tagapakinig sa
kanyang mga paniniwala sapagkat sa punto ng retorika nagiging mabisa ito kung nakatutulong sa
paglikha ng makabuluhang opinyon ang tagapakinig sang-ayon na rin sa inilalatag na mga impormasyon
ng nagpapahayag.

Sa usapin ng pagpili at paggamit ng mga salita, higit na kinakikitaan ng mga salitang nabibilang
sa kolokyalismo, islang, bulgar at eupemismo. Ang mga uri ng salitang nabanggit ay hindi nagsasaalang-
alang sa usaping gramatikal na pangunahin namang tuon ng pormal na pagpapahayag.

Ikatlo sa paraan ng pagpapahayag na dapat mapagtuunan ay ang paggamit ng matatalinghagang


pahayag. Karaniwan itong nakikita sa mga literaturang akda. Sa kontemporanyong pagpapahayag hindi
na ito matamang napagtutuunan bunsod ng dominasyon makabagong antas ng wikain, subalit sa klasikal
na paggamit nito higit na nakikita ang kagandahan ng pagpapahayag sa ganitong antas.

66 This Self-Learning Module (SLM) is a property of KCC, College Department. Unauthorized reproduction and distribution of this material is strictly prohibited.
MASINING NA PAGPAPAHAYAG FIL 1

KABANATA 3

ANG RETORIKA
AT DISKURSO

MGA LAYUNIN:

1. Natatalakay ang kaugnayan ng diskurso sa retorika;


2. Nababatid ang pagkakaiba ng pasalita at pasulat na diskurso at ang tamang gamit
nito sa bawat sitwasyon;
3. Nailalahad ang uri ng diskurso, pagsasalaysay, paglalarawan, paglalahad at
pangangatuwiran ;
4. Naiisa-isa ang mga teorya ng diskurso; at
5. Naisasagawa ang tamang pagsasaayos ng ideya sa pagbuo ng diskurso.

67 This Self-Learning Module (SLM) is a property of KCC, College Department. Unauthorized reproduction and distribution of this material is strictly prohibited.
FIL 1 MASINING NA PAGPAPAHAYAG

ARALIN 1:
ANG RETORIKA AT DISKURSO

“Ang pinakamabuting retorika ay ang magsabi ng totoo.”


A. M. Camba

Kahulugan at Kalikasan

Sa bawat sandali sa ating buhay ay nakikipag-ugnayan tayo sa ating kapwa. Madalas


tayong napapaloob sa isang sitwasyong pandiskurso kung saan naibubulalas natin ang lahat ng
ating saloobin. Ang salitang diskurso ay mula sa wikang Latin na discursus na nangangahulugang
“running to and from” na maiuugnay sa pasalita at pasulat na komunikasyon. Batay naman sa
semantika at panunuring diskursong punto de bista, ito ay tumutukoy sa pangkalahatang konsepto
ng kumbersasyon sa lahat ng modaliti at konteksto. Mapapansing hindi ito palaging maihihiwalay
sa kahulugan ng komunikasyon sapagkat kapwa ito tumutukoy sa proseso ng pag-uugnayan ng
tagahatid at tagatanggap ng mensahe. Ang pinakalayunin ng tao sa pakikipagdiskurso ay
maipaunawa ang mensahe sa loob ng siklo ng diskurso. Hindi rin namamalayan ng tao na
nagagamit niya ang retorika upang maging katanggap-tangap o kapani-paniwala ang kanyang
mensahe. Ang retorika ang nagbibigay ng kulay at lasa sa pahayag (pasalita man o pasulat) upang
makapanghimok ng tagatanggap. Hindi maikakaila na madalas ding iugnay ang retorika sa
paggamit ng mga idyomatikong pahayag o matatalinghagang pananalita. Subalit marapat na
tingnan din ang iba pang aspekto na mahalaga sa paggamit ng retorika sa isang sitwasyong
pandiskurso. Ang konsepto ng retorika ay hindi lamang umiikot sa paggamit ng matatalinghagang
salita, bagkus mahalagang malaman ang ugnayan ng tao, lugar, okasyon, paksa, kultura at wika.

Sa mga pagkakataon na kakausapin mo ang iyong mga magulang, kapatid, kaibigan at


guro ay gumagamit ka ng retorika upang mapadaloy ang mensahe sa isang diskurso. Sa ganitong
kaso, pansinin ang pagsasaalang-alang sa iba’t ibang bagay o usapin sa pakikipagdiskurso sa mga
nabanggit. Hindi ba’t may pagkakaiba ang iyong magiging aksyon o paraan ng pagbuo at
paghatid ng mensahe? Ito’y sa kadahilanang nakasalalay sa iba’t ibang aspekto ang paggamit ng
retorika, lalo’t higit sa tao na gagamit ng estilo at lilinang sa pahayag na ihahatid sa loob ng isang
diskurso. Tandaang ang retorika ay Sining ng Tao o People’s Art kaya nakasalalay sa tao ang
kaisipang mabubuo sa paggamit ng retorika.

Pagkakaiba ng Pasalita at Pasulat na Diskurso

Sa anumang uri ng diskurso, ang wika ang kasangkapan natin upang mapadaloy ang mga
mahahalagang ideya na ating naisip o naramdaman. Hindi maitatangging sa paggamit ng wika sa
pagpapahayag ay mas madalas tayong nagsasalita kaysa sa nagsusulat. Kung gayon, may
pagkakaiba ba ang pasalita at pasulat na diskurso? Tunghayan natin sa ibaba:

68 This Self-Learning Module (SLM) is a property of KCC, College Department. Unauthorized reproduction and distribution of this material is strictly prohibited.
MASINING NA PAGPAPAHAYAG FIL 1

DISKURSO

PASALITA PASULAT

 Panlipunan ang konteksto sa  Indibidwal ang konteksto sa


pagtanaw sa presensya ng pagtanaw (nag-iisa ang
tagapakinig. manunulat upang gumana ang
 Hindi malay (unconscious) sa imahinasyon) sa mambabasa.
paggamit ng wika ang  May malay (conscious) sa
nagsasalita. paggamit ng wika ang
 Isinasaalang-alang ang social manunulat.
settings.  Isinasaalang-alang ang
 Likas o natututuhan sa audience.
prosesong natural.  Natututuhan sa isang pormal
 Gumagamit ng tunog o na pag-aaral.
ponema.  Gumagamit ng grapema o
mga simbolo.

Alinman sa pasalita at pasulat na diskurso ay ginagamit sa pang-araw-araw na buhay. Sa


lahat ng larangang kinabibilangan ng kahit sino man at ano man ang gawain, ang dalawang uri ng
pagpapahayag na ito ay mga kailangang hindi maiiwasang gamitin. Nagpapaliwanag tayo sa
kausap upang maunawaan. At ang taong mahusay sa pagpapaliwanag, maging ang paraa’y
pasalita o pasulat, ay siyang malapit sa tagumpay. Samantalang ang isang tao na hindi
maunawaan at masakit magsalita ay hindi nagiging kapalagayang loob ng kanyang kausap at
madalas ring nagiging kasamaan ng loob o kaaway. Kaya’t ang uri ng pagpapahayag ng isang tao
ay nagiging panukat sa uri o kalagayan ng pagpapahayag.

Ang Diskursong Pasulat

Hindi maiiwasan sa anumang pag-uusap, napagtatalunan kung bakit higit na


pinapapaboran ang diskursong pasulat kaysa pasalita. Hindi ba’t sa hukuman na lamang ay
maririnig ang mga pahayag na tulad ng “ang mga sinabi mo ay walang basehan dahil iyan ay
sabi-sabi o haka-haka lamang”, hindi tinatanggap ng husgado ang mga pahayag na narinig
lamang. Hindi ba’t kung may transaksyon o pakikipag-ugnayan tayo ay
kinakailangang may kasulatan upang kahit papaano ay may habol o pinanghahawakan pagdating
ng panahong magkaroon ng hindi pagkakaunawaan. Ayon nga sa mga pag-aaral napatunayan na
mas mataas ang pagtinging inilalaan sa gawaing pasulat.

Ito ang itinuturing na midyum ng literatura na siyang bukal naman ng pamantayan sa


kahusayang panlingguwistika. Ang mga alintuntuning panggramatika’y mahusay na nasusunod at
nailalarawan sa mga tekstong nakasulat. Para sa kanila, sa paraang pasulat lamang nabibigyan
ang lengguwahe ng pagkakataong mamalagi na may hibong kapangyarihan. Kung walang
pagsulat, wala ring magaganap na pag-aaral ng ating kasaysayan. Wala tayong landas tungo sa

69 This Self-Learning Module (SLM) is a property of KCC, College Department. Unauthorized reproduction and distribution of this material is strictly prohibited.
FIL 1 MASINING NA PAGPAPAHAYAG

nakaraan. Ang mga pangyayari sa nakalipas ay pawang nakasulat sa ating kasaysayan. Ang
kasaysayan ang nagtuturo sa atin upang ituwid ang mga pagkakamaling nagawa.

Sa pamamagitan ng pagsulat ay nagagawa nating itago ang mga buhay ng mga kinikilalang tao na
sa huli ay magbibigay sa atin ng inspirasyon at ng gabay. Natututo tayong mag-isip at gumawa ng
tamang pagpapasya dahil naturuan tayo ng mga literaturang ating nababasa at itinuturo sa atin. Sa ating
pag-iisa o sa ating libreng panahon, nagbabasa tayo upang
maglibang at makakuha ng impormasyon, gayundin sumusulat tayo upang magbigay o
magpaabot ng impormasyon. Mahirap yatang ipasa ang mga karunungang sa bibig lamang dahil hindi lahat
ng ating naririnig ay ating natatandaan.

Ang Diskursong Pasalita

Ang pagsasalita’y isang natural at hindi maiiwasang gawain bilang tao hindi katulad
ng pagsulat. Natutuhan nating magsalita nang hindi namamalayan, samantalang maingat naman
tayong tinuturuan upang matutong sumulat. Ang likas na kakayahan ng taong magsalita’y tulad
din ng likas niyang kakayahang lumakad at tumakbo. Sa pagsasalita, namumutawi ang mga
kataga nang walang gaanong hirap at pag-iisip. At sa bilis ng ating pagsasalita, hindi natin
namamalayan ang tamang pagpili ng mga salita at ang mga kahingian ng gramatika, sapat na sa
atin ang makapagpahayag at maunawaan. Hindi ito nakikita sa pagsulat, mabagal at kailangan
ang buong pag-iisip.

May ilang paraan ng komunikasyon sa mga sitwasyon ng pagsasalita na hindi bukas sa


manunulat. Halimbawa, ang paggamit ng galaw ng katawan at iba’t ibang ekspresyon ng mukha
upang bigyang-diin ang mahahalagang bahagi ng pahayag. Maaari ring baguhin ng nagsasalita
ang tono ng kanyang tinig sa pagpapakita ng kasiyahan, galit, ng pagiging seryoso o sobrang
kagalakan. Magaan ding nagagamit nang epektibo ang mga salita kahit na hindi batid ang ispeling
ng mga ito. Sa alinmang sitwasyon ng pagsasalita kailangan ang dalawang panig―ang
nagsasalita at ang nakikinig. Dahil kakikitaan ito ng patuloy na bigayan at pagtanggap sa pagitan
ng nagsasalita at nakikinig, masasabing ang ganitong sitwasyon ay nakaaangkop.
Nangangahulugan ito nang pabago-bagong sitwasyon, minsan ang nakikinig ay ang nagsasalita at
ang nagsasalita naman ay ang nakikinig. At kung hindi man magkaunawaan ay madali na nila
itong nagagawan ng solusyon.

Mga Teorya ng Diskurso

Ang mga teorya ay nakatutulong upang lubos na maunawaan ang mga konsepto sa
proseso ng diskurso. Maaari rin itong magsilbing salalayan sa paggawa ng desisyon tungkol sa
mga sitwasyong pandiskurso. Gayunman, walang teoryang perpekto dahil ang bawat isa ay may
kani-kanyang kahinaan at kalakasan. Kailangan pa rin ang masusing pag-aaral sa teorya upang
makilatis ito nang lubusan.

70 This Self-Learning Module (SLM) is a property of KCC, College Department. Unauthorized reproduction and distribution of this material is strictly prohibited.
MASINING NA PAGPAPAHAYAG FIL 1

1. Teoryang Pragmatiks

Ang pragmatiks ay sangay ng lingguwistika na mauugatang etimolohiya sa matandang


sibilisasyon ng mga Griyego at Romano kung saan itinuturing na unang natagpuan ang salitang
“pragmaticus” sa wikang Latin at “pragmaticos” naman sa wika ng mga Griyego na ang ibig
sabihin ay pagiging praktikal. Ang makabagong gamit ng pragmatiks ay itinuturing na
impluwensiya ng pilosopikal na doktrina ng pragmatismo ng mga Amerikano.

Ayon sa pananaliksik ni Adriano Balagot (2011), bilang larangan ng maagham na pag-


aaral sa wika, tuon ng pragmatiks ang pag-aaral kung paanong lumilikha at nauunawaan ang
pahayag sa isang kongkretong sitwasyon ng pag-uusap. Tumutukoy ito sa dalawang pangunahing
punto ng pahayag; una, ang kalagayang imformatib o pagtukoy sa taglay na kahulugan ng
pangungusap at ikalawa, ang pangkomunikatibong layon o nais na ipahiwatig ng nagpapahayag.

Ayon naman kay Kasper mula pa rin sa pananaliksik ni Balagot (2011), ang kakayahang
maunawaan at bumuo ng pahayag ay maikakawing sa kakayahang pragmatikal. Ito ay
karaniwang nakaugnay sa distansyang panlipunan at kalagayang panlipunan sa pagitan ng
enkoder at dekoder, kaalamang kultural gaya ng kagandahang asal at malinaw na unawang
panlingguwistika.

Malinaw batay sa mga nabanggit na ang teoryang pragmatiks ay nakatuon sa praktikal na


gamit ng pahayag kung saan isinasaalang-alang ang kakayahan sa pag-unawa at pagbuo ng mga
ideya batay sa panlipunang kalagayan, kultura at kaalamang lingguwistika.

2. Teoryang Speech Act

Ito ay pinasimulan noong 1962 ni Jane L. Austin at ipinagpatuloy naman ni John Searle
sa pagitan ng 1969 hanggang 1979. Ayon sa naturang teorya ang yunit ng komunikasyong
lingguwistika ay hindi ang simbolo, salita o ang pangungusap mismo, kundi ang produksyon o
paglikha ng mga simbolo, salita o pangungusap sa pagganap ng tinatawag na speech act.

Sa pagsasalita natin, walang taglay na kahulugan ang mga salita sa sarili lamang nito.
Naaapektuhan ito ng sitwasyon, tagapagsalita at tagapakinig, at maging ng kultura. Ang salita
mismo ay walang permanenteng kahulugan. Halimbawa, likas sa ating mga Pilipino ang pagiging
di-tuwiran sa pagpapahayag sapagkat hindi natin namamalayan ang madalas nating pagsasaalang-
alang sa sitwasyon at sa kausap.

Tunghayan:

Tagapaghatid: Gusto mo bang sumabay sa pagkain?


Tagatanggap: Busog pa ako.
Tagapaghatid: Nasaan ka na?
Tagatanggap: Malapit na.

Mapapansin sa halimbawa na hindi tuwiran ang sagot ng tagatanggap. Ang inaasahang


sagot sa una ay “gusto” o “hindi ko gusto” at sa pangalawa naman ay ang tiyak na lugar na
kinaroroonan ng tagatanggap ng mensahe. Gayunman, kung ating papasukin ang mismong
sitwasyong pandiskurso ay mahihinuha natin na nagkaunawaan ang nag-uusap. Samakatuwid, sa
teoryang speech act hindi binibigyang-tuon ang teknikalidad sa pagsasalita, bagkus ang pagganap
ng tagapaghatid o tagatanggap batay sa kanilang gampanin at kulturang umiiral.

71 This Self-Learning Module (SLM) is a property of KCC, College Department. Unauthorized reproduction and distribution of this material is strictly prohibited.
FIL 1 MASINING NA PAGPAPAHAYAG

Ayon kay J. L. Austin, nahahati ang aktong lingguwistika sa tatlong komponent:

 Locutionary Act – pagsasabi ng pahayag na may angking kahulugan sa tradisyonal nitong


kalagayan
 Illocutionary Act – may tiyak na puwersa tulad ng pag-uutos, pagbabala, pagpapabatid at
iba pa
 Perlocutionary Act - anyo ng pahayag na naglalayong manghikayat, magpatotoo,
humadlang o manlinlang.

3. Teoryang Variationist

Hango ito sa pag-aaral ukol sa pagkakaiba-iba o baryasyon ng mga wika. Pinaniniwalaan


ng mga sosyolingguwista na lumilitaw ang mga baryasyon sa tono o punto sa pagsasalita,
intonasyon at kahulugan ng mga salita. Ito ay nakaugat sa dimensyong heograpikal at
dimensyong sosyokultural. May malaking epekto ang teritoryo, lugar o espasyo at maging ang
estado sa buhay, kasarian, trabaho, antas ng pinag-aralan at paniniwala sa pagkakaroon ng barayti
ng wika.

Ang simula ng pagdulog na ito ay nagbibigay ng teoretikal at metateoretikal na kaligirang


patuloy na umiimpluwensiya sa mga hinuha, konsepto at metodo. Halimbawa, ang bawat
pinagmulan ay nagiging responsable sa iba’t ibang hinuha at pananaw tungkol sa wika―ang mga
hinuha hinggil sa katatagan ng lingguwistikang kahulugan, ang tungkulin ng intensyon ng
tagapagsalita, ang antas kung paano dinesenyo ang layuning pangkomunikatibo, ang
kontribusyon ng lingguwistikang kahulugan sa interaktibong kahulugan (Garcia et. al., 2010).

4. Teoryang Ethnography of Communication

Ang teoryang ito ay pinasimulan ni Dell Hymes na noong una ay tinawag niyang
ethnography of speaking at kalauna’y pinalitan niya bilang ethnography of communication na
naglalarawan sa bagong dulog upang maunawaan ang gamit ng wika. Binigyan niya ito ng
kahulugan na nauugnay sa sitwasyon at gamit, balangkas at tungkulin ng gawi ng pagsasalita.

Layunin ni Hymes na lumayo sa pagbibigay konsiderasyon sa pagpapahayag bilang isang


abstraktong modelo at sumalig sa pagsusuri sa dibersidad ng pahayag na makikita sa mga
etnikong grupo. Naniniwala siya na ang pag-aaral ng wika ay kailangang magbigay-linaw sa
paglalarawan at pagsusuri sa kakayahan ng isang katutubong tagapagsalita na magamit ang wika
sa isang totoong sitwasyong pandiskurso (communicative competence) kaysa sa pagbibigay
lamang ng tuon sa paglalarawan sa potensyal na kakayahan ng isang ideyal na tagapagsalita o
tagapakinig upang makalikha ng pangungusap na angkop at wasto ang gramatika (linguistic
competence). Ang mga tagapagsalita ng wika sa isang partikular na komunidad ay maaaring
makipagtalastasan sa bawat isa sa isang paraang hindi lamang wasto subalit angkop din sa
sosyokultural na konteksto. Samakatwid, ang punto ng teoryang ito ay nakatuon sa kung ano ang
alam ng tao na angkop na balangkas ng wikang gagamitin sa kanyang kinabibilangang
komunidad at kung paano niya ito matututuhan.

72 This Self-Learning Module (SLM) is a property of KCC, College Department. Unauthorized reproduction and distribution of this material is strictly prohibited.
MASINING NA PAGPAPAHAYAG FIL 1

ARALIN 2:
PAGLINANG SA IDEYA NG DISKURSO

“Kung sinuman ang nangangarap na sumulat sa isang maliwanag na pamamaraan, kinakailangang


liwanagin muna ito sa kaniyang isipan.”

-Johann Wolfgang Von Goethe (1749-1832)

H indi sapat ang kakayahang komunikatibo sa punto ng


pagpapadaloy ng mensahe sa isang sitwasyong pandiskurso,
pasalita man o pasulat. Maaaring hindi namamalayan ng taong
kasangkot sa siklo ng diskurso ang kanyang layuning ginagampanan kaya
higit na pinadadali ang pag-unawa ng bawat isa tungo sa madulas na daloy
ng pakikipag-ugnayan. Kung nais nating ibandila ang mga kaisipan upang
maging tagapagmulat ng kamalayan, nararapat na isaalang-alang ang iba’t
ibang aspekto sa pakikipagdiskurso. Sa puntong ito, isang napakahalagang
bahagi sa paggamit ng retorika sa diskurso ang paglinang sa ideya. Sa pamamagitan ng
pagpapanday sa ideya, higit na maiaangat ang pahayag tungo sa intelektuwal na antas. Ang
pagkakaroon ng malawak na kaalaman ay higit na mapaniningas kung ito ay maipapahayag sa
paraang nakapagpapaisip sa audience. Ang mga sumusunod ang ilan sa mahahalagang aspekto sa
paglinang ng ideya:

1. Paksa – ang pagkakaroon ng lalim at sapat na kaalaman sa paksa ay lubos na mahalaga sa


anumang gawaing pandiskurso. Ito ang nagsisilbing batayan sa pagbuo ng mga kaisipan na
itatanghal sa isang pahayag. Nararapat na masipat ang kahulugan ng paksa na siyang
pinakaubod ng nilalaman nito. Makatutulong din ang pagbuo ng balangkas o outline upang
maisaayos ang paghahanay ng mga ideya at malaman kung papaano maipaliliwanag ang
bawat bahagi. Nagkakaroon tayo ng tiwala sa sarili kapag bihasa tayo o kabisado natin ang
paksang tatalakayin. Nagiging magaan ang atmospera sa pakikipagdiskurso (pasalita man o
pasulat) sa panahong nahimay nang mabuti ang mga ideya sa paksa.

2. Layunin – anumang hakbang na ginagawa ng tao ay marapat gabayan ng mga layunin upang
hindi maligaw kung saan mang dako. Ito ang nagtatakda ng hangganan at landas na
tutunguhin ng isang ideya. Sa mga diskurso, madaling malaman ang tinutumbok ng isang
kaisipan kung nakilatis na agad ng tagatanggap ang nilalayon nito sa pagpapahayag. May
iba’t ibang layunin ang tagahatid ng mensahe batay sa kanyang nais ibahagi o ikintal sa
kanyang target audience o tagatanggap. Maaaring ang layunin ay manghikayat, manghamon,
magpabatid, magmulat at iba pa. Makatutulong ang tanong na “Bakit?” upang malaman ang
layunin ng isang diskurso.

3. Pagsasawika ng Ideya – ang pinakamahirap na bahagi sa pakikipagdiskurso ay ang


pagsasawika ng ideya. Minsan ang dami-daming kaalaman ang nais natin ipahayag subalit
nahihirapan tayong isawika ito. Ang kaalamang pangwika ay may malaking gampanin sa
pagbuo ng ideya. Ang ideya ay kinakatawan ng mga simbolo, salita at pangungusap
hanggang sa makabuo ng kongkretong kahulugan. Ang wika ang mahalagang kasangkapan sa
pagpapahayag at dapat tingnan ang punto ng paggamit nito sa anyo ng diskurso upang
maisaalang-alang ang antas ng wikang gagamitin. Bukod dito, ayon sa mga manunulat,
makabubuting isulat nang isulat ang lahat ng naiisip na ideya sa isang sulatang-papel.
Matapos ito, isagawa ang pagrerebisa upang mapakinis ang ideyang ipinahahayag.

73 This Self-Learning Module (SLM) is a property of KCC, College Department. Unauthorized reproduction and distribution of this material is strictly prohibited.
FIL 1 MASINING NA PAGPAPAHAYAG

4. Patutunguhan o Audience – isa sa mga pangunahing elemento ng retorika ang audience na


patutunguhan ng mensahe, kaya sa isang diskurso marapat na palaging isaalang-alang ang
audience. Dapat alamin kung sino ang mga ito na paghahatidan ng mensahe upang makapag-
adjust sa pagbuo ng ideya. Pakatatandaang ang pagpapahayag sa anumang uri ng diskurso ay
palaging kinasasangkutan ng audience, kaya marapat alamin ang mga salik na may kinalaman
dito tulad ng edad, panlipunang estado, edukasyong natamo, hilig at kultura nang sa gayon
ay malinang ang ideyang makahihimok sa mga ito. Makatutulong ang tanong na “para kanino
ang ideyang ipahahayag?” sa puntong ito.

Uri ng Diskurso at mga Halimbawa

Paglalarawan

Ang paglalarawan ay isang uri ng diskurso na ang layunin ay maipakita sa imahinasyon


at isip ng mambabasa o tagapakinig ang anyo, katangian, kalagayan ng tao, bagay, hayop at
pangyayari. Layon ng diskursong ito ang maipakita ang nasa larawang-diwa ng naglalarawan. Sa
isang mahusay na paglalarawan nagagawang isiwalat ng tagapagsalita at manunulat ang
magagandang tanawin sa isang lugar, ang magandang anyo at katangian ng isang tao maging ng
hayop, ang maayos na serbisyo ng isang bagay at mga mahahalagang pangyayaring naganap sa
isang pagkakataon.

Isa pa sa nagagawa ng isang maayos na paglalarawan ay kapag may ginagawang


pagsisiyasat ang mga alagad ng batas tungkol sa isang kaso ng krimen. Ang testigo ay marapat
lamang na maging maingat sa paglalarawan sa nasaksihang krimen dahil dito nakasalalay ang
kalutasan ng isang kaso. Ang maayos at malinaw na paglalarawan ay nakasalalay sa taong
naglalarawan. Samakatuwid ang paglalarawang diskurso ay nagbibigay-tulong sa tao upang
bumuo ng larawan sa kanyang kasipan.

Mga Uri ng Paglalarawan

• Pangkaraniwang Paglalarawan – Ito’y paraan ng paglalarawan na karaniwan nang


ginagawa ng mga tao. Ibinibigay nito ang karaniwang anyo ng inilalarawan ayon sa
nakikita o nasaksihan ng nakararami.

Halimbawa:

Si Nick Cuerpo ay may asawa at dalawang anak. Maagang nakapag-asawa at ngayo'y may
edad lamang ito nang dalawang taon kay Rafael sa gulang niyang dalawampu't
walo. Itinuturing ni Rafael na ang pagkakasama nila ni Nick sa landas ng buhay ay
pagtatagpo ng dalawang "magkauring balahibo." Sapagkat si Nick, isang isportsman na
masasabing nagpapasasa na lamang sa buhay sa maalwang kabuhayang naiwan ng
magulang, ay nagtataglay rin ng kanyang "sakit." Sa mismong bibig na rin ni Nick niya
naririnig kung gaanong hirap ang tinitiis ng asawa nitong si Marina sa pakikipamuhay sa
isang lalaking kung umuwi sa madaling araw ay "amoy alak at amoy babae." Guwapo at
mataas, may bigote at isang tumpok na balbas na alaga sa trimming ng piling barberya, may
panghatak si Nick sa babae na mahirap paglabanan. Isang lady killer.

―Sinipi mula sa Lalaki sa Dilim ni Benjamin P. Pascual

74 This Self-Learning Module (SLM) is a property of KCC, College Department. Unauthorized reproduction and distribution of this material is strictly prohibited.
MASINING NA PAGPAPAHAYAG FIL 1

• Masining na Paglalarawan – Sa masining na paglalarawan, maaaring magbigay ng


impormasyong higit sa likas na katangian ng inilalarawan. Binibigyang kulay ang
inilalarawan upang higit na maging kaaya-aya ang paglalarawan. Kadalasan ang personal
na mga pandama ng naglalarawan ang ginagamit upang maging makulay ang
pagpapahayag ng inilalarawang paksa. Nakikita natin ang masining na paglalarawan sa
mga iba’t ibang anyo ng panitikan tulad ng maikling kuwento, tula, sanaysay at iba pa.

Halimbawa:

Lalong sumakit ang kanyang dibdib nang masinghot ang ligaw na gahiblang usok mula
sa tambakan. Tulad ng di mabilang na umagang nagdaan, dinuduro na naman ng Payatas
ang puno ng kanyang ilong nagpapasintak sa ugat ng kanyang sentido. Ilang araw na
lang ay pasko na ngunit wala siyang maramdamang saya o sinyal ng paghahanda sa
tinitirhang bahay.

―Sinipi mula sa Ang Apo ni Lola Soledad ni Bell Letre

Pagsasalaysay

Ang diskursong pagsasalaysay ay isang paraan ng pagpapahayag upang pag-ugnayin ang


mga mahahalagang pangyayaring naganap tulad ng mga karanasang di malilimutan, kuwento o
kasaysayan ng mga mahahalagang tao. Sa pagsasalaysay dapat ding maging malinaw ang mga
isinasalaysay. Iwasan ang pagiging maligoy sa pagsasalaysay lalo na kung hindi naman kailangan
nang isalaysay pa. Madalas kapag ang isang tao ay may magandang karanasan sa buhay,
nagagawa niyang isalaysay ito sa mga kakilala niya. Kapag may napanood na magandang palabas
hindi maiwasan na mangunang magsalaysay. Samakatuwid ang tao ay likas na makuwento
sapagkat ito’y tuwirang umaapila sa kanyang nararamdaman dahil na rin ang pagsasalaysay ang
nagiging instrumento ng tao upang siya’y malibang o maaliw mula sa nararamdamang
kalungkutan.

Mga Katangian ng Isang Pagsasalaysay

• Mabuting Pamagat. Dapat lamang na maging maayos at pag-isipan ang gagawing


pamagat ng isasalaysay. Hangga’t maaari makabago ang gagawing pamagat, at hindi
gasgas. Sa paggawa rin ng pamagat dapat na maging kapana-panabik ito na magbibigay
hamon sa mambabasa o tagapakinig na mag-isip kung bakit naging ganoon ang pamagat
ng isasalaysay. Kadalasan ang pamagat ay maaaring nakasulat sa simpleng salita at
parirala ng pangalan ng tao, pook, panahon at iba pa.

• Paksa. Tulad ng pamagat kailangan ang paksa ay makabago at makabuluhan. Sa ngayon


hangga’t maaari kailangan ang paksa’y nasasakyan ng mga mambabasa o tagapakinig. At
ibatay ang paksa kung sino ang tagatanggap o iayon sa panahon na kinabibilangan.

• Maayos na Pagkakasunud-sunod. Ang maayos na pagkakasunud-sunod ng gagawing


pagsasalaysay ay dapat na maging malinaw sa mambabasa o tagapakinig upang
maiiwasan ang kalituhan kung paano nagsimula at nagwakas ang kuwento. Ito ang mga
karaniwang sumusunod na mga pangyayari sa isang pagsasalaysay.

o simula, gitna, wakas


o gitna, pagbabalik sa simula sa pamamagitan ng paggunita, wakas

75 This Self-Learning Module (SLM) is a property of KCC, College Department. Unauthorized reproduction and distribution of this material is strictly prohibited.
FIL 1 MASINING NA PAGPAPAHAYAG

o nagsisimula sa wakas, nagbabalik sa tunay na simula, natatapos sa tunay na wakas na


ginagamit na simula ng may-akda

 Kawili-wiling basahin mula simula hanggang wakas. Kailangang maging kawili-wili ang
pagsasalaysay mula simula hanggang sa wakas upang hindi kabagutan ng mambabasa o
tagapakinig ang isinasalaysay dahil nagkakaroon ng pagkakataon na ang isang salaysay ay
hindi na tinatapos basahin o pakinggan.

Paglalahad

Ang diskursong ito ay naglalayon na bumuo ng isang malinaw na kaisipan at impormasyon


na sakop ng kanyang kaalaman samakatuwid ang diskursong paglalahad ay nilalayon na magbigay
kaalaman, magpaliwanag at timbangin ang mga kasipan at impormasyon batay sa mga kaisipang
nakapalaoob dito. Sa pagbuo ng paglalahad nakapaloob o nasasagot sa diskursong ito ang iba’t
ibang katanungan tulad ng Ano ang nangyari? Paano sisimulan? Ano ang pinagkaiba? Bakit at iba
pang anyo ng pagtatanong. Mahalaga ang paglalahad sapagkat napauunlad pa ng tao ang kanyang
nalalaman batay sa iba’t ibang impormasyong nalaman na.

Pamamaraan ng Epektibong Paglalahad

• Pagbibigay Depinisyon o Kahulugan

Ayon kay Constantino Ballena (2007), ang salitang “definition” ay isang pahayag na
nagpapaliwanag kung ano ang isang bagay. Sa paggamit ng depinisyon sa pagbuo sa teksto, maibibigay
ang angkop na pagpapakahulugan sa isang salita na may kasingkahulugan.
Halimbawa:

bughaw – kapayapaan
puti – kalinisan o kabutihan
itim – pagluluksa o kasamaan

Ayon kay Patrocinio Villafuerte (2005), may proseso ang pagbibigay ng kahulugan.
Kinakailangang sinisimulan muna ang pagbanggit ng salita o terminong bibigyan ng pagpapakahulugan
(term), susundan ng pangkat o kaisipang kinabibilangan (genre) at ang panghuli ay babanggitin ang mga
kaibahan o katangiang ipinagkaiba sa mga kauri nito (difference).

Halimbawa:

• Ang polyo ay isang takip na yari sa tela na ang mga gilid ay nakakabit sa tukod na dinadala
upang masilungan ng pari o ng sinumang may dala.

• Termino o salitang binigyan ng kahulugan (Ang Polyo)


• Pangkat o kaisipang kinabibilangan (ay isang takip na yari sa tela na sinisilungan ng
mga pari o ng sinumang may dala)
• Kaibahan o katangiang ipinagkaiba sa mga kauri (Ito ay yari sa tela na nakakabit sa
tukod na dinadala)

• Ang pulpito ay bahagi ng simbahan na pinagsesermonan ng mga pari lalo na noong panahon
ng mga Kastila

76 This Self-Learning Module (SLM) is a property of KCC, College Department. Unauthorized reproduction and distribution of this material is strictly prohibited.
MASINING NA PAGPAPAHAYAG FIL 1

• Termino o salitang binigyan ng kahulugan (Ang pulpito)


• Pangkat o kaisipang kinabibilangan (bahagi ng simbahan)
• Kaibahan o katangiang pinagkaiba sa mga kauri (ng pinagdarausan ng pagsesermon
ng mga pari lalo na noong panahon ng mga Kastila

 Ang amorseko ay isang uri ng damo na ang bulaklak ay kumakapit sa damit, pantalon, saya,
at iba pa.

 Termino o salitang binigyan ng kahulugan (Ang amorseko)


 Pangkat o kaisipang kinabibilangan (isang uri ng damo)
 Kaibahan o katangiang pinagkaiba sa mga kauri (ang bulaklak ay kumakapit sa
pantalon, damit, saya, at iba pa)

Paghahambing at Pagkokontras

Isang tekstong nagbibigay-diin sa pagpapahayag ng kahigitan o kalamangan, pagkakaiba


at pakakatulad ng dalawa o higit pang tao, bagay, kaisipan o ideya at maging ng pangyayari. Sa
pamamagitan ng ganitong hulwaran sa pagbuo ng teksto nagiging maliwanag ang paksang
inilalahad. Makikita at magagawa ng mambabasa ang timbangin, suriin ang paksang inilalahad sa
pamamagitan ng pagkakaiba at pagkakatulad ng mga detalye sa isang teksto.

Halimbawa ng mga tekstong kakikitaan ng may Paghahambing


at Pagkokontras:

• Ang ilang pamahalaan na umiiral sa kasalukuyan, ay tinatawag na “presidential” at


“parliamentary”. Ang namumuno sa isang bansang may pamamahalang “presidential” ay
tinawag na Pangulo. Samantalang ang “parliamentary” ay tinatawag na Prime Minister.
Magkaiba man ang pamamahala, kakikitaan ng demokrasya ang pinaiiral sa pamamahala.
Ang karapatan ng mamayan, kapayapaan at katarungan ay pinangangalagaan din sa
dalawang anyo ng pamahalaan.

• Pagkakaiba at Pagkakatulad ng Gamit ng Laptop at Desktop

Pagkakaiba Pagkakatulad
Madaling dalhin ang laptop di Nakakagawa ng iba’t ibang dokumento,
katulad ng desktop. presentasyong personal.
Mas mamahalin ang presyo ng Nakakapagbigay kasiyahan sa tao
laptop
Mahirap hanapin ang piyesa ng Mayroong aplikasyon ng telebisyon, radyo
laptop kumpara sa desktop at dvd

Problema at Solusyon

Paglalahad ng solusyon sa mga problema o maaring paglalahad ng mga problema upang


bigyang solusyon. Kaakibat na ng tao ang magkaroon ng problema na siya naming mag-iisip
kung ano ang karampatang solusyon sa problema. Ang problema ay maaaring panlipunan o pang-
agham na nangangailangan ng solusyon. Tingnan ang mga sumusunod na halimbawa ng teksto.
Ang naka-italikong bahagi ay nangangahulugan na iyon ang ibinigay na solusyon at ang hindi
naman naka-italiko ay ang problema.

77 This Self-Learning Module (SLM) is a property of KCC, College Department. Unauthorized reproduction and distribution of this material is strictly prohibited.
FIL 1 MASINING NA PAGPAPAHAYAG

Halimbawa:

• Laganap na ang krimen sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas. Marami ng tao ang
naglalakas loob na gumawa ng krimen dahil na rin sa hirap ng buhay. Wala nang
pinipili ang binibiktima; matanda man o bata, babae man o lalake at kahit saang
lugar ay napapabalitang mayroong krimen. Maaaring makaiwas sa mga ganitong
pangyayari, ibayong pag-iingat ang kinakailangan, kung wala namang
pupuntahang mahalaga sa gabi man o araw ay manatili na lamang sa tahanan.
Hanggat maaari mayroong kasama sa pag-uwi at iwasan ang dumaan sa mga
madidilim na lugar.

• Napakataas ng presyo ng mga bilihin sa panahong ito. Madalas ang badyet ng isang
pamilya ay mahirap nang mapagkasya dahil hindi naman tumaas ang suweldo. Kung
noon ang dating pera na napagkakasya sa isang araw, ngayon ito ay hindi na sapat
kung kaya kailangang umekstra pa ng trabaho ang ilang tao. Dahil dito, kailangan
magtipid ng buong mag-anak. Kung hindi naman kinakailangan ang isang bagay ay
huwag waldasin ang pera nang basta-basta, bagkus itabi ito para makapag-impok at
sakaling may napakahalagang pangangailangan ay may magagamit na perang
panggastos.

Sanhi at Bunga

Sa ganitong paraan ng paglalahad ipinapakita ang resulta ng mga pinagdaanang


pangyayari o epekto ng mga ginawa ng tao, hayop o maging ng kalikasan maging ito’y mabuti at
masama. Kadalasan ang tao ay nagtatanong kung bakit at paano nangyari ang mga ito. Ibig
sabihin palaging naghahanap ng sagot ang tao sa mga katanungang nabubuo sa kanyang sarili.

Halimbawa:

• Ang madalas na pag-inom ng alak ay magdudulot ng kanser sa atay.

Sanhi - ang madalas na pag-inom ng alak


Bunga - pagkakaroon ng kanser sa atay

• Nagkaroon ng landslide sa ilang bahagi ng lugar dahil sa halos wala nang mga natitirang
puno.

Sanhi - walang natirang puno


Bunga - nagkaroon ng landslide sa ilang lugar

Pangangatwiran

Ang pangangatwiran ay isang diskurso na dapat ay mahikayat na sumang-ayon ang sinumang


katunggali tungkol sa pinagtatalunang o pinaglalabanang isyu o anumang argumento. Kailangan dito
ang malawak na kaalaman at sapat na mga impormasyon upang mailahad ng tama ang katwiran. Sa
anumang paksa na pinagtatalunan dapat ay may kakayahan na maiayos ang mga kasipan upang hindi
maging malabo, maligaw o mapunta kung saan-saan ang paksang pinagtatalunan.

78 This Self-Learning Module (SLM) is a property of KCC, College Department. Unauthorized reproduction and distribution of this material is strictly prohibited.
MASINING NA PAGPAPAHAYAG FIL 1

Mga Fallacy o Palasi ng Pangangatwiran

Kapag nagkakaroon ng anumang argumento o pagtatalo hindi lamang dapat natatapos sa


pagbuo ng diskursong sasabihin o susulatin at kung paano ito maipararating sa mga tagapakinig
at mambabasa. Dapat ring tingnan kung tama o lohikal ang ginagawang pangangatwiran, pasulat
man o pasalita. Sapagkat ang mga inaakalang tamang argumento o pangangatwiran ay kakikitaan
pa rin pala ng mga kamalian mula sa mga diskursong binuo. Palasi o Fallacy sa wikang Ingles
ang tawag sa maling pangangatwiran. May mga ilang palasi ang madalas na ginagamit na dapat
iwasan upang hindi maging ilohikal ang isang argumento, ito ay ang mga sumusunod:

A. Argumentum ad hominem. Ang palasing ito ay ginagamit sa argumento na inaatake o


hinahamak ang personalidad ng tao upang ilayo sa paksang dapat na pagtuunan ng
pansin ukol sa paksa o isyung pinagtatalunan.

Halimbawa:

Hindi magiging mahusay na pinuno ng bansa ang politikong katulad ni Z, kaya huwag
natin siyang iboboto dahil isa siyang bakla.

Pansinin ang halimbawa ng diskursong nabanggit. Anong kinalaman ng kasarian ng


politikong si Z para sabihing siya’y hindi magiging isang mahusay na pinuno?

B. Argumentum ad baculum. Ang palasi naman na ito ay madalas na gumagamit ng


anumang pananakot at madalas ang gumagamit nito ay ang mga maiimpluwensiyang tao
sa lipunan. Ginagamit ang kapangyarihan o awtoridad sa katunggali o sinomang
kaargumento upang ilihis ang tunay na paksa o isyu. Madalas na halimbawa ng palasing
ito ay katulad nang nabanggit na ay ang matinding paggamit ng pananakot o mas kilala sa
tawag na blackmail.

Halimbawa:

Ang isang anak ng alkalde ay nahuli ng pulis na lumabag sa batas trapiko.

Pulis: Sir, hindi n’yo po ba nakita ang karatula na No U-Turn po rito? Bakit pa po kayo
nag U-Turn? Maaari po bang makita ang lisensya n’yo?

Anak ng Alkalde: E ano naman ngayon, bakit mo ako hinuli? Hindi mo ba ako
nakikilala? Anak ako ni Mayor X baka gusto mong ipatanggal kita sa trabaho.

Pansinin ang halimbawa na palasi. Ang anak ng alkalde na lumabag sa batas trapiko ay
ginamit ang kanyang awtoridad bilang anak ng isang alkalde upang pagtakpan ang
kanyang pagkakamali.

C. Argumentum ad misericordiam. Ginagamit ang awa sa pangangatwiran upang pagtakpan


ang tunay na diskurso ng argumento.

79 This Self-Learning Module (SLM) is a property of KCC, College Department. Unauthorized reproduction and distribution of this material is strictly prohibited.
FIL 1 MASINING NA PAGPAPAHAYAG

Halimbawa:

Isang estudyanteng madalas na nahuhuli sa klase ang palaging dinadahilan ay ang


pagiging working student nito.

Guro: Nahuli ka na naman sa klase, marami ka nang nakakaligtaang mga aralin natin at
posibleng ikaw ay bigyan ko ng bagsak na grado.

Estudyante: Pasensya na po, nagmamakaawa po ako sa inyo, huwag niyo po akong


ibagsak. Kailangan ko pong magtrabaho para makapag-aral dahil kung hindi po
ako makakapagtrabaho hindi ko rin masusuportahan ang aking pag-aaral.

Kung titingnan ang diskurso ng guro at mag-aaral, maaari nating sabihin na napakadakila
ang ginagawa ng estudyante dahil pinagsasabay nito ang pag-aaral at pagtatrabaho.
Subalit kung susuriing mabuti, mali ang argumento ng estudyante sa kanyang guro dahil
hindi sapat na gawing dahilan ang trabaho para mapabayaan at masakripisyo ang oras at
obligasyon sa pag-aaral .

D. Argumentum ad ignorantiam. Sa palasing ito, ipinagpapalagay na hindi totoo ang


anumang hindi napatutunayan at totoo ang anumang hindi napasinungalingan.

Halimbawa:

Dahil wala namang sumasaksi sa kasong ito, kung kaya si Ginoong B ay ipawawalang
sala na. Nagpapatunay lamang nito na inosente si Ginoong B.

Mapapansin sa tagpong nabanggit na pinagpalagay na hindi totoo ang anumang hindi


napatunayan dahil sa kawalan lamang ng saksi o anumang ebidensya na magpapatunay
na si Ginoong B ang maysala. Kung kaya si Ginoong B ay itinuring na inosente dahil sa
paggamit ng palasing ito.

E. Argumentum ad populum. Sa palasing ito, sa halip na patunayan ang isang isyu,


itinuturing na tama ang argumento dahil sa popularidad ng tao, bagay, opinyon o
emosyon ng mga tao. Kadalasan madaling makilala ang palasing ito sa katawagang
“nakikisakay sa isyu” o “dahil ito ang uso ngayon”

Halimbawa:

Nangunguna sa survey ang kandidatong si Ginoong E na nanggangahulugan nito ang


tiyak niyang pagkapanalo. Kung kaya siya na ang iboboto ko sa darating na eleksyon.

Hindi batayan ang pangunguna sa sarbey para sabihin o bigyan ng kongklusyon na tiyak
na ang pagkapanalo ni Ginoong E sa eleksyon.

80 This Self-Learning Module (SLM) is a property of KCC, College Department. Unauthorized reproduction and distribution of this material is strictly prohibited.
MASINING NA PAGPAPAHAYAG FIL 1

ARALIN 3:
ORGANISASYON NG DISKURSONG PASALITA AT PASULAT

“Kung sinuman ang nangangarap na sumulat sa isang maliwanag na pamamaraan, kinakailangang


liwanagin muna ito sa kaniyang isipan.”

-Johann Wolfgang Von Goethe (1749-1832)

Upang maging mabisa ang organisasyon o pagsasaayos ng isang


diskurso o pagpapahayag, pasalita man o pasulat, dapat isaalang-alang
ang mga sumusunod na batayan:

1. Kaisahan

Kapag nagkakaugnay-ugnay ang lahat ng pangungusap para sa ikauunlad ng isang


pangunahing ideya o sa ipinahihiwatig na pangunahing ideya. Sa pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari ay wala ni isa mang naidagdag na makalilito, masasabing malinaw at mabisa ang
ganitong diskurso. Ang pangungusap ay may kaisahan kung ang lahat ng sangkap ng
pangungusap o talata sa loob ng isang akda ay hinggil lamang sa iisang paksa. Pansinin ang
kaisahan sa mga halimbawa sa ibaba:

Mga Halimbawa:

“Nakatungo siya habang naglalakad. Ngayon niya higit na dapat na bigyan ng handog ang
kanyang ina. Hindi lamang dahil kaarawan nito. May sakit ang kanyang ina at pihong
matutuwa ito kapag binigyan niya ng handog. Nais niyang makitang muli na natutuwa ang
kanyang ina. Katulad noong bigyan niya ito ng panyo.”

―Sinipi mula sa “Handog sa Kanyang Ina” ni Rogelio Sicat

“Ang lansangang ito’y hindi bago sa inyong paningin, kahima’t tatlong taon kang nalayo at
napatungo saang larangan. Ang lansangang ito ay sumaksi sa iyong mga paglalaro nang ikaw
ay isang bata pang musmos. Ayun ang puno ng akasya, sa tabi nito ay lalong malago ang ligaw
na gumamela. Ni hindi pala inabot ng pagbabago ang halamanan nina Corazon, luma na nga
lamang ang kanilang tahanan at kailangan nang mapintahang muli."

―Sinipi mula sa “May Gunita pa ang mga Bulaklak” ni Jose Flores Sibal

2. Kaugnayan

Ito ang resulta ng kombinasyon ng maraming bagay―kaisahan, kongkretong suporta ng


mga detalye, maayos na daloy ng pangungusap, pag-uulit ng mga susing salita at parirala,
paggamit ng transisyonal na ekspresyon o salita bilang hudyat nang paglululan ng mga detalye
sa dapat nitong paglagyan. Kapag malinaw na naintindihan ang kaayusan ng mga ideya,
gayundin, ang relasyon ng mga ito sa bawat isa, masasabing may ugnayan ang diskurso. Sa

81 This Self-Learning Module (SLM) is a property of KCC, College Department. Unauthorized reproduction and distribution of this material is strictly prohibited.
FIL 1 MASINING NA PAGPAPAHAYAG

kabuuan, ang kombinasyon ng lahat – ang bawat talataan, bawat pangungusap at bawat parilala
ay sama-samang nagkokonekta upang mabuo ang piyesa.

Nasusundan ba ng mga mambabasa ang bawat pasok ng ideya? Hindi kaya nalito, nawala
o nasorpresa sa pagpasok ng mga ideyang walang kinalaman sa paksa? May lohika bang nailatag
sa pagitan ng pangunahing kaisipan at sumusuportang kaisipan? May katuturan ba ang
pagsasama-sama ng ideya? May transisyonal na salita bang ginamit sa pagpasok ng bagong
linya? Tingnan ang pagkakaugnay-ugnay ng bawat ideya sa mga halimbawa sa ibaba:

Mga Halimbawa:

“Ginising siya ng di-magkamayaw na kahulan ng aso. Bumangon siya, kinapa ng paa ang
tsinelas, saka siya mabilis na tumindig at nagtungo sa durungawan. Sa gitna ng arawan ay
naroon ang dalawang asong puti na may batik na itim. Nagugulo ang kanyang isip sa sunod-
sunod na kahol ng mga aso. Iniinis siya ng ingay na yaong pumupunit sa banig ng katahimikang
payapang inilatag ng bagong umaga. Ngunit may kakaibang katuwang siyang nadarama sa
pagmamasid sa dalawang hayop na nagpapamalas ng kanya-kanyang kapangyarihan sa bawat
isa.”

―Sinipi mula sa “Kapangyarihan” ni Buenaventura S. Medina Jr.

“Ang nakatutulig na tilaok ng katyaw ay nakatawag pansin kay Ernesto. Sinundan ng kanyang
mga paningin ang pook na pinagbubuhatan nang muling tumilaok ang katyaw na yaong naiiba
ang tilaok sa marami nang narinig niya. Nag-ibayo ang kanyang paghanga nang makita ang
isang katyaw na bulik, na mabikas na mabikas ang pagkakatindig sa pinakamataas na sanga ng
kanilang punong mangga. Napingiti si Ernesto.”

―Sinipi mula sa “Tatlong Katyaw, Isang Dumalaga at si Myrna”


ni Brigido Batungbakal

3. Pagbibigay-diin o Empasis

Nasa pagbibigay-diin nakabase ang kapangyarihan ng wika (Sommer et. al., 1969),
sapagkat dito isinasaad ang hangad na tindi ng dating at epekto ng mga salita sa pinag-uukulan.
Maaari itong isagawa alinman sa berbal o di-berbal na mga paraan. Malakas na ipinahahayag
dito ang pinakaimportanteng ideya sa paggamit ng kakaibang impormasyon na maaaring
lakasan, bilisan, habaan o antalahin kalakip ang mga di-berbal na paraan: ang ekspresyon ng
mukha, ang postura ng katawan, ang mga kumpas ng mga kamay na nagpapahiwatig ng
kakaibang antas o klase ng kahalagahan. Ang empasis sa pamamagitan ng katangi-tanging trato
at paglalagay nito sa kapansin-pansing posisyon, pag-uulit ng pinakasusing salita o parirala ng
pangungusap o kaya’y pagbibigay dito ng mas maraming detalye kaysa sa iba. Makikita ang
pagbibigay-diin sa mga halimbawa na nasa ibaba:

Mga Halimbawa:

“Nang malapit na nilang anihin ang unang tanim, ang lupaing kanilang binungkal ay inangkin
ng isang korporasyon ng mga paring may pag-aari sa kalapit na bayan. Ayon sa korporasyon ay
nasa loob ng hangganan nila ang lupain, at upang patibayan ang pag-angkin ay itinayo noon

82 This Self-Learning Module (SLM) is a property of KCC, College Department. Unauthorized reproduction and distribution of this material is strictly prohibited.
MASINING NA PAGPAPAHAYAG FIL 1

din ang mga muhon. Si Tales ay pinabayaan na mag-ani sa lupa kung siya’y babayad ng
dalawampu o tatlumpung piso taun-taon.”

―Sinipi mula sa “Kabesang Tales (El Filibusterismo)” ni Dr. Jose P. Rizal


“Kaya bukod-tangi sa lahat ng mga bata sa buong bayan ng Paniqui, sa buong lalawigan ng
Tarlac, o sa buong Pilipinas man, ako lamang ang batang may bodyguard. Hatid niya ako sa
pagpasok at paglabas kahit saan. Sa pakikipagtaguan ko ay siya ang pumipili ng mabuting
taguan, kaya hindi ako mahuhuli. At kung ako man ang tagahuli, inihuhudyat niya sa akin ang
pinagtataguan ng kalaban, kaya madali akong makahuli. Kung nakikipagsuntukan ako, habang
nakakalamang, hindi siya nakikialam. Ngunit kapag natatalo ako, inaawat niya ang kalaban.
Kung minsa’y napapahiya ako sa pag-awat niya at siya ang aking sinusuntok, sinisipa,
hinahampas, binabato, ngunit tinatanggap niyang lahat at hindi man lang umiilag, at hindi rin
gumaganti, ni nagagalit. Kapag umuwi’t pasa ang kanyang mata o nagdurugo ang kanyang
ilong dahil sa aking suntok at hampas, ang Papa ko ay magagalit sa akin, ngunit humaharap si
Vicente at nagsasabing “Yaku pu ing makikasalanan.”

―Sinipi mula sa “Kasaysayan ng Isang Pag-ibig ni Vicenteng Bingi” ni Jose Villa Panganiban

83 This Self-Learning Module (SLM) is a property of KCC, College Department. Unauthorized reproduction and distribution of this material is strictly prohibited.
FIL 1 MASINING NA PAGPAPAHAYAG

MGA GAWAING PAMPAGKATUTO

Pangkalahatang Panuto:
 Basahin at unawain ang sumusunod na panuto sa bawat gawain;
 Huwag madaliin ang pagsagot at siguraduhing maisagawa ito ng komprehensibo;
 Sundin ang pormat na ibinigay kasama ang mga kaugnay na digrapo (diagram);
 Isulat ang lahat ng inyong sagot sa papel (yellow pad).

Kabanata 2

Gawain 1 Pag-unawa sa Paksa:

Sagutin ang sumusunod na mga tanong o kahingian upang matiyak ang


kaalaman sa Kabanata 2. Sagot na lamang ang isulat.

5. Bakit mahalaga ang estilo sa pagpapahayag sa isang diskurso?


6. Paano nagiging masining ang ekspresyon ng ideya?
7. Bilang mag-aaral, paano mo naipapakita ang kakanyahan at
kapangyarihan ng wika?

Gawain 2 Pagsukat sa Kaalaman:

Tukuyin ang taong nagpahayag ng mga ideya sa bawat bilang. Sagot na


lamang ang isulat.

1. Binigyang kahulugan niya ang retorika bilang sining ng pagpapahayag ng naiisip mula sa
isang tao patungo sa iba, at ang pag-aangkop ng wikang gamit sa pangyayari at panahon.
_____
2. Ayon sa kanya kinakailangang malinaw ang pag-iisip ng isang manunulat upang
magkaroon ng estilo ang kanyang isinusulat at kung may magsusulat sa kagalang-galang
na estilo, dapat maging kagalang-galang muna ang kanyang pagkatao. _____
3. Ang estilo ayon sa kanya ay kasuotan ng kanyang naiisip. _____
4. Ang nagsabi ng “The most durable thing in writing is style”. _____
5. Ang estilo ay pagkilala sa totoong pagkatao, sa gustong ipahayag at hindi nababahala sa
kalalabasan. _____

84 This Self-Learning Module (SLM) is a property of KCC, College Department. Unauthorized reproduction and distribution of this material is strictly prohibited.
MASINING NA PAGPAPAHAYAG FIL 1

Gawain 3 Pagsukat sa Kaalaman:

Ibigay ang hinihinging ideya. Sagot na lamang ang isulat.

1. Pagpapakahulugan sa mga salitang ginamit sa pagpapahayag na nakabatay sa estilo ng


nagpapahayag. _____
2. Ito ay hindi matatagpuan saanman na katangiang taglay ng pinag-ugnay na pananalita at
ideya, bait at kilos, sining at moralidad, pagtataya at pagtitilad at ng iba pang elemento ng
pagkilos. _____
3. Ang kahulugang nakabatay sa pahiwatig ng mga pahayag na ginamit sa
pakikipagtalastasan. _____
4. Ang kahulugang ito ay maaaring makita sa kabuuan ng isang aklat, dula, musika o
pelikula na hindi hayagang ipinababatid ng mga nagpapahayag. _____
5. Ito ay ang kahulugang makukuha sa ugnayan ng mga pahayag sa loob ng isang diskurso
na iniuugnay sa diskurso ng iba. _____

Kabanata 3

Gawain 1 Pag-unawa sa Paksa:

Isakatuparan ang sumusunod na gawain upang matiyak ang kaalaman sa


Kabanata 3. Sagot na lamang ang isulat.

1. Ipaliwanag ang gampanin ng retorika at diskurso sa


pagpapahayag.
2. Ipaliwanag ang pagkakaiba ng pasulat at pasalitang diskurso.
3. Magbigay ng halimbawa ng mga sitwasyong pandiskurso na
kakikitaan ng mga tinalakay na teorya sa diskurso.

Gawain 2 Pagsukat sa Kaalaman:

Ibigay ang hinihinging ideya sa bawat bilang. Sagot na lamang ang isulat.

1. Tumutukoy sa pangkalahatang konsepto ng kumbersasyon sa lahat ng modalidad at


konteksto na maiuugnay sa pasalita at pasulat na komunikasyon. _____
2. Panlipunan ang konteksto na likas na natututuhan sa isang prosesong natural at
ginagamitan ng tunog o ponema. _____

85 This Self-Learning Module (SLM) is a property of KCC, College Department. Unauthorized reproduction and distribution of this material is strictly prohibited.
FIL 1 MASINING NA PAGPAPAHAYAG

3. Nagpasimula ng teoryang Speech Act noong 1962. _____


4. Akto na tumutukoy sa pagsasabi ng pahayag na may angking kahulugan sa tradisyonal
nitong kalagayan. _____
5. Akto na may tiyak na puwersa tulad ng pag-uutos, pagbabala, pagpapabatid at iba pa.
_____
6. Hango ito sa pag-aaral ukol sa pagkakaiba-iba ng mga wika na makikita sa tono o punto
sa pagsasalita, intonasyon at kahulugan ng mga salita. _____
7. Nagpasimula ng teoryang Ethnography of Communication. _____
8. Kakayahan ng isang katutubong tagapagsalita na magamit ang wika sa isang totoong
sitwasyong pandiskurso. _____
9. Kakayahan ng isang ideyal na tagapagsalita o tagapakinig upang makalikha ng
pangungusap na angkop at wasto ang gramatika. _____
10. Maituturing na sangay ng lingguwistika na nakatuon ang pag-aaral kung paanong
lumilikha at nauunawaan ang pahayag sa isang kongkretong sitwasyon ng pag-uusap.
_____

Gawain 3 Pag-unawa sa Paksa:

Sagutin ang sumusunod na mga tanong o kahingian upang matiyak ang


kaalaman sa Kabanata 3. Sagot na lamang ang isulat.

1. Paano malilinang ang ideya sa isang diskurso?


2. Gaano kahalaga sa paggamit ng retorika ang mga uri ng diskurso?
3. Ilahad ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga sumusunod:
o Edukasyon sa Panahon ng Kastila at Amerikano
o Pananahan sa Urban at Rural

Gawain 4 Pagsukat sa Kaalaman:

Ibigay ang hinihinging ideya sa bawat bilang. Sagot na lamang ang isulat.

1. Uri ng diskurso na ang layunin ay maipakita sa imahinasyon at isip ng mambabasa o


tagapakinig ang anyo, katangian, kalagayan ng tao, bagay, hayop at pangyayari. _____
2. Ibinibigay ng paglalarawang ito ang karaniwang anyo ng inilalarawan ayon sa nakikita o
nasaksihan ng nakararami. _____
3. Paglalarawan na binibigyang kulay ang inilalarawan upang higit na maging kaaya-aya
ang paglalarawan. _____
4. Isang paraan ng pagpapahayag upang pag-ugnayin ang mga mahahalagang pangyayaring
naganap tulad ng mga karanasang di malilimutan, kuwento o kasaysayan ng mga
mahahalagang tao. _____
5. Diskurso na naglalayon na magbigay kaalaman, magpaliwanag at timbangin ang mga
kasipan at impormasyon batay sa mga kaisipang nakapaloob. _____
6. Ang palasing ito ay ginagamit sa argumento na inaatake o hinahamak ang personalidad
ng tao at hindi sa paksa o isyung pinagtatalunan. _____

86 This Self-Learning Module (SLM) is a property of KCC, College Department. Unauthorized reproduction and distribution of this material is strictly prohibited.
MASINING NA PAGPAPAHAYAG FIL 1

7. Ginagamit ang awa sa pangangatwiran upang pagtakpan ang tunay na diskurso ng


argumento. _____
8. Ginagamitan ng kapangyarihan o awtoridad ang isang kaargumentong gumagamit ng
kapangyarihan upang ilihis ang tunay na argumento o isyu. _____
9. Itinuturing na tama ang argumento dahil sa popularidad ng tao, bagay, opinyon o
emosyon ng mga tao. _____
10. Ang palasing ito ay ipinagpapalagay na hindi totoo ang anumang hindi napatutunayan at
totoo ang anumang hindi napasisinungalingan. _____

TALASANGGUNIAN

Abadilla, Alejandro G. (1944). “Tula: Kaisahan ng Kalamnan at Kaanyuan” nasa Kritisismo: Mga
Teorya at Antolohiya para sa Epektibong Pagtuturo ng Panitikan ni Soledad S. Reyes. Lungsod
ng Pasig: Anvil Publishing, Inc.

Abueg, Efren R. et. al. (2010). Mga Agos sa Disyerto: Maiikling Kathang Pilipino: Ikaapat na Edisyon.
Lungsod ng Quezon: C & E Publishing, Inc.

Agapay, Ramon B. (2005). Logic: The Essential of Deductive Reasoning. Lungsod ng Mandaluyong:
National Book Store, Inc.

Almario, Virgilio S. (1996). Poetikang Tagalog: Mga Unang Pagsusuri sa Sining ng Pagtulang Tagalog.
Lungsod ng Quezon: National Commission for Culture in the Arts.

Almario, Virgilio S. (1998). Panitikan ng Pagsampalataya: Isang Paglitis/Pagtistis sa Wika’t Retorika ng


Pananakop nasa http://www.panitikan.com.ph/criticism/panitikanngpagsampalataya.htm

Almario, Virgilio S. (2009). F_l_p_no ng mga F_l_p_no: Mga Problema sa Ispeling, Retorika, at
Pagpapayaman ng Wikang Pambansa. Lungsod ng Pasig: Anvil Publishing, Inc.

Almario, Virgilio S. (2010). Pitong Bundok ng Haraya. Lungsod ng Maynila: UST Publishing House.

Almario, Virgilio S. ed. (2001). UP Diksiyonaryong Filipino. Lungsod ng Pasig: Anvil Publishing, Inc.

Antonio, Lamberto E. (1987). “Napagawi Ako sa Mababang Paaralan” nasa Kamao: Tula ng Protesta:
1970-1986. Alfrredo Navarro Salanga et. al. mga ed. Lungsod ng Maynila: Cultural Center of
the Philippines.

Aristotle. (1926). Aristotle in 23 Volumes. J. H. Freese, trans. Cambridge and London: Harvard
University Press.

Aquino, Benigno III S. (2012). Kayo ang Boss ko sa Daang Matuwid: Mga Piling Talumpati. Romulo P.
Baquiran at Michael M. Coroza, mga ed. Lungsod ng Quezon: Filipinas Institute of Translation,
Inc.

Avena, Lorenza. et. al. (2001). Hiyas ng Lahi (Wika at Panitikan). Lungsod ng Maynila: Vibal
Publishing House, Inc.

87 This Self-Learning Module (SLM) is a property of KCC, College Department. Unauthorized reproduction and distribution of this material is strictly prohibited.
FIL 1 MASINING NA PAGPAPAHAYAG

Balagot, Adriano DC. (2011). Paglalapat ng Teoryang Pragmatiks sa Labindalawang Tulang Akeanon.
Tesis sa Masteral. Lungsod ng Maynila: Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas.

Ballena, Constantino T. (2007). English-Filipino Dictionary of Philosophy. Lungsod ng


Mandaluyong: National Bookstore, Inc.

Belvez, Paz M. (2003). Pamana: Sining ng Pagkukuwento at Pagbigkas ng Tula. Lungsod ng Maynila:
Rex Book Store.

Bigornia, Mike L. (2002). “Gunita” nasa Bestiyaryo. Roberto T. Añonuevo, ed. Lungsod ng Quezon:
Tagak Series, Inc.

Black, Edwin. (1978). Rhetorical Criticism: A Study in Method. Madison: University of Wisconsin
Press.

Borchers, Timothy A. (2006). Rhetorical Theory: An Introduction. Canada: Thomson Wadsworth.

Burke, Kenneth. (1969). A Rhetoric of Motives. Berkeley: University of California Press.

Campbell, Karlyn K. (1996). The Rhetorical Act: Second Edition. United States of America: Wadsworth
Publishing Company.

Carpio, Perla S. et. al. (2012). Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Lungsod ng Malabon:
Jimczyville Publications.

Castillo, Mary Joy A. et. al. (2008). Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Lungsod ng Maynila:
Booklore Publishing Corporation.

Cruz, Corazon L. (1995). Introduction to Logic. Lungsod ng Navotas: National Bookstore, Inc.

Dinglasan, Resurreccion D. (2001). Retorikang Filipino. Lungsod ng Maynila: Rex Bookstore.

Dino, Roan Jessa P. et. al. (2011). Pagsusuring Pampanitikan Gamit ang Dulog Sosyo-Sikolohikal sa
mga Nagwagi ng Unang Gantimpala sa Don Carlos Palanca Memorial Award para sa
Literatura (2001-2010). Undergraduate Tesis. Lungsod ng Maynila: Politeknikong Unibersidad
ng Pilipinas.

Duque, Reynaldo A. (2004). Gabay sa Pagsulat ng Maikling Kuwento. Lungsod ng Maynila: Dandelion
Strategic Marketing.

Evasco, Eugene Y. at Will P. Ortiz. (2008). Palihan: Hikayat sa Panitikan at Malikhaing Pagsulat.
Lungsod ng Quezon: C & E Publishing, Inc.

Garver, Eugene. (1994). Aristotle’s Rhetoric. Chicago: The University of Chicago Press.

Hariman, Robert. (2001). Political Style: The Artistry of Power. Chicago: The University of Chicago
Press.

Isocrates. (1980). Isocrates with an English Translation in Three Volumes, George Norlin, trans.
Cambridge: Harvard University Press.

88 This Self-Learning Module (SLM) is a property of KCC, College Department. Unauthorized reproduction and distribution of this material is strictly prohibited.
MASINING NA PAGPAPAHAYAG FIL 1

Kennedy George A. (1991). Aristotle on Rhetoric: A Theory of Civic Discourse. New York: Oxford
University Press.

Lacaba, Jose F. (2002). “In Memoriam” nasa Kung Baga sa Bigas: Mga Piling Tula. Lungsod ng
Quezon: University of the Philippines Press.

Leff, Michael. (1993). “The Habitation of Rhetoric” in Contemporary Rhetorical Theory: A Reader.
John Louis Lucaites, et al. ed. New York: Guilford Press.

Lumbera, Bienvenido, Virgilio Almario, Nicanor Tiongson. mga ed. (1971). Retorikang Pilipino.
Lungsod ng Quezon: Ateneo de Manila University.

Lumbera, Bienvenido. ed. et. al. (2000). Paano Magbasa ng Panitikang Filipino: Mga Babasahing
Pangkolehiyo. Lungsod ng Quezon: University of the Philippines Press.

Maranan, Edgardo B. (1999). “Against the Dying of the Light: The Filipino Writer and Martial Law” nasa
http://www.oovrag.com/essays/essay 2007b-1.shtml.

Morrow, Paul. (2003). Mga Salitang Siyokoy nasa http://www.mts.net/~p morrow/siyokoy.htm.

Nelson, John S. et. al. (1987). The Rhetoric of Human Sciences: Language and Argument in Scholarship
and Public Affairs. London: University of Wisconsin Press.

Olmsted, Wendy. (2006). Rhetoric: A Historical Introduction. Australia: Blackwell Publishing.

Ong, Bob. (2005). Stainless Longanisa. Lungsod ng Pasay: Visprint, Inc.

Ordoñez, Elmer A. (2007). “Protest Literature” nasa Manila Standard Today. Lungsod ng Maynila.

Ordoñez, Rogelio L. (2007). Pluma at Papel sa Panahon ni Gloria. Lungsod ng Quezon: Prometheus
Publishing Corporation.

Panganiban, Villa J. et. al. (1987). Panitikan ng Pilipinas. Quezon City: Bede’s Publishing House, Inc.

Peña, Romeo P. (2009). Pagbasa sa mga Kontemporanyong Tula na may Sipat at Tanaw sa mga
Salitang Gunita at Alaala. Di-Nailathalang Papel Pananaliksik. Lungsod ng Quezon:
Unibersidad ng Pilipinas-Diliman

Pineda, Ponciano BP. ed. (1982). Matalinghagang mga Pananalita with English Equivalents. Lungsod
ng Maynila: Surian ng Wikang Pambansa.

Porter, James E. (1992). Audience and Rhetoric: An Archeological Composition of the Discourse
Community. United States of America: Prentice-Hall, Inc.

Reyes, Edgardo. (2010). Wika ng Nagkakaisang Bansa. Papel na Binasa sa Forum sa Wika Tungo sa
Pagkakaisang-bansa. Lungsod ng Maynila: Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas.

Reyes, Soledad S. (1992). Kritisismo: Mga Teorya at Antolohiya para sa Epektibong Pagtuturo ng
Panitikan. Lungsod ng Pasig: Anvil Publishing, Inc.

89 This Self-Learning Module (SLM) is a property of KCC, College Department. Unauthorized reproduction and distribution of this material is strictly prohibited.
FIL 1 MASINING NA PAGPAPAHAYAG

Richards, I. A. (1965). The Philosophy of Rhetoric. New York: Oxford.

San Juan Jr. E. (2004). “Mayroong Pag-asa Kung May Gunita” nasa Sapagkat Iniibig Kita at Iba Pang
Tula. Lungsod ng Quezon: University of the Philippines Press.

Santiago, Erlinda M. (2009). Panitikang Filipino: Kasaysayan at Pag-unlad. Lungsod ng Mandaluyong:


National Bookstore, Inc.

Santiago, Lilia Q. (2006). “Pagsulat ng Sanaysay, mga Paraan at Gabay” nasa E-mahinasyon at E-salin:
Mga Malikhaing Pamamaraan sa Pagsusulat at Pagsasalin. Lilia F. Antonio et. al. mga ed.
Lungsod ng Quezon: Sentro ng Wikang Filipino.

Santillan, Renato R. (2006). “Wikang Filipino Ngayon at sa Hinaharap” nasa Ani ng Wika 2006.
Lungsod ng Maynila: Komisyon sa Wikang Filipino.

Scott, Robert L. (1967). On Viewing Rhetoric as Epistemic. Central States Speech Journal.

Sicat, Rogelio R. (1992). “Handog sa Kanyang Ina” nasa Pagsalunga: Piniling Kuwento at Sanaysay.
Lungsod ng Pasig: Anvil Publishing, Inc.

Sprague, Rosamond Kent. ed. (1972). The Older Sophists: A Complete Translations by Several Hands
of the Fragments in Die Fragmente Der Vorsokratiker. South Carolina: University of South
Carolina Press.

Tolentino, Rolando B. at Aristotle J. Atienza. (2007). Ang Dagling Tagalog: 1903-1936. Lungsod ng
Quezon: Ateneo de Manila University Press.

Toulmin, Stephen (2003). The Uses of Argument. Cambridge: Cambridge University Press.

Villafuerte, Patrocinio V. (2012). Pagpapahalaga sa Panitikan: Sining Pantanghalan. Lungsod ng


Malabon: Jimczyville Publications.

Villanueva, Rene O. (2006). “Isang Dakilang Mamamayan ng Republika” nasa


http://www.panitikan.com.ph/genre/drama/5/494.

Villanueva, Rene O. (2006). “Pagsulat ng Dulang-Kagyat” nasa E-mahinasyon at E-salin: Mga


Malikhaing Pamamaraan sa Pagsusulat at Pagsasalin. Lilia F. Antonio et. al. mga ed. Lungsod
ng Quezon: Sentro ng Wikang Filipino.

White, James B. (1984). When Words Lose Their Meaning. Chicago: The University of Chicago Press.

90 This Self-Learning Module (SLM) is a property of KCC, College Department. Unauthorized reproduction and distribution of this material is strictly prohibited.
MASINING NA PAGPAPAHAYAG FIL 1

91 This Self-Learning Module (SLM) is a property of KCC, College Department. Unauthorized reproduction and distribution of this material is strictly prohibited.

You might also like