Professional Documents
Culture Documents
Modyul 4
Modyul 4
YUNIT Yunit 4
PANUTO:
Alalahanin ang mga salita na nabanggit ng isang politiko sa isang talumpati o
PAGGANYAK patalastas, isulat ang 1 o 2 linyang kanyang sinaad at sagutin ang mga tanong sa
pagsusuri at ilahad ang mga sagot ng 3-5 pangungusap. Hindi kailangang banggitin
ang pangalan ng politiko. Gamitin ang template at kailangan na naka-pdf ang
pagpasa.
MGA KATANUNGAN:
1. Ano ang naging reaksiyon mo nang marinig ang tinuran ng kandidatong ito?
PAGSUSURI
Pangatwiranan.
2. Sa mga ginamit na wika, nakuha kaya niya ang saloobin ng kanyang mga
tagapakinig dahil dito?
WIKA AT KULTURA SA MAPAYAPANG LIPUNAN CSSH-ABFIL
WIKA
=
Ayon kay Georemy Laggui ang wika ay isang bahagi ng
pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo,tunog, at mga kaugnay na batas
upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan.Ginagamit ang pamamaraang ito sa
pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sapamamagitan ng pagsasalita at pagsulat.
Isa rin itong likas na makataongpamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan,
damdamin at mga hangarin sapamamagitan ng isang kaparaanang lumilikha ng
tunog; at kabuuan din ito ng mgasagisag sa paraang binibigkas. Sa pamamagitan
nito, nagkakaugnayan,nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga kaanib ng isang
pulutong ng mga tao.
Ayon sa pagpapahayag ni Constantino, isang dalubwika, ang wika ay
maituturing na behikulo ng pagpapahayag ng damdamin, isang insrumento rin sa
pagtatago at pagsisiwalat ng katotohanan.
Ayon kay Whitehead, isang educator at Pilosopong Ingles: Ang Wika ay kabuuan ng
PAGLALAHAD kaisipan ng lipunang lumikha nito; bawat wika ay naglalaman ng kinaugaliang
(Abstraction)
palagay ng lahing lumikha nito. Ito raw ay salamin ng lahi at kanyang katauhan.
Sa paliwanag ni Ngugi Ihiong (1987) isang Aprikanong manunulat: Ang
wika ay kultura. Isa itong konektibong kaban ng karanasan ng mga tao at ng
kasaysayan ng wika. Dahil sa wikang nakatala sa mga aklat pangkasaysayan at
panliteratura, nagkikita ng bayan ang kanyang kultura na natutuhan nitong angkinin
at ipagmalaki.
POLITIKA
=
WIKA AT POLITIKA
=
Sa kabilang dako, nagagamit din ang wika bilang estratehiya ng mga politiko
upang mahikayat ang mga nasasakupan nito na makuha ang kanilang boto sa
halalan. Ginagamit nila ang kanilang pagiging malikhain upang makuha nito ang loob
ng mamamaya sa pamamagitan ng kanilang mga pangako at plataforma.
Subalit kaiba sa hininga, hindi likas na bahagi ng pisikal na buhay natin ang
wika. Isa itong instrumentong hiwalay sa ating katawan, isang konstruksiyong
panlipunan na kinagisnan nating "nariyan" na. Natutunan natin ito sa magulang,
pamilya, paaralan at komunidad, at pagdating sa atin, kargado na ng mga kahulugan
at pagpapahalaga na galing sa ibang tao, ibang lugar, at ibang panahon. Sa
pagtanggap natin sa wika, pumapaloob tayo sa isang lipunan at nakikiisa sa mga
taong naroon. Samakatwid, ang kamalayan natin bilang indibidwal ay karugtong ng
WIKA AT KULTURA SA MAPAYAPANG LIPUNAN CSSH-ABFIL
Ang wikang Filipino (sa anyo nitong Tagalog sa maagang yugto ng ating
kasaysayan) ay naging instrumentong politikal nang sakupin tayo ng dayuhan noong
siglo 16. Ang dumating na mga kolonyalista ay alagad ng dalawang panginoon, ang
Monarkiyang Espanyol at ang Simbahang Katoliko. Nauna nang sinakop ng mga
kolonyalista ang Amerika Latina, at doon ay natuto sila sa naging karanasan nila sa
pagpapasuko ng mga katutubo. Naging madugo ang walang-habas na pagpapasuko
nila roon, kaya't nang dumating sila sa Filipinas, ay handa nilang subukin ang
"mahinahong" pagpapasuko, lalo pa't maliit lamang ang pangkat nila kung
ikukumpara sa mga mamamayang dinatnan nila.
Sa panig ng mga misyonerong kasama ng mga sundalo, ang misyon nila ay ang
pagpapalaganap ng relihiyong Katoliko. May pag-aalangan sa hanay nila kung
paano ibabahagi sa mga katutubo ang doktrina ng Simbahan - ayon sa paniniwala
na naipalaman na ng Simbahan sa Peninsula ang mga banal na aral ng Katolisismo
sa kanilang wika, tila wikang Espanyol ang kailangang gamitin sa pagsasalin ng
relihiyon sa mga bagong binyagan. Subalit iilan lamang ang mga misyonero at
lubhang marami ang mga paganong kailangang agawin sa demonyo sa lalong
madaling panahon. Sa isang pagpupulong ng mga pinuno ng mga orden relihiyoso,
naipasyang sa mga wikang katutubo gagawin ang pagtuturo ng pananampalataya.
Sa kapasyahang iyon, naging instrumentong politikal ang mga wika ng mga
katutubo. Ang bawat orden ay nagtalaga ng mga misyonero na ang tutungkulin ay
ang pag-aaral ng mga wikang katutubo, at dito lumitaw ang mga pangalang ngayon
ay kinikilala bilang mga tagapagpauna sa pag-aaral ng wika ng mga Tagalog --
Francisco Blancas de San Jose, Gaspar de San Agustin, Juan de Plasencia, Pedro
de San Buenaventura, Francisco de San Antonio, Domingo de los Santos, Juan de
Noceda at Pedro de Sanlucar.
WIKA AT KULTURA SA MAPAYAPANG LIPUNAN CSSH-ABFIL
Pagsapit ng 1898, nang ang Filipinas ay sakupin ng mga Amerikano, ang wikang
Tagalog ay humakot sa Rebolusyon ng matinding lakas at ito ay ginamit ng mga
rebolusyonaryong manunulat sa pagsisikap na maitaboy ang mga bagong
kolonyalista. Ang panitikan, ang teatro at ang peryodismo ay nagpamalas ng tapang
at giting na nagpasigla sa paglabang gerilya sa kanayunan. Ang unang dekada ng
siglo 20 ay kinatampukan ng mga nobelistang Inigo Ed. Regalado at Faustino
Aguilar, ng mga makatang Pedro Gatmaitan at Albino Dimayuga, ng mga
mandudulang Aurelio Tolentino, Juan Abad at Juan Matapang Cruz, at ng mga
peryodistang Lope K. Santos at Pascual Poblete.
Sa huling hati ng dekada 60, isang kilusang politikal ang pinasilang ng mga
kondisyong inihanap ng mga kabataang nasa kolehiyo at unibersidad ng kalutasan.
Ayon sa pagsusuri ng bagong kilusan, ang mga kagipitan sa pamumuhay sa bansa
ay bunga ng kontrol ng mga dayuhan sa ekonomiya at ng paghahari ng mga
mayayamang nagmamay-ari ng malalawak na lupain. Mula sa hanay ng mga lider na
naninilbihan sa mga kapitalistang dayuhan at sa mga panginoong maylupa
nanggagaling ang humahawak sa gobyerno, at ang mga ito ay nagpapayaman sa
pamamagitan ng mga opisinang kanilang inuupan. Hindi sa mga datihan nang
naglilider manggagaling ang pagkilos na maglalapat ng lunas sa sakit ng lipunan.
Ayon sa mga aktibista ng kilusang makabayan, ang babago sa lipunan ay ang
nakararami sa lipunan. May bagong salitang pumasok sa wika, ang salitang "masa,"
na tumutukoy sa nakararaming hindi isinasali sa paghawak ng kapangyarihan. Ang
"masang" iyan na isinisentro ng kilusan ang panggagalingan ng panibagong lakas ng
wikang Tagalog bilang instrumentong politikal.
inangkin ng kabataan
ANG IBIG KONG SABIHIN, ang daang matuwid ay matagal nang nakapalaman
sa ating wika. Isa itong katutubong hálagáhan (value) para sa marangal na búhay ng
ating mga ninuno, isang dakilang pamantayang nararapat sundin saanman at
kailanman tungo sa wastong pakikipagkapuwa-tao, isang banal na tuntuning
kailangang tupdin upang hindi “maligaw ng landas.” Isang napakahirap itong
tungkulin, kayâ itinatanim na noon sa kalooban ng kabataan ang mga salawikaing
tulad ng sumusunod:
Isang daang masikip Iyang daang matuwid at tigib sa panganib.
Na siyá ring buod ng kasabihang Sebwano na: “Ang masigpit nga dalan maoy
dalan nga matarong.” Ang mahigpit na daan ay daang matuwid. O marahil, ang higit
na angkop na diwa kung isasalin ay: Ang pinakamahigpit na daan ay ang daang
matuwid.
WIKA NG HALALAN
ni: Raymond V. Palatino
Proseso ng Halalan
Proseso ng Halalan
Pangangampanya
Uri ng boto: vote conversion, single voting, bloc voting, flock voting, solid
votes, nego votes.administration votes, opposition vote, protest vote at
sympathy vote.
Dirty trick
Miting de Avanse
Kandidato
Islogan
Tagline
Pagmamahal ng mga kandidato sa kaniilang pangalan
Pagpapahalaga sa numero
MGA SANGGUNIAN:
Almario, V. S. (n.d.). Winika na natin ang Daang Matuwid. Retrieved November 8, 2020 sa
https://www.coursehero.com/.
https://www.coursehero.com/file/43615995/daang-matuwidpptx/?fbclid=IwAR03Fh7i4sEM44nvEE
Palatino, R.V. (2010). Wika ng Halalan. http://mongpalatino.com/. Date retrieved November 8, 2020.
http://mongpalatino.com/2010/03/wika-ng-halalan/?fbclid
Santos, A. L., et al.( 2012). Ang Akademikong Filipino sa Komunikasyon. Malabon City: Mutya
Publishing House, Inc.
Santos, T.U. (2008). Pulitika ng Wika,wika ng Pulitika. Mula sa The Varsitarian.net Nobyembre 17,
2008.Unibersidad ng Santo Tomas
https://varsitarian.net/filipino/20081117/pulitika_ng_wika_wika_ng_pulitika
Panuto:
PAGLALAPAT
Magbalangkas ng tatlong (3) punto na natutuhan mo bilang isang mag-aaral
tungkol sa wika ng politika. Ipaliwanag at iugnay batay sa mga sulating nabasa
WIKA AT KULTURA SA MAPAYAPANG LIPUNAN CSSH-ABFIL
(pumili ng isa lamang sa mga sulatin) nang hindi lalagpas ng 5 pangungusap. Ipasa
ang gawain na naka-pdf (30 puntos)
Panuto:
Gumawa ng isang tulang may malayang taludturan na pumapatungkol sa
sitwasyong politikal ng lipunan sa kasalukuyan. Limitahan lamang sa isang pahina
ang gagawing tula at naka-pdf. Gawing batayan ang rubriks sa paggawa.
PAGTATAYA
Inihanda ni: