You are on page 1of 3

Efren Jr.

Pastores
11-Curie
Kakayahang Pragmatik:
Pagtukoy sa kahulugan ng sitwasyong sinasabi, di-sinasabi, at ikinikilos
ng taong kausap
Pragmatika
 Ang pragmatiks o pragmatika ay isang bahaging larangan ng linggwistika na nag-aaral ng
mga paraan kung paano nakapag-aambag ang konteksto sa pagbibigay ng kahulugan sa
wika o salita. Isa itong sangay ng semiotika o semantika, ito ay ang pag-aaral mismo ng
kahulugan ng wika. Ang semantika ang tumatalakay sa ugnayan ng mga pinapakitang
senyales o paraan ng pagpapahayag, at pati ng mga taong gumagamit nito.

 Kung ang isang tao ay may kakayahang pragmatik natutukoy nito ang kahulugan ng
mensaheng sinabi at di sinasabi, batay sa ikinikilos ng taong kausap. Natutukoy din nito
ang kaugnay ng mga salita sa kanilang kahulugan, batay sa paggamit at sa konteksto.
 Ang pragmatiks ay ang pag-aaral kung papaano iniimpluwensyahan ng konteksto ang
paraan ng paghahatid ng impormasyon ng mga sentens o pangungusap. Samakatawid, ito
ay pag-aaral ng aktwal na pagsasalita.
 Sa pakikipagtalastan, mahalagang maunawaan ang intensyon ng nagsasalita dahil
mahuhulaan ang mensahe nito nang tagapakinig. Mahalaga ang kakayahang pragmatiko
bilang daan sa pagiging epektibo nang pakikipagtalastasan, sapagkat nililinaw nito ang
relasyon sa pagitan ng intensyon ng nagsasalita o nagpapahatid ng mensahe at ang
kahulugan nito.
 Hindi lamang kaalaman sa bokabularyo at sa pagbuo ng mga pangungusap batay sa
itinatakda ng gramatika ang mahalaga para sa isang mag-aaral ng wika. Mahalaga ring
matutunan ang kasanayang sa pagtukoy sa mga pakiusap, magalang na pagtugon sa mga
papuri o paumanhin, pagkilala sa mga biro, at pagpapadaloy ng mga usapan.
Sumakatuwid, kailangang matukoy ng isang tao ang maraming kahulugan na maaaring
dalhin ng isang pahayag batay sa iba’t ibang sitwasyon.
 Ang ganitong kakayahang komunikatibo ang nais nating itampok sa araling ito sa
pamamagitan ng pag-unawa sa kakayahang pragmatiko. Ang kakayahang pragmatiko ay
mabisang nagagamit ang yaman ng wika upang makapagpahayag ng mga intensyon at
kahulugang naaayon sa konteksto ng usapan at gayundin, natutukoy ang ipinahihiwatig
ng sinasabi, di–sinasabi at ikinikilos ng kausap.
 Kadikit ng paglinang sa kakayahang pragmatiko ang konsepto ng speech act. Ito ay ang
paggawa ng mga bagay gamit ang salita. Halimbawa nito ay pakikiusap, pagtanggi,
pagpapaumanhin, pangangako at iba pa. May tatlong sangkap ang speech act.
1.) Illocutionary Force – sadya o intensyonal na papel
2.) Locution – anyong linggwistiko
3.) Perlocution – epekto sa tagapakinig
Mga Halimbawa ng Pragmatika
1. Illocutionary Force – pakiusap, utos, pangako
2. Locution – patanong at pasalaysay
3. Perlocution – pagtugon sa hiling, pagbibigay atensyon
Speech Act Theory at mga sangkap

Isang Teorya ng Wika

Ang speech act theory ay isang teoryang batay sa aklat na How to Do Things with Words ni J.L.
Austin (1975). Pinapaniwalaan sa teoryang ito na ang yunit ng komunikasyong linggwistik ay
hindi ang simbulo, salita o ang pangungusap mismo, kundi ang produksyon o paglikha ng mga
simbulo, salita o pangungusap sa pagganap ng kanilang tinatawag na speech acts.

Tatlong komponent ang bumubuo sa mga aktong linggwistik sa teoryang ito. Ang mga ito ay
lukyusyonari, ilokyusyonari, at perlokyusyonari.

Ang lukyusyonari ay ang akto ng pagsasabi ng isang bagay. Ito’y naipapakita sa pagtatanong at
pagsagot sa mga tanong, pagbigay ng mga impormasyon, pagbigay ng kahulugan, paglalarawan
at iba pa. Ito ang akto ng paggamit ng referring expression (pariralang pangngalan)
at predicating expression (pariralang pandiwa) upang magpahayag ng proposisyon.

Pagganap sa akto ng pagsasabi ng isang bagay sumesentro ang ilokyusyonari. Mahihinuhang sa


pag-unawa sa aktong ito, mapagtatagumpayan ang pagkamit ng komunikatib kompitens na
tinatawag din na pragmatik kompitens na nag-iinbolb sa abilidad ng isang ispiker upang piliin
ang agkop na barayti ng wika para sa isang tiyak na sitwasyong sosyal.

Ang panghuling komponent ay ang aktong perlokyusyonari o ang pagsasabi sa isang bagay na
kadalasang nagdudulot ng mga konsikwens sa damdamin at isipan ng tagapakinig. Ito’y maaring
maganap sa anyo ng panghihikayat, panghahamon, pananakot at iba pa. Halimbawa, kung ang
isang tao na nakasakay sa eroplano ay sisigaw ng “may bomba”, tiyak na magkakagulo ang mga
nakasakay sa nasabing sasakyan.

Samakatwid, ang una ay may kahulugan, ang ikalawa’y may pwersa, at ang ikatlo’y may
konsikwens.

You might also like