You are on page 1of 1

KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO NG MGA PILIPINOKAKAYAHANG PRAGMATIK

Isa pang kakayahang dapat taglayin ng isang indibidwal para sa mabisangkomunikasyon ay ang
kakayahang pragmatiko. Tumutukoy ang kakayahang ito saabilidad niyang ipabatid ang kanyang
mensahe nang may sensibilidad sa kontekstongsosyo-kultural at gayon din sa abilidad niyang
mabigyang-kahulugan ang mgamensaheng nagmumula sa iba pang kasangot sa komunikatibong
sitwasyon (Fraser,2010). Mahihinuhang kaakibat ng pagkatuto sa pragmatika ang pag-aaral ng
kahulugangibinabahagi ng pinagmulan ng mensahe, ng kahulugang batay sa konteksto ng
mensahe,ng mas epektibong pagpapabatid liban sa paggamit ng mga salita at ng nosyon ng agwato
distansya (Yule, 1996 & 2003). Inaasahan, kung gayon, na ang isang indibidwal na
maykakayahang pragmatiko ay mabisang naihahayag ang kanyang mga mensahe
sapinakamainam na paraan, hindi lamang sa paggamit ng salita kundi ng iba pangestratehiya.
Liban dito, inaasahan din sa kanya ang kakayahang unawain ang kanyangmga kausap batay sa
kanilang mga sinasabi, o di-sinasabi na may lubos napagsasaalang-alang sa konteksto ng
komunikasyon.Speech Act TheoryHindi lamang nakatuon sa kontekstong gramatikal ang
pragmatika, kundi sa mgamas malalalim at tagong kahulugan ng mga salita at mga pagganp sa
sitwasyongkomunikatibo, maiuugnay kung gayon dito ang teorya ng speech act. Ang
naturangkonsepto ay pinasimulan ng pilosopong si John Austin (1962) at ipinagpatuloy nina
Searle(1969) at Grice (1975). Pinaniniwalaan ng teoryang ito na nagagamit ang wika sapagganap
sa mga kilos at kung paanong ang kahulugan at kilos ay maiuugnay sa wika(Clark, 2007). Sa
pagpapaliwanag ni Yule (1996 & 2003) ang mga speech act na ito aymga kilos na ginanap sa
pamamagitan ng mga pagpapahayag. Kabilang sa mga ito angpaghingi ng paumanhin,
pagrereklamo, papuri, paanyaya, pangako o pakiusap.Halimbawa, sa pahayag ng isang amo sa
kanyang empleyado naMagpaalam nana sa iyong mga kasama, higit pa ito sa isang
linggwistikong pahayag. Maliban sagramatikal na kahulugan nito, maaaring pamamaraan ito ng
pagsasabing tinatanggal naang nasabing empleyado sa trabaho. Isa itong halimbawa ng tinatawag
na speech act.Samantala, tinawag ni Auston (sa Clark, 2007) ang berbal na komunikasyon
bilangspeech act at tinukoy niyang sa bawat speech act, may tatlong magkakaibang akto
nanagaganap nang sabay-sabay. Ang mga ito ay tinatawag niyanglocutionary,perlocutionary at
illocutionary act. Sa pagpapaliwanag ni Yule (1996) sa kanyang aklatna Pragmatics, inilahad
niya na:1. Ang locutionary act ay ang batayang akto ng pahayag o ang paggawa ng
isangmakabuluhan na linggwistikong pahayag.2.Ang illocutionary act ay tumutukoy sa intension
at gamit ng pahayag. Ang paggawang mga linggwistikong pahayag ay hindi lamang ginawa nang
walang dahilan. Maynasasaisip na tiyak na paggagamitan sa mga ito.

You might also like