You are on page 1of 67

Speech Acts Theory

Ang wika ay ginagamit sa pagpapahayag ng lipunang pagkilos. (Plato, 1875)


Austin (1962), Searle (1969), Wittgenstein
(1953/1957)
Ang gampanin ng wika ay upang gumanap ng speech acts o actions,
tulad ng paglalarawan o pag-uulat ng lagay ng panahon, paghingi ng isang letter
of recommendation mula sa isang dalubguro, paghingi ng paumanhin dahil sa
pagkaantala sa pagdating, o pagrereklamo sa isang amo dahil sa hindi
makatarungan palisi sa pinagtatrabahuhan.

X (Logical Positivism, 1930: Ang pangunahing gampanin ng wika ay ang


paglalarawan ng mga tama at maling pangungusap.) X
1950

Nagkaroon ng buhay ang pilosopikal na pag-iisip ng speech act theory sa


tulong ng seminar na gawa sa speech acts nina J.L. Austin at John Searle.

(J.L. Austin at John Searle: dalawang pilosopo sa wika na interesado sa


kahulugan, gamit, at aksyon.)
Speech Acts

Kumakatawan sa susing konsepto sa larangan ng pragmatics na maaaring


mabigyan ng pangkaraniwang kahulugan bilang paggamit ng wika sa kontekstwal
na kaparaanan, na isinasaalang-alang ang berbal at di-berbal na kontribusyon ng
nagsasalita at ng kanyang kausap sa kanilang pakikipagnegosasyon sa isa’t isa
sa paglikha ng kahulugan sa kanilang interaksyon.
Ayon sa Indiana University Bloomington, kahit na ang speech act theory ay
hindi nakadisenyo upang suriin ang lawak ng pag-uusap sa panlipunang
interaksyon, ito naman ay nakapagbibigay ng pundasyon para sa pagsusuri
ng panlipunang aksyon.
Three-way taxonomy ng Speech Acts
● LOCUTIONARY ACT- akto ng pagsasabi ng isang makahulugang bagay

- isang pangungusap sa literal nitong kaanyuan

● ILLOCUTIONARY ACT- pagsasabi ng isang bagay na may kumbensyunal na


lakas o pwersa tulad ng pagbibigay ng impormasyon, pag-uutos, pagbibigay
ng babala, pagrereklamo, paghihiling, o pagtatanggi
● PERLOCUTIONARY ACT- pagtungkol sa kung ano ang napapala o natatamo
sa pagsasalita o sa pagsasabi ng isang bagay tulad ng pangungumbinsi,
pagpapahinod, pagpapaudlot, panunurpresa, o panlilinlang
Ang pangunahing interes ni Austin ay sa pagbigkas na ginagamit upang
makapagsagawa ng mga kilos sa mga pananalita.

“Idinedeklara ko na kayong mag-asawa.”


...para magkaroon ng katuparan ang pahayag, dapat ay maisagawa ito sa
ilalim ng angkop na mga kundisyon:

1. Kumbensyunal na paraan at epekto (conventional procedure and effect)


2. Angkop na kalagayan (appropriate circumstance)
3. Tama at kumpletong pagsasagawa ng paraan ng lahat ng mga tao
(correct and complete execution of the procedure)
4. Tiyak na pag-iisip at damdamin ukol sa pagsasakatuparan ng kilos sa
pagitan ng mga taong kasangkot (certain thoughts and feelings about the
realization of the act)
Ang nosyon ng aksyong perpormatib (performative action) ay pundamental sa
pag-aanalisa ng pormal at impormal na interaksyong institusyunal dahil
itinuturing nito na ang tagapagsalita at tagapakinig ay kapwa bumubuo ng
pagkilos sa tiyak o tukoy na kontekstong sosyo-kultural (co-constructing joint
actions in specific sociocultural contexts).
Ang klasipikasyon ni Searle (1976)

“Ang speech acts ay nakabatay sa tinatawag na


ilocutionary point, psychological state at ang direction
of fit.”
Uri ng Ilocutionary Act

• Representatives – paghinuha, pag-amin


• Directives – paghiling, pagmumungkahi, pagimbita
• Commissives – pangangako, paghiling, pag-aalok
• Expressives – pagrereklamo, paghingi ng tawad
• Declarations – pagbabawtismo, pagdedeklara ng giyera
Discourse Analysis at Pragmatics

• Discourse Analysis- binubuo ng malawak na sakop ng mga


ilan pang disiplina sa ilalim nito tulad ng pragmatics,
conversational analysis, speech act theory, at ethnography of
speaking.
• Pragmatics- kailangang kailangang batis (source) para sa
discourse analysis. Imposibleng masuri ang isang diskurso
nang walang matibay na basikong kaalaman ukol sa
phenomena ng pragmatics at sa mga paraan kung paano ito
kumikilos at nagsasagawa ng interaksyon. (Bekhal Abbubakir)
Discourse Analysis at Pragmatics

• Pagaaral ng kahulugan kaugnay ng konteksto na kung saan


ang isang tao ay nagsasalita o nagsusulat. Kasama rito ang
sosyal, sitwasyunal, at tekstwal na knowledge context; ito ay
patungkol sa kung ano ang alam ng mga tao a isa’t isa at sa
mundo
• Sa pragmatics, pinaniniwalaang kapag ang mga tao ay
makikipagusap sa isa’t isa, sila ay karaniwang sumusunod sa
prinsipyo ng pakikipagtulungan(co-operative principle)
Speech Act Theory – dinebelop nina John Austin at
John Stearle ay patungkol sa basikong paniniwala na
ang wika ay ginagamit upang makapagsagawa ng
aksyon.
Tatlong klase ng kilos na naisasagawa ng sabay
sabay (Austin):
• Locutionary Act: ang pagbigkas ng isang pangungusap
kalakip ang tinatawag niyang determinate sense at reference.
• Ilocutionary act: ang paglikha ng pangungusap, pagalok,
pangangako atbp. sa pagbigkas ng pangungusap sa ngalan ng
kumbensyunal na pwersang nakapaloob ditto.
• Perlocutionary act: ang pagdadala ng epekto sa tagapakinig
sa pamamagitan ng pagsasab ng isang pangungusap kung
saan ang epekto ay espesyal sa sirkumstansya ng pagbigkas.
Dalawang Uri ng Speech Acts
• Direct
• Indirect
Isang panuntunan na tinatawag na
Cooperative Principle ay iminungkahi ng
pilosopong si Paul Grice na kung saan ang
mga taong sangkot sa komunikasyon ay
iniisip na ang magkabilang panig ay
normal na hahangaring makipagtulungan
sa bawat isa upang masumpungan ang
pinagkaunduang kahulugan.
Ito ay binubuo ng apat na maxim:
1. ang kwaliti
2. kwantiti
3. relasyon at
4. pamamaraan
(quality, quantity, relation, at
manner).
Isa sa mga baskikong konsepto sa
Pragmatiks ni Grice (Gricean
Pragmatics) ay ang kahulugang nais
iparating ng tagapagsalita.
• natural na pagpapakahulugan
(natural meaning) ay ligtas sa
anumang intensyon,
• di natural na
pagpapakahulugan (non-natual
meaning), ay isang banda, ay
may iba pang
pagpapakahulugan o
intensyong pangkomunikatibo.
Ayon kay Grice ang uri ng mga
kahulugan (types of meaning/
what is meant) ay nahahati sa
kung ano ang sinabi at kung ano
ang implikasyon nito.
ito ay maari pang hatiin sa kumbensyunal
at kumbersesyunal (conventional at
conversational) na kahulugan. Ito ay mga
uri ng inperens (inference) na maghahango
mula sa isang pananalita upang mapaghulo
ang “kahulugan” sa “ sinabi”. Ito ay may
kaugnayan sa tinatawag ni Grice na
Cooperative Principle at sa apat na maxim
nito.
Ang kumbersasyunal na
implikasyon (conversational
implicature), para kay Grice, ang
pag iinterpret ng pananalita ay
hindi usapin ukol sa pagdedekowd
ng mensahe bagkus, ito ay
kinapapalooban ng:
1.) pagkuha sa kahulugan ng
mga pangungusap kasama
ang mga kontekstwal na
impormasyon
2.) paggamit ng mga
alituntunin sa inperens
3.) pagtalunton sa ibig
ipakahulugan ng tagapagsalita o
ispiker sa palagay na ang
pananalita ay sumasang-ayon sa
mga maxim.
Ayon pa kay Grice ang conversational
implucatures ay maaaring maganap
sa dalawang sitwasyon, ang istrikto at
direktang pagsunod (observance), at/
o hayagan o sadyang pagbalewala
(non-observance) ng mga maxim.
“Nasaan ang mga susi ng kotse?”, at
sumagot ang misis na: “Nasa ibabaw mg
mesa sa kusina” ang misis at malinaw na
sumagot (pamamaraan o manner) nang
totoo (kwaliti or quality), at
nakapagbibigay ng sapat na
impormasyon (kwantiti o quantity) at
direktang tumugon sa layunin ng asawa
sa pagtatanong (relasyon o relation).
Sinabi niya ang ibig niyang sabihin,
walang labis, walang kulang.
Sa dalwang sumusunod na
halimbawa, matutunghayan ang
pagbabalewala o pagsalungat sa
mga maxim. Siya ay isang ahas, ito
ay literal na hindi totoo, ito ay
salungat sa maxim ng kwaliti dahil
wala namang tao na ahas.
May balahibong pusa si
Rica
Ethnography of Reading
(Hymes, 1962)
at ang
Ethnography of Communication
(Hymes, 1964)
Ang Pundasyon ng Komunikasyong
Etnograpik
• Si Dell Hymes ay higit na kilala sa kaniyang papel
bilang tagapagtatag ng Ethnography of
Communication ayon sa ginawang pagsusuri nina
Barbara Johnstone at William Marcelino (2010)

• Noong una ang terminong ginamit dito ni Hymes ay


Ethnography of Speaking, na nang lumaon ay
tinawag ng Ethnography of Communication
• Nilayon ni Hymes na
kumawala sa
pagtuturing sa
pananalita bilang isang
abstrak na modelo at
pumalaot sa pag
iimbestiga sa sari-saring
uri ng pananalita na
matutunghayan sa
tinatawag na
Ethnographic Fieldwork
Para kay Hymes, ang katalagahan ng pag-
aaral ng wika ay ang pagbibigay ng tuon sa
paglalarawan at pagsusuri sa:
- abilidad o kakayanan ng isang taal na tagapagsalita
(native speaker)
- na gamitin ang wika sa komunikasyon sa tunay na
sitwasyon (communicative competence)
- sa halip na limitahan ang naturang pag-aaral sa
paglalarawan ng potensyal na kakayahan ng isang
huwarang (ideal) tagapagsalita o tagapakinig upang
makalikha ng mga pangungusap na may tamang
paggamit ng balarila o gramar (linguistic competence).
- ang mga tagapagsalita ng wika sa isang
partikular na pamayanan ay nagagawang
makipag-usap sa bawat isa sa paraan na hindi
lamang tama manapa'y akma sa kontekstong
sosyokultural
- ang kakayahang ito ay kinapapalooban ng
pinagsaluhang kaalaman (shared knowledge) ng
linggwisitik kowd kasama rin ang mga
alituntuning sosyokultural, pamantayan, at
pagpapahalaga na gumagabay sa pag-iral at
interpretasyon ng pananalita at iba pang tsanel o
• Ang ethnography of communication ay interesado
sa mga katanungan patungkol sa kung ano ang alam
ng tao ukol sa mga angkop na patern ng paggamit
ng wika sa kanyang pamayanan at kung pano niya
ito natutunan (Farah,1998)
• Ang tuon ng pag-aaral ni Hymes na kanyang
iminumungkahi para sa linggwistika ay ang
pamamaraan ng pagsasalita o ang tinatawag niyang
'ways of speaking' (Hymes, 1989)
• Ang ideya ng wika bilang kalipunan ng pamamaraan
ng pagsasalita ay isang alternatibo sa ideya ng wika
bilang balarila o gramar, isang abstraktong
kalipunan ng mga alituntunin o pamantayan.
SA MADALING SALITA…

Ang Etnograpiya ng Komunikasyon ay


ang pag-aaral ng komunikasyon sa
likod ng sosyal at kultural na mga gawi
at paniniwala
LAYUNIN
imbestigahan ang gamit ng wika sa konteksto ng
sitwasyon upang mapagwari ang pattern na
akma para sa pananalitang gawain

At gamitin bilang balangkas ang isang


pamayanan na ginagalugad ang malaya nitong
gawain sa kabuuan
DALAWANG KOMPONENT
MEANS OF SPEECH SPEECH ECONOMY
• Patungkol sa istilo at • Patungkol sa ugnayan sa
katangiang nakapaloob loob ng speech
sa mismong istilo community kung saan
ginagamit ng mga tao
ang kanilang means of
speech
Sa modelo ni Hymes, ipinupunto niyang hindi
maaaring pag-aralan ang wika nang
magkahiwalay.

Kailangan itong pag-aralan sa mas malawak na


konteksto ng kultural at sosyal na aspeto

HINDI limitado ang wika sa teknikal na kalipunan


ng mga alituntunin sa gramar
6 Basikong Units
Mariah Corinne Pineda
Dianne Rose Salvo
BSN 2-5
Nagmungkahi si
Hymes ng anim
na basikong
yunits ng
komunikasyon
Speech Community
• Ang speech community ay binubuo ng
mga tao na may common signs
Gumperz (1962).
• Ayon naman kay Hymes, ito ay
pangkat o grupo na may sariling
alitutunin kung kailan at paano sila
magsasalita.
Speech Situation

• ito ay nagaganap sa isang speech


community, ito rin ay makikita sa
tuwing ang mga tao ay nag-uusap o
Speech Event
• ito ay may simula at wakas, ito ay
tumutukoy sa mga gawain na
pinamumunuan ng mga gabay at
alitutunin.
Communicative Acts

• inilalarawan ang mga pagkilos na


ginagawa kapag ginagamit ang mga
partikular na salita.
Ways of Speaking
• Ito ay tumutukoy sa mga
istilo ng pananalita na
maaaring gamitin sa
maraming sitwasyon at
kaganapan. Maaari rin
itong magamit upang
mailarawan ang speech
patterns na katangian ng
Communicative
Style
• ito ay tungkol
sa paano ang
pamamaraan
ng pagsalita
ng isang tao.
Ayon kila Johnstone at
Marcellino (2010) sa loob daw
ng speech communities ay
dapat mahanap ng
etnograper ang ‘speech
situations’, speech events’ at
‘speech acts’.
SPEAKING Model
Ayon kina Barbara Johnstone at William Marcelino
(2010), upang gabayan ang mga etno grapher ng
komunikasyon na balangkasan ang kanilang pag-
iimbestiga sa speech acts at events ay iminungkahi ni
Hymes na gamitin ng mnemonic device na SPEAKING
grid bilang heuristic.
Ang walong komponent ng SPEAKING mnemonic ay:
(S) – Setting
Oras, lugar, ang pisikal na aspeto ng sitwasyon tulad ng pagkakaayos mga muwebles.
(P) – Participant
Identidad kasama ang personal na katangian tulad ng edad, kasarian, antas
panlipunan, at kauganayan sa isa’t-isa.
(E) – Ends
Sangkot dito ang layunin ng kaganapan maging ang indibidwal na layon o motibo ng
mga kalahok.
(A) – Acts
Ang sequence o kung paano ang speech acts ay inayos na kapaloob ng speech event
at kung ano ang mga paksa ang tinutugunan.
(K) – Key
Ang tono o paraan kung paano ang isang bagay ay sinabi o sinulat.
(I) – Instrumentalities
Ang mga linguistic code tulad ng wika, dialekto, baryasuon at tsanel, tulad ng pasalita
o pasulat.
(N) – Norm
Ang pamantayan o standard ng mga alituntuning sosyo-kultural ng interaksyon at
interpretasyon.
(G) – Genre
Klase ng pangyayari o kaganapan tulad ng lektyur, tula, sulat.
Narito ang isang halimbawa ng isang pag-aaral na isinagawa sa isang Puerto
Rican Center (PRC) na batay sa modelo ng Mga Himno (Milburn, 1998).
QUIZ
1. Sangkot sa komponent ng speaking model na ito ang
layunin ng kaganapan, maging ang motibo ng kalahok.
2. Ito ay ang pamantayan o standard ng mga alituntuning
sosyokultural ng interaksyon at interpretasyon.
3. Komponent sa speaking model na naglalarawan ng oras,
lugar at pisikal na aspeto ng ng sitwasyon.
4. Ito ay klase ng pangyayari o kaganapan tulad ng lektyur,
tula, o sulat.
5. Ang tono o paraan kung paano ang isang bagay sinabi o
sinulat.

6. Sinong pilosopo ang nagmungkahi ng isang panuntunan na


Cooperative Principle?

7. Magbigay ng isa sa apat na maxim.

8. Ang pagpapakahulugan na ito ay may ibapang


pagpapakahulugan o intensyong pangkomunikatibo.
9. Mas maliit na yunit na salita at inilalarawan ang mga
pagkilos na ginagawa kapag ginagamit ang mga partikular
na salita.

10. Tungkol sa paano ang pamamaraan ng pagsalita ng


isang tao

11. Ito ay tumutukoy sa mga gawain na pinamumunuan ng


mga gabay at alitutunin.
12. Tumutukoy sa mga istilo ng pananalita.

13. Patungkol sa istilo at katangiang nakapaloob sa mismong istilo.


14. Patungkol sa ugnayan sa loob ng speech community kung saan
ginagamit ng mga tao ang kanilang means of speech.
15. Noong una ang terminong ginamit dito ni Hymes ay Ethnography
of Speaking, na nang lumaon ay tinawag ng ?
16. Nilayon ni Hymes na kumawala sa sa pagtuturing sa pananalita
bilangisang abstrak na modelo at pumalaot sa pag iimbestiga sa sari-
saring uri ng pananalita na matutunghayan sa tinatawag na?
17. Isang uri ng Ilocutionary act na ang halimbawa ay
paghiling, paggmumungkahi at pagimbita.

18. Isang uri ng Ilocutionary Act na ang halimbawa ay


pagrereklamo at paghingi ng paumanhin.

19. Ito ay ang pagbigkas ng isang pangungusap kalakip ang


tinatawag niyang determinate sense at reference.

20. Kaninong modelo ang nagpupunto na hindi maaaring


pag-aralan ang wika nang magkahiwalay?
1. Ends
2. Norm
3. Setting
4. Genre
5. Key
6. Paul Grice
7. kwaliti, kwantity, relasyon, pamamaraan
8. Di natural na pagpapakahulugan
9. Communicative Acts

10. Communicative Style

11. Speech Event

12. Ways of Speaking

13. Means of Speech

14. Speech Economy

15. Ethnography of Communication

16. Ethnographic Fieldwork


17. Directives

18. Expressive

19. Locutionary Act

20. Hymes

You might also like