You are on page 1of 16

Pagsusuri ng Pananaw (Discourse Analysis)

IKA 10-11 LINGGO

Sa Ginawang lektur ni Bekhal Abubakir Hussein ukol sa Discourse Analysis


ang Pragmatic sa PHD Course sa CDA University of Sulaimani noong Pebrero 15,2017
na mahahango https:www.slideshare.net/bekhalhussein/da-pragmatics;kanyang
sinabi na ang pragmatics ay isang kailangang batis (source) para sa discourse
analysis. Imposibleng masuri ang isang diskurso nang walang matibay na basikong
kaalaman ukol sa phenomena ng pragmatics at sa mga paraan kung paano kumikilos
at nagsasagaw ng interaksyon. Kanyang binabanggit bilang reperens si Alba-Juez
( 2009:2)

Ang PRAGMATIKS ay pag-aaral ng kahulugan kaugnay ng konteksto na


maaaring sa paraang pasalita o pasulat.

- ito ang relasyon sa pagitan ng wika at ng tao na gumagamit ng wika.

- nagpapakita ng impluwensya ng konteksto sa paraan ng paghahatid ng


impormasyon gamit ang mga pangungusap.

- pag-aaral ng aktwal na pagsasalita sa iba’t ibang konteksto

Ang Discourse analysis ay binubuo ng malawak na sakop ng ilan pag disiplina


sa ilalim ng pragmatics, conversational analysis, speech act theory at ethnography of
speaking. Ayon pa rin kay Hussien, maraming mga manunulat ang nagbigay ng
depinisyon sa pragmatics sa iba’t ibang kaparaanan, ngunit sa mga depinisyong ito ay
lutiang luntian ang mga elemento ng konteksto. Kahulugan na lagpas sa literal na
pagpapakahulugan, speech acts, deixis, understatement implicature, atb ay
itinuturing na mahalagang sangkap ng naturang disiplina.

Ayon kay Paltridge (2006) na binabanggit ni Hussein (2017), ang pragmatics ay


pag-aaral ng kahulugan kaugnay ng konteksto na kung sa anumang konteksto na
kung saan ang isang tao ay nagsasalita o nagsusulat.Kasama rito ang
sosyal,situational at tekswal na konteksto (social, situational at textual context).
Kasama rin dito ang background knowledge context; patungkol ito kong ano ang alam
ng tao sa isa’t isa at sa mundo. Sa pragmatic, pinaniniwalaan na kapag ang tao ay
nakikipagusap sa isa’t isa sila ay karaniwang sumusunod sa prinsipyo ng
pakikipagtulungan na kung saan ay mayroon silang pinaghahatiang pag-unawa kung
paano sila makikipagtulungan sa kanilang komunikasyon (progreso ng
komunikasyon).

Isa ang Gricean Pragmatiks ni Paul Grice sa mga batayang teorya ng


pragmatics para sa kanya, ang bawat mensahe ay mayroong kahulugan para sa
tagapagsalita (Speaker meaning). Para maituring na isang kahulugan ang mensaheng
nabanggit,nararapat na may rason o dahilang iisipin ang tagapakinig, na may
intensyon ang tagapagsalita sa paghahayag ng kahulugang ito (allot ) samakatuwid,
ang pagsusuring pragmatic ay nakatuon sa speaker meaning o kahulugan ng
mensahe ng ayon sa tagapagsalita na nakasalalay sa konteksto kung paano ito
tatanggapin ng tagapakinig ng tagapagsalita.

Ang Speech Act na teorya ay tumutukoy sa kakayahang iparating ang isang


tukoy na mensahe, ang lantad at di lantad nitong kahulugan sa anomang kontekstong
hingil sa kultura,at gayundin ang pagbibigay kahulugan dito ng tagatanggap ng
mensahe sang-ayon na rin sa nais ng tagapaghatid nito. Sinasabing sa How to do
Things with Words, hinikayat ni Austin (1962) na talikdan ang paniniwala patungkol
sa pagturing sa mga katotohanang kondisyon bilang sentral sa pang-unawa sa wika.
Lumikha siya ng teorya ng illocutionary acts na noong ay lumaon ay naging sentral ng
kahingian sa pangkalahatang teorya ng pragmatics. Sa pagsasalita ng isang bagay,
napansin ni Austin na tayo ay gumagawa ng isang bagay. Ayon sa kanya, may tatlong
klase raw ng kilos ang naisasagawa nang sabay- sabay:

1.Locutionary Act: tumutukoy sa pagsabi ng anuman sa karaniwang


pamamaraan na hindi kinakailangan ng aksyon.

2. Illocutionary Act: paglikha ng pangungusap, pag-alok, pangako, atbp. Sa


pagbigkas ng pangungusap sa ngalan ng kumbensyunal na pwersang nakapaloob
dito.

3. Perlocutionary Act: ang pagdadala ng epekto sa nga tagapakinig sa


pammagitan ng pagsa sasabi ng isa nga pangungusap na kung saan ang epekto ay
isang espesyal na pagbigkas.

( Austin,1962:101-02 na binabanggit ni Ana binanggit ni Alba –Juez,2009:9 ayon kau


Hussein 2017)
Ayon sa panukala ni Paul Grice, ang talastasan o usapan ay nakasalalay sa
pinagbabahagian principle of cooperation. Ang mga patakaran sa talastasan
(convesational maxims) ay ginagamit para maging akma ang mga pahayag ng
prinsipyong pagtutulungan (principle of cooperation) ng mga kausap. Ang mga
patakarang ito ay may kinalaman sa dami, uri, pagiging akma sa panahon,at
pamamaraan.

Una, tungkol sa dami (maxim of quantity), kailangang gawing impormatibo at


naaayon sa hinihingi ng pagkakataon ang kontribusyon ng nagsasalita sa usapan.

Ikalawa, tungkol sa uri ng (maxim of quality), magbigay ng impormasyon


tungkol sa isang bagay nang hindi nalalaman kung totoo ,o kung kulang ang patunay.

Ikatlo, tungkol sa pagiging akma ( maxim of relation) ,ipinapalagay ng


nakikinig na makabuluhan sa paksang pinag-uusapan ang sinabi ng nagsasalita.

Panghuli, tungkol sa pamamaraan (maxim o manner), ipinapalagay na


maliwanag at hindi malabo ang sinasabi ng nagsasalita at hindi nito ipagkakait
anumang bagay na mahalaga sa usapan.
Aklat

• Cecilio, L. et al. (2019). Interdisiplinaryong Pagbasa at Pagsulat sa mga


Diskursong

• Pagpapahayag.Plaridel Bulacan:St.Andrew Publishing House ,Inc

Internet

- https:www.scribd.co.presentation Pragmatic-Scribd 19 Oct 2016

- hhtps:www.wtamu.edu

- https:books.google.ph>books

- vidya-mitra discourse analysis.FrederKing,Robert E. “Grice< Maxims.Do the


Right Thing”

Mabisang Hakbang at Uri sa Paghahatid ng Pagpapahayag

IKA 12-13 LINGGO

Ang isang pahayag ay nagtataglay ng kagandahan kapag nagawa nitong


mapukaw at mapanatili ang kawilihan ng mga mambabasa o tagapakinig. Paano ba
ito matatamo?

May dalawang uri ng pagpapahayag na ginagawa ang tao:

1. Pasalita

2. Pasulat

Una

Kailangang magkaroon ng kasanayan sa pagbuo ng pahayag, at ito ay


matatamo sa pamamagitan ng pagbabasa, pagsusulat at pagsasalita.

Ikalawa,

Makatutulong din sa pagkakaroon ng kagandahan sa isang pahayag ang


paggamit ng mga tayutay at matatalinghagang pananalita.
Mga Uri ng Pagpapahayag

Pagsasalaysay

Paglalarawan

Paglalahad

Pangangatwiran

PAGSASALAYSAY - May layuning magkuwento ng magkakaugnay na pangyayari;


makukulay na karanasan sa buhay. Ang pagsasalaysay ay isang uri ng pagpapahayag
na ang hangarin ay mag-ulat ng mga pangyayari sa isang maayos na pagkakahanay.
Ito ay tinutugunan ang mga tanong na sino, saan, kailan, at ano. Ito ang sinasabing
pinakamatandang uri ng pagpapahayag at itinuturing na pinakamasining,
pinakatanyag at tampok na paraan ng pagpapahayag.

2 Karanasan

1. Karanasang Tuwiran o Direct – ang karanasan ay maaaring makuha nang


tuwiran (direct). Tuwiran ito kung galing sa sariling pagkadanas o
pagkasangkot.

2. Karanasang Vaykaryos – kung ang kaalaman ay nakukuha lamang sa iba,


maaaring nabasa sa mga aklat o mga babasahin, narinig sa kung sino,
nabalitaan sa mass media, o naikwento ng kapitbahay.

Uri ng Pasalaysay

a) Pagsasalaysay na totoo– base sa tumpak, tiyak at tunay na mga pangyayari

b) Pagsasalaysay na likhang-isip – kinabibilangan ng mga mito, fabula, parabola,


anekdota, palaisipan, maikling kwento at nobela

c) Pananaw sa Pagsasalaysay- Nagsasaad ng personal na kaugnayan ng


tagapagsalaysay sa paksang kanyang tinatalakay o sa mga pangyayaring
kanyang ikinukwento.

Kasangkapan sa Pagsasalaysay

a. Tema – may kabuluhan sa kinauukulan – nakikinig, bumabasa, o nanonood


b. Tauhan – ang nag-iisip at kumikilos sa kwento kaya nagkakaroon ng mga
pangyayari

c. Aksyon o Pangyayari – ang aksyon ang kalansay na kinakapitan ng iba pang


mahahalagang sangkap para mabuo ang anyong kalamnan

d. Tagpuan – pook at panahon ang ipinakakahulugan ng tagpuan sa salaysay

e. Himig – kung papaano isinasalaysay ang isang pangyayari o ang anumang


materyal para lumabas nang naaayon sa kagustuhang mangyari ng
tagapagsalaysay

PAGLALARA-WAN

Naglalayong makabuo ng imahe o larawan sa isip ng mga mambabasa o


tagapakinig; pagpapahayag ng ating nakikita, naririnig at nadarama

Uri ng Paglalarawan

a) Pangkaraniwang Paglalarawan – nagbibigay lamang ng kabatiran sa


inilalarawan, hindi ito naglalaman ng damdamin at kuro-kuro

b) Konkretong Paglalarawan – ito ay naglalarawan ng literal at ginagamit dito


ang nga pangkaraniwang paglalarawan gaya ng, maganda, maayos, malinis
atbp.

c) Masining na Paglalarawan – ang guni-guni ng bumabasa ay pinagagalaw


upang makita ang isang buhay na buhay na larawan

d) Abstraktong Paglalarawan – naglalarawan na gumagamit ng mga di literal na


paglalarawan inaaniban ito ng mga idyomatikong paglalarawan. Sangkot ang
sariling damdamin ng sumusulat at gumagamit ng mga tayutay sa
ganitong uri ng paglalarawan

Mabisang Paglalarawan

a. Pagpili ng Paksa – Isinasaalang-alang ang malawak na kaalaman o pagkakilala


sa tao o lugar na Ilalarawan; tulad sa ibang uri o anyo ng sulatin, ang paksa
ang laging unang isinasaisip.
b. Pagbuo ng Pangunahing Larawan – ito ang pangkalahatang kabuuan ng isang
tao, hayop, bagay, pook, o pangyayari na nais agad maitanim sa isip ng
mambabasa o tagapakinig.

c. Pagpili ng Sariling Pananaw – pansariling pagtingin ng tagapaglarawan

d. Pagkakaroon ng Kaisahan – bawat detalyeng babanggitin sa paglalarawan


dapat ay tumutulong sa pagbuo o kabuuan ng isang pangunahing bagay o
anupamang inilalarawan.

e. Pagpapayabong sa mga Aspetong Isasama sa Paglalarawan – Hindi lamang


mga nagkakauri-uring katangian ang dapat na isama sa paglalarawan, mas
mainam kung mapalulutang lalo ang kaibahan nito sa lahat ng mga kauri.

PAGLALAHAD

Ang payak na kahulugan ng paglalahad ay pagpapaliwanag. Tungkulin ng


paglalahad na humanap ng kalinawan at humawi sa ulap ng pag-aalinlangan at
kamangmangan.

Ngunit kapag ito ay sa paraang pasulat, mahalagang makita ang mga


sumusunod upang maging epektibo sa bumabasa.

a. Gawing malinaw ang paksa at sikaping malinaw din ang pagkasulat nito.

b. Gumagamit lamang ng mga salita at pangungusap na madaling maunawaan.

c. Sikaping maging maayos ang organisasyon.

d. Panatilihin ang makatawag pansin na simula, ang mayamang bahagi ng


katawan at kapana-panabik na wakas.

e. Basahing muli ang isinulat at iwasto kung kinakailangan.

f. Pumili ng angkop na pamagat at isulat sa gitnang bahagi ng papel

Mahusay na Paglalahad

1. Kalinawan - Hindi mauunawaan ng nakikinig o bumabasa ang anumang


pahayag kung hindi malinaw ang paliwanag. Dapat isaisip na ang kakulangan ng
kalinawan ay maaaring magbunga ng di-pagkakaunawaan.
2. Katiyakan - Ang katiyakan ay matatamo kung malalaman ng nagpaliwanag
ang kanyang layunin sa pagpapaliwanag.

3. Diin - May diin ang isang akda o talumpati ng isang akda kung naaakit ang
nakikinig o bumabasa na ipagpatuloy ang pakikinig o pagbabasa. Ito'y kinakikitaan
ng diwang mahalaga.

4. Kaugnayan- Dapat na magkakaugnay ang diwa ng lahat ng sangkap ng


pangungusap at talata sa loob ng isang akda upang maging mabisa ang
pagpapahayag.

Bahagi ng Paglalahad

1. Simula - Higit na dapat bigyang pansin ang simula sapagkat ito ay


nagpapasya kung ipagpatuloy ng bumabasa ang pagbasa ng isang katha. Dapat na
ito'y makaakit sa kawilihan ng bumabasa. Ang mga paraan sa pagbuo ng simula ay
ang mga sumusunod:

a. Isang katanunganI

b. sang pangungusap na nakakatawag ng pansin

c. Isang pambungad na salaysay

d. Isang salitaan

e. Isang sipi

f. Isang makatas na pangungusap na pinagkalooban ng pinakadiwa ng katha at


nabibigay ng katuwiran sa susunod na pagpapaliwanag

g. Tuwiran o tahasang simulan sa suliraning nais ipaliwanag

3. Katawan o pinakagitna - Sa bahaging ito natitipon ang lahat ng ibig


sabihin ng sumusulat sa paglalahad. Dapat magkaroon ng kaugnayan at kaisahan
ang mga kaisipang ipinahahayag upang hindi malito ang bumabasa.

4. Wakas - Ito ang bahagi ng paglalahad na nag-iiwan ng isang kakintalan sa


isip ng bumabasa. Katulad ng simula, ang wakas ay maaaring isang parirala, isang
pangungusap o isang talata. Maaaring wakasan ang isang akda sa pamamagitan ng
sumusunod:
a. Pagbibigay ng buod ng paksa

b. Pag-iiwan ng isang tanong

c. Paghuhula na maaaring mangyari na may kaugnayan sa paksa

d. Pagsasariwa sa suliraning binanggit sa simula

e. Paggamit ng kasabihan o siping angkop sa akda.

PANGANGAT-WIRAN

May layuning manghikayat at magpapaniwala sa pamamagitan ng


makatwirang mga pananalita. Pagpapahayag na may layuning manghikayat at
magpapaniwala sa pamamagitan ng makatwirang mga pananalita

Dahilan sa Pangangatwi-ran

a. Upang mabigyang-linaw ang isang mahalagang usapin o isyu.

b. Maipagtanggol ang sarili sa mali o masamang propaganda laban sa kanya.

c. Makapagbahagi ng kanyang kaalaman sa ibang tao;

d. Makapagpahayag ng kanyang saloobin

e. Mapanatili ang magandang relasyon sa kanyang kapwa

Nalilinang sa Pangangatwiran

a. Wasto at mabilis na pag-iisip

b. Lohikong paghahanay ng kaisipan

c. Maayos at mabisang pagsasalita

d. Maingat na pagkilala at pagsusuri ng tama at maling katwiran

e. Pagpapahalaga sa kagandahang asal gaya ng pagtitimpi o pagpipigil ng sarili at


pag-unawa sa mga karaniwang inilahad ng iba o pagtanggap sa nararapat na
kapasyahan.

Uri ng Pangangatwiran

1. Pangangatwirang Pabuod (INDUCTIVE REASONING)


- Nagsisimula sa maliit na katotohanan tungo sa isang panlahat na simulain o
paglalahat ang pangangatwirang pabuod. Sinisimulan ito sa partikular na pangyayari,
katotohanan o kalagayan at tinatapos sa isang katotohanang pangkalahatan sapagkat
dinaraanan muna sa iba’t-ibang obserbasyon at paulit-ulit na eksperimentasyon at
pagsusuri bago ang paglalahat kapag narating na ang katotohanan o prinsipyo.

Nahahati ang pangangatwirang ito sa tatlong bahagi.

a. Pangangatwirang gumagamit ng pagtutulad. Inilahad dito ang magkatulad na


katangian, sinusuri ang katangian, at pinalulutang ang katotohanan. Ang
nabubuong paglalahat sa ganitong pangangatwiran ay masasabing
pansamantala lamang at maaaring mapasinungalingan. Maaaring maging
pareho ang pinaghahambing sa isa lamang katangian subalit magkaiba naman
sa ibang katangian.

b. Pangangatwiran sa pamamagitan ng pag-uugnay ng pangyayari sa sanhi .


Nananalunton ito sa paniniwalang may sanhi kung kaya nagaganap ang isang
pangyayari.

c. Pangangatwiran sa pamamagitan ng mga katibayan at pagpapatunay .


Napapalooban ito ng mga katibayan o ebidensyang higit na magpapatunay o
magpapatutuo sa tinutukoy na paksa o kalagayan.

2. Pangangatwirang Pasaklaw (DEDUCTIVE REASONING)

- Humahango ng isang pangyayari sa pamamagitan ng pagkakapit ng


isang simulang panlahat ang pangangatwirang pasaklaw. Ang silohismo na
siyang tawag sa ganitong pangangatwiran ay bumubuo ng isang pangungunang
batayan, isang pangalawang batayan at isang konklusyon. Isang payak na
balangkas ng pangangatwiran ang silohismo.

Organisasyon ng Diskursong Pasulat at Pasalita

IKA-14 LINGGO

Ang salitang diskurso ay mula sa wikang Latin na discursus na


nangangahulugang “running to and from” na maiiugnay sa pagsalita at pagsulat na
komunikasyon. Interaktibong gawain tungo sa mabisang paglalahad ng mga
impormasyon.  

Si Webster (1974) ay may iba’t ibang depinisyon para sa terminong ito. Ayon
sa kanya, ang diskurso ay tumutukoy sa berbal na komunikasyon tulad ng
kumbersasyon.

Maaari rin itong isang pormal at sistematikong eksaminasyon ng isang paksa,


pasalita man o pasulat, tulad halimbawa ng disertasyon. Samakatwid, masasabing
ang diskurso ay isang anyo ng pagpapahayag ng ideya hinggil sa isang paksa.

Sa Webster’s New World Dictionary (1995), ito ay isang pormal na pagtalakay


sa isang paksa, pasulat man o pasalita.

Maraming pagkakaiba ang diskursong pasalita at pasulat. May kani-kaniyang


kalikasan at pangangailangan (requirements) ang bawat isa.

Anoman ang anyo ng diskurso, mahalagang taglayin ng mga partisipant nito


ang komunikatib kompitens at ang linggwistik kompitens.

Diskursong Pasulat at Pasalita

Pasulat na Diskurso Pasalitang Diskurso

Indibidwal ang konteksto sa pagtanaw sa Panlipunan ang pagtanaw sa preperensya


mambabasa ng tagapakinig

Isinaalang-alang ang audience Binigyang-pansin ang kalagayang sosyal

Gumagamit ng mga grapema Gumagamit ng mga ponema

Kinakailangan ang mahusay na Maaaring gumamit ng mga impormal na


paglalahad ng kaisipan at pormal na salita
salita

May tiyak na estrukturang dapat sundin Maaaring ulitin o baguhin at linawin ang
nabitiwang salita
Karaniwan na ang teksto ay Kadalasan biglaan ang pagpapahayag ng
napaghahandaan impormasyon

Natutuhan sa paaralan at kailangan ng Ang pagsasalin ng inner speech ay isang


pormal na pagtuturo at pagkatuto madaling proseso

Mga Paraan upang Mapananatili ng Manunulat ang Interes ng Kaniyang


Mambabasa.

 Pumupukaw ng interes ang pambungad na pahayag.

 Paggamit ng mga istatistika o impormasyon mula sa isang mapagkukunan.

 Pagbibigay ng tanong na na pupukaw sa interes ng mambabasa,

 Paggamit ng isang quote o kasabihan sa iyong paksa. Maaari mong gamitin ang
isang quote mula sa isang sikat na tao o isang quote na makuha mo mula sa
isang mapagkukunan interbiyu mo.

 Paggamit ng karanasan sa tunay na buhay ay isang mabuting paraan upang


makuha ang pansin.

Paraan sa Pagbibigay-tuon sa mga Pangungusap

 Ang paksa at panaguri ang unang binibigyan ng tuon sa pangungusap. Ang


paksa at panaguri ay parehong may iba’t ibang uri.

 Sa pagbuo ng talata ay kinakailangan na magkakaugnay ang pangungusap


tungkol sa pangunahing kaisipan o paksa ng talata.

 Sa pinagsasama-samang talata ay makabubuo naman ng tinatawag na


komposisyon. Tandaan, ang talata ay nagtataglay lamang ng isang paksang
pangungusap na maaaring makita sa iba’t ibang bahagi ng talata.

Ang komposisyon ay dapat na;

 may isang paksang diwa

 may kaisahan ng diwa.


 may wastong paglilipat-diwa - ang wastong paglilipat diwa ay gingamitan ng
pagdaragdag, pagsalungat at paghahambing.

Diskursong Personal

IKA-14-15 NA LINGGO

Diskursong Personal-Naglalaman o nagsasalaysay ng mga pansariling


karanasan bilang produkto ng obserbasyon at lohikal na pananaw o pag-iisip ng may-
akda sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Mga Halimbawa ng Diskursong Personal

1.Talaaraawan-talaan ng mga pang-araw-araw na karanasan, pananaw, lihim


at itinuturing na matalik na kaibigan ng may-akda. Ito rin ang saksi at daan ng may-
akda upang mabalikan ang mga mahahalagang pangyayari sa nakaraan.

2.Diyornal-Tala ng mga personal na kaisipan na inaasahan o hindi inaasahan


mula sa mga bagay na kalimitang ginagawa sa araw-araw.

Halimbawa. Pananalik, proyekto, imbakan ng kaalaman.

3.Awtograpiya-Naglalaman ng mga purong personal na kaalaman o


impormasyon ukol sa taong sumusulat. Pawang katotohanan lamang ang nararapat
na nilalaman ng diskursong personal na ito.

Mga tanong na nararapat masagot sa pagsulat ng awtograpiya

•Sino ka?

•Ano ang kahulugan ng buhay

•Paano mo makikita ang inyong buhay sa hinaharap

•Kongklusyon

4.Repleksiyon-Naglalaman ng mga bagay o kasaysayan ng mga butil ng pag-


unlad ng simusulat.

Mga Katangian ng Repleksiyon

1.Sarili ang pangunahing mapagkukunan ng impormasyon


2.Nagpapakita nang malinaw na ugnayan ng konteksto ng sinulat sa personal na
buhay

3.Nararapat na nakatala ang lahat ng batis o sangguniang nilahukan ng may-akda sa


pagsulat

4.Pumili ng akmang panauhan o punto vista sa pagsulat ng repleksiyon

Mga Dapat Isaalang-alang upang maging Makabuluhan ang Sinusulat na Diskurso

1.Layuning Intrapersonal-Malinaw na kabatiran sa wikang gagamitin at epektibong


maipahayag ang sariling saloobin o damdamin.

2.Layuning Interpersonal-tumatalakay sa mga dapat isaalang-alang ukol sa mga


salik sa pakikipag-ugnayang sosyal tulad ng pagbati, pagpuri at pakikisalamuha.

3.Layuning Direktib-Tumatalakay sa layunin ng may-akda sa nais na kalalabasan ng


diskurso sa pamamagitan ng pagbibigay ng utos o pagtanggi.

4. Layuning Reperensiyal-Tumatalakay sa sistematiko at lohikal na proseso ng


paghihinuha sa purong kaisipan bilang tulay sa lehitimong kaunawaan sa
pagpapalitang diwa sa diskurso.

5. Layuning Malikhain-Tumatalakay sa paggamit o paglinang ng imahinasyon at


abstraktong pag-iisip sa isang partikular na paksa.

Mga Simulain sa Diskursong Paglalahad

1. Kaisahan (Unity) -Pagkakaroon ng limitasyon sa impormasyon o detalyeng


ihahanay sa pagsulat.

2. Pagkakaugnay-ugnay (Coherence)- Tumatalakay sa ugnayan ng mga salita at


diwa sa bawat bahagi ng diskursong sinusulat.

3.Diin (Emphasis)- Tumatalakay sa pagbibigay diin o pokus sa kaisipan o konseptong


nais iparating sa mga mambabasa.

Mga Dapat Taglayin ng Mabuting Paglalahad

1.Kawili-wili

2.Masidhi
3.Kaakit-akit

4.May buhay at may kagandahan

Mga Katangian ng Diskursong Paglalarawan

1.Pagpili ng paksa

2.Pagpili ng pananaw

3.Pagbuo ng pangunahing larawan

4.Pagpili ng mga sangkap

5.Pagsasaayos ng mga sangkap

Mga Katangian ng Mabuting Salaysay

1.May kaakit-akit na pamagat

2.May makabuluhan at mahalagang paksa

3.Nakagaganyak at kawili-wili ang simula

4.Wastong pagkasunod-sunod

5.May kaangkupan ang mga pananalita

6.Makabuluhang pagkakaayos o pagkakabuo

7.May mga kapana-panabik at kasukdulang tagpo

8.May kawili-wili at magandang wakas

You might also like