You are on page 1of 1

Jenifer Maureen T.

Caldito

BSMT II

Same Sex Marriage sa Pilipinas

Ang napili kong tema na bibigyang pansin ay tungkol sa same sex marriage na kung saan ito ay
isang malaking isyu dito sa ating bansa. Ayon sa ating nakasanayan na kultura, ang kasal ay para lamang
sa magkasalungat na kasarian. Ang kasal ay sagrado na dapat nating igalang at sundin. Ano nga ba ang
same sex marriage? Ang same sex marriage ay ang pagpapakasal ng magkaparehong kasarian. Dalawang
lalake o dalawang babae ang magpapakasal. Sa Pilipinas, pansin natin na maraming LGBT o Lesbian Gay
Bisexual and Transgender, mga magkasintahan na pareho ang kasarian na iisa ang hangad kundi ang
pagpapatupad o pagpapalegal sa same sex marriage.

Sa ibang bansa tulad ng Amerika, Canada, France, Mexico at iba pa ay legal na ang same sex
marriage. Gusto rin ng mga LGBT na maging legal din ito sa bansang Pilipinas. Ang Pilipinas ay isang
Christian Country. Ang mga mambabatas ay isinaalang-ala ang biblya sa paggawa ng batas na kung saan
ito ay moral. Sa pagdidiskusyon dito, ang simbahan ay hindi sang-ayon sa same sex marriage dahil ang
pagapakasal ay sagrado na kung saan ito ay para lamang sa babae at lalake. Kapag ang babae ay
magpapakasal sa kapwa babae o lalake na magpapakasal sa kapwa niya lalake ay nilalabag ang Family
Code ng Pilipinas 1987 na kung saan nakasaad dito na “marriage is a special contract of permanent union
beteeen a man and a woman entered into accordance with law for the establishment of conjugal and
family life.” Dahil hindi legal ang pagpapakasal ng magkaparehong kasarian dito sa Pilipinas, ang mga
magkasintahan na gustong magpakasal ay pumupunta sa ibang bansa na kung saan legal ang same sex
marriage. Katulad nila Aiza Segeurra at Liza Diño na nagpakasal sa San Francisco. Kapag ang
magkasintahan na pareho ang kasarian ay nagpakasal sa bansang legal ang same sex marriage at bumalik
sa Pilipinas, ang magiging katayuan nila ay hindi na mag-asawa kundi sila padin ay mananatiling single. Sa
sitwasyon ni Aiza at Liza, hindi magkakaroon ng adoption sa anak ni Liza sa kanyang nakaraan na relasyon.
Mga ari-arian ay hindi pwedeng paghatian at ang apelyido ay hindi rin malalahay sa anak.

Para sa akin, supportado ko ang LGBT pero hindi ako sang-ayon sa pagpapatupad at pagpapalegal
ng same sex marriage sa Pilipinas. Ibigay nalang nila ang pagpapakasal sa mga straight na babae at lalake.
Nabibigyan naman sila ng mga pribilehiyo na katulad din sa iba. Ang kasal ay sagrado sa mata ng tao at sa
Diyos. Ang civil code ang nagsasaad na ang lalake ay dapat magpakasal lamang sa babae. Hindi naman
sinasabi na ang lalakr ay dapat magpakasal sa lalake o babae ay dapar magpakasal sa babae. Dapat nilang
irespeto ang civil code na ito. Hindi dahil ang ibang bansa ay legal na ang same sex marriage ay ganoon na
din ang Pilipinas. May mga bagay na pwede sa ibang bansa ngunit hindi pwede sa bansang Pilipinad.
Huwag natin itulad ang Pilipinas sa ibang bansa.

You might also like