You are on page 1of 5

Pre-Marital Sex

Ang Pilipinas ay isang bansa na malaki ang impluwensiya ng relihiyon, partikular ang
Kristiyanismo, sa mga paniniwala at kultura ng mga tao. Sa tradisyonal na pananaw, ang pagtatalik
ay inaasahan na mangyayari lamang sa loob ng kasal at may layuning magbunga ng mga anak. Ang
pre-marital sex ay kadalasang itinuturing na labag sa mga moralidad at kultural na paniniwala.

Sa kasaysayan ng Pilipinas, ang pre-marital sex ay mayroong mga batayang pagtingin na


maaaring magmula pa noong panahon ng mga ninuno. Sa mga sinaunang panahon, ang mga
pamayanan ay may mga konsiderasyon sa moralidad at pag-iingat sa pag-uugali ng mga
magkakarelasyon. Ang pagpapanatili ng kalinisan at pag-iwas sa pre-marital sex ay itinuturing na
mahalaga.

Sa paglipas ng panahon at sa mga impluwensyang dayuhan at modernisasyon, nagkaroon ng


pagbabago at pagbabago ng pananaw sa pre-marital sex. Ang mga kampanya ukol sa pagpaplano ng
pamilya at mga programang pang-edukasyon sa sekswalidad ay naglalayong magbigay ng mas
malawak na kaalaman at pag-unawa tungkol sa sekswalidad at mga relasyong pangkasalanan.

Ano ba ang pre-marital sex?


Ito ay gawaing pagtatalik ng isang babae at lalaki na wala pa sa wastong edad o nasa edad na
subalit hindi pa kasal.
May iba’t ibang pananaw na siyang dahilan kung bakit ang isang tao lalo na ang kabataan ay
pumapasok sa maagang pakikikapagtalik. Ito ay ang sumusunod:
1. Ito raw ay normal at likas na gampanin ng katawan ng tao upang maging malusog siya at
matugunan ang pangangailangan ng katawan. Kapag hindi raw ito isinagawa hindi mararating ng tao
ang kaganapan ng kaniyang buhay.
2. Maraming kabataan ang nag-iisip na maituturing na tama ang pakikipagtalik lalo na kapag ang
mga gumagawa nito ay may pagsang-ayon. Karapatan ng tao na makipagtalik at malaya silang gawin
ito.
3. Naniniwala ang mga gumagawa ng pre-marital sex na may karapatan silang makaranas ng
kasiyahan.
4. Ang pakikipagtalik ay isang ekspresyon o pagpapahayag ng pagmamahal.
ANO ANG MGA DAHILAN KUNG BAKIT NANGYAYARI ANG PRE-MARITAL SEX?
DAHILAN
1. Kakulangan sa patnubay ng magulang

2. Kuryusidad o 'curiosity' ng mga kabataan

3. Pagmulat ng maaga sa sekswal na kamalayan bunga ng iba't ibang mga sanhi

4. Bunga ng sirang pamilya. Ang hindi magandang relasyon sa pamilya o ang mahinang relasyon
sa kanilang tahanan.
5. Kawalan ng disiplina sa sarili

6. Impluwensya sa kapaligiran

7. Ponograpiya

8. Hindi sapat na kaalaman tungkol sa maaaring maging bunga nito

9. Paggamit ng alkohol o droga

ANO ANG MGA EPEKTO NG PRE-MARITAL SEX SA SARILI, PAMILYA, AT LIPUNAN?


SARILI
Ang epekto ng pre-marital sex sa isang indibidwal ay maaaring magkaiba depende sa iba't ibang
mga salik tulad ng kultura, relihiyon, paniniwala, at mga personal na halaga. Narito ang ilang
posibleng epekto ng pre-marital sex sa sarili:
1. Emosyonal na epekto- Maaaring magkaroon ng mga emosyonal na epekto ang pre-marital
sex tulad ng pagkabahala, panghihinayang, at pagkabalisa. Ito ay maaaring dulot ng mga
moral at relihiyosong paniniwala na nagbabawal o nagtuturo na ang sekswalidad ay dapat
lamang gawin sa loob ng kasal.

2. Pisikal na epekto- Ang pre-marital sex ay mayroong mga pisikal na banta tulad ng
pagkakaroon ng mga seksuwal na sakit at impeksyon. Kung hindi maingat ang paggamit ng
mga contraceptive, maaaring magkaroon ng unintended pregnancy na maaaring magdulot ng
mga komplikasyon sa kalusugan at panganganak
PAMILYA
Ang pre-marital sex ay may potensyal na magkaroon ng mga epekto sa pamilya. Narito ang
dalawang posibleng epekto ng pre-marital sex sa pamilya:
•Ito ay kadalasang nagreresulta sa pagkakaroon ng tinatawag na "broken family" at
pagkaantala ng mga plano sa buhay.

•Malaki ang epekto ng pre-marital sex sa "mental health" ng magiging anak ng kanilang
pamilya dahil sa hindi maayos na pag gabay na kadalasang nagreresulta sa pagrerebelde ng
mga anak.
LIPUNAN
Ang pre-marital sex ay may potensyal na magkaroon ng mga epekto sa lipunan. Narito ang
dalawang posibleng epekto ng pre-marital sex sa lipunan:
•pagtaas o pag lobo ng populasyon sa bansa
•Sa pamamagitan ng pre marital sex ay maaaring makakuha ng mga "sexually transmitted" na
sakit gaya ng HPV at STD.
Mahalagang isaalang-alang na ang mga epekto ng pre-marital sex sa lipunan ay maaaring
magkakaiba depende sa kultura, relihiyon, at mga paniniwala ng mga tao sa iba't ibang lugar. Ang
pagtugon sa mga hamong ito ay maaaring mangailangan ng maingat na pag-aaral, diskusyon, at
pang-unawa upang matamo ang maayos at makabuluhan na solusyon.
POSSIBLENG SOLUSYON
Talakayin naman natin ang mga possibleng solusyon para mabawasan at matuldukan na ang pre-
marital sex dito sa Pilipinas. Ito ay ang mga sumusunod:
 pagkakaroon ng edukasyon na seksuwal at pagkakaroon ng pagpapahalaga sa iyong dangal
 alalahanin na ang pakikipagtalik sa iyong kasintahan ay isang kasalanan sa simbahan
 sumunod sa mga payo ng mga magulang
 iwasan ang pumunta sa isang lugar na kayong dalawa lang
 iwasan ang mga video na maaring humikayat na makipagtalikan sa kasintahan na hindi pa
kasal
 gumawa ang gobyerno ng isang seminar patungkol sa pre marital sex upang mabigyan sila ng
sapat na impormasyon patungkol dito at kung bakit ito ay dapat iwasan.
 isipin ang hirap ng pagiging batang ina/ama

INTERNATIONAL STUDY
Entitled Premarital sexual intercourse and associated factors among adolescent students in Debre-
Markos town secondary and preparatory schools, northwest Ethiopia, 2017
Features Sexual behavior of respondents And Reproductive health.
Sexual behavior of respondents
Two hundred forty-seven (41.2%) of the participants responded that they usually watch films and
magazines having sexual contents and nearly one third, 188 (31.3%) of the whole participants
responded that they had girl/boyfriends and practiced sexual intercourse.
Reproductive health
From the total respondents, only 95 (15.8%) participants responded that they had sexual issue
discussion with their parents. Three hundred seventeen (52.8) responded that they had sexual issue
discussion with their close friends and 72 (12%) were pressured to have sexual intercourse.
LOCAL STUDY
Today, 32% of young Filipinos aged 15-24 has engaged in pre-marital sex (PMS), 9% higher than
2002 survey, according to the results of 2013 Young Adult Fertility and Sexuality (YAFS 4) study.
YAFS 4 is the latest national survey on the Filipino youth aged 15 to 24 years old, tackling
information on sexual and non-sexual risk behaviors, and its determinants at the national and
regional levels.
In 2002 survey, the percentage of young women engaged in PMS was only 16% while young men
showed 31.2%. Ten years later, 28.7% of young women now have PMS experience compared to
35.5% among young men.
Researchers reported that 78% of the youth’s first PMS was done without any form of protective
contraception, which indicated their higher risks of pregnancy and/or sexually transmitted infections.
In fact, the percentage of pregnancy among young women aged 15-19 also doubled from 6.3% to
13.6%.
Youth also revealed that 7.3% of them already engaged in casual sex and 3.5% had FUBU
experience (regular sex without emotional attachment).

QUESTIONING AND MORE EXPLAIN


Kung iyong susuriin, batay sa mga natutuhan mo, tama ba ang mga pananaw na ito?
Nararapat bang makipagtalik ang kabataan kahit hindi pa sila kasal?
Ang pakikipagtalik at paggamit ngating mga kakayahang sekswal ay mabuti sapagkat ito ay
kaloob sa atin ng Diyos. Ito ay isang regalo o banal na kaloob ngunit maaari lamang gawin ng mga
taong pinagbuklod sa Sakramento ng Kasal.
Ang pakikipagtalik ay hindi pangangailangang biyolohikal tulad ng pagkain at hangin na ating
hinihinga. Hindi kinakailangan ng tao ang makipagtalik upang mabuhay sa mundong ito. Ang
pananaw na kailangan ang pagtatalik upang mabuhay ay isang mahinang pagkilala sa pagkatao ng
tao dahil ipinagwawalang-bahala niya ang kakayahan ng taong ipahayag ang kaniyang tunay na
pagkatao. Mayroon o walang pagtatalik, mananatiling buhay ang tao. Maraming mga taong
nagpasiyang mabuhay nang walang asawa tulad ng mga pari, mga madre, at mga kasapi ng 3rd
orders, ang patuloy na nabubuhay nang maayos, malusog, at masaya. Samakatuwid, ang seksuwal
na pakikipagrelasyon lalo pa kung hindi pa kasal ang lalaki at babae, ay hindi kailanman pangunahing
pangangailangan ng tao. Ang pakikipagtalik nang hindi kasal ay nagpapawalang-galang at
nagpapababa sa dignidad at integridad ng pagkatao ng mga taong kasangkot sa gawaing ito. Hindi
nagiging kapaki-pakinabang ang pagtatalik sa pagtungo sa kaganapan ng buhay na isa sa mga
halaga ng seksuwalidad.
Sa puntong malaya ang taong magpasiya kung gusto niyang makipagtalik o hindi,
balikan natin ang inyong napag-aralan noong unang markahan tungkol sa kalayaan.
Bilang tao, tayo ay malaya. Ngunit ang ating kalayaan ay hindi nangangahulugang malaya
tayong piliin kung ano ang gusto nating gawin. Ang ating kalayaan ay mapanagutan, malaya tayong
pumili ngunit nararapat na ang pipiliin ay kung ano ang mabuti at tama. Ang paggamit ng ating mga
kakayahang seksuwal ay mabuti ngunit maaari lamang gawin ang pakikipagtalik ng mga taong
pinagbuklod ng kasal. Mahalaga ang sapat na kamalayan at maingat na paghuhusga bago gamitin
ang mga kakayahang ito.
Suriin:

Isa kang lider sa inyong paaralan. Mahalaga ap ag ang pag-aaral dahil naniniwala kang ito ang
mag-aahon sa inyo sa kahirapan. Nagtutulong-tulong ang iyong pamilya upang makapagtapos ka
ng pag-aaral. Mayroon ka ring kasintahan na mahal na mahal mo. Isang araw nagyaya siyang
pumasok kayo sa hotel upang mapatunayan ang pagmamahal na iyon. Sabi niya, iiwanan ka niya
at magpapakamatay siya kung hindi mo siya pagbibigyan. Ano ang iyong gagawin? O ang iyong
gagawin?
Karaniwang naririnig o kaya’y nababasa mo, “Kung mahal mo ako, papayag kang makipagtalik
sa akin.” Sa ganitong pananaw, masasabing ang pagmamahal na alam ng kabataan ay kondisyonal.
Hindi ito tunay na pagmamahal. Ang pagmamahal kapag tunay ay hindi kailanman humihingi ng
kapalit. Ayon kay Sta. Teresita, “Ang mabuhay ap ag-ibig ay pagbibigay ng di nagtatantiya ng halaga
at hindi naghihintay ng kapalit.”
Ang tunay na pagmamahal na isinasakatawan sa pagtatalik ay bukas sa katotohanang dapat
itong humantong sa pagbubuo ng pamilya. Kung kaya, bago ito gawin ng lalaki at babaeng
nagmamahalan, kinakailangang ito’y binasbasan ng kasal. Sa konteksto ng pagbubuklod ng isang
babae at isang lalaki, sila ay nangangakong magkaisa at maging mapanlikha, magkaroon ng anak at
bumuo ng pamilya.

You might also like