You are on page 1of 3

Pornograpiya

• Ang pornograpiya ay nanggaling sa dalawang salitang Griyego, “porne,” na may


kahulugang prostitute o taong nagbebenta ng panandaliang aliw, at “graphos” na
nangangahulugang pagsulat o paglalarawan. Samakatuwid, ang pornograpiya ay mga
mahahalay na paglalarawan (babasahin, larawan, o palabas) na may layuning pukawin ang
seksuwal na pagnanasa ng nanonood o nagbabasa.

Epekto ng Pornograpiya

1. Ang maagang pagkahumaling sa pornograpiya ay nagkakaroon ng kaugnayan sa


pakikibahagi ng tao o paggawa ng mga abnormal na gawaing seksuwal, lalong-lalo na ang
panghahalay (RAPE)

2. May mga kalalakihan at kababaihan ding dahil sa pagkasugapa sa pornograpiya ay


nahihirapang magkaroon ng malusog na pakikipag-ugnayan sa kanilang asawa.
Nakararanas sila ng seksuwal na kasiyahan sa panonood at pagbabasa ng pornograpiya, at
pang-aabuso sa sarili at hindi sa normal na pakikipagtalik

3. Ito rin ay ginagamit ng mga pedophiles sa internet upang makuha ang kanilang mga
bibiktimahin.

Masamang Epekto ng Pornograpiya

• Dahil sa pornograpiya, ang tao ay maaaring mag-iba ng asal.

• Ang mga seksuwal na damdamin na ipinagkaloob ng Diyos sa tao, na maganda at


mabuti, ay nagiging makamundo at mapagnasa.

• Ayon kay Immanuel Kant, nauuwi sa kawalang-dangal o nagpapababa sa kalikasan ng


tao ang mga makamundong pagnanasa.

• Kapag ang tao ay nagiging kasangkapan sa seksuwal na pangangailangan at


pagkahumaling, lahat ng mabuting layunin sa pakikipagkapuwa ay maaaring hindi na
makamit.

• Ang tao na nagiging kasangkapan ng mga pagnanasa ay hindi na nagpapakatao; bagkus,


tinatrato ang sarili o ang kapuwa bilang isang bagay o kasangkapan. Sa ganitong paraan,
ibinababa ng tao ang pagkatao o ang kaniyang dignidad bilang tao. Hindi rin naisasagawa
ang pagbibigay ng preperensiya sa kabutihan

Hindi lahat ng hubad na larawan ay halimbawa ng pornograpiya. • Ang sining ay


nagpapahayag ng kagandahan at ang pagkaranas ng kagandahan ay nakapagbibigay ng
kasiyahan, pagkalugod at pagtanggap sa isang magandang nagawa. Ito rin ay humihikayat
na makalinang ng mga kilos at kalooban patungo sa kung anong ipinapakahulugan sa
ipinakikita.

Ang pornograpiya ay nagpapakita ng mga larawang hubad o mga kilos seksuwal na


kadalasan ay suggestive at provocative. Hinihikayat nito ang taong tumitingin na mag-isip
ng masama at magkaroon ng hindi magandang pagtingin sa katawan ng taong nasa
larawan. • Ang anggulo ng isang babae na nasa mga babasahin, kalendaryo, patalastas, at
mga pelikula ay nagpapakita ng inklinasyon sa seks. Sabi nga, ang mga larawan ay “hindi
na nagtitira sa imahinasyon.” Ang katawang sagrado, gayundin ang mga gawaing angkop
lang na makita, madama, at maipahayag ng mga mag-asawa ay lubusang ipinapakita. •
Nawawala na ang propriety at decency na dapat sana ay kaakibat ng makabuluhang
pagtingin sa katawan ng tao. Dahil dito, ang mga larawang hubo’t hubad, gayundin ang
pagpapakita ng aktong seksuwal ay nagiging daan upang ang taong nahuhumaling dito ay
magnasa at pairalin ang kaniyang mga makamundong damdamin. • Ilan sa mga maaari
niyang maisip ay ang pagsasakatuparan ng mga isiping tumutugon sa seksuwal na
maaaring mauwi sa pang-aabuso, panghahalay, at sa iba pang epekto na nabanggit na. Ito
ang mga dahilan kung bakit hindi dapat ituring na sining ang pornograpiya

You might also like