You are on page 1of 18

10

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikaapat na Markahan – Modyul 3:
Paninindigan Tungkol sa
Pangangalaga ng Sarili Laban sa
Pang-aabusong Sekswal
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasampung Baitang
Ikaapat na Markahan – Modyul 3: Paninindigan Tungkol sa Pangangalag sa Sarili Laban
sa Pag-aabusong Sekswal
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat:Robert C. Doria
Editor: -
Tagasuri: Remedios A. Loque, Phelma O. Camacho, Herbert P. Delgado
Tagaguhit: Donn E. Manguilimotan, Jemar D. Aliñado, Eden P. Cordova
Tagalapat: Wedzmer B. Munjilul, Leonard O. Eleobido
Tagagawa ng Template: Neil Edward D. Diaz
Tagapamahala:
Allan G. Farnazo Reynaldo M. Guillena
Mary Jeanne B. Aldeguer Alma C. Cifra
Analiza C. Almazan Aris B. Juanillo
Ma. Cielo D. Estrada Lydia V. Ampo

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Davao City


Office Address: DepEd Davao City Division, Elpidio Quirino Ave., Davao City
Telefax: 224-3274
E-mail Address: davaocity.division@deped.gov.ph
10

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikaapat na Markahan – Modyul 3:
Paninindigan Tungkol sa
Pangangalaga ng Sarili Laban sa
Pang-aabusong Sekswal
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang
kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito.
Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod
dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral
habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan
ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang mga sumusunod ay mga paalala kung paano gagamitin ang
modyul:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag susulatan ang
bawat pahina nito. Gumamit ng ibang papel na maaaring sulatan
ng mga kasagutan mula sa iba’t ibang kasanayan.
2. Huwag kalimutang sagutan and Subukin Natin bago dumako sa
susunod na gawain.
3. Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto bago isagawa ang
mga gawain.
4. Inaasahan ang inyong katapatan at integridad sa pagsagawa,
pagsagot at pagwawasto ng mga gawain.
5. Tapusin muna ang kahingian ng bawat bahagi bago pa dumako
sa susunod na gawain.
6. Isauli/ Ipasa ang modyul sa inyong guro o tagapagdaloy
pagkatapos ng mga gawain.

Kung mayroon kayong hindi naintindihanat nahihirapan sa


pagsagot sa mga inilaang gawain, huwag mag-atubiling magtanong sa
inyong guro o tagapagdaloy. Tandaan na hindi ka nag-iisa sa gawaing
ito. Inaasahan namin na sa pamamagitan ng modyul na ito, ay
mararanasan mo ang isangmakabuluhan, masining at malalim na
pagkatuto at pag-unawa sa mga kasanayang pampagkatuto. Kaya mo
yan!

ii
Alamin Natin

Sa pamamagitan ng modyul na ito,maipaliwanag mo ang mga isyung


kaugnay sa kawalan ng paggalang sa dignidad at seksuwalidad tulad ng
pang-aabusong seksuwal, prostitusyon, pornograpiya, pagtatalik bago ang
kasal; at mahihinuha ang mga sumusunod na kasanayan sa mga mag-aaral:
pagtukoy sa mga isyung may kaugnayan sa kawalan ng paggalang sa
dignidad at seksuwalidad, pagsuri sa mga isyung may kaugnay sa kawalan
ng paggalang sa dignidad at seksuwalidad.

Ang modyul na ito ay may dalawang Kasanayang Pampagkatuto:

1. Natutukoy ang mga isyung kaugnay sa kawalan ng paggalang sa dignidad


at seksuwalidad. (EsP10PI-IVa-13.1)

2. Nasusuri ang mga isyung kaugnay sa kawalan ng paggalang sa dignidad


at seksuwalidad. (EsP10PI-IVa-13.2)

Subukin Natin

Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa inyong sagutang papel.

1. Ang gawaing pagtatalik bago ang kasal ay isyung may kinalaman sa


_____________.
a. prostitusyon c. pre-marital sex
b. pornograpiya d. pang-aabusong seksuwal

2. Ang pang-seksuwal na kakayahang kaloob ng Diyos sa tao ay tumutugon


sa layuning _______________.
a. magkaroon ng anak at magkaisa.
b. magkaisa at maipahayag ang pagnanasa.
c. makadama ng kasiyahan at magkaroon ng anak.
d. magkaroon ng trabaho at makadama ng kasiyahan.

3. Kailan masasabing ang paggamit sa seksuwalidad ng tao ay masama?


a. Kung ang paggamit ay nagdadala sa kasiyahan.
b. Kung ang paggamit nito ay nauuwi sa pang-aabuso.
c. Kung ang paggamit ay hindi nagdadala sa tunay na layunin ng
seksuwalidad
d. Kung ang paggamit ay nagdadala sa tao upang maging isang pakay o
kasangkapan.

1
4. Ito ay ang pamimilit sa isang tao na gumawa ng isang seksuwal na gawain
nang walang pagsang-ayon.
a. Prostitusyon c. Pre-marital sex
b. Pornograpiya d. Pang-aabusong seksuwal

5. Ito ay pagbibigay ng panandaliang-aliw o anomang gawain na nagbibigay


ng kasiyahang seksuwal kapalit ng pera o materyal na bagay.
a. Prostitusyon c. Pre-marital sex
b. Pornograpiya d. Pang-aabusong seksuwal

Aralin Natin
Gawain 1. Sino ang Maysala?

Pamamaraan:
1. Basahin “Ang Kuwento ng Buwaya sa Sapa” (Adapted Story on “The
Alligator River Story”)
2. Sagutin ang Values Grid Form.
3. I-ranggo (1-5) ang mga tauhan sa kuwento bilang 1 ang may
pinakamalaking kasalanan at 5 ang pinakamababaw gamit ang “Values
Grid Form.”

2
3
Panuto: Ayon sa “Ang Kuwento ng Buwaya sa Sapa” i-ranggo (1-5) ang
mga tauhan sa kuwento bilang 1 ang pinakamalaking kasalanan at 5 ang
pinakamababaw na kasalanan. Gamitin ang “The Values Grid Form” sa ibaba.
“The Values Grid Form”

Tauhan Kaniyang Asal Ano ang dapat na


ginawa?

1.

2.

3.

4.

5.

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:


a. Ano ang nararamdaman mo sa nangyari?
b. Sino sa iyong palagay ang may pinakamalaking kasalanan sa nangyari?
Bakit? Pangatwiranan.

Pamantayan sa Pagwawasto

Pamantayan Napakahusay Mahusay Nalilinang Nagsisimula


(10) (8) (6) (4)
Kalidad ng Napakahusay Mabuti ang Matatanggap Kailangang
Paggawa ang paggawa paggawa ang gawain isaayos
(buo at (katamtamang (may (Malaki ang
maliwanag) gawain) kaunting kakulangan,
kamalian ang nagpapakita
gawain ng kaunting
kaalaman)

Nilalaman Napakahusay Mahusay ang Hindi Hindi


ang pagpapahayag gaanong naipahayag
pagpapahayag ng ideya naipahayag nang mabisa
ng ideya ang ideya ang ideya

4
Mga Isyung Kaugnay sa Kawalan ng Paggalang sa Dignidad at
Seksuwalidad
Ayon sa isang survey na ikinomisyon ng National Secretariat for Youth
Apostolate (NSYA), ang kabataang Filipino ngayon ay patuloy na nakikibaka
sa mga isyung may kinalaman sa seks at seksuwalidad. Kabilang sa mga ito
ay pakikipagtalik nang hindi kasal, pornograpiya, pang-aabusong seksuwal,
at prostitusyon. (Batayang Aklat ng EsP 10 pahina 287-295)

1. Pang-aabusong seksuwal - Ito ay


ang pamimilit sa isang tao na
gumawa ng isang seksuwal na
gawain nang walang pagsang-ayon
nito (Encyclopedia of Psychology).
Ang pang-aabusong seksuwal ay
maaaring paglalaro sa maseselang
bahagi ng sariling katawan o
katawan ng iba, paggamit ng ibang
bahagi ng katawan para sa
seksuwal na gawain. Maaari rin
itong hindi pisikal tulad ng paglalantad ng sarili na gumagawa ng seksuwal
na gawain at pagkakaroon ng kaligayahang seksuwal sa pamamagitan ng
pagtingin sa mga hubad na katawan, seksuwal na pag-aari o kaya’y
panonood ng pagtatalik na isinasagawa ng iba. Ito ay mangyayari sa lahat
ng lugar: sa paaralan, sa kalsada, sa tahanan, at magiging sa internet.
2. Prostitusyon - Ito ay pagbibigay ng panandaliang-aliw kapalit ng pera o
materyal na bagay. Dito, binabayaran ang pakikipagtalik upang ang tao
ay makadama ng kasiyahang
seksuwal at dahil dito nawala ang
paggalang at pagkilala sa sarili. Kapag
ang prostitusyon daw ay isinagawa ng
isang tao na may pagkagusto o
konsento, maaaring sabihin na hindi
ito masama sa kadahilanang alam
niya ang kaniyang ginagawa at
nagpasiya siya na ibigay ang kaniyang
sarili sa pakikipagtalik kapalit ng pera
o materyal na bagay.

3. Pornograpiya - Ang pornograpiya ay nanggaling sa salitang Griyego,


“porne,” na may kahulugang prostitute o taong nagbebenta ng
panandaliang aliw, at “graphos” na nangangahulugang pagsulat o
paglalarawan. Ito ay mahahalay na paglalarawan (babasahin, larawan, o
palabas) na may layuning pukawin ang seksuwal na pagnanasa ng

5
nanonood o nagbabasa. Ang
maagang pagkahumaling sa
pornograpiya ay nagkakaroon
ng kaugnayan sa paggawa ng
abnormal na gawaing
seksuwal, lalong-lalo na ang
panghahalay. Ito rin ay
ginagamit ng mga pedophiles
sa internet upang makuha ang
kanilang bibiktimahin.

4. Pagtatalik bago ang kasal - Ito ay gawaing pagtatalik ng babae at lalaki


na wala pa sa wastong edad o nasa edad na subalit hindi pa kasal. Ang
pananaw na kailangan ang pagtatalik upang mabuhay ay isang mahinang
pagkilala sa pagkatao ng tao dahil ipinagwawalang-bahala niya ang
kakayahan ng taong ipahayag ang kaniyang tunay na pagkatao. Ang
pakikipagtalik nang hindi kasal ay nagpapawalang-galang at
nagpapababa sa dignidad at integridad ng pagkatao ng mga taong
kasangkot sa gawaing ito.

Gawin Natin

Gawain 2. Isyung Seksuwalidad 101


Panuto: Sa mga isyung kaugnay sa kawalan ng paggalang sa dignidad at
seksuwalidad, isulat ang mga epekto nito para sa iyo sa taong nagiging
biktima ng pang-aabusong seksuwal. (Magbigay ng tatlong (3) epekto bawat
isyu)

Halimbawa:
Isyu: Pornograpiya
Epekto: Paggawa ng abnormal na gawaing seksuwal lalong-lalo na ang
Panghahalay

Mga Isyu Epekto

1. Pagtatalik bago ang kasal

6
2. Pornograpiya

3. Prostitusyon

4. Pang-aabusong seksuwal

Sanayin Natin

Gawain 3. Panuto: Punan ang graphic organizerng konseptong


nauunawaanmo sa tinalakay na isyu tungkol sa seksuwalidad.
Mga isyu tungkol sa seksuwalidad

Pang-aabusong seksuwal

Pornograpiya Prostitusyon

Pre-marital Epekto sa Epekto sa


Sex Dignidad Seksuwalidad

7
Pamantayan sa Pagwawasto

Pamantayan 4 3 2 1

Paghinuha ng Nahinuha ang Nahinuha Nahinuha Nahinuha ang


konsepto konsepto. ang konsepto ang konsepto konsepto sa
nang may ngunit paggabay sa
kaunting kailangang ng kabuuan nito.
paggabay. labis na
paggabay.
Pagpapaliwanag Malinaw na May isang May May tatlo o
ng konsepto naipaliwanag konsepto na dalawang higit pang
ang lahat ng hindi konsepto na konsepto na
mahahalagang malinaw na hindi hindi
konsepto. naipaliwanag. naipaliwanag. naipaliwanag.

Tandaan Natin
Panuto: Mula sa naging talakayan, kompletuhin mo ang
mahalagang konsepto tungkol sa mga isyung kaugnay sa kawalan ng
paggalang sa dignidad at seksuwalidad. Piliin ang mga sagot sa kahon at
isulat ito sa sagutang papel.

Buuin Kasal Pakikipagkapuwa

Diyos Karapatang Seksuwal


Kasal Linangin Seksuwalidad Wastong

1. Bawat isa sa atin ay hinahamon na ________________ at


__________________ ang ______________________ upang maging ganap ang
pagiging pagkababae o pagkalalaki.

2. Hanggang wala ka sa ____________ gulang at hindi pa tumatanggap ng


sakramento ng _____________, hindi ka kailanman magkakaroon ng
_____________________ makipagtalik.

3. Ang paggamit ng ating mga kakayahang seksuwal ay mabuti sapagkat ito


ay kaloob sa atin ng _______________.

4. Ito ay isang regalo o banal na kaloob ngunit maaari lamang gawin ng mga
taong pinagbuklod sa Sakramento ng ______________.

8
5. Kapag ikaw ay nagiging kasangkapan sa ______________ na
pangangailangan at pagkahumaling, lahat ng mabuting layunin sa
_______________________ ay maaaring hindi na matupad.

Suriin Natin
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa inyong sagutang papel.

1. Kailan masasabing ang paggamit sa seksuwalidad ng tao ay masama?


a. Kung ang paggamit ay nagdadala sa kasiyahan.
b. Kung ang paggamit nito ay nauuwi sa pang-aabuso.
c. Kung ang paggamit ay hindi nagdadala sa tunay na layunin ng
seksuwalidad
d. Kung ang paggamit ay nagdadala sa tao upang maging isang pakay o
kasangkapan.

2. Ito ay pagbibigay ng panandaliang-aliw o anumang gawain na nagbibigay


ng kasiyahang seksuwal kapalit ng pera o materyal na bagay.
a. Prostitusyon c. Pre-marital sex
b. Pornograpiya d. Pang-aabusong seksuwal

3. Ang gawaing pagtatalik bago ang kasal ay isyung may kinalaman sa


a. Prostitusyon c. Pre-marital sex
b. Pornograpiya d. Pang-aabusong seksuwal

4. Ang pang-seksuwal na kakayahang kaloob ng Diyos sa tao ay tumutugon


sa layuning
a. Magkaroon ng anak at magkaisa.
b. Magkaisa at maipahayag ang pagnanasa.
c. Makadama ng kasiyahan at magkaroon ng anak.
d. Magkaroon ng trabaho at makadama ng kasiyahan.

5. Ito ay ang pamimilit sa isang tao na gumawa ng isang seksuwal na gawain


nang walang pagsang-ayon.
a. Prostitusyon c. Pre-marital sex
b. Pornograpiya d. Pang-aabusong seksuwal

9
Payabungin Natin

Panuto:
1. Mula sa iyong mga natutuhan sa modyul na ito PUMILI ka ng isang (1)isyu
kaugnay sa kawalan ng paggalang sa seksuwalidad.
2. Iugnay mo ang isyung ito sa “Ang Kuwento ng Buwaya sa Sapa.”
3. Ilahad mo ang iyong saloobin o damdamin sa isyung ito at sa “Ang Buwaya
sa Sapa.”
4. Huwag kalimutang bumuo ng pamagat ng iyong napiling paglalahad.
5. Isulat ito sa sagutang papel.

____________________________________________________

Pamagat

Pamantayan sa Pagwawasto

Kaangkupan Kaayusan ng Kabuuang Dating


(15 points) Balangkas sa Pagsulat (15 points)
(15 points)

10
Pagnilayan Natin

Panuto: Pagnilayan mo ang tanong na nakasulat sa loob ng kahon at isulat


mo ang iyong sagot sa sagutang papel.

Ano ang kahalagahan ng tamang paggamit ng seksuwalidad bilang tao?


Ipaliwanag

Pamantayan sa Pagwawasto
Kaangkupan Impormasyong Kaayusan ng Kabuuang
(10 points) pampaloob Balangkas sa Dating
(10 points) pagsulat (10 points)
(10 points)

11
12
Suriin Natin Tandaan Natin Subukin Natin
1. D 1. buuin, linangin 1. C
2. A seksuwalidad 2. A
3. C 2. wastong, kasal, 3. D
4. A karapatang 4. D
5. D
3. Diyos 5. A
4. kasal
5. seksuwal
pakikipagkapuwa
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Caberio, S.T. et.al. (2015). Pagpapakatao. Rex Book Store. Sampaloc, Manila

Dela Cruz, I. P. et.al. (2018). Edukasyon sa Pagpapakatao, Vibal Group, Inc.


Ikalawang Edisyon, Quezon City

Mga Isyung Moral Tungkol sa Seksuwalidad. Edukasyon sa Pagpapakatao


(Modyul 14 para sa Mag-aaral). Kagawaran ng Edukasyon, Republika
ng Pilkipinas, pahina 280-300.

13
Para sa mga katanugan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region XI Davao City Division

DepEd Davao City, Elpidio Quirino Ave., Davao City

Telefax: 224-3274

Email Address: davaocity.division@deped.gov.ph

You might also like