You are on page 1of 6

Pagsusuri sa pagkakaiba ng mga panliligaw sa kulturang pilipino noon at ngayon

Panimula

Sa mundong ating ginagalawan,marami na ang pagbabagong nagagnap.Dito sa Pilipinas,marami


na tayong tradisyon at kaugalian na nagbago na dulot ng makabagong teknolohiya at
impluwensiya ng kultura mula sa iba’t-ibang bansa.Isa na rito ay ang pamamaaraan ng
panliligaw ng mga Pilipino.Ang panliligaw noon at ngayon ay may malaking pagkakaiba dahil
na rin sa makabagong mga istilo at social media .Ang layon ng pananaliksik na ito ay ipakita ang
malaking pagkakaiba ng panliligaw noon at ngayon, kumapara ngayon maraming proseso ang
panliligaw para lang mapatunayan na karapat dapat siyang maging nobyo ng kanilang anak.Kung
dati ay kinakailangan pang magsibak ng kahoy,mag-igib ng tubig, mangharana sa labas ng bahay
at iba pa.Hindi na napapahalagahan ang tradisyonal na ginagawa natin para sa panliligaw
noon.Tatalakayin dito ang mga pagkakaiba ng panliligaw noon at ngayon sa lahat ng aspeto at
malaman kung ano ang nagiging epekto nito sa kultura nating mga Pilipino. Ang pagsasaliksik
na gagawin sa pag-aaral na ito ay naglalayong maipakitaang kaibahan ng paraan ng
panliligaw at ang layunin ng panliligaw. Upang matulungandin ang pagdedesisyon ng mga
kababataan sa mga yugto ng ligawan. Isa din sa layunin nito ay ang maipa-alala ang
mga kaganapan noon sa pagliligawan, sa mga kabataan ngayon sa makabagong
henerasyon.
Paglalahad ng suliranin

Ang pangkalatahang katanungan na into ay tatangkang masagot ang katanungan kung ano ang
pagkakaiba ng panliligaw noon at ngayon

1.) Anu-ano ang uri ng panliligaw noon sa ngayon?

2). Anu-ano ang pagkakaiba ng panliligaw noon at ngayon kaugnay ng mga ss.
a.) pananalita
b.) panunuyo
c.) pagbibigay ng materyal na bagay

3.) Paano nakakaaapekto ang mga gawi sa panliligaw ng kabataan sa kasalukuyang panahon

4.) Anu-ano ang mga negatibong epekto ng panliligaw sa kasalukuyang panahon?

Haypotesis

Ayon kay Tom Brown (2011), ang panliligaw ay pinaglalaanan ng oras at isang matagumpay na
pagkilala sa isang tao sapat na para malaman kung silang dalawa ay nararapat na maging mag-
asawa.

Rebyu ng mga Kaugnay ng Literatura at Pag-aaral

Kaugnay ng Literatura

Lokal:

Noong sinauna, ang panliligaw ay isang ritwal na inuugnay sa daan patungo sa kasal.
Kapag nanligaw ang isang lalaki sa isang babae, seryoso ang kanyang pakay sa dilag. Handa
siyang gawin ang kahit anong mahirap na pagsubok para lamang makamtan ang matamis na oo
ng dilag. (Beatriz,1998)
Ayon kay De Guzman, Maria Odulio (2005), isang kaugalian sa mga Pilipino ang pag
akyat ng ligaw o pagdalaw ng binata sa tahanan ng kanyang iniibig na babae. Sa pamamaraan na
ito, maaaring manghiram ang kabataang lalaki ng aklat o anumang babasahin bilang pagsubok sa
babae: isang pag-alam kung may zeal rin at pauunlakan ito ng sinisintang dalaga. Kapag
nagpahiram ang babae ng babasahin! mataimtim na makapag-iipit ang dalawa ng mga lihim
naliham para maipaalam nila ang kanilang mga damdamin para sa isa't isa. Lihim ito
sapagkatkapag dumadalaw ang isang lalaki sa tahanan ng babae! naroroon ang mga magulang
nito, nakinakaharap commotion ng binatang nanliligaw. Hindi lamang ang usaping pag-ibig ang
napag-uusapan kapag kaharap ang mga magulang ng dalaga kabilang dito ang taya ng panahon
politika at iba ache mga bagay na mapag-uusapan. Isang tanda na may pag-asa ang lalaki na
maging kasintahan.

Ayon kay Leo W. Pinard noong 2009 na pinamagatang Panliligaw sa Urban Visayas ang
panliligaw ay ginagawa ng isang kalalakihan sa iba't-ibang paraan. Naiimpluwensyahan racket
ang mga paraang ito ng kanilang pamilya kaibigan at mga nakakasalamuha.

Ayon kay Alegre, Eldiberio sa kanyang pag-aaral na pinamagatang Tuksuhan, Ligawan:


Courtship in Philippine Culture sa panliligaw, ang lalaki ay inaasahan na pagbubutihin ang
pakikitungo sa pamilya ng babae. Gagawin niya ang lahat upang makuha niya ang loob ng
pamilya at gayun na rin ang loob ng babae. Ang pangkaraniwang ginagawa ng lalake sa
probinsiya ay ang mag-igib ng tubig, mag-palakol ng kahoy, at tumulong sa kung anong gawain
sa bahay. Sa madaling-salita, maninilbihan ang lalaki sa pamilya ng babae. Pag sinagot na siyang
babae ay hudyat na tapos na ang panliligaw niya sa babae. Maaring mauwi sa mahabangdulang
ang panliligaw.

Ayon kay Florediza Torres (Agosto 2, 2016) Bulaklak, liham at harana ilan lamang ito sa
pamamaraan noon sa panliligaw nang mga kalalakihan ngayo’y ganoon rin panaman ngunit sa
kabilang banda ay mas nagagamit na ang makabagong pamamaraan sa panliligaw Halimbawa:
Facebook, Messenger, Twitter.

Dayuhan:

Ayon kay Sirea (2012) ang panliligaw ay isang gawain ng taong nangingibig o
nanunuyosa isang taong napupusuan niya . Isa ito sa pamamaraan ng pagpapahayag ng
damdamin at pagpapakita ng isang malinis na hangarin upang makamit ng mangingibig ang
pagtanggap at pag-ibig ng kanyang napupusuan.
Ayon kay Tom Brown (2011) ang panliligaw ay pinaglalaanan ng oras at
isangmatagumpay na pagkilala sa isang tao sapat para malaman kung sila ang nararapat na
magingmag-asawa.

Ayon kay Abner, 2001 ang panliligaw ng lalaki ay ginagawa sa pamamagitan ng


paghaharana kasama ng kanyang mga barkadana pupunta ang binata sa bahay ng
dalagangkanyang sinisinta, bitbit ang gitara at lakas ng loob. Sa tapat na durungawan ng babae,
idaraanang lalaki ang kanyang pagsinta sa pamamagitan ng pag-awit, kahit sintunado't pipiyuk-
piyok ang boses at pulos playa ang paggigitara. Minsan magtatagumpay ang binata't makukuha
ang matamis na "Oo" ng dalaga pati ang mga magulang, ngunit kailangan nitong makadaan sa
butasng karayom, minsan naman nabubuhusan sila ng baldeng tubig mula sa bintana.

Ayon kay Miss Sassy (2008), masasabi lang na nanliligaw ang isang lalaki kapag
sinabihan na niya ang kanyang nililigawan na mahal niya ito.

Ayon kay Ms. Kristen (1999) pinamagatang The most favored romance, ang mga edad ng
mga interesado sa panliligaw ay sa edad ng mga pester aaral sakolehiyo o isang estudyante. Ang
panliligaw ay isang gawain na naiimpluwensyahan ng oras!kundisyon ng paligid! kultura at
institusyon sa kinapapaligiran ng isang tao.
“Pagsusuri sa Pagkakaiba ng mga Panliligaw sa Kulturang Pilipino Noon at
Ngayon”

Pangalan (opsyonal): Edad:

Paki-lagyan ng tsek ang kahon sa tapat ng iyong sagot sa bawat tanong o


pangungusap kung ikaw ba ay sang-ayon o hindi.

Lubos na Sumasang- Hindi Hindi Lubos na


Mga Tanong: sumasang- ayon Sigurado Sang- hindi
ayon ayon sumasang-
ayon
1.) Sa tingin mo ba malaki ang pinagkaiba
ng mga pamamaraan ng panliligaw noon at
ngayon?
2.) Mas maganda ang pamamaraan ng
panliligaw ngayon.

3.) Mas maganda ang pamamaraan ng


panliligaw noon.

4.) Paggamit ng pick-up lines.

5.) May naging epekto ba ang makabagong


panliligaw sa mga relasyon ngayon?

6.) Puro negatibo lang ang meron sa


makabagong panliligaw.
7.) Ang panliligaw noon ay dapat pa ring
sundin bilang tradisyon.

8.) Ang panliligaw dapat pinaglalaanan ng


oras.

9.) Walang pagkakaiba ang panliligaw


noon at ngayon.

10.) Mas makabuluhang ang pamamaraan


ng panliligaw noon kaysa ngayon.

You might also like