You are on page 1of 15

Nikki M. Nicolas Panitikan sa Pilipinas 19 Ang Impluwensya ng Cooking ng Ina mo sa Kabataan ni D. Velasco 1. Buod a.

Ang kantang Lutong Bahay ng Parokya ni Edgar ay naglalaman ng sekswal na kahulugan. At sa tuwing nakaririnig tayong mga Pilipino ng ganitong uri ng kanta, natatawa tayo. b. Hindi kumportable ang mga Pilipino pag seks ang pinag-uusapan. Madalas nagiging mapagkunwari at ipokrito na tumatawa sa isang gawaing natural lamang sa ating uri. c. Ang mga libro tulad ng Fifty Shades of Grey ay tinuturing na soft porn ng mga kabataang mambabasa. d. Nasa tao naman kung papaano nila bibigyang-kahulugan ang isang palabas, pero higit na nakaiimpluwensya ang Kanluranin dahil sa konserbatibong kalikasan ng ating kultura. e. Sa panahon ngayon, dumarami na ang mga batang magulang sa Pilipinas. Sa industriya ng pelikula, laging sexy at kaakit-akit na babae ang bida. f. Mas nagiging bukas ang isipan ng henerasyon ngayon dahil sa mga pelikulang may malaswang nilalaman tulad ng American Pie. Hindi lamang midya ang pwedeng sisihin sa pagkagulat ng mga kabataan tuwing nakakarinig ng usapin tungkol sa seks. g. Kitang-kita ang pagbenta ng konsepto ng sekswalidad tulad ng pagpapakita ng mga personalidad na naka-two piece lamang habang ineendorso ang isang alak. h. Mas mabuting malaman ng kabataan ang mga bagay tungkol sa seks sa kanilang mga magulang at guro dahil kadalasan marami silang maling napupulot sa midya. 2. Likha a. Pasaklaw Sa madaling salita, tayo ay kadalasang nagiging mapagkunwari at mapagpanuri na mga ipokrito na tumatawa sa isang gawaing natural lamang sa ating uri. ph. 2 b. Pagbibigay halimbawa Sa mga palabas na ito maipapakita ang pagiging mas liberal na ng showbiz. Katulad na lang ng pagiging halos katanggap-tanggap na ng sekswal sa tema sa mga palabas na nakatuon sa mga kabataan. ph. 4 c. Sanhi at bunga

3.

4.

5.

6.

Nagiging masama na ito kapag narinig mo nang sinasabihan ng isang mag-aaral sa preschool ang kanyang dalagang kaservice ng Crush kita ate____. Sex tayo!..Malamang ay sa mga nakikita nito sa Internet, sa telebisyon, sa pelikula, at marahil pati na rin sa mga napagkukwento nila ng kaniyang mga kaklase. Tiongson/Abad a. Ano ang ipinaparating Ito ay tungkol sa epekto ng midya sa mga kabataan, na sa halip na sa mga magulang nila nalalaman ang mga usapin tungkol sa seks, ito ay napupulot nila sa telebisyon, pelikula, musika, at iba pa. b. Paano ipinarating Nagbigay ang may akda ng mga konkretong halimbawa upang mailarawan ang epekto ng midya sa mga kabataan. c. Sino D. Velasco d. Saan at kailan Pilipinas, Augusto 2012 e. Para kanino Ito ay para sa mga kabataan, mga magulang, at advertisers. Sa kabataan, upang sila ay mas maging responsable sa pagkuha ng mga impormasyon sa midya. Sa mga magulang, upang mapagtanto nilang sa kanila dapat nagsisimula ang mga mensahe. At sa mga advertisers na responsable at kailangang maging sensitibo sa mga posibleng interpretasyon ng mga tao sa materyal na gagamitin nila. f. Emotional effect Ikinatuwa ko ang ginawang introduksyon ng may akda na lyrics ng isang kanta lalo nat Parokya ni Edgar. Nakakatawa ang ilang halimbawa na binigay nya. Positibo Mga bago o napapanahong halimbawa kaya madaling nakarelate ang mambabasa Kakaibang introduksyonliriko ng isang kanta Nakakatawa ang ibang dayalogo sa kanyang sanaysay, nakakapukaw ng atensyon Negatibo Hindi masyadong malinaw ang kanyang posisyon, kung pro o against sya sa kanyang mga sinabi Mas naging informative ang pagtalakay nya, mas mabuti kung naging agresibo sya sa mensaheng nais nyang iparating sa mambabasa Rekomendasyon

Nikki M. Nicolas Panitikan sa Pilipinas 19 Kalaswaan, Marami na nga ba sa Telebisyon? ni A.Moya 1. Buod a. Pabago-bago ang antas ng moralidad ng tao at isa sa pangunahing tagaimpluwensya nito ay ang media, lalo na ang telebisyon, na tinuturing nang isang batayang pangangailangan ng mga Pilipino. b. Ayon sa serbey na isinagawa ng manunulat, karamihan ng mga tao (6 sa 10) ay naniniwalang marami na ang di kaaya ayang tagpo na pinapalabas sa telebisyon. c. Ang mga kabataan ngayon ay tinuturing na TV Generationang telebisyon ay ginagamit nilang batayan kung ano ang tama at mali. Na-eexploit din ang kabataan ng mga palabas ng malaswa ang tema. d. Kahit sa mga sitcom at commercial ay talamak na ang sekswal tem, kagaya nalang ng TVC ng Mcdonalds tungkol sa relasyong namamagitan sa dalawang bata. Pinapakita nitong sa murang edad pa lamang ay minumulat na ng telebisyon ang kabataan sa ideya ng relasyon at sekswalidad. e. Panawagang tulungan ang kabataan sa pamamagitan ng pagbago ng tema ng palabas o paghain ng aral o leksyon pagkatapos ng mga malalaswang eksena. f. Ang kagustuhang makisabay sa uso, umibig at bigyang bagong kahulugan ang pag ibig ang dahilan kung bakit patuloy na tinatangkilik ng mga Pilipino ang malalaswang mga palabas. Hindi lamang kalaswaan ang isyu kundi pati ang pagstereotype ukol sa sekswalidad ng isang tao. g. Talamak na masyado ang kalaswaan sa TV. Kinakailangang kumilos ng bawat isa upang matugunan ito. 2. Likha a. Sanhi at bunga Hindi ko nagustuhan ang mga sumunod na tagpo dahil puro mga kalandian lang iyon at walang kwenta. Inilipat ko sa ibang channel. ph. 2 b. Pagbibigay halimbawa 3. Tiongson/Abad a. Ano ang ipinaparating Ito ay tungkol sa impluwensya ng midya lalo na ng telebisyon sa pagbaba ng moralidad ng tao. b. Paano ipinarating

Ipinarating sa pamamagitan ng pagbibigay ng konkretong halimbawa at isang serbey. c. Sino A. Moya d. Saan at kailan Pilipinas, Augusto 2012 e. Para kanino Para sa mga kinauukulan upang pataasin ang tema ng mga programa para sa mga kabataang naiimpluwensyahan, nagagamit, at napagsasamantalahan nito. f. Emotional effect Nabitin ako dahil sa basic ang mga binigay nyang datos. 4. Positibo Nagbigay ng eksaktong halimbawa May call for action 5. Negatibo Biglang lumihis sa orihinal na tema; homosekswalidad Walang kuneksyon ang pickup line sa sanaysay Hindi konkreto ang naisip nyang solusyon 6. Rekomendasyon Kung gusto mong makapagpakilos kailangan mong magpresenta ng mga epektibong datos at matibay na ebidensya.

Nikki M. Nicolas Panitikan sa Pilipinas 19 Mahal ko si Insan ni Q. Famador 1. Buod a. Maraming negatibong epekto ang seks, isa na rito ang incest. Tinuturing ito bilang isang mapusok na gawain ng dalawang magkadugo. b. Inalam ng may akda ang buong istorya nang hindi naman daw manatiling sarado ang kanyang isipan sa mga kaso ng incest. Nakakuha ng source dahil sa kaibigang si Kuya Karlo. c. Sina Luis at Clarisse ay magpinsang nahulog ang loob sa isat-isa, isang halimbawa ng incest. Base sa pagkwento ni Luis, ito ay totoong pagmamahalan ngunit mas kinunsidera pa rin ni Clarisse ang sasabihin ng mga kapamilya, kaibigan at kapitabahay kaya tinapos nila ito kahit hindi nila gusto. d. Ilegal ang incest dito sa Pilipinas at sa ibang parte ng mundo, consensual man o sapilitan. Maraming batas ang nagsasabing walang bisa ang incentuous marriage. e. Walang nahanap na kaso ng consensual incest dahil sa hindi naman pwedeng huliin sa akto ang dalawang magpinsan at kasuhan agad. Tutol ang may akda sa incest dahil sa hindi ito natural, at itoy isang kalapastanganan para sa karamihan. f. Maraming basehan kung bakit ito masama at ipinagbabawal; magkaiba ang pagmamahal na binibigay sa mga kamag-anak at sa kasintahan, imoral dahil isa itong paglabas sa utos ng Diyos, at dahil sa pagkakaroon ng birth defects tulad ng dwarfism at malformation sa atrium ng puso ng mga magiging supling ng dalawang magkadugo. g. Ito ay higit na tinututulan ng gobyerno dahil sa pangmatagalang epektong mararanasan ng mga biktima; pisikal, emosyonal at pinansyal na syang napaglalaanan ng pondo. Hinihikayat ng may akda ang lahat na wag nang magpatali sa nakasanayang pagtatakip ng mata bagkus ay buksan ito. 2. Likha a. Sanhi at bunga Marahil ay mahal talaga nila ang isat-isa kaya nila nagawa iyon. O kung hindi man, baka nadala lang sila ng, ika nga, raging hormones. b. Pasaklaw Maraming Pilipino, sumuskribi man o hindi sa isang tanyag na relihiyon, ang nagtuturing sa incest bilang isang imoral at opensibong gawain dahil sa kulturang kinagisnan. ph. 4

3. Tiongson/Abad a. Ano ang ipinaparating Ito ay tungkol sa incest at mga batas na nagbabawal sa ganitong uri ng relasyon. Pati na rin ang mga masasamang epekto nito lalo na sa magiging supling ng dalawang magkadugo. b. Paano ipinarating Nagbigay ng mga pangyayari sa totoong buhay sa nagpakita na mayroon talagang kaso ng incest, karamihan ay consensual na hindi nagtatagal. Nagsaad ang may akda ng mga batas na nagpapatunay na ito ay ipinagbabawal, at isang eksperto na nagsasabing marami itong masamang epekto sa bayolohikal na aspeto. c. Sino Q. Famador d. Saan at kailan Pilipinas, Augusto 2012 e. Para kanino Una, para sa mga magkasintahan na magpinsan o magkadugo, at iparating sa kanila na mahihirapan lang sila kung ipagpapatuloy pa nila ito. Sa mga may balak gawin ito, na pag-isipan nilang mabuti dahil sa masamang epektong maidudulot nito sa kanila at sa magiging anak nila. At para sa mga sumusulong ng karapatan ng incestuous couples, na itigil na nila ito at buksan ang kanilang mga mata. f. Emotional effect Dahil sa tutol din ako sa incest, ako ay nagalak na hindi ito sinulong ng may akda. Ngunit wala akong masyadong naramdaman dahil sa hindi masyadong agresibo ang approach ng sumulat. 4. Positibo Malinaw ang posisyon ng may akda Matibay ang ebidensya na ipinagbabawal talaga ang incest dito sa Pilipinas Maganda ang pagpresenta ng halimbawa lalo na ang kwento nila Luis at Clarisse 5. Negatibo Hindi sapat ang konklusyon at masyado itong nagfocus sa genetic disorders na epekto lang ng incest 6. Rekomendasyon

Nikki M. Nicolas Panitikan sa Pilipinas Rhapsody: Di ba ang hirap pag-usapan? ni K. Roxas 1. Buod a. Ang seks ay isang natural taboo na sa lipunan, isang temang iniiwasan pag usapan ng karamihan, lalo na sa presensya ng kasalungat na tauhin. b. Itinuturing na bastos ang mga salitang tite o puke kahit iyon naman talaga ang tawag sa ari ng babaet lalaki. c. Iba ang pagtingin sa pamilyang napag uusapan ang sex ng walang hiya sa isat is. Mahirap pag usapan ang sex dahil saating pagpapalaki at relihiyon. d. Sa kultura nakadepende ang kalikasan ng sex. Ayon sa sikolohiya, mahirap pag usapan ang sex dahil sa mga imaheng nabubuo nito sa ating kaisipan. e. Hindi normal na pag usapan ang sels pero di ibig sabihin na maling pag usapan ito. Mas madaling maipapahayag ang sarili at mas maraming matututunan pag may bukas na isipan. f. Panahon nang kalimutan ang konserbatibo at makalumang pag iisip at makisabay sa pagbabago upang di mapag iwanan ng panahon. 2. Likha a. Sanhi at Bunga b. Pasaklaw 3. Tiongson/Abad a. Ano ang ipinaparating Ito ay tungkol sa kung bakit hindi karaniwan ang usaping seks para sa mga Pilipino. b. Pano ipinarating Nagbigay ng sariling karanasan at nagbanggit ng mga psychological studies kung bakit mahirap pag-usapan ang seks. c. Sino K. Roxas d. Saan at kelan Pilipinas, Augusto 2012 e. Para kanino Para sa mga taong hindi ganoon kamulat, maselan, at nahihirapang pag-usapan ang seks f. Emotional effect

Wala dahil sa hindi big deal sakin ang usaping seks, at nagawa ko na rin ang mga sinabi ng may akda. 4. Positibo a. Hindi mahirap intindihin ang nais iparating ng may akda b. Varied ang binigay na mga halimbawa 5. Negatibo a. Masyadong basic ang mga binigay na solusyon; kulang b. Maliit ang target audience bilang iba na ang panahon ngayon 6. Rekomendasyon Simpleng maging mulat lang sa katotohanang hindi na maselan ang usapi ng seks.

Nikki M. Nicolas Panitikan sa Pilipinas 19 Pukeng Parausan at Titing Paupahan ni A. Ibrado 1. Buod a. Mas maraming pokpok na babae dahil sa mas malibog ang mga lalaki. May low class, mid class, at high class pag pinag-usapan ang pokpok sa Pilipinas. b. Sa ibang bansa tulad ng Netherlands, ang prostitusyon ay legal. Ginagawa ito sa Pilipinas dahil sa kahirapan, at kadalasan ng mga pokpok ay galing sa probinsya. c. Ayon sa isang pokpok, ginagawa nya iyon dahil nga sa kahirapan; sa una masarap pero pagkatapos ay diring-diri sya sa ginawa nya. Kung may mga babaeng nagpapakantot para sa pera, mayroon ding mga lalaki na mas kilala sa tawag na call boy. d. Tulad ng sa babae, mayroon ding low class na call boy na pakalat-kalat lang sa Circle at malls. Mid class naman ang tawag sa mga macho dancer na makikita sa gay bars at bridal showers. At high class na mga modelo o dating artista. e. Madilim sa isang gay bar, nakatutok lang ang ilaw sa macho dancer na sumasayaw sa stage. Ang bawat hawak sa kanilang katawan ay may kaakibat na presyo. Ganito sila kadesperadong magkapera. f. Mariing tinututulan ang prostitusyon dito sa Pilipinas pero dahil sa ito lang ang kanilang pinagkakakitaan wala silang magawa. 2. Likha a. Sanhi at bunga Isa sa mga dahilan ng prosti ay ang hirap ng buhay. Marahil ito ay isa sa mga sakit ng ating bansa dahil imbes na magtrabaho sila sa marangal na pamamaraan ay nakikipagsapalaran sila sa pagbebenta ng kanilang laman para lamang sa kakarampot na halaga. ph. 2 b. Analohiya Syempre kung mas bata, mas sariwa. Kumbaga sa tocino e malambot pa at malinamnam. ph.3 c. Pagtatambis Sa gabiy nagsusulputan silang parang mga kabute. Kung ikay iikot sa Circle ay mapapansin mong naroon lang silat naghihintay pero minsan ay lalapit sayot hara-harang ka nilang aalukin na parang karne lang sa palenke. ph. 4 d. Pasaklaw Nakakagulat dahil ang alam lang natin na nagsusuot ng g-string ay mga babae. ph. 5

3. Tiongson/Abad a. Ano ang ipinaparating Ito ay tungkol sa ibat-ibang uri ng pokpok at call boy. b. Paano ito ipinarating Inilarawan ng may akda ang ibat-uri ng pokpok at call boy, mga ginagawa nila, presyo, at paraan ng transaksyon. Nagbigay din sya ng halimbawa ng mga tunay na pangyayari na magpapatunay na ang prostitusyon ay talamak sa Pilipinas. c. Sino A. Ibrado d. Saan at kailan Pilipinas, Augusto 2012 e. Para kanino Ito ay para sa gobyerno na dapat dagdagan ang mga oportunidad o trabaho para sating mga kababayang hirap sa buhay at nang hindi na nila pasukin ang ganitong mapusok na kalagayan. f. Emotional effect Nakaramdam ako ng lungkot para sa mga taong binigay na halimbawa ng may akda. Totoo namang dahil sa kahirapan kaya nila ito nagagawa. Patuloy ang pananamantala ng iba dahil sa kakulangan ng oportunidad sa ating bansa. 4. Positibo a. Malinaw ang pagkwento at pagbigay ng halimbawa b. Maayos ang daloy; organisado c. Malinaw ang stand ng may akda 5. Negatibo a. Nagkulang sa konklusyon; walang call for action b. Kulang sa data para madala ang mambabasa; karamihan ng nakasaad ay alam na ng mambabasa; basic 6. Rekomendasyon Pelikula: Macho Dancer directed by Lino Brocka

Nikki M. Nicolas Panitikan sa Pilipinas 19 Hindi na ngayon ni J. De Leon 1. Buod a. Noong bata pa ang may akda, sya ay pinagbawalang gumamit ng mga laruang panlalaki. Mahilig din sya sa sports pero ang tingin ng marami ay hindi nya ito kaya. b. Ang underestimation ay isang uri ng diskriminasyon. Hindi sapat na basehan ang kasarian para masabing malakas o mahina ang isang tao. c. Nakakapanggalit ang mga tanong minamaliit ang kakayahan ng mga kababaihan. Kailangang mabigyan ng pantay-pantay na karapatan ang lahat sa anumang larangan. d. Maraming stereotypes patungo sa kababaihan pero hindi dapat ito maging hadlang para magawa mo ang isang bagay. e. Sa panahon ngayon, nabawasan na ang diskriminasyon laban sa mga kababaihan, at silay nirerespeto na sa larangan ng sports. f. Gayunpaman, underrepresented sex pa rin ang tingin sa kababaihan. Hindi ito makakamit, napagtanto ng may akda, kahit na sa malapit na hinaharap; magkakaroon pa rin ng isang anyo ng heirarchy sa ating lipunan hindi lang sa sexes. g. Ang pagtingin ng may akda sa kanyang sport ay hindi lang isang paraan upang mapanatili ang pisikal na kaayusan at kahusayan, pati na rin pagpapaalala sa sarili na maaari pa nyang malampasan ang kanyang limitasyon. 2. Likha a. Pasaklaw Maglagay ka ng lalaki sa posisyon na iyon, kahit ilagay mo na lang, hindi kaya ng mga babae ito, hindi nila nakukuha. ph. 2 Kahit na ang mga kababaihan ay nabigyan ng pantay na pagkakataon at mga karapatan sa sports ngayon, sigurado ako na tiyak na patuloy ang diskriminasyon laban sa mga kababaihan bilang underrepresented sex... ph. 6 3. Tiongson/Abad a. Ano ang ipinaparating Ito ay tungkol sa laban ng mga kababaihan sa diskriminasyon, noon at ngayon. b. Paano ipinarating Inilarawan ng may akda ang pagbabago sa pagtingin ng tao sa mga kababaihan; nabawasan na ang diskriminasyon sa panahon ngayon. Ibinahagi nya ang

kanyang karanasan na nagpapatunay na mababa ang pagtingin ng mga kalalakihan sa mga kababaihan. c. Sino J. De Leon d. Saan at kailan Pilipinas, Augusto 2012 e. Para kanino Ito ay para sa mga kababaihan na natatakot at patuloy na nakararanas ng diskriminasyon; upang silay mas maging matatag at matapang sa kabila ng mapanghusgang kalalakihan. f. Emotional effect Nakaramdam ako ng inis sa kwento ng may akda kung saan sya ay nakaranas ng diskriminasyon. Kung ako ang nasa posisyon nya noon, malamang ay pareho kami ng ginawa. Napakayabang noong teammate nya. Natuwa rin ako sa bandang dulo dahil sa pagiging matapang ng manunulat; laban lang. 4. Positibo Madaling makarelate sa kwento o halimbawa ng may akda May kakayahang mag-inspire Maganda ang konklusyon 5. Negatibo a. Maraming paligoy-ligoy sa ibang parte ng sanaysay b. Malinaw ang stand pero nagkulang sa datos 6. Rekomendasyon Matatapos lang ang diskriminasyon kung hindi susuko ang mga kababaihan sa paglaban, kung magtutulungan, kung may collective action, kung mas magiging agresibo pa tayo, makakamit natin ang pagkakapantay-pantay na ating inaasam. Patunayan ang kakayanang gawin ang kayang gawin ng mga kalalakihan.

Nikki M. Nicolas Panitikan sa Pilipinas 19 (SHO+DO)TA ni J.Doliente 1. Buod a. Di nasagot ni John ang tawag ng syota niyang si Cherie dahil naglalaro siya ng dota. Elementarya palang ay tinuruan na siya mag dota ng kanyang kuya. b. Naging dota addict si John nung 2nd year nang pumasok siya a public school. Ayon sa isang pag aaral, ang computer games ay para sa lahat, at hindi hadlang ang kahirapan upang matustusan ng isang cyber addict ang kanyang pagkahumaling sa paglalaro. c. Napabayaan ni John ang kanyang pag aaral dahil sa dota, gaya na rin ng sabi ng isang pag aaral na masama ang epekto ng computer games sa pag aaral at pangkalahatang kalusugan sa isang manlalaro. d. Dapat daw ay may mabuong responsibilidad sa paglalaro pero nabubuo lamang ito sa tulong ng mga kaibigan, magulang at kamag anak ng isang indibidwal pati na ang kanyang environment, kaya di rin maaaring sisihin si John ng buong buo sa kanyang pagka-adik. e. Niligawan ni John si Cherie at nangako itong di na maglalaro ng dota bastat sagutin lang ng dalaga. Pero nang maging sila, matapos ng maikling panahon ay patago na uling naglalaro si John, isang bagay na nalaman ni Cherie at sanhi ng karamihan ng kanilang away. f. Sabi ng isang akda ay nahuhubog ng computer games ang pagiging palakaibigan ng isang tao, dahilan na rin kung kung bakit maraming kaibigan si John, na madalas din sanhi ng pagtatampo ni Cherie. Gumawa si Cherie ng isang artikulo tungkol sa masasamang epekto ng computer games para kay John. g. Nabatid ni John na napakaraming naapektuhan ng pagka-adik niya pero ang pinaka-inaalala niya ay ang epekto nito sa relasyon nila ni Cherie. h. Napagtanto ng binata na kahit hirap na hirap siyang lauyan ang dota, bastat anjan si Cherie ay makakaya niya rin ito. 2. Likha a. Sanhi at bunga Natawag na rin ang magulang ni John dahil sa paulit-ulit nyang paglisan sa eskwela. ph. 3 b. Pasaklaw Halos lahat ng lalaki sa eskwelahan nila ay alam nang laruin ang DOTA. ph.2 3. Tiongson/Abad

a. Ano ang ipinaparating Ito ay tungkol sa sobrang adiksyon sa computer games at mga epekto nito. b. Paano ipinarating Nagpakita ang may akda ng mga pag-aaral tungkol sa mga epekto ng pagkaadik sa computer games. c. Sino J. Doliente d. Saan at kailan Pilipinas, Augusto 2012 e. Para kanino Para sa mga adik sa DOTA at nang mapagtanto nila na wala itong mabuting magagawa sa kanila; para sa mga may kaibigan o may kasintahang adik sa DOTA, na maging instrumento para sa kanilang pagbabago at paglabas sa tunay na laro ng buhay. f. Emotional effect Natuwa ako dahil sa nahikayat ako ng may akda na huwag magDOTA, kahit na wala naman akong balak. 4. Positibo a. Sa halip na manghikayat lang, ginawang instrumento ng may akda ang totoong istorya ni John para mapagtanto ng mambabasa na ang higit na responsable sa pagkaadik sa DOTA ay sarili nya mismo b. Hindi biased; ipinakita ang positibo at negatibong epekto ng computer games 5. Negatibo a. Hindi nagbigay ng direktang solusyon b. Hindi malinaw ang stand 6. Rekomendasyon Mayroon pa ring nagsasabi na hindi nakakaadik ang DOTA, nasa tao rin daw yun kung kaya nilang kontrolin. Siguro mas palalimin pa ang pag-aaral at magbigay pa ng mga datos.

Nikki M. Nicolas Panitikan sa Pilipinas 19 Industriya ng Prostitusyon sa Timog-Silangang Asya ni A. Nimez 1. Buod a. Ang prostitusyon y tumutukoy sa anumang gawain o transaksyon na may kinalaman sa pag gamit ng isang tao para sa mahalay na gawain kapalit ng pera. Maraming bansa sa Timog-Silangang Asya ang apektado ng prostitusyon ngunit pinapahintulutan ito dahil malaki ang nadadalang kita nito sa bansa. b. Dala ng kahirapan, laganap ang prostitusyon kahit sa mga batang babae. Dahil sa dami ng tumatangkilik ng prostitusyon, pati internet at ibang media ay pinagkakakitaan na ng industriya. c. Malaking prosyento ng pambansang kita ng Thailand ay nagmumula sa turismo ng prostitusyon. Malaki ang epekto ng prostitusyon sa emosyonal, pisikal at mental na kalusuhan ng mga batang pokpok sa Thailand. d. Pagsanaysay sa prostitusyong nagaganap sa Vietnam, Australia at Malaysia, kung saan kadalasan mas mabenta at mas napagsasamantalahan ang mga kabataan. e. Kasaysayan ng prostitusyon sa Cambodia at Pilipinas, kung saan parehong nagsimula ang industriya matapos sakupin ng mga banyaga. f. Ang Pilipinas ay pang apat sa listahan ng mga bansang laganap ang prostitusyon. Ang Pilipinas ang may pinakamurang bentahan ng prostitusyon sa buong mundo. g. Nananawagan ang manunulat na higpitan ang mga batas at bigatan ang mga parusa laban sa prostitusyon upang mapigilan ito. Hinihikayat niyang buksan natin ang ating kamalayan at wag manatiling pasibo sa isyung ito. 2. Likha a. Sanhi b. Bunga c. Pagbibigay ng halimbawa 3. Tiongson/Abad a. Ano ang ipinaparating b. Pano ipinarating c. Sino d. Saan at kelan e. Para kanino f. Emotional effect 4. Positibo 5. Negatibo

You might also like