You are on page 1of 2

TUYOM STAND ALONE SENIOR HIGH SCHOOL

Tuyom, Carcar City, Cebu

Pagbasa at Pagsuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

I.Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag at isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Isang kognitib na proseso ng pag-unawa sa mensahing nakalimbag o ng anumang wikang nakasulat.


a. Pagbasa b. PAgsulat c. Pakikipanayam d. Pananaliksik
2. Ang mga sumusunod ang nagsasaad tungkol sa dating kaalaman. MALIBAN sa isa.
a. Itoy binubuo ng lahat ng karanasan.
b. Mga bagay na natutuklasan at natutunan
c. Itoy bunga ng mga kamalian at kapalpakan
d. Bunga ito sa mga bagay na napag-aralan at nasubaybayan.
3. Ang isang estudyanteng palabasa ay
a. mahihirapan makakuha ng impormasyon
b. may malaking posibilidad na maipasa niya ang mga pasulit na ibibigay ng guro.
c. nagpapabigat ito sa mga responsibilidad bilang isang mag-aaral
d. hindi makakaugnay ang mga mag-aaral sa kanyang binasa at sa dating kaalaman.
4. Teksto na naglalayong magbibigay ng impormasyon o magpaliwanag nang malinaw at walang
pagkiling tungkol sa iba’t ibang paksa.
a. Impormatibo b. Naratibo c. Persuweysib d. Prosidyural
5. Tekstong manghihikayat o makumbinsi ang babasa ng teksto.
a. Impormatibo b. Naratibo c. Persuweysib d. Prosidyural
6. Sa pagsulat ng ganitong teksto ay lumulutang ang mga element o sa isang kuwento.
a. Impormatibo b. Naratibo c. Persuweysib d. Prosidyural
II. Basahing mabuti ang bawat teksto at tukuyin ang paksa nito. Piliin ang sagot sa kahong nasa ibaba. Isulat ang titik na
tamang sagot.

A. ang mga maaaring gawin ng isang taong nabiktima ng cyberbullying


B. Kasalukuyang sitwasyon ng cyber bullying sa Pilipinas
C. Mga epekto ng cyber bullying
D. Pagpapakahulugan sa cyber bullying
E. Pagkakaiba ng cyber bullying sa harapang pambu-bully
F. Ang dahilan ng cyber bullying
G. Paano isuot ang lifejacket
H. Pagbibigay ng direksyon
I. Sanhi ng Kanser
J. Manok na may Mushroom
K. Ang panggagamot noon

7. “Ang harapang pambu-bully ay nangyayari sa isang lugar at sa isang panahon. Kapag hindi na
magkaharap ang bully at ang biktima ay walang pambu-bully ng nangangyayaring nagaganap. Samantala,
ang cyberbullying ay maaaring mangyari 24/7. Ibig sabihin, kahit natutulog ang biktima, o nasa loob ng
kanyang tahanan, ang cyberbullying ay patuloy na nangyayari. Maaari ding magtago ng kanyang tunay na
pagkatao ang nambu-bully upang hindi makilala kung sino siya habang ipinakalat niya ang anumang bagay na
makasisira sa kanyang biktima.

8. “Mas matindi ang sakit at pagkasugat ng emosyon o emotional at psychological trauma ng maaaring
maranasan ng isang biktima ng cyberbullying. May pangmatagalang epekto ito sa tao lalo na kung hindi
maagapan o matutulungang ma-proseso ang damdamin ng isang nagging biktima nito. Maaari siyang
magkaroon ng mga isyung saykolohikal hindi lang sa kasalukuyan kundi sa mga darating pang panahon.”

9. Ang cyberbullying ay ang pambu-bully sa kapwa gamit ang makabagong teknolohiya. Ang ilang halimbawa nito
ay ang pagpapadala ng mensahe ng pananakot, pagbabanta, o pagtataglay ng masasamang salita maging sa text
o email, pagpapalaganap ng mga nakasisirang usapan-usapan, larawan, video, at iba pa sa email at sa social
media, pagbash o pagpo-post ng mga nakasisira at walang basehang komento, paggawa ng mga pekeng account
na may layuning mapasama ang isang tao, paghack sa account ng iba upang magamit ang sariling account ng tao
sa paninira sa may-ari nito, at iba pang uri ng harassment sa pamamagitan ng teknolohiya.”
10. “Ayon sa ulat ng Google Trends, ang ikaapat sa mga bansa sa buong mundo kung saan may pinakamaraming
naghahanap ng impormasyon ukol sa cyberbullying noong 2013 ay ang Pilipinas. Isa itong indikasyon na ang
isyu ng cyberbullying ay isa ng realidad sa ating bansa.”

11. “Ang cyberbullying tulad din ng iba pang uri ng bullying ay nagkakaroon ng matinding epekto sa buhay at
pagkatao ng biktima kaya ipinapayo ng mga eksperto gumawa ng mga hakbang ang sinumang nakararanas ng
ganitong pangyayari sa buhay upang mahinto ang pang-aabuso. Huwag basta manahimik at sa halip ay
magsumbong sa kinauukulan. Maaaring makipag-ugnayan sa National Bureau of Investigation.”

12.”Madali mong makta ang aming bahay kung diretsuhin mo ang Bonifacio Street hanggang Luna Street. Lumiko
ka sa kanan hanggang marating mo ang Mabini Street.”

13.”Ilaga ang manok na pira-piraso sa kaunting tubig na may asin hanggang lumambot. Kanawin sa kaunting tubig
ng arina. Ihulog sa mainit na mantika hanggang lumapot. Idagdag ang sibuyas at sili at lutuin ng 5 minuto.
Ihulog ang manok kasama ang pinaglagaan. Idagdag ang cream of mushroom soup.”

14. “Bakit nga ba nagkakanser ang isang tao? Ang ating katawan ay sadyang may mga selulang nagtataglay ng
oncogenes (tumor–producing genes). Ang mga oncogenes na ito ay kadalasang natutulog lamang aktibo.
Hanggang natutulog ito, hindi tayo magkakanser. Pero may mga bagay na pwedeng ditto, gaya ng tabako,
radiations, virus, at food color.”

15.” Noong araw ay tinatawagan lamang ang albularyo ng mga taong nagsusunog ng kilay-mga burgis at
mayamang namulat at namihasa sa mga milagro ng medisinang kanluranin. Wala raw bias ang mga gamut na
walang reseta. Sa halip daw na makagaling ay nakasasama pa ang hatol ng albularyo. Kailangan daw ay
kumunsulta sa isang doktor o sa isang espesyalista kung kinakailngan.”

16. Ang iyong lifejacket ay nasa ilalim ng inyong upuan. Ipasok ang lifejacket sa ulo. Siguraduhin ang mga kamay ay
nasa labas ng tali sa harap. Siguraduhing hindi natatanggal ang lifejacket. I-ekis ang tali sa ibaba papunta sa
likod. Hilahin mula sa likod at itali sa may tiyan, sa ilalim ng pad.

IV. Batay sa inyong nababasang teksto. Sagutin ang mga katanungan sa pamamagitan ng pag-ugnay nito sa tunay na
buhay.

17. Alin sa ibaba ang nagpapakita ng pagsugpo sa cyberbullying?


a. Ang pagtaguyod ng cyberbullying campaign ng mga senador.
b. Ang hindi paggamit ng social media sa paaralan.
C. Ang hindi pagpayag ng mga kabataan na pumunta sa internet café.
D.Ang pagpatupad ng curfew sa kabarangayan.
18.Ano ang mas mainam gawin kung nabiktima ka ng cyberbullying?
a. Tumahimik nalang para walang gulo.
b. Puntahan ang gumawa nito sa iyo at ikaw ang maghigante.
c. Magpasama sa pulis at magtanong kung ano ang magiging hakbang o gawin.
d. Ipadampot sa Baranggay Tanod ang gumawa nito sa iyo.
19. Merong kasabihang “Walang mambu-bully kung walang magpapabully” na ang ibig sabihin ay _____________.
a. walang mang-aapi kung walang magpapa-api.
b. huwag saktan ang taong hindi nanakit.
c. ang taong hindi marunong magpatawad ay may pusong bato.
d. ang pagpapatawad ay nangangailangan ng pagtatasa upang mapatawad.
20. Bakit mahalaga ang pagiging responsable sa paggamit ng internet?
a. sapagkat mapapagkitaan ito ng pera.
b.kasi hindi lang ikaw ang nakakakita sa inyong ginawa bagkus ang buong mundo.
c. dahil mahal ang bayad nito.
d. maaari kang makulong sapagkat meron ng batas na sumusuporta social media abuse.

"Kung gaano karami ang iyong nababasa, ganun karami ang buhay na iyong
makikilala" - by khen salce

“WELCOME SA PAGBASA AT PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBAT IBANG TEKSTO TUNGO SA


PANANALIKSIK!”

G. CARLO M. BAS
lilcarlo19@yahoo.com

You might also like