You are on page 1of 3

Pangalan: Flordemaelyn S.

Baranda Petsa: Setyembre 4, 2017

Kurso at Taon: BSA – 4 Marka: ______________

Fili 12 – Pagbasa at Pagsulat tungo sa Pananaliksik

1. Pag – uuri ng mga ideya at detalye

a. Paksang pangungusap

 Sa makabagong panahon kung saan laganap ang paggamit ng teknolohiya,

isang uri ng pambu – bully ang nabigyang daan nito: ang cyberbullying o

ang pambu – bully sa kapwa gamit ang makabagong teknolohiya.

b. Pantulong o suportang detalye

 Kaibahan ng cyberbullying sa harapang pambu – bully

 Epekto ng cyberbullying

 Sitwasyon ng cyberbullying sa Pilipinas

 Maaaring gawin ng isang taong nabiktima ng cyberbullying

 Pagkakaroon ng pag – asa na makabangon mula sa cyberbullying

2. Pagtukoy sa layuning ng teksto

 Nagbibigay ng impormasyon

3. Pagtiyak ng damdamin, tono at pananaw ng teksto

a. Damdamin

 Pagkabahala

b. Tono

 Seryoso

c. Pananaw

 Ikatlong panauhan

4. Pagkilala sa pagkakaiba ng opinyon at katotohanan

 Katotohanan

5. Pagsusuri kung valid o hindi ang ideya


 Valid

6. Pagbuo ng lagom at kongklusyon

a. Lagom

Sa makabagong panahon kung saan laganap ang paggamit ng teknolohiya, isang

uri ng pambu – bully ang nabigyang daan. Ito ay ang cyberbullying o ang pambu – bully

sa kapwa gamit ang makabagong teknolohiya. Ang ilang halimbawa nito ay ang

pagpapadala ng mga mensaheng nanakot, nag babanta o nagtataglay ng mga masasamang

salita, pagpapalaganap ng mga nakakasirang larawan o video sa social media,

pangbabash, paggawa ng pekeng account para siraan ang isang tao at maging ang pag

hack para magamit ang account ng ibang tao.

Ang cyberbullying ang mahihintulad rin sa harapang pambu – bully subalit meron

ding malaking pagkakaiba ang dalawa. Ang harapang pambu – bully ay nangyayari sa

isang lugar at isang panahon lamang. Kapag hindi na magkaharap ang bully at ang

biktima ay wala ng pambu – bully ang magaganap. Samantala, ang cyberbullying naman

ay maaring mangyari ng 24/7. Ibig sabihin, kahit hindi magkaharap ang biktima at ang

bully, o kahit natutulog ang biktima, o nasa loob ng tahanan, ang cyberbullying ay

patuloy na nangyayari. Ang mga nambu – bully ay maaaring itago ang kanilang

pagkatao at minsan ay mahirap malaman kung sino sila o kung sino ang may pakana ng

mga nagkalat na mga hindi magaganda patungkol sa biktima. Ang cyberbullying din ay

walang pisikal na pananakit ang nangyayari di tulad ng harapang pambu – bully subalit

kadalasan mas matindi ang sakit at pagkasugat ng emosyon o emotional at psychological

trauma na maaaring maranasan ng isang biktima ng cyberbullying. Maaari siyang

magkaroon ng mga isyung sikolohikal hindi lamang sa kasalukuyan kundi sa mga

darating na panahon. Sa kabilang banda, ang mga nabu – bully ay pinapayuhan ng mga

eksperto na hindi dapat manahimik lang. Ipinapayo ni Sonnie Santos, isang eksperto sa

cyberbullying ang pagsagawa ng aksyon tulad ng laging kunan ng screenshot ang mga

nakakasirang mensahe para magamit na ebidensya, ipaalam sa pamilya kung nabu – bully

na, mag report sa mga awtoridad base kung saan naganap ang pambu – bully at iba pa.
Gayunpaman, ang pagiging biktima ng cyberbullying ay hindi katapusan ng

mundo. Maraming biktima ang nagtagumpay na malampasan ang ganitong kalagayan sa

sarili nilang pagsisikap, matibay na pananalig sa Diyos, at sa tulong ng mg taong

nagmamalasakit upang sila ay muling mkabangon mula sa masakit na karanasan.

b. Kongklusyon

Samakatuwid, ang cyberbullying ay isang laganap na pangyayari sa panahon

ngayon ng teknolohiya at ito ay nagbibigay ng kakaibang epekto sa emosyonal at

psychological na aspeto ng buhay ng biktima. Subalit, ang cyberbullying ay

maaaring maiwasan at mapigilan ayon sa mga patnubay ng mga eksperto at ang

sinumang nakakaranas na nito ay maaaring pa ring makawala sa epektong hatid

ng cyberbullying.

You might also like