You are on page 1of 2

De Leon, Tricia Faye I.

12- Cana
Activity 1

I. Suriin ang nilalaman ng Impormatibong teksto gamit ang mga katanungan sa ibaba.
Isulat ang kasagutan sa paraang pasalaysayna nasa anyo ng isang pananaliksik.

1. Ano ang cyberbullying? Paano ito naiiba sa pambubuska nang harapan?

• Ang cyber bullying ay isang uri ng pang-bubully gamit ang teknolohiya. Maaring gumamit ang
bully ng social media application upang manakit at mamahiya ng iba. Ang pang-bubully ay hindi
lamang sa pisikal na paraan. Maari rin itong maisagawa sa pamamagitan ng masasakit na salita
o pang-iinsulto sa iba na karaniwan ng laganap sa social media. Ang pang-bubully ay karaniwang
may masasamang epekto sa nagsasagawa nito at ng mga biktima. Ang kaibahan ng
Cyberbullying at pambubuska nang harapan ay, ang Cyberbullying ay isang uri ng bullying na
ginagamitan ng teknolohiya upang manghamak ng iba. Isang halimbawa nito ay ang pang-
bablackmail o pagpapadala ng mensahe na may nakapaloob na pagbabanta sa isang tao kilala
mo man o hindi bagaman ang pambubuska nang harapan ay isang uri ng bullying na nakatakda
lamang sa mismong lugar ng pangyayari bukod pa rito, nakikita ang gumagawa ng bullying kung
ito ay harapan, habang ang cyberbullying ay nakakapagtago sa pamamagitan ng paggawa ng
dummy account o tinatawag na pekeng account upang maitago ang kanilang pagkakakilanlan.

2. Paano nakaapekto ang cyberbullying sa nagiging biktima nito?

• Ang cyberbullying ay nagiging sanhi ng emosyonal at sikolohikal na pagkabalisa sa nagiging


biktima nito. Ang mga taong nakararanas ng cyberbullying ay maaaring makaranas ng
pagkabalisa, takot, depresyon, mababang "self-confidence", kakulangan ng pakikisalamuha,
pagkababa ng marka atbp.

3. Ano ang mga layunin ng tekstong impormatibo? Ano – anong katangian ng


tekstong binasa ang magpapatunay na ito ay isang tekstong impormatibo?

• Ang layunin ng tekstong impormatibo ay maglahad ng mga impormasyon na makadadagdag


kaalaman patungkol sa isang teksto o paksa. Ang tekstong impormatibo ay, naglalaman ng
detalyadong pagpapakahulugan sa isang bagay at maging mga argumento ukol dito, ang mga
impormasyon na nakapaloob dito ay naglalayong makapagbigay ng malinaw na paliwanag sa
mga makababasa nito. Ang mga katangian ng tekstong binasa na magpapatunay na ito ay
tekstong impormatibo ay, ang pagbibigay ng ideya ukol sa isang datos katulad na lamang ng
pagbibigay kahulugan sa cyberbullying maging ang mga maaaring epekto nito sa mga tao, at
dahil dito ay mas lalawak at madaragdagan ang kaalaman mo sa ganitong klaseng sitwasyon.
4. Mabisa ba ang pagkakalahad ng mga impormasyon?

• Mabisa ang pagkakalahad ng mga impormasyon dahil nabigyang kahulugan ang isa sa mga uri
ng pambubuska na tinatawag na "Cyberbullying" at maging ang mga epekto nang ganitong
klaseng kaso. Inilahad rin dito ang istadistika ng Pilipinas sa ganitong kaso ng pam-bubully.

5. Bilang magaaral, paano mo maipapakita ang mga impormasyong inilalahad sa


tekstong binasa? Anong mga hakbang ang maari mong gawin ukol dito?

• Bilang isang mag-aaral, maipapakalat ko ang impormasyong nakalahad sa tekstong aking


binasa sa pamamagitan nang tamang paggamit ng social media, dahil ang internet ay siyang
nag-uugnay sa mga tao sa kahit na saang lugar, at sa ganitong paraan ay tiyak na maraming
makakakita't makakabasa nito.

Hindi lamang bilang mag-aaral kundi isang mamamayan. Ang maaaring maging hakbang ko ukol
dito ay unang-una, gawing pribado ang settings ng aking social media accounts, huwag
tumanggap ng mga friend request mula sa mga taong hindi kilala nang personal, ituro sa iba ang
pagpapahalaga at mga positibong paraan ng paggamit ng internet, at higit sa lahat ay maging
bukas sa mga taong komportable kang kausap kung ikaw man ay nakararanasan ng ganitong
suliranin.

You might also like