You are on page 1of 26

TEKSTONG IMPORMATIBO

GROUP:1

RICA V. DIOSO

ANGEL ROSE MENDAROS

ZAIRA MAE MALBAS

JUSTINE MAE BIGOY

MAEBELLE GOMEZ

ADELAINE PIDO

LOVELY CABIDOG

LANCE FRANCIS CANDALERO

MATTRANILLO ORTEGA
 Ang tekstong impormatibo ay isang uri ng babasahing
di piksyon. Ito ay naglala-
yong magbigay ng impormasyon o magpaliwanag ng
malinaw at walang pagkiling
tungkol sa iba’t ibang paksa tulad ng sa mga hayop, sports,
agham o siyensya,
kasaysayan, gawain,paglalakbay, heograpiya, kalawakan,
panahon, at iba pa.
 ELEMENTO NG TEKSTONG
IMPORMATIBO
 Kung ang tekstong naratibo ay may mga elementong
kinabibilangan ng tauhan, tagpuan, suliranin, at mahalagang
pangyayaring tulad ng simula, kasukdulan,
kakalasan, at wakas, ang tekstong impor-
matibo ay mayroon ding mga elemento.
Ang mga ito’y ang sumusunod:
Layunin ng may-akda-

 Maaring magkaiba-iba ang layunin ng may-akda sa pagsulat niya


ng isang tekstong impormatibo. Maaaring layunin niyang
mapalawak pa ang kaalaman ukol sa isang paksa; maunawaan ang
mga pangyayaring mahirap ipaliwanag; matuto ng maraming bagay
ukol sa ating mundo; magsaliksik; at mailahad ang mga yugto sa
buhay ng iba’t ibang uri ng insekto, hayop, at iba pang nabubuhay;
at iba pa. Gayunpaman, anuman ang layunin ay mapapansing
kaugnay ito lagi ng pagbibigay o paglalahad ng impormasyon.
Pangunahing Ideya-
 Di
tulad ng tekstong naratibo na hindi agad inihahayag ng
manunulat ng mga mangyayari upang mapaabot ang interes ng
mambabasa sa kasukdulan ng akda ,sa tekstong impormatibo
naman ay dagliang inilalahad ang mga pangunahing ideya sa
mambabasa. Nagagawa ito sapamamagitan ng paglalagay ng
pamagat sa bawat bahagi tinatawag din itong organizational
markers na nakatutulong upang agad makita at malaman ng
mambabasa ang pangunahing ideya ng babasahin.
Pantulong na Kaisipan-

Mahalaga rin ang paglalagay ng angkop na mga pantulong


na naisipan o mga detalye upang makatulong mabuo sa
isipan ng mambabasa ang pangunahing ideyang nais niyang
matanim o maiwan sa kanila.
Mga Estilo sa Pagsulat, Kagamitan/Sangguniang
Magtatampok sa Bagay na Binibigyang-diin-

 Makatutulong sa mga mag-aaral na magkaroon ng mas


malawak na pag-unawa sa binabasang tekstong impormatibo
ang paggamit ng mga estilo o kagamitan/sangguniang
magbibigay-diin sa mahahalagang bahagi tulad ng sumusunod:
PAGGAMIT NG MGA NAKALARAWANG
REPRESENTASYON

 makatutulong ang paggamit ng mga larawan, guhit


dayagram, tsart, talahanayan, time line at iba pa upang
higit na mapalalim ang pag-unawa ng mga mambabasa sa
mg tekstong impormatibo.
PAGBIBIGAY-DIIN SA MAHAHALAGANG
SALITA SA TEKSTO

 Nagagamit dito ang mga estilong tulad ng pagsulat nang


nakadiin, nakahilis, nakasalungguhit, o nalagyan ng panipi
upang higit na madaling makita o mapansin ang mga
salitang binibigyang-diin sa babasahin.
Pagsulat ng mga talasanggunian-

karaniwang inilalagay ng mga manunulat ng


tekstong impormatibo ang mga aklat, kagamitan, at
iba pang sangguniang ginagamit upang higit na
mabigyan-diin ang katotohanang naging basehan sa
mga impormasyong taglay nito.
MGA URI ANG TEKSTONG IMPORMATIBO

 Ang pangunahing layunin ng tekstong impormatibo ay


makapaghatid ng impormasyong hindi nababahiran ng
personal na pananaw o opinyon ng may-akda. Makikita ang
layuning ito sa ilang uri ng tekstong impormatibo tulad ng
sumusunod:
1. Paglalahad ng Totoong Pangyayari/Kasaysayan

 Sauring ito ng teksto inilalahad ang mga totoong pangyayaring


naganap sa isang panahon o pagkakataon. Maaaring ang
pangyayaring isasalaysay ay personal na masaksihan ng
manunulat tulad ng mga balitang isinusulat ng mga reporter ng
mga pahayagan o maari ding hindi direktang nasakihan ng
manunulat kundi mula sa katotohanang nasaksihan at
pinatutunayan ng iba ng iba tulad ng sulating pangkasaysayan o
historical account.
2 . Pag-uulat Pang-impormasyon

 Sauring ito nakalahad ang mahahalagang kaalaman o


impormasyon patungkol sa tao, hayop, iba pang bagay na
nabubuhay at di nabubuhay, gayundin sa mga pangyayari sa
paligid. Ang ilang halimbawa ay mga paksang kaugnay ng
teknolohiya, global warming, cyberbullying, mga hayop na
malapit nang maubos, impormasyong kaugnay ng mga
halaman, at iba pa.
3. Pagpapaliwanag

 Ito ang uri ng tekstong impormatibong nagbibigay paliwanag


kung paano o bakit naganap ang isang bagay o pangyayari.
Layunin nitong makita ng mambabasa mula sa mga
impormasyong nagsasaad kung paano humantong ang paksa sa
ganitong kalagayan. Karaniwan itong ginagamitan ng mga
larawan, dayagram, o flowchart na may kasamang mga
paliwanag. Halimbawa nito'y ang siklo ng buhay ng mga hayop
at insekto tulad ng paruparo, palaka, at iba pa.
Halimbawa ng Tekstong Impormatibo

Cyberbullying
Sa makabagong panahon kung saan laganap ang paggamit ng teknolohiya, isang uri
ng pambu-bully ang nabigyang-daan nito: ang cyberbullying o ang pambu-bully sa kapwa
gamit ang makabagong teknolohiya. Ang ilang halimbawa nito ay ang pagpapadala ng
mensahe ng pananakot, pagbabanta, o pagtataglay ng masasamang salita maging sa text o
e-mail; pagpapalaganap ng mga nakasisirang usap-usapan, larawan, video, at iba pa sa e-
mail at sa social media; pag-bash o pagpo-post ng mga nakasisira at walang basehang
komento; paggawa ng mga pekeng account na may layuning mapasama ang isang tao;
pag-hack sa account ng iba upang magamit ang personal account ng isang tao nang walang
pagsang-ayon niya o sa paninira sa may-ari nito; at iba pang uri ng harassment sa
pamamagitan ng teknolohiya.
Paano Naiiba ang Cyberbullying sa
Harapang Pambu-bully?
Ang Cyber Bullying ay ang pambubuly sa pamamagitan ng
social media. Halimbawa ang pagkakalat ng nakakahiyang
impormasyon o litrato ng biktima, samantala ang harap
harapang pambubully ay ang pananakit sa pisikal at emosyon
ng harap harapan.
Ano-ano ang Epekto ng Cyberbullying?

epekto ito sa tao lalo na kung hindi maaagapan o


matutulungang ma-proseso ang bagay na naka-upload na sa
Internet. Sa cyberbullying ay walang pisikal na pananakit na
nangyayari di tulad ng harapang pambu-bully na kung
minsa'y humahantong sa pananakit subalit mas matindi ang
sakit at pagkasugat ng emosyon o emotional at
psychological trauma na maaaring maranasan ng isang
biktima ng cyberbullying.
Naririto ang ilan pa sa mga epekto ng cyber bullying:
 Mga senyales ng depresyon-Ang sugat sa emosyon ay mas matindi
pa kaysa pisikal na sugat. Kapag matindi ang emosyonal na trauma
dahil sa mga nakasisirang post sa Internet, ang biktima ay
nakararanas ng mga sintomas ng depresyon tulad ng hindi
maipaliwanag na kalungkutan, hindi makatulog, kawalan ng ganang
kumain, o minsa'y humahantong sa pananakit sa sarili, o pag-iisip na
wakasan na ang sariling buhay.
.Pag-inom ng alak o paggamit ng ipinagbabawal na gamot-Ito ay
nagiging paraan ng biktima upang makalimot o magkaroon ng tapang
o lakas ng loob na harapin ang bully at ang mundo. Madalas, dahil
dito'y hindi niya namamalayang nagiging bully na rin siya.
 Pagliban o pag-iwas sa pagpasok sa paaralan Ito'y
isang paraan upang makaiwas sa taong nambu-bully.

Pagkakaroon ng mabababang marka sa paaralan


Ang madalas na pagliban at kawalan ng
konsentrasyon sa pag-aaral dahil sa kakaisip sa
nangyayaring pambu-bully ay nagre-resulta sa
mabababang marka sa paaralan.
 Pagkawalang tiwala sa sarili o pagkakaroon ng mababang self-
esteem- Ang mga alaala ng panunukso o pananakit ay nagdudulot
ng kawalan ng tiwala sa sarili o mababang pagpapahalaga sa
sarili.
 Pagkakaroon ng problema sa kalusugan Karaniwang ang mga
biktima ng bullying ay nakararanas o nagsasabing sila ay may
sakit tulad ng karaniwang ubo, sipon, sakit ng ulo, sakit ng tiyan,
at iba pa.
 Pagiging biktima rin ng harapang bullying-Minsan bago pa
mangyari o kapag nangyari na ang cyberbullying, ang biktima ay
karaniwan ding nagiging biktima ng harapang bullying dahil
nawawala ang tiwala niya sa sarili at ang kakayahang gawin ang
nararapat upang maipagtanggol ang kanyang karapatan.
Ano ang Maaaring Gawin ng Isang Taong Nabiktima ng
Cyberbullying?

Ipinapayo ni Sonnie Santos, isang eksperto sa cyberbullying ang


pagsasagawa ng alinman sa sumusunod, depende sa sitwasyon o
pangangailangan.
 Laging kunan ng screenshot ang mga nakasisirang mensahe at i-
save ito para magamit bilang ebidensiya o katibayan sa ginawang
pambu-bully.
 Ipaalam sa mga kapamilya ang mga pangyayari o pag-atake.
I-report sa awtoridad tulad ng guro o guidance counselor kung sa
paaralan ito nangyayari o sa Human Resources kung ang pambubu-
bully ay nangyayari sa trabaho.

 I-report sa pamunuan ng social media (tulad ng Facebook o


Twitter) ang nangyayari upang magawan nila ng karampatang
hakbang. Magpalit ng numero ng telepono kung cell phone ang
ginagamit sa pag- atake o pambu-bully.
May Pag-asa pa bang Makabangon mula sa Cyberbullying?

Ang pagiging biktima ng cyberbullying ay hindi katapusan ng


mundo. Maraming biktima ang nagtagumpay na malampasan ang
ganitong kalagayan sa sarili nilang pagsisikap, matibay na pananalig
sa Diyos, at sa tulong ng mga taong nagmalasakit upang sila'y
muling makabangon mula sa masakit na karanasan. Isa sa mga ito si
Paula Jamie Salvosa, ang babaeng binansagang "Amalayer girl"
nang makunan ng video ang pasigaw niyang pakikipagtalo sa
babaeng guwardiya ng LRT habang paulit-ulit niyang sinasabi ang
"Do you think I'm a liar." Nang mai- post ang videong ito ay naging
viral ito sa Internet at umani ng napakaraming bashing ang
"Amalayer girl."
Halos hindi niya nakayanan ang mga pangungutya, gálit, at
pagbabantang natanggap mula sa mga netizen na nakapanood ng
video. Nahusgahan ang kanyang pagkatao nang dahil sa video at ang
pangyayaring ito ay bumago sa takbo ng kanyang buhay. Masakit ang
pinagdaanan niya subalit napatunayan niyang ang panahon nga ang
pinakamabisang lunas. Sa paglipas ng panahon ay unti-unting nalimot
ng tao ang pangyayari at kasabay nito'y unti-unti rin siyang
nakabangon sa mapait na karanasan. Ngayon siya'y aktibo sa kanilang
simbahan at nangangaral ng salita ng Diyos. Marami pang ibang tulad
ni Salvosa na nabiktima rin ng cyberbullying ang nakabangon at
nabigyang-pagkakataong ipagpatuloy ang kanilang búhay.

You might also like