You are on page 1of 27

Mga Uri ng Tekstong

Impormatibo

Gng. Charlyn Blando-Diamante


SHS-Filipino
Gawain:

Panuto:
Kilalanin ang mga tao at lugar na
ipapakita at magbigay ng isang
impormasyon ukol dito.
Si Rodrigo Roa
Duterte ang
panlabing anim
na pangulo ng
Pilipinas.
Si Dr. Ma. Liza R.
Tabilon, ang Schools
Division
Superintendent ng
Division of
Zamboanga Del
Norte.
Ang Ubay National
High School ay
matatagpuan sa Purok 2
ng Ubay, Labason
Zamboanga Del Norte
Ang Bayangan Island
ay isa sa mga
magagandang
tanawin na
matatagpuan sa
Labason, Zamboanga
del Norte
Ang Osukan Fine Sand
Beach Resort ay ang
lugar kung saan
ginanap ang Swimsuit
competition ng Miss
Tourism 2022
Ano ang inyong napansin sa
Gawain?
TEKSTONG
IMPORMATIBO
AT MGA URI NITO
Tekstong Impormatibo
• isang uri ng babasahing di piksyon.
• naglalayong magbigay ng impormasyon o
magpaliwanag nang malinaw at walang pagkiling
tungkol sa iba’t ibang paksa tulad sa mga hayop,
isports, agham o siyensya, kasaysayan, Gawain,
paglalakbay, heograpiya, kalawakan, panahon, at iba
pa.
• karaniwang makikita sa mga
pahayagan o balita, sa mga
magasin, textbook, sa mga
pangkalahatang sanggunian
tulad ng encyclopedia, gayundin
sa iba’t ibang web site sa internet.
Mga Uri ng Tekstong Impormatibo
1. PAGLALAHAD NG TOTOONG PANGYAYARI/ KASAYSAYAN
• inilalahad ang mga totoong pangyayaring naganap sa isang panahon o
pagkakataon
• maaaring personal na nasaksihan ng manunulat tulad ng mga balitang
isinusulat ng mga reporter ng mga pahayagan o maaari ring hindi
direktang nasaksihan ng manunulat kundi mula sa katotohanang
nasaksihan at pinatutunayan ng iba tulad naman ng sulating
pangkasaysayan o historical account.
1. PAGLALAHAD NG TOTOONG PANGYAYARI/ KASAYSAYAN
• May panimula o introduksyon
Kung balita, gawin ang
pinakamahalagang impormasyon- sino, ano, saan, kalian , at
paano
2. PAG-UULAT PANG-IMPORMASYON
• Nakalahad ang mahahalagang kaalaman o impormasyon patungkol sa
tao, hayop, iba pang bagay na nabubuhay at di nabubuhay, gayundin
sa mga pangyayari sa paligid
• Mga halimbawang paksa- teknolohiya, global warming, cyberbullying,
mga hayop na malapit nang maubos,impormasyong kaugnay ng mga
halaman, at iba pa.
2. PAG-UULAT PANG-IMPORMASYON

• Nangangailangan ng ng masusing pananaliksik sapagkat ang mga


impormasyon at detalyeng taglay nito ay naglalahad ng katotohanan
ukol sa paksa at hindi dapat samahan ng personal na pananaw o
opinion ng manunulat
3. PAGPAPALIWANAG

• Nagbibigay paliwanag kung paano o bakit naganap ang isang


bagay o pangyayari.

• Layunin nitong Makita ng mambabasa mula sa mga


impormasyong nagsasaad kung paano humantong ang paksa
sa ganitong kalagayan.
3. PAGPAPALIWANAG
Karaniwan itong ginagamitan ng mga larawan, dayagram, o flowchart
na may kasamang mga paliwanag. Halimbawa nito’y ang siklo ng buhay
ng mga hayop at insekto tulad ng paruparo, palaka, at iba pa.
Gawain:
Mahilig sa insekto si Tony. Nais niya ngayong
malaman kung paano at bakit nagbabagong anyo
ang mga ito. Hawak niya ang isang tekstong may
pamagat na “ Ang Pagbabago ng Anyo ng
Salagubang”

Pagpapaliwanag
Patuloy na nararanasan ng mga bansa sa daigdig ang
matitinding tag-init at napakalakas na bagyong nagresulta sa
malawakang pagkasira. Nais ni Roel na magkaroon ng mas
maraming impormasyon ukol ditto kaya’t hawak niya ngayon
ang tekstong may pamagat na “ Mga Epekto ng Global
Warming sa Kapaligiran .”

Pag-uulat Pang-
impormasyon
Maraming pag-aaklas ang naganap sa ating bansa laban
sa mananakop. Iba’t iba rin ang dahilan sa mga pag-
aaklas na ito. Gustong malaman ni Donna ang
kasaysayan sa likod ng pinakahabang pag-aaklas sa
kasaysayan ng Pilipinas---- Ang Pag-aaklas ni Dagohoy
sa Bohol.
PAGLALAHAD NG
TOTOONG PANGYAYARI/
KASAYSAYAN
Sa makabagong panahon kung saan laganap ang paggamit ng
teknolohiya, isang uri ng pambu-bully ang nabigyang-daan nito:
ang cyberbullying o ang pambu-bully sa kapwa gamit ang makabagong
teknolohiya.
Ang ilang halimbawa nito ay ang pagpapadala ng mensahe ng pananakot,
pagbabanta, o pagtataglay ng masasamang salita maging sa text o e-mail;
pagpapalaganap ng mga nakasisirang usap-usapan, larawan, video,
at iba pa sa e-mail at social media; pag-bash o pagpo-post ng mga nakasisira
at walang basehang komento; pag-hack sa account ng iba pang uri ng harassment

sa pamamagitan ng teknolohiya. Ang mga ito’y karaniwang nagbubunga ng


pagkapahiya, pagkatakot, o kawalan ng kapayapaan sa nagiging biktima nito.
Gawain 3
PAGTATAYA
Panuto: Tukuyin kung anong Uri ng Tekstong Impormatibo ang mga pahayag.

__________________1. Si Linda ay isang guro ng unang baitang sa Pasay, nais


niya at ng kaniyang principal na uunlad ang dating ng mga mag-aaral sa mga tao,
at mga pananamit nito. Kaya binigyan ng guro ang mga mag-aaral ng isang aklat
na naglalaman ng mga hakbang sa pag-aayos sa sarili.
__________________2. Nagkaroon ng Ateneo Debate Union na sinalihan ng mga
taga Ateneo hayskul, Tumaga, kailangan ng mga kalahok ng pruweba patungkol
sa mga paksang nilalahad sa nasabing debate kaya sila ay nagdadala ng mga
aklat patungkol sa kung paano nabuo ang mga bagay-bagay.
_________________3. Bahagi ng pananaliksik nina Jay-ar at Gaby ang
mga pinagmulan ng pangalan ng mga barangay na napaloob sa Titay,
Zamboanga del Norte kaya nilalagay nila sa kanilang papel ang mga
kwento kung paano nabuo ang pangalan ng bawat lugar.
_________________4. Malungkot na malungkot ang asawa ng Kapitan
ng Lumbia nang marinig sa radyo na ang nanalo sa Eleksyon ay EPP
party.
_________________5. Si Lita ay nagbabakasyon sa Boracay at dahil
mahilig siyang magbasa, bumili siya ng aklat na pinamagatang “ Ang
Kasaysayan ng Lugar at pinagmulan ng diyalektong ginagamit ng mga
taga – Boracay.

You might also like