You are on page 1of 12

Tekstong

Impormatibo
Ito ay isang uri ng teksto na
nagbibigay impormasyon. Ito ay
ang malinaw na pagpapaliwanag
Ano nga ba ang tungkol sa paksang tinatalakay.
Tekstong Ito ay naglalaman ng mahahalaga
Impormatibo? at tiyak na impormasyon tungkol
sa mga tao, bagay, lugar at
pangyayari.
.

URI NG TEKSTONG
IMPORMATIBO
1. Naglalahad ng totoong pangyayari o kasaysayan

-Ito ay sumasaklaw sa mga paglalahad ng mga pangyayari sa


nakaraan, kasalukuyan, o iba pang panahon. Nakatuon ito sa
pagsasalaysay ng mahahalagang kaganapan tulad ng mga
nababasa sa mga pahayagan, almanac, at aklat sa kasaysayan.
Halimbawa:
• Isinagawa ang 2022 National elections noong Mayo 9, 2022 at
idineklara ni Pangulong Duterte bilang non-working holiday.
2. Pag-uulat ng Impormasyon
– Ito ay nakatuon sa pagbibigay ng kaalaman tungkol sa tao, bagay,
hayop, at lugar. Kinakailangan ng pananaliksik sa pagbibigay ng
kaalaman sa uring ito ay madalas na bagong impormasyon para sa
maraming mambabasa.

Halimbawa:
• Francisco Domagoso ang tunay na pangalan ni Isko Moreno. Naging
tanyag lamang siya sa kaniyang screen name kaya ito na rin ang
naging pangalan niya bilang politiko.
• Si Jose Rizal ang sumulat ng mga sikat na nobelang Noli me Tangere
at El Filibusterismo.
3. Pagpapaliwanag
– Dito ay ipinapaliwanag kung paano naganap ang isang
bagay. Hindi man ito nagpapakita ng prosedyur o
pagkakasunod, nagbibigay naman ito ng kaliwanagan sa
kung paano nangyari ang isang insidente.
Halimbawa:
• Nanalo si Pacquiao sa bisa ng isang unanimous desisyon.
• Bumaha sa kabilang barangay dahil nasira ang kanilang
drainage doon.
MGA ELEMENTO NG TEKSTONG
IMPORMATIBO
1.) Layunin ng may Akda- nakalagay dito ang pangunahing ideya sa
paraan ng paglalagay ng pamagat.

2) Pangunahing Ideya- dito naman inilalahad kung tungkol sa ano ang


tekstong impormatibo. Kadalasang ginagamit ang mga Organizational
Markers para mailarawan ng maayos at mabasa agad ng madla ang
pangunahing ideya.
3) Pantulong na kaisipan- ito’y ginagamit ng may akda upang
makapagbuo sa isipan ng mga madla ang pangunahing ideya na nais
maitanim o maiwan sa isipan.

4) Mga Estilo sa Pagsususlat, Kagamitan, Sangguniang magtatampok


sa mga bagay na binibigyan-diin:

a) Paggamit ng mga nakalarawang representasyon- paggamit ng


larawan, diagramo chart.
b) Pagbibigay diin sa mga mahahalagang salita- pag bold
ng letra, gawing italic o ang paglalagay ng guhit sa mga
salita. Upang mabigyan diin ang mahahalagang salita.

c) Pagsusulat ng mga Talasanggunian- paglalagay ng


credits upang mapatunayan ang totoo (Bibliography)
LAYUNIN NG
TEKSTONG
IMPORMATIBO
 Nagbibigay ng impormasyon at
kaalaman
 Nagbibigay ng linaw sa kung
paano nangyayari o nangyari ang
isang bagay
 Pinauunlad ang pagsusuri sa
detalye at impormasyon

You might also like