You are on page 1of 24

TEKSTONG

IMPORMATIBO
•Ito ay anyo ng
pagpapahayag na
naglalayong
magpaliwanag at
magbigay ng
impormasyon.
Ang tekstong impormatibo ay
babasahing di piksiyon. Ito ay may
layong magbigay impormasyon o
magpaliwanag nang malinaw at
walang pagkiling tungkol sa iba’t ibang
paksa tulad ng hayop, isports, agham,
kasaysayan, Gawain, paglalakbay,
heograpiya, kalawakan at marami
pang iba.
•Dapat maihatid ang mga
impormasyon na
kailangang malaman
upang magamit ito sa pang
araw-araw na pamumuhay.
•Ang tekstong impormatibo ay may
layuning maging daluyan ng
makatotohanang impormasyon sa
mambabasa.
•Ang pagiging maingat ang isa sa
mga katangiang dapat taglayin
ng isang mambabasa
•Layunin ng isang tekstong
impormatibo na alisin at bigyan
ng tamang paglilinaw ang mga
katanungan,agam-agam,o
pag-aalinlangan na bumabalot
sa isipan ng bumabasa hinggil
sa paksang tinatalakay.
•Sa pagkuha ng datos mula sa
isang tekstong
impormatibo,napakahalagang
malaman kung sino ang may akda
o ang taong pinanggalingan ng
isang impormasyon o datos upang
malaman kung ang mga ito ay
kongkreto ,tiyak,tama,at
mapagkakatiwalaan.
Saan kadalasan makikita o
maririnig ang mga tekstong
impormatibo?
✓Pahayagan/Balita
✓Magasin
✓Pangkalahatang Sanggunian
✓Teksbook
✓Website sa Internet
✓Pananaliksik at siyentipikong ulat
ELEMENTO NG
TEKSTONG
IMPORMATIBO
1. LAYUNIN NG MAY-AKDA
• Magkakaiba ang layunin ng may akda sa
pagsulat ng isang impormatibo.
✓Mapalawak pa ang kaalaman ukol sa isang
paksa.
✓Maunawaan ang mga pangyayaring mahirap
ipaliwanag.
✓Matuto ng maraming bagay ukol sa ating
mundo.
✓Magsaliksik at mailahad sa buhay ng iba’t
ibang uri sa mundong ating ginagalawan.
2.PANGUNAHING IDEYA
✓Dagliang inilalahad ang mga
pangunahing ideya sa
pambabasa.Nagagawa ito sa
pamamagitan ng pamagat sa bawat
bahagi—tinatawag din itong
organizational marker upang makita
agad ng mambabasa ang pangunahing
ideya.
3.PANTULONG KAISIPAN
✓Paglalagay ng mga angkop na
mga pantulong na kaisipan o
mga detalye upang higit na mas
maunawaan ng mambabasa
ang nais ilahad na impormasyon.
4. MGA ESTILO SA PAGSULAT,KAGAMITAN AT
SANGGUNIAN
•Mas makakatulong sa
mambabasa ng tekstong
impormatibo na mas
maunawaan ito kung
mayroon at mabibigyang diin
nito ang mga sumusunod.
-paggamit ng nakalarawang
representasyon
-Pagbibigay-diin sa
mahahalagang salita sa
teksto
-Pagsulat ng talasanggunian
PAGGAMIT NG NAKALARAWANG REPRESENTASYON
PAGBIBIGAY-DIIN SA MAHAHALAGANG SALITA
SA TEKSTO
Halimbawa:
Noong Marso 12, 1987, sa isang
order Pangkagawaran Blg. 22 s.
1987, sinasabing gagamitin ang
Filipino sa pagtukoy sa Wikang
Pambansa ng Pilipinas. Kasunod ito
ng pagpapatibay sa konstitusyon ng
1987 na nagsasaad na ang Pambansa
wika ng Pilipinas ay Filipino.
PAGSULAT NG TALASANGGUNIAN
MGA URI NG
TEKSTONG
IMPORMATIBO
1. PAGLALAHAD NG TOTOONG
PANGYAYARI/ KASAYSAYAN
Sa uring ito ng teksto inilalahad ang mga
totoong pangyayaring nagaganap sa isang
panahon o pagkakataon.
Maaaring ang pangyayaring isasalaysay ay
nasaksihan ng personal ng manunulat ng
pahayagan at ito ay pinatutunayan ng iba na
matatawag nating historical account.
Sa ganitong uri ng tekstong
impormatibo ay kailangan mabisang
panimula ang magawa at kung ito
naman ay balita dapat ito ay
sumasagot sa tanong na ASSAKBPA at
susundan ng mga talata na
sumusuporta rito.
2.PAG-UULAT NG
IMPORMASYON
➢Sa uring ito nakalahad ang
mahahalagang kaalaman o
impormasyon patungkol sa tao,hayop
at iba pang na nabubuhay at di
nabubuhay.
➢Nangangailangan ng masusing
pananaliksik.
3.PAGPAPALIWANAG
➢Ito ay uri ng tekstong impormatibong
nagbibigay paliwanag kung ano o
bakit naganap ang isang bagay o
pangyayari
➢Layunin nitong Makita ng mambabasa
mula sa mga impormasyong
nagsasaad kung paano humantong
ang paksa sa ganitong kalagayan.

You might also like