You are on page 1of 50

Panuto: Humanap at magsaliksik ng anumang isyung

panlipunan sa loob at labas ng ating bansa. Pumili ng


isang paksa at bumuo ng naratibong ulat na
naglalaman ng mahahalagang impormasyon hinggil
sa paksang napili.
ANG TEKSTONG IMPORMATIBO
Ang tekstong impormatibo ay isang uri ng
babasahing di piksyon. Ito ay naglalayong
magbigay ng impormasyon o magpaliwanag
nang malinaw at walang pagkiling tungkol sa
iba’t ibang paksa tulad ng sa mga hayop,
isports, agham o siyensiya, kasaysayan, gawain,
paglalakbay, heograpiya, kalawakan, panahon at
iba pa.
Di tulad ng ibang uri ng teksto, ang mga impormasyon o
kabatirang inilahad ng may-akda ay hindi nakabase sa kanyang
sariling opinyon kundi sa katotohanan at mga datos kaya’t hindi
nito masasalamin ang kanyang pagpabor o pagkontra sa paksa.
Karaniwang may malawak na kaalaman tungkol sa paksa ang
manunulat o kaya’y nagsasagawa siya ng pananaliksik at pag-aaral
ukol dito. Ang mga tekstong impormatibo ay karaniwang makikita
sa mga pahayagan o balita, sa mga magasin, textbook, sa mga
pangkalahatang sanggunian tulad ng encyclopedia gayundin sa
iba’t ibang website sa Internet.
ELEMENTO NG TEKSTONG IMPORMATIBO
LAYUNIN NG MAY-AKDA
-maaaring magkaiba-iba ang layunin ng may-akda sa
pagsulat niya ng isang tekstong impormatibo. Maaaring
layunin niyang mapalawak pa ang kaalaman ukol sa isang
paksa; maunawaan ang mga pangyayariiinnng mahirap
ipaliwanag; matuto ng maraming bagay ukol sa ating
mundo at iba pa. Gayunpaman, anuman ang layunin ay
mapapansing kaugnay ito lagi ng pagbibigay o paglalahad
ng impormasyon.
PANGUNAHING IDEYA
– Di tulad ng tekstong naratibo na hindi agad inihahayag
ng manunulat ang mga mangyayari upang mapaabot ang
interes ng mambabasa sa kasukdulan ng akda, sa tekstong
impormatibo naman ay dagliang inilalahad ang mga
pangunahing ideya sa mambabasa. Nagagwa ito sa
pamamagitan ng paglalagay ng pamagat sa bawat bahagi
tinatawag din itong organizational markers na
nakatutulong upang agad makita at malaman ng
mambabasa ang pangunahing ideya ng babasahin.
PANTULONG KAISIPAN
– mahalaga rin ang paglalagay ng angkop na mga
pantulong kaisipan o mga detalye upang
makatulong mabuo sa isipan ng mambabasa ang
pangunahing ideyang nais niyang matanim o
maiwan sa kanila.
MGA ESTILO SA PAGSULAT, KAGAMITAN/SANGGUNIANG
MAGTATAMPOK SA MGA BAGAY NA BINIBIGYANG-DIIN
– makatutulong sa mga mag-aaral na magkaroon ng mas
malawak na pag-unawa sa binabasang tekstong impormatibo
ang paggamit ng mga estilo o kagamitan/sangguniang
magbibigay-diin sa mahahalagang bahagi tulad ng
sumusunod:
PAGGAMIT NG MGA NAKALARAWANG
REPRESENTASYON
– makatutulong ang paggamit ng mga larawan, guhit,
dayagram, tsart, talahanayan, timeline at iba pang
higit na mapalalim ang pag-unawa ng mga
mambabasa sa mga tekstong impormatibo.
PAGBIBIGAY-DIIN SA MAHAHALAGANG SALITA
SA TEKSTO
– nagagamit dito ang mga estilong tulad ng pagsulat
nang nakadiin, nakahilis, nakasalungguhit o nalagyan
ng panipi upang higit na madaling makita o mapansin
ang mga salitang binibigyang-diin sa babasahin.
PAGSULAT NG MGA TALASANGGUNIAN
– karaniwang inilalagay ng mga manunulat ng
tekstong impormatibo ang mga aklat, kagamitan at
iba pang sangguniang ginamit upang higit na
mabigyang-diin ang katotohanang naging basehan sa
mga impormasyong taglay nito.
MGA URI NG TEKSTONG IMPORMATIBO
1. PAGLALAHAD NG TOTOONG PANGYAYARI/KASAYSAYAN
– sa uring ito ng teksto inilalahad ang mga totoong pangyayaring
naganap sa isang panahon o pagkakataon. Maaaring ang pangyayaring
isasalaysay ay personal na nasaksihan ng manunulat tulad ng mga
balitang isinusulat ng mga reporter ng mga pahayagan o maaari ding
hindi direktang nasaksihan ng manunulat kundi mula sa katotohanang
nasaksihan at pinatutunayan ng iba tulad ng sulating pangkasaysayan
o historical account. Ang uring ito ng teksto ay karaniwang sinisimulan
ng manunulat sa isang mabisang panimula o introduksyon. Kung ito ay
isang balita, mababasa sa bahaging ito ang pinakamahahalagang
impormasyon tulad ng sino, ano, saan, kailan at paano nangyari ang
inilalahad. Sinusundan ito ng iba pang detalyeng nasa bahagi naman
ng katawan at karaniwang nagtatapos sa isang kongklusyon.
2. PAG-UULAT PANG-IMPORMASYON
– sa uring ito nakalahad ang mahahalagang kaalaman o
impormasyon patungkol sa tao, hayop at iba pang bagay na
nabubuhay gayundin sa mga pangyayari sa paligid. Ang ilang
halimbawa ay mga paksang kaugnay ng teknolohiya, global
warming, cyberbullying, mga hayop na malapit nang maubos,
impormasyong kaugnay ng mga halaman at iba pa. Ang pagsulat
ng ganitong uri ng teksto ay nangangailangan ng masusing
pananaliksik sapagkat ang mga impormasyon at detalyeng taglay
nito ay naglalahad ng katotohanan ukol sa paksa at hindi dapat
samahan ng personal na pananaw o opinyon ng manunulat.
3. PAGPAPALIWANAG
– ito ang uri ng tekstong impormatibong nagbibigay
paliwanag kung paano o bakit naganap ang isang bagay o
pangyayari. Layunin nitong makita ng mambabasa mula sa
mga impormasyong nagsasaad kung paano humantong ang
paksa sa ganitong kalagayan. Karaniwan itong ginagamitan
ng mga larawan, dayagram o flowchart na may kasamang
mga paliwanag. Halimbawa nito’y ang siklo ng buhay ng
mga hayop at insekto tulad ng paruparo, palaka at iba pa.
Global Warming!

Anu na ba ang nagawa mo para sa mundong ito? Sumira ng kalikasan? O kaya naman
kasali ka sa mga taong may pagmamahal sa mundong iyong kinalakihan? Mundo’ng sa ngayo’y
namimiligro dahil sa kagagawan nating mga tao. Malamang isa ka sa mga nakakaramdam ng
mga pagbabago dito sa mundo, mga pagbabagong tila’y hahamakin ang katatagan mo. Mga
pagbaha, malalakas na mga bagyo, ulan- na tila’y walang katapusang papatak dito sa mundo.
Ilan lamang yan sa mga sinyales ng Pagbabago ng Panahon o mas tinatawag na Global
warming. Anu nga ba ito? Bakit kailangan nating tuonan ng pansin ang phenomena na ito?
Anu ba ang mga epekto nito sa atin hindi lang sa tao pati na sa kalikasan? Tayo ay dapat
lamang na magkaroon ng ideya o kaalaman sapagkat napapanahon ang pagsagawa ng kilos
para masulosyonan ang suliraning ito.
Global Warming!

Ang Pag-init ng Daigdig o “Global Warming” ayon sa Wikipedia ay tumutukoy sa


nararanasang pagtaas ng katamtamang temperatura ng himpapawid at mga
karagatan sa mundo nitong mga nakaraang dekada. Ayon sa siyentipikong opinyon,
“ang nararanasang paginit nitong huling 50 taon ay gawa ng tao”. Ang pagtaas ng
antas ng carbon dioxide at iba pang mga greenhouse gases na resulta ng mga
produkto mula sa petrolyong langis, pagpapanot ng kagubatan, pagsasaka, at iba
pang kagagawan ng tao ang mga pangunahing sanhi ng paginit ng mundo. Ang
pagtaas sa pandaigdigang temperatura ay magdudulot ng malaking pagbabago
kasama na rito ang pagtaas ng karaniwang taas ng dagat at pagbabago sa dami ng
mga paguulan. Ang mga pagbabagong ito ay sinasabing magpaparami sa dalas at
lakas ng mga mapanirang kalagayan ng panahon tulad ng baha, tag tuyot, bugso ng
init, bagyo at buhawi. Ang paginit ay makaapekto sa bilang at tindi ng mga ito.
Gayunman, ang mga pagaaral ay nakatuon sa panahon hanggang taon 2100 na ang
pag-init ay patuloy na mangyayari dahil sa ang CO2 o carbon dioxide ay may
mahabang buhay sa himpapawid.
Global Warming!

gawa at di-gawang tao kasama ang pagkilos ng araw, pagputok


ng bulkan at ng greenhouse gases. Tanggap ng klimatologo o
mga nagaaral sa klima na tumaas ang temperatura ngunit ang
sanhi ng pagbabagong ito ay kontrobersyal lalo na sa labas ng
komunidad ng mga siyentipiko. Sinasabing ang kasalukuyang
klima ng mundo ay wala sa kapanatagan kasama ang pwersang
dulot ng pagtaas ng mga greenhouse gases dahil sa enersiyang
termal ng mga karagatan at mabagal na pagtugon ng ibang di
tuwirang mga epekto- ito’y ayon sa Association of British
Insurers Financial Risks of Climate Change noong Hunyo 2005.
Global Warming!
Ang bansang Pilipinas ay isa rin sa mga nagkokontibusyon sa
tinatawag na Global Warming sapagkat narito rin sa atin ang
mga aspetong nagdudulot ng pagtaas ng temperatura ng
mundo –mga sasakyang dulot ay maitim na kausukan, mga
pabrikang nagsisi- pagkompitensyahang dulot ay pagdami ng
Carbon Dioxide sa atmospere at mga aktibong Bulkan o mga
likas na sanhi ng Climate change. Ang pag pabaya sa kalikasan
ay nagdudulot ng kapahamakan sa mundong ating
kinalalagyan.
Global Warming!

Ang Global Warming ay nagpapabahala sa ating buhay


sapagkat ito ay pwedeng magdulot ng kapahamakan, mga mas
kakaibang mga pangyayari dito sa mundo, kagaya na lamang
ng mga malalakas na bagyo at pag init ng matagal na araw.
Masusugpo natin ang bagay na ito kapag tayo ay nagkaisa,
kapag magtutulong tulong ang lahat ng mga bansa upang
paunti unting mabawasan ang mga piligrong ating
nararanasan. Masusulosyanan lang ito kapag mismong tayong
mga tao ang gumawa ng paraan para ang problema ay ating
mawakasan.
Ang Tekstong Naratibo
 ang tekstong Naratibo ay pagsasalaysay o
pagkukuwento ng mga pangyayari sa
isang tao o mga tauhan, nangyari sa isang
lugar at panahon o sa isang tagpuan nang
may maayos na pagkasunod-sunod mula
simula hanggang katapusan.
 pangunahing layunin ng ganitong uri ng teksto ang
makapagsalaysay ng mga pangyayaring
nakapanlilibang o nakapagbibigay-aliw o saya.
Gayundin naman, ang naratibo ay nakapagtuturo ng
kabutihang asal, mahahalagang aral at mga
pagpapahalagang pangkatauhan tulad ng
kahalagahan ng pagiging mabuti at tapat, na ang
kasamaan ay hindi nagtatagumpay laban sa
kabutihan, ang kasipagan at pagtitiyaga ay
nagdudulot ng tagumpay at iba pa.
 ang mga mambabasa ay direktang isinasama ng
manunulat ng isang tekstong naratibo at nagiging saksi sa
mga pangyayaring kanyang isinasalaysay. May iba’t ibang
uri ng naratibo tulad ng maikling kwento, nobela,
kwentong bayan, mitolohiya, alamat, tulang pasalaysay
tulad ng epiko, dula, mga kuwento ng kababalaghan,
anekdota, parabula, science fiction at iba pa.
Mga Katangian ng Tekstong Naratibo
1. Unang Panauhan
-sa pananaw na ito, isa sa mga tauhan ang nagsasalaysay
ng mga bagay na kanyang nararanasan, naaalala o naririnig
kaya gumagamit ng panghalip na “ako”.
Halimbawa:
2. Ako ay lubos na nagagalak.
2. Ikalawang Panauhan
–dito mistulang kinakausap ng manunulat ang tauhang
pinagagalaw niya sa kuwento kaya’t gumagamit siya ng mga
panghalip na ka o ikaw subalit tulad ng unang nasabi hindi
ito gaanong ginagamit ng mga manunulat sa kanilang
pagsasalaysay.
Halimbawa:
1. Ikaw na ang manguna sa pamamahagi ng ayuda.
3. Ikatlong Panauhan
- Ang mga pangyayari sa pananaw na ito ay
isinasalaysay ng isang taong walang relasyon sa
tauhan kaya ang panghalip na ginagamit niya sa
pagsasalaysay ay siya. Ang tagapagsalaysay ay taga-
obserba lang at nasa labas siya ng mga pangyayari.
May tatlong uri ang ganitong uri ng pananaw:
Halimbawa:
1. Siya ang nanguna sa pamamahagi ng ayuda.
Maladiyos na panauhan
– Nababatid niya ang galaw at iniisip ng lahat ng mga tauhan. Napapasok niya
ang isipan ng bawat tauhan at naihahayag niya ang iniisip, damdamin at
paniniwala ng mga ito sa mga mambabasa.

Limitadong panauhan
- Nababatid niya ang iniisip at kinikilos ng isa sa mga tauhan subalit
hindi ang iba pang tauhan.
Tagapag-obserbang panauhan
- Hindi niya napapasok o nababatid ang nilalaman ng isip at
damdamin ng mga tauhan. Tanging ang mga nakikita o naririnig
niyang mga pangyayari, kilos o sinasabi lamang ang isinasalaysay.
4. Kombinasyong Pananaw o Paningin
-Dito ay hindi lang iisa ang tagapagsalaysay kaya iba’t
ibang pananaw o paningin ang nagagamit sa
pagsasalaysay. Karaniwan itong nangyayari sa isang
nobela kung saan ang mga pangyayari ay sumasakop sa
mas mahabang panahon at mas maraming tauhan ang
naipakikilala sa bawat kabanata.
May Paraan ng Pagpapahayag
ng Diyalogo, Saloobin o
Damdamin sa Tekstong Naratibo:
1. Direkta o Tuwirang Pagpapahayag
- Sa ganitong uri ng pagpapahayag, ang tauhan ay direkta o
tuwirang nagsasaad o nagsasabi ng kanyang diyalogo, saloobin o
damdamin. Ito ay ginagamitan ng panipi. Sa ganitong paraan ng
pagpapahayag ay nagiging natural at lalong lumulutang ang
katangiang taglay ng mga tauhan. Higit din nitong naaakit ang mga
mambabasa sapagkat nagiging mas malinaw sa kanya ang
eksaktong mensahe o sinasabi ng tauhan at ang paraan ng
pagkakasabi’y naghuhudyat din sa uri ng damdaming taglay kaysa
kung lalagumin o hindi direktang sasabihin ng tagapagsalaysay.
“ Ang tao ang pinakamalakas na hayop sa buong mundo”
ang sagot naman ni Pilandok.” Mas malakas pa sa akin”ang
tanong naman ni baboy-ramo.
2. Di direkta o Di tuwirang Pagpapahayag
- ang tagapagsalaysay ang naglalahad sa
sinasabi, iniisip o nararamdaman ng tauhan sa
ganitong uri ng pagpapahayag. Hindi na ito
ginagamitan ng panipi.
“ Takot na takot si Pilandok dahil alam niyang
sa isang sagpang lang sa kanya ay
magkakalasog-lasog na ang kanyang katawan.”
May mga Elemento ang mga Tekstong Naratibo
1. TAUHAN
-lahat ng tekstong naratibo ay nagtataglay ng mga tauhan.
-ang dami o bilang ng tauhan ay dapat umayon sa
pangangailangan. Mahirap itakda ang bilang ng tauhan ay
dapat umayon sa pangangailangan. Mahirap itakda ang
bilang ng tauhang magpapagalaw sa tekstong naratibo
ang pangangailangan lamang ang maaaring magtakda
nito. May dalawang paraan sa pagpapakilala ng tauhan:
1. TAUHAN
-May dalawang paraan sa pagpapakilala ng tauhan:
Expository -kung ang tagapagsalaysay ang magpapakilala
o maglalarawan sa pagkatao ng tauhan.
Dramatiko -kung kusang mabubunyag ang karakter dahil
sa kanyang pagkilos o pagpapahayag.
Ang karaniwang tauhan sa mga akdang naratibo ay ang sumusunod:
PANGUNAHING TAUHAN
- sa pangunahing tauhan o bida umiikot ang mga pangyayari sa kuwento mula
simula hanggang sa katapusan. Karaniwang iisa lamang ang pangunahing
tauhan. Ang kanyang mga katangian ay ibinabatay sa tungkulin o papel na
kanyang gagampanan sa kabuoan ng akda.
KATUNGGALING TAUHAN
- ang katunggaling tauhan o kontrabida ay siyang sumasalungat o kalaban ng
pangunahing tauhan. Mahalaga ang papel ng tauhang ito sapagkat sa mga
tunggaliang nangyayari sa pagitan nila, nabubuhay ang mga pangyayari sa
kuwento at higit na napatitingkad ang mga katangian ng pangunahing tauhan.
KASAMANG TAUHAN
- gaya ng ipinahihiwatig ng katawagan, ang kasamang tauhan ay
karaniwang kasama o kasangga ng pangunahing tauhan. Ang pangunahing
papel o tungkulin niya ay sumuporta, magsilbing hingahan o
kapalagayang-loob ng pangunahing tauhan.
ANG MAY-AKDA
-sinasabing ang pangunahing tauhan at ang may-akda ay lagi nang
magkasama sa kabuoan ng akda. Bagama’t ang namamayani lamang ay
ang kilos at tinig ng tauhan, sa likod ay laging nakasubaybay ang
kamalayan ng makapangyarihang awtor.
Ayon kay E.M. Foster, isang Ingles na manunulat may
dalawang uri ng tauhan ang maaaring makita sa isang
tekstong naratibo tulad ng:
TAUHANG BILOG (Round Character)
– isang tauhang may multidimensiyonal o maraming saklaw ang
personalidad. Tulad ng isang tunay na katauhan, nagbabago ang
kanyang pananaw, katangian at damdamin ayon sa pangangailangan.
TAUHANG LAPAD (Flat Character)
– ito ang tauhang nagtataglay ng iisa o dadalawang katangiang
madaling matukoy o predictable. Madaling mahulaan at maiugnay sa
kanyang katauhan ang kanyang mga kinikilos at maituturing na
stereotype tulad ng mapang-aping madrasta, mapagmahal na ina at
iba pa. Karaniwang hindi nagbabago o nag-iiba ang katangian ng
tauhang lapad sa kabuoan ng kuwento.
2. TAGPUAN AT PANAHON
– Ang tagpuan ay tumutukoy hindi lang sa lugar kung saan
naganap ang mga pangyayari sa akda kundi gayundin sa
panahon (oras, petsa, taon) at maging sa damdaming
umiiral sa kapaligiran nang maganap ang mga pangyayari.
3. BANGHAY
– ito ang tawag sa maayos na daloy o pagkasunod-sunod ng mga
pangyayari sa mga tekstong naratibo upang mabigyang-linaw ang
temang taglay ng akda.
Makikita sa ibaba ang karaniwang banghay o balangkas ng isang naratibo:
Pagkakaroon ng isang epektibong simula kung saan maipakikilala ang mga
tauhan, tagpuan at tema (orientation or introduction).
Pagpapakilala sa suliraning ihahanap ng kalutasan ng mga tauhan partikular
ang pangunahing tauhan (problem).
Pagkakaroon ng saglit na kasiglahang hahantong sa pagpapakita ng aksiyong
gagawin ng tauhan tungo sa paglutas sa suliran (rising action).
Patuloy sa pagtaas ang pangyayaring humahantong sa isang kasukdulan
(climax)
Pababang pangyayaring humahantong sa isang resolusyon o kasukdulan
(falling action)
Pagkakaroon ng isang makabuluhang wakas (ending).
Hindi lahat ng banghay ay sumusunod sa kumbensiyonal na simula-gitna-wakas. May
mga akdang hindi sumusunod sa ganitong kalakaran at tinatawag na anachrony o mga
pagsasalaysay na hindi nakaayos sa tamang pagkasunod-sunod. Mauuri ito sa tatlo:
Analepsis (flashback) – dito ipinapasok ang mga pangyayaring naganap sa nakalipas.
Prolepsis (flash-forward) – dito nama’y ipinapasok ang mga pangyayaring magaganap
pa lang sa hinaharap.
Ellipsis – may mga puwang o patlang sa pagkasunod-sunod ng mga pangyayari na
nagpapakitang may bahagi sa pagsasalaysay na tinanggal o hindi isinama.
4. PAKSA O TEMA
– ito ang sentral na ideya kung saan umiikot ang mga pangyayari
sa tekstong naratibo. Mahalagang malinang ito nang husto sa
kabuoan ng akda upang mapalutang ng may-akda ang
pinakamahalagang mensaheng nais niyang maiparating sa
kanyang mambabasa. Dito rin mahuhugot ang mga
pagpapahalaga, mahahalagang aral at iba pang pakikisalamuha
sa pangkatauhang nagagamit sa mabuting pamumuhay at
pakikisalamuha sa kapwa.

You might also like