You are on page 1of 68

MAPAGPALANG ARAW,

MGA MAG-AARAL!
Balik-tanaw:
PAG-ISIPAN MO!
Sumasang-ayon ako/Hindi ako sumasang-
ayon: Unawain ang bawat pangungusap.
Pumunta sa linya ng “Sumasang-ayon”
kung tama ang isinasaad ng sitwasyon at
kung mali naman, sa linya ng “Hindi
Sumasang-ayon”.
1.Ang Sanaysay ay isang uri ng
panitikan na nasa anyong tuluyan na
nagpapahayag ng sariling kaisipan,
kurukuro, saloobin at damdamin ng
mambabasa. Isa sa layunin ng
sanaysay ay gisingin ang damdamin
ng mga mambabasa.
2. May tatlong uri ng sanaysay.
3. Isa sa uri ng sanaysay ang pormal na
kung saan ito ay nagbibigay-lugod sa
pamamagitan ng pagtalakay sa mga
paksang karaniwan, pang-araw-araw
at personal.
4. Ang talumpati ay isang halimbawa ng
sanaysay na binibigkas sa harapan ng
madla. Layunin nitong humikayat,
tumugon, mangatwiran, magbigay ng
kaalaman o impormasyon at maglahad ng
isang paniniwala.
5. Ang sanaysay ay isang uri ng
paglalahad.
LAYUNIN
• Nabibigyang-kahulugan ang mga lingo/termino na ginagamit sa mundo
ng multimedia (F8PT-IIIa-c-29)
• Naihahambing ang tekstong binasa sa iba pang teksto batay sa paksa,
layon, tono, pananaw, paraan ng pagkakasulat, pagbuo ng salita, pagbuo
ng talata, pagbuo ng pangungusap (F8PB-IIIa-c-29)
• Nagagamit ang iba’t ibang estratehiya sa pangangalap ng mga ideya sa
pagsulat ng balita, komentaryo, at iba pa (F8PU-IIIa-c-30)
Pagganyak:
Tukuyin ang inilalarawan ng mga bugtong sa
ibaba. Pagkatapos, isaayos ang mga ginulong
letra upang iyong matukoy ang sagot sa tulong
ng mga larawan. Gawin lamang ito sa loob ng
sampung minuto.
1. Kahong puno ng makukulay na larawan at usapan ng mga tauhan,
tunay na kinagigiliwan ng mga kabataan!

KOMIKS
K S OM I K
2. Ako ay itinuturing na pangmasang pahayagan!

TTABLOID
OD A L I B
3. Musika’t balita ay mapapakinggan na. Sa isang galaw lamang
ng pihitan, may FM at AM pa!

RADYO
Y OD A R
4. Kuwadradong elektronikong kagamitan, tampok ay
iba’t ibang palabas na kinaaaliwan!

ETELEBISYON
Y NOB I S T E L
5. Pabalat nito’y may larawan pang sikat na artista.
Nilalama’y mga artikulong tumatalakay sa iba’t ibang
paksa!

MAGASIN
M I NA GA S
MGA POPULAR
NA BABASAHIN
“ULAT-BALITA”
ni James Relativo
‘Tagumpay’: DOH ibinida unang araw ng
COVID-19 vaccination sa edad 5-11
•MANILA, Philippines — Ipinagmalaki at
tinawag na malaking tagumpay ng
Department of Health ang pagsisimula ng
COVID-19 vaccination ng Pilipinas sa mga
batang edad lima hanggang 11 taong gulang,
bagay na rumatsada nitong Lunes.
Matatandaang maraming pakulo ang iba't
ibang local government units sa Metro Manila
para maengganyo ang mga chikiting
magpaturok kahapon. Ilan na riyan ang mga
temang children's party, libreng chocolate,
candy, atbp., maliban pa sa pagtatayo ng
vaccination center sa mga zoo.
“We have a total of 9, 784 children five
to 11-years-old that were already
inoculated or given the vaccine kahapon
ano, “wika ni Health Undersecretary
Maria Rosario Vergeire, Martes.
"So nakita natin naging maganda
talaga 'yung turnout. And you know
what, ang ating vaccination sites-
officials, local governments, private
sector really prepared kasi mga bata ito
eh. Lahat po ng kailangan nating mga
gimmicks, ginawa rin po."
Giit ng DOH, mahusay raw ang
naturang mga estilo para hindi matakot
ang mga bata sa ineksyon lalo na't wala
raw ganoong nag-iiyak sa mga
bakunahan kahapon.
Ilan sa mga vaccination sites ay
punung-puno ng mga dekorasyong
pambata, mga lobo, atbp. na dahilan
kung bakit naging kumportable raw
ang mga paslit.
"Lahat po ng ganito ay nakita natin
and it worked well. One measure of
success, hindi talaga 'yung bilang eh
pero 'yung tiwala na ibinigay ng mga
magulang," dagdag pa ni Vergeire sa
mga reporters.
Nakakatuwa rin daw makitang gumaan
ang loob ng ilang magulang na makitang
makasama ang mga bulilit sa bilang ng mga
makakatanggap na ng proteksyon mula sa
COVID-19, na humawa na sa 3.61 milyon
at pumatay sa 54,538 sa Pilipinas.
Pag-unawa sa
Binasa
1. Ano ang paksa at
layunin ng iyong
binasa?
2. Anong uri ng
babasahin ang
iyong binasa?
3. Bakit mas pinalawig
ang pagpapatupad ng
pagbabakuna sa
bansa?
4. Ayon sa ulat na iyong
nabasa,ilan na ba ang bilang
ng mga nabakunahan sa mga
batang edad 5 hanggang 11?
5. Sa iyong palagay, ano
ang magiging epekto sa
kalusugan kapag ikaw ay
nabakunahan?
Vaccine – a substance used to stimulate the
production of antibodies and provide
immunity against one or several diseases,
prepared form the causative agent of a
disease, its products, or a synthetic substitute,
treated to act as an antigen without inducing
the disease.
Vaccination- Immunization –
Inoculation
- refers to the process of
introducing a substance like
vaccine into the body to boost the
immunity.
Iba’t ibang Uri ng mga
Babasahing Popular
♦ Mga Kaalaman tungkol sa mga
Popular na Babasahin
• Ang mga isinulat para sa masa at inilathala
o ipinakalat para sa maraming mambabasa
ay kinikilala bilang popular na babasahin o
tinatawag na panitikang popular. Ito rin
ang kasalukuyang mga umiiral na
babasahin na naglipana kahit saan.
♦ Mga Kaalaman tungkol sa mga
Popular na Babasahin
•Ang pangunahing layunin sa pagsulat nito
ay magbigay-aliw (entertain) at sumalamin
sa pang-araw-araw na pangyayari sa
buhay. Ang pagiging malikhain ng
ganitong uri ng panitikan ay kakaiba sa
mga tradisyunal at sinaunang panitikan.
PAHAYAGAN
• TABLOID - pahayagang
naglalaman ng mga balitang
nakasulat sa Tagalog o lokal na
wika.
• BROADSHEET – pahayagang
naglalaman ng mga seryosong
balitang nakasulat sa Ingles.
KOMIKS
•mga larawang-
kuwentong
sumasalamin sa mga
kasalukuyang isyung
panlipunan.
MAGASIN
•babasahing
nakapaloob ang
mga nauuso o
patok.
KONTEMPORARYONG DAGLI
•maikling-maikling
kuwentong
mabilis ang mga
pangyayari, at iba
pa.
Dahil ang mga sumusunod ay
karaniwang nasa makabagong anyo
(kasabay ng pagbabago ng paraan ng
pagsulat) kaalinsabay ng madalas na
paggamit ng multimedia, lumilikha rin
ang mga manunulat (kasama ang
kabataang tulad mo) ng mga bagong
terminolohiyang sumasabay sa
pagbabagong ito.
Narito ang ilang mga salitang karaniwang
mababasa mo sa multimedia:

1. salakam – malakas
2. LF – looking for
3. 2ll – utol o pare o kaputol
4. Omsim – mismo
5. Mamshie – tumutukoy sa kaibigan,
malapit na tao o maging sa nakatatanda ngunit
nasa malapit na edad  
•Ang mga salitang nabasa mo ay
ginagamit sa impormal na
komunikasyon. Ito ay maaaring
mapabilang sa balbal (salitang kalye o
imbento), kolokyal (mga pinaikli o
pagpapaikli ng salita) o banyaga (salita
mula sa ibang wika).
•Ang mga balitang araw-araw na
nababasa sa mga pahayagan,
napapanood sa telebisyon (maging sa
social media) at napapakinggan sa radio,
kung ito’y nakasulat o nasa e-balita
(digitized), kabilang din sa popular na
babasahin. Kaya naman, ang balita ang
pinakapopular na babasahin.
Mga Katangian ng Isang
Mabuting Balita
Ganap na kawastuhan
dapat na wasto o tama ang ibinibigay ng
tagapaghatid ng balita, maayos ang
paglalahad ng mga detalye, at hindi
dapat magulo o masalimuot ang diwa
ng balita.
Timbang
pagkamakatotohanan ng mga
pangyayaring iniulat sa publiko at
sinasabing balanse ang pagbibigay-diin
sa paglalahad ng mga pangyayari.
Walang kinikilingan
hindi dapat kumakampi sa isang panig
ang pag-uulat kaya dapat obhektibo ang
pag-uulat ng pangyayari.
• Kaiklian, kalinawan at
kasariwaan
• kailangang maikli lamang ang pag-uulat
ng mga pangyayari at iyong
mahahalagang pangyayari lamang ang
iulat. Gawing mas malinaw at mas tawag-
pansin sa mambabasa o tagapakinig ang
mga sariwang balita.
•Nauuri din ang mga balita. Ito ay
mahalagang malaman upang ang
direksyon ng balitang isusulat ay
hindi nalilihis o naiiba ng
kapupuntahan.
Uri ng Balita
•Paunang Balita
nagbibigay ng mga paunang
impormasyon sa mangyayari sa isang
event na inaasahang mangyari tulad
ng basketball at boxing.
Balitang di inaasahan
isang ulat ito ng mga hindi
inaasahan o biglaang pangyayari
tulad ng mga aksidente.
Balitang Itinalaga
batay ito sa ibinigay na paksa o
assignment na isusulat tulad ng
pagdiriwang o paggunita.
Balitang Panubaybay
isa itong ulat sa kasunod na mangyayari na
nauna nang naiulat tulad ng isyu sa pork
barrel scam, at COVID-19
vaccine.
Balitang Rutinaryo o
Kinagawian
palaging nagaganap ang pangyayari at
regular itong nangyayari gaya ng pag-
uulat sa bar exam, SONA ng pangulo, at
pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
PAMATNUBAY
• Sa balita, karamihan sa mga mambabasa ay
tumutuon sa pagbasa lamang ng unang bahagi o
talata nito. Ito ay tinatawag na pamatnubay.
Nilalaman nito ang buod ng kabuuan ng balita
bilang mapang-akit na panimula. Sinasagot nito
ang mga tanong na sino, ano, saan, kailan, paano at
bakit.
Gawain: Hambing-Tangi
Panuto: Ihambing ang ulat na iyong
nabasa sa unang bahagi ng ating
talakayan sa isang halimbawa ng popular
na babasahin, “Dalawang Patong na
Hollow Blocks” gamit ang tsart sa ibaba.
Gawin ito sa hiwalay na papel.
Ihambing ayon Ulat Dalawang
sa: Balita Patong na
Hollow Blocks
Paksa

Layon

Tono  
Pagpapahalaga

AKSYUNAN MO!
Usap-usapan sa inyong paaralan
ang iyong kamag-aral na si Marites.
Alam ng lahat na siya ay may nobyo
kaya naman may nagpapakalat na siya
umano ay nagdadalang-tao. Sa
kadahilanang ito, nagkaroon ng
matinding epekto sa buhay ni Marites.
Dahil siya ang palaging sentro ng
usapin ng bawat mag-aaral, nawalan
siya ng gana sa pag-aaral, nanatili na
lamang siya sa kanilang tahanan, at
matinding depresyon ang kanyang
pinagdadaanan.
Kung ikaw si Marites, ano
ang iyong magiging tugon sa
ganitong klase ng sitwasyon?
Gaano kahalaga ang wastong
pagbabalita?
EBALWASYON
•TALENTO MO, SKIT MO!
Panuto: Gumawa ng isang maikling panayam
tungkol sa dalawang presidentiable aspirants sa
ating bansa. Ang panayam na isasagawa ay
maaaring tumalakay sa kanilang magiging solusyon
tungkol sa kahirapan, droga, edukasyon, pabahay, at
hanapbuhay.
• PAMANTAYAN
1. Ganap na kawastuhan………………………… 5 puntos
2. Timbang………………………………………. 5 puntos
3. Walang kinikilingan……………………………5 puntos
4. Kaiklian, kalinawan at kasariwaan…………….5 puntos
KABUUAN… 20 puntos
• Interpretasyon:
Napakahusay 15-20
Mahusay 10-14
Katamtaman 5-9
Paghusayan pa 1-4
TAKDANG-ARALIN
• Panuto: Mangalap ng tatlong (3) iba-ibang balita.
Ilahad nang maayos at mabisa ang mga nalikom
mong datos. Suriin ang mga ito ayon sa paksa,
layon, tono, at paraan ng pagkakasulat. Gamitan
ito ng mga salita sa impormal na komunikasyon
(balbal, kolokyal, banyaga). Gayahin ang pormat sa
ibaba. Gawin ito sa hiwalay na papel.
Pamagat ng Balita:
Paksa:
Layon:
Tono:
Paraan ng Pagkakasulat:
Paglalahad ng Balita:
Pagsusuri sa Balita:
Gamit ng mga Salitang Impormal:
MARAMING
SALAMAT SA
INYONG
PAKIKINIG

You might also like