Professional Documents
Culture Documents
PAMPANITIKAN
LUMAGANAP BAGO
DUMATING ANG MGA
ESPANYOL
Pamantayan Sa Pagkakatuto:
Naiuugnay ang mga mahahalagang
kaisipang nakapaloob sa mga
karunungan-bayan sa mga
pangyayari sa tunay na buhay sa
kasalukuyan
Sinaunang Panitikang
Pilipino…
Yamang pamana ng
ating ninuno
Pahalagahan at ingatan
sa ating mga puso.
MGA AKDANG LUMAGANAP
BAGO DUMATING ANG MGA
ESPANYOL
Sinasabing ang mga sinaunang
Pilipino ay may sarili nang panitikang
nagtataglay ng kasaysayan ng lahi bago
pa man dumating ang mga Espanyol at
iba pang mga dayuhan sa bansa.
MGA AKDANG LUMAGANAP
BAGO DUMATING ANG MGA
ESPANYOL
Karamihan sa mga panitikan ay pasalin-
dila
Mababakas dito ang kultura, tradisyon,
paniniwala at maging ang mga
panlipunan at panlahing kaugalian ng
ating mga ninuno
MGA AKDANG LUMAGANAP
BAGO DUMATING ANG MGA
ESPANYOL
Karunungan-Bayan (Salawikain,
Sawikain o Idyoma, Kasabihan at
Bugtong)
Kuwentong-Bayan
KARUNUNGAN-
BAYAN
Tinatawag ding kaalamang-bayan
Ginagamit ito bilang pampatalas ng
mga isipan at panlibang
Karaniwan ito ay hango sa mga
mahahabang tula
SALAWIKAIN
Ito ay ang mga nakaugalian nang
sabihin at sundin bilang tuntunin ng
kagandahang-asal ng ating mga
ninuno na naglalayong mangaral at
akayin ang kabataan tungo sa
kabutihang-asal
SALAWIKAIN
Ito ay ang karaniwang batay sa
katutubong kalinangan,
karunungan at pilosopiya mula sa
buhay sa Pilipinas
SALAWIKAIN
“Ang hindi lumingon sa pinanggalingan
Di makakarating sa paroroonan”
“Kung ano ang itinanim, ay siya ring
aanihin”
“Pag maikli ang kumot, marunong
mamaluktot”
SAWIKAIN O
IDYOMA
Ito ay ang mga salitang o pahayag na
nagtataglay ng talinghaga. Karaniwang
hindi tiyak ang kahulugang ibinibigay
nito sapagkat may tagong kahulugan
ito patungkol sa iba’t-ibang bagay
SAWIKAIN O
IDYOMA
Butas ang Bulsa – walang pera
Ilaw ng Tahanan – Nanay o Ina
Nagbibilang ng Poste – walang trabaho
Ibaon sa hukay – kalimutan
Taingang-kawali – Nagbibingi-bingihan
Ginintuang Puso – Mabuting kalooban
KASABIHAN
Ito ay mga tugmang sinasambit ng mga
bata at matatanda
Karaniwang ginagamit sa panunukso o
pagpuna sa kilos ng isang tao
Katumbas ito ng Mother Goose Rhymes
sa wikang Ingles
KASABIHAN
KASABIHAN
KASABIHAN
BUGTONG
Ito ay mga palaisipan o tanong na may doble
o nakatagong kahulugan
Ginagamit ito upang mahasa ang mga isip ng
tao
Sinasalamin dito ang pag-uugali, pang-araw-
araw na pamumuhay at katutubong
kapaligiran ng mga Pilipino
BUGTONG
“Yumuko man ang reyna, di
nalalaglag ang Korona”
Sagot: Bayabas
BUGTONG
“Palda ni Santa Maria, ang kulay
ay iba-iba”
Sagot: Bahaghari
BUGTONG
“Bibingka ng Hari, hindi mo
mahati”
Sagot: Tubig
BUGTONG
“Sa araw ay bungbong, sa gabi ay
dahon”
Sagot: Banig
BUGTONG
“Sa maling kalabit, may buhay na
kapalit”
Sagot: Baril
KUWENTONG-
BAYAN
Ito ay isang tuluyang kuwentong
nagsasalaysay ng mga tradisyong Pilipino
Karaniwang ito ay hindi totoo o piksyon
Ito ay karaniwang pumapaksa sa kanilang
mga diyos at mga espiritu na siyang
nagtatakda ng kapalaran ng tao
KUWENTONG-
BAYAN
Naglalarawan ito ng mga kaugalian,
pananampalataya, at mga suliraning
panlipunan ng panahong iyon
Halimbawa:
Kuwento ni Maria Makiling at si Malakas
at si Maganda
Sa iyong palagay, bakit mahalagang pag-
aralan ang iba’t-ibang panitikan ng ating
lahi?