You are on page 1of 8

TALAAN NG NILALAMAN

1. Introduksiyon
A. Paunang Kaalaman o Background ng cyberbullying

B. Layunin ng Pag-aaral

C. Pahayag ng Tesis

D. Mga tanong na Nais Sagutin ng Papel

E. Kahalagahan ng Pananaliksik

F. Lawak at Delimitasyon ng Papel

2. Mga Kaugnay na Literatura


A. Depinisyon ng cyberbullying

B. Maikling Kasaysayan ng cyberbullying

C. Mga Pormat ng cyberbullying

D. Pagkokompara

E. Mga Naunang Pag-aaral Tungkol sa cyberbullying


Introduksyon

Paunang Kaalaman

Sa ating panahon Ngayon, hindi pa rin natin maiwasan mabigla na makakita na Ang
laman ng mga balita ay pagkamatay ng isang kabataan ng dahil sa pagmamaton sa internet o sa
madaling salita " cyberbullying ".Sa isinagawang pag saliksik ,marami sa mga tao Ngayon ay
apektado na ng teknolohiya .Ilan sa mga bagay na nakababahala ay ang nakababahala ng
"cyberbullying". Ito ang nagdala sa mga mag-aaral na gumawa ng isang pag-aaral patungkol sa
sanhi at mga maaaring maging epekto ng cyberbullying.

May kasabihan nga trying mga Pilipino na "Anumang sobra, hindi maganda ",kagaya na
lamang sa sobrang pagkalulong sa social media. Ang labis na paggamit ng social media ay isang
sanhi ng patuloy na paglaganap ng cyberbullying. Cyberbullying Ang sumisira sa reputasyon ng
teknolohiya na katulong sa halos lahat ng bagay. Kaya nasabi na isang sakit dahil Ang sakit o
pangmatagalan ang kailangan gamutan sa nakaranas nito. Maaari ring ituring na isang epidemia
Ang cyberbullying dahil ang mga taong binubully ay maaari na ring maging isang sanhi ng
pagkalat ng sakit na ito.

Sa mga estudyante na wala pang sapat na Kaalaman sa nga nangyayari sa labas.


Napakaimportante Ang pagiging malaya ,buhay na pribado,prinsipyo at karangalan na walang
sinuman ang may karapatang sirain o hadlangan ito. Ang ginawang komseptong pag-aaral ay
nais magpahiwatig sa bawat tao,Hindi lamang sa Pilipinas ngunit pati sabuong mundo na hindi
tama ang mangyayari panghihimasok o paninira ng isang tao sa pamanagitan ng paglagay ng
isang mukha sa isang sekswal na imahe at marami pang ibang URI ng paninira o pangbubully
gamit Ang teknolohiya. Itong mga bagay na ito ay maaaring hindi makita ang epekto nito sa
mental na isang tao.

Gusto naming iparamadam ipaalam sa mga makababasa nito na ang cyberbullying ay


banta sa buhay ng matatanda lalong lalo na sa mga bata. Ito ay nakaaapekto sa iba't ibang
aspekto ng ating buhay mapa-piskal,mental ,ispiritwal ,at sa asal na pag- uugali ng isang
indibidwal kaya't gusto namin kayong tulungan kung hindi man alisin ay ang pababain Ang
porsyento ng cyberbullying dito sa ating bansa upang maiwasan ang mga hindi kanais-nais na
bagay na maaaring humantong sa deprasyon o sakit sa pag-iisip. Gusto naming sabihin o
iparating sa mga magulang ng bawat bata na habang maaga ay kung maaari ay ilayo muna nila
ang mga anak Nila sa mga social networking sites upang maiwasan ito. Gagawin namin ang mga
pag-aaral na ito upang makatulong sa mga kabataan na makaiwas sa masasamang bagay na
maaaring mangyari sa paggamit ng mga social networking sites tulad ng Facebook, Twitter at
marami pang iba kung saan laganap ang kaso ng cyberbullying at mamulat Ang bawat isa sa
magiging epekto ng cyberbullying sa kinabukasan ng bawat kabataan.

Introduksiyon
Paunang Kaalaman

Ang cyber bullying ay isa sa pangunahing isyu na pinagdadaanan ng maraming


kabataan. Hindi lamang sa Pilipinas kundi pati na rin sa buong mundo. Marami sa mga kabataan
ang nag-tatangkang magpakamatay dahil sa depresyon. Ang pangunahing nakararanas nito ay
ang mga kabataan; isa sa mga dahilan nito ay ang problema sa kahirapan, mga post sa social
media, body shaming, at maging ang ayos nang pananamit. Isa na rin ang panunukso dahil sa
anyo o sa estado ng buhay na nararamdaman ng nakararanas nito na hindi tanggap sa lipunan.
Nakapaloob na rin ang maagang pakikipag- relasyon ng mga kabataan at maagang hinaharap
ang hamon ng buhay o nakagawa ng pagkakamali, kaya pumapasok sa kanilang isipan ang mga
bagay na maari nilang ikapahamak.

Ang salitang “cyber bullying” ay hindi malinaw. Ito ay kalimitang ginagamit upang
tukuyin ang isyung ito ngunit maari ring tumukoy sa ibang mga kahalagahang moral.

Lubos na nakakababahala ang isyung cyber bullying sapagkat marami na ang


nakakaranas nito at umaabot na sa puntong sila ay nagpapatiwakal at isipin na mas mabuti
nang walang nakikinig sa kanila, kaya naisip nilang mas mabuti nalang na tapusin ang buhay
kaysa sa ipagpatuloy pa ang buhay nila dito sa mundong ibabaw. Marami ang nasisira ang
buhay dahil sa cyber bullying, hindi lamang buhay kundi pati ang kinabukasan ng bawat
nakakaranas nito. Ang taong nakakaranas nito ay palaging mapag-isa, malungkot, malayo sa
kinagisnang kasiyahan, parang dala lahat ng problema sa mundo; Na humahantong sa mga
bagay na hindi dapat nila maisagawa o wakasan na lang ang kanilang buhay dahil sa isyung ito.
Bilang isang mananaliksik, nais naming matulungan ang bawat taong nakakaranas nito, nais din
naming mai-pabatid o isiwalat na kayang resulbahin ang cyber bullying sa maayos na paraan at
isipin nilang may Diyos na gagabay sa kanila at itatawid sila sa mabuting daan at patutunguhan.

Layunin ng Pag-aaral

Ang iba sa atin ay nararanasan ang cyber bullying. Alam naman nating lahat kung ano ang
epekto nito sa atin. Dahil marami nang mga katulad nating mga kabataan ngayon ang
nagpapatiwakal dahil sa problemang kanilang kinakaharap. Dahil nasa modernisasyong
panahon na tayo, nagagawa na nilang makikumpetensya kahit ikasama pa nila ito. Layunin
naming maging isang mabuting impluwensya sa mga kabataang nakararanas nito. Dahil hindi
lang ito basta bastang problema, dahil ito ay seryosong usapin lalo na sa mga nakaranas ng
cyber bullying sa ngayon. Layunin naming tulungan ang mga ito, dahil sa panahon ngayon tayo
tayo na lamang ang magtutulungan sa problemamg ating kinakaharap.

Layunin ng pag-aaral na ito na mapatunayang isa sa mga dahilan ng kawalan ng gana ng


ibang mga kabataan sa pag-aaral ay dahil sa pagiging tutok sa mga gadgets o social media. Pag-
uusapan din ng pag-aaral na ito ang mga sanhi kung bakit nagkakaroon ng cyber bullying, at
higit sa lahat layunin naming makapagbigay ng karagdagang kaalaman kung paano maiiwsan
ang pagkakaroon nito at sa mga kabataang nakararanas ng cyber bullying, makapagbibigay din
kami ng kaunting kaalaman kung paano mapipigilan ang paglala nito at kung paano maiiwasan
ang ganitong uri ng isyu sa katulad nating kabataan.

Ang mga layunin ng pag-aaral na ito ay ang mga sumusunod :

a. Alamin ang mga epekto nito sa buhay ng nakakaranas ng cyber bullying.

b. Matulungan ang mga nakakaranas nito.

c. Alamin kung marami naba ang nakaranas nito.

d. Kung pano ito malutas at malampasan.

e. Malaman kung ano ang mga naging solusyon kung paano maranasan ang

Cyberbullying.

Pahayag ng Tesis

Bilang mananaliksik, ang pagiging biktima ng cyber bullying ay isang pinaka-matinding


dahilan kung bakit naaapektuhan ang ating pag-aaral, hindi lang pag-aaral kumdi sa relasyon sa
pamilya, kaibigan at kasintahan; ang nakakaranas nito at isa na diyan ang mga katulad nating
kabataan. Ito ang aming napili dahil marami ang nakakaranas nito. Tulad ng kawalan ng pag-asa
at hindi na interesado sa kahit na ano pati na rin sa kanilang buhay.
Kami ay mananaliksik ukol dito sapagkat kinakailangan naming malaman pa ang mga iba
pang kaalaman tungkol sa cyber bullying, at malaman kung ano ang mga iba’t ibang sanhi nito
sa kanilang buhay.

Ilan pa ang gusto naming malaman tungkol sa cyber bullying at kung ano ang unang
solusyon, dapat gawin, at kung ano ang maipapayo ng mga estudyante at guro na nalagpasan
ang pasakit na ito sa kanilang buhay. Kung paano sila matutulungan, mapapayuhan, at maibalik
ang kanilang mga ngiti sa kanilang mga labi. Gusto rin naming makausap ang mga naapektuhan
na ng cyber bullying; yung mga taong gusto nang wakasan ang kanilang mga buhay, layuan ang
kanilang pamilya, at gusto laging mapag-isa. Kami ay handang makipag-usap sa mga ito upang
mailabas nila ang kanilang mga hinanaing at saloobin tungkol sa cyber bullying.

Kahalagahan ng Pananaliksik

Kaming mga mananaliksik, isang napakaselang isyu ang aming sasaliksikin, sapagkat hindi
biro ang isyung cyber bullying. Alam na nang iba sa atin kung ano ang epekto ng cyber bullying
lalong lalo na sa mga nakaranas na nito. Nais naming malaman kung ano ang maaaring maging
epekto at dahilan nito. Kami bilang isang mag-aaral, kailangan nating matutunan kung paano o
ano ang tungkol sa cyber bullying. Mahalaga din ito sa buhay ng isang mag-aaral; Dahil dito
nagkakaroon tayo ng bagong kaalaman kapag tayo ay mananaliksik, malalaman din natin kung
ano ang karanasan ng taong nakaranas na ng isyung cyber bullying ng dahil sa pananaliksik na
ito. Nang dahil sa panahon natin ngayon, marami ang nakararanas ng cyber bullying, lalo na sa
ating mga kabataan. Bilang mga dakilang mananaliksik, gusto naming matulungan ang mga
biktima o magiging biktima ng cyber bullying at nang aming silang mabigyan nang kaalaman,
payo at lakas ng loob upang malabanan ito. Bilang isang kapwa estudyante at sa guro dito sa
ating paaralan.

Maaari naming magamit at maibahagi ang tungkol at kung ano ang ibig-sabihin ng cyber
bullying, hindi lang sa mga estudyante kundi magamit din natin ang mga impormasyon tungkol
dito, nang sa gayon maiwasan natin ang cyber bullying.

Mahalagang bigyan ng atensyon ang mga taong nakararanas ng cyber bullying upang
maiwasan nilang mag-isip ng masama tulad na lamang ng pagpapakamatay. Dapat tayong
maging handa sa pang araw-araw nating pamumuhay, dahil habang tumatakbo ang oras,
nagbabago ng nagbabago ang ating panahon. Kinakailangan din nating maging handa sapagkat
sa bandang huli tayo tayo rin lang ang magtutulungan.

Lawak at Delimitasyon ng Papel

Ang panananaliksik na ito ay upang magbigay impormasyon patungkol sa problemang cyber


bullying na ngayon ay kailangan na nating pag-usapan o iwasan dahil sa lumalaking populasyon
sa ating bansa. Ang problema na ito ay kailangan nating solusyunan sa lalong madaling
panahon. Tulungan natin ang mga pasakit sa tinatamasa natin sa mundong ito.

Ang pananaliksik na ito ay nagsimula noong Nobyembre 2022 hanggang Pebrero 2023.
Makatutulong itong aming pananaliksik sa amin upang malaman naming ang mga
hinanaing o problemang dinadanas nila nooong panahong ang cyber bullying ay kanilang
nilalabanan.

You might also like