You are on page 1of 14

TEKSTONG IMPORMATIBO

Inihanda ni:
Mary Iris B.Erestingc0l
LAYUNIN
Nakapagbibigay ng sariling
pananaw at saloobin sa paksa
at mga impormasyong
nakapaloob sa binasang
teksto.
(THINK-PAIR-SHARE)
MGA GABAY NA TANONG
Ano ang aklat o babasahing napili
ninyo?Bakit?
Ano-ano ang mga positibong
naidudulot sa iyo sa pagbabasa nito?
Paano ninyo mahihikayat ang iba para
basahin ang napili ninyong babasahin?
Ang Cyberbullying At Ang Mga Epekto Nito
(Sinipi mula sa tekstong “CYBERBULLYING” sa aklat na Pluma)
 
Sa makabagong panahon kung saan laganap ang paggamit ng
teknolohiya, isang uri ng pambu-bully ang nabigyang-daan nito: ang
cyberbullying o ang pambu-bully sa kapwa gamit ang makabagong
teknolohiya. Ang ilang halimbawa nito ay ang pagpapadala ng
mensahe ng pananakot, pagbabanta, o pagtataglay ng masasamang
salita maging sa text o e-mail; pagpapalaganap ng mga nakasisirang
usap-usapan, larawan , video, at iba pa sa e-mail at sa social media ;
pag-bash o pagpo-post ng mga nakasisira at walang basehang
komento; paggawa ng mga pekeng account na may layuning
mapasama ang isang tao; pag-hack sa account ng iba upang magamit
ang personal account ng isang tao nang walang pagsang-ayon niya o sa
paninira sa may-ari nito; at iba pang uri ng harassment sa
pamamagitan ng teknolohiya. Ang mga ito’y karaniwang nagbubunga
ng pagkapahiya, o pagkawala ng kapayapaan sa nagiging biktima nito.
Sa cyberbullying ay walang pisikal na pananakit na
nangyayari di-tulad ng harapang pambubu-bully na kung
minsan ay humahantong sa pananakit subalit mas matindi
ang sakit at pagkasugat ng emosyon o emotional at
psychological trauma na maaaring maranasan ng isang
biktima ng cyberbullying.
 Naririto ang ilan sa mga epekto ng cyberbullying:
Mga senyales ng depresyon
Pag-inom ng alak o paggamit ng ipinagbabawal na gamot
Pagliban o pag-iwas sa pagpasok sa paaralan
Pagkakaroon ng mababang marka sa paaralan
Pagkawala ng tiwala sa sarili o pagkakaroon ng mababang
self-esteem
Pagkakaroon ng problema sa kalusugan
Pagiging biktima rin ng harapang bullying
Ang Pilipinas ay wala pang opisyal na
estadistika patungkol sa cyberbullying, sa
bansang Amerika ay lumalabas na nasa 9%
ng mag-aaral sa grade 6 hanggang grade 12
ang nakaranas ng cyberbullying noong 2010
at 2011 at noong 2013, tumaas sa 15% ang
mga mag-aaral sa grade 9 hanggang grade
12 na nakaranas ng cyberbullying.
Sa sarbey na isinagawa ng www.stopcyberbullying.org,
ang sumusunod ang isinasagawa ng mga nagiging
bitima ng cyberbullying:
36% ang nagsabi sa bully na huminto sa pambu-bully
niya
34% ang gumawa ng paraan upang mahadlangan ang
komunikasyon sa bully
34% ang nagsabi sa mga kaibigan ukol sa pambu-bully
29% ang walang giawang anuman ukol sa pambu-
bully
28% ang nag-sign-offline
11% lang ang nagsabi sa magulang ukol sa nangyayari
cyberbullying
Ibigay ang kahulugan ng mga salita at gamitin sa
makabuluhang pangungusap.
MGA SALITA KAHULUGAN MAKABULUHANG
PANGUNGUSAP

1.BULLY

2.BASH

3.HACK

4.HARASSMENT

5.TRAUMA
PANEL DISCUSSION
PANGKATANG GAWAIN
1. Ano ang paksa ng teksto?
2. Ano ang layunin ng mga gumagawa ng
cyberbullying?
3. Ano-ano ang epekto nito sa mga
biktima?
4.Paano makaiiwas sa cyberbullying?
FISHBONE DIAGRAM
EPEKTO 1 EPEKTO 2 EPEKTO 3

CYBERBULLYING

DAHILAN 1 DAHILAN 2 DAHILAN 3


PAGSULAT NG DYORNAL
Tumimo sa akin na hindi ko gagawin ang cyberbullying
sapagkat ________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
PAGLALAPAT
Kung aktwal mong nasaksihan ang
isang kaso ng cyberbullying, ano ang
nararapat mong gawin bilang isang
responsableng mamamayang
Pilipino?IPALIWANAG
PAGTATAYA
Ano ang mas higit na
nakasasakit, ang harapang
pambu-bully o
cyberbullying?Ipaliwanag.
MARAMING
SALAMAT!

You might also like