You are on page 1of 2

TEKSTONG IMPORMATIBO

A. PAGBASA: Basahin at unawain nang mabuti ang teksto.

Ang Cyberbullying At Ang Mga Epekto Nito


(Sinipi mula sa tekstong “CYBERBULLYING” sa aklat na Pluma)

Sa makabagong panahon kung saan laganap ang paggamit ng teknolohiya, isang uri ng pambu-
bully ang nabigyang-daan nito: ang cyberbullying o ang pambu-bully sa kapwa gamit ang makabagong
teknolohiya. Ang ilang halimbawa nito ay ang pagpapadala ng mensahe ng pananakot, pagbabanta, o
pagtataglay ng masasamang salita maging sa text o e-mail; pagpapalaganap ng mga nakasisirang usap-
usapan, larawan , video, at iba pa sa e-mail at sa social media ; pag-bash o pagpo-post ng mga nakasisira
at walang basehang komento; paggawa ng mga pekeng account na may layuning mapasama ang isang
tao; pag-hack sa account ng iba upang magamit ang personal account ng isang tao nang walang pagsang-
ayon niya o sa paninira sa may-ari nito; at iba pang uri ng harassment sa pamamagitan ng teknolohiya.
Ang mga ito’y karaniwang nagbubunga ng pagkapahiya, o pagkawala ng kapayapaan sa nagiging biktima
nito.

Sa cyberbullying ay walang pisikal na pananakit na nangyayari di-tulad ng harapang pambubu-


bully na kung minsan ay humahantong sa pananakit subalit mas matindi ang sakit at pagkasugat ng
emosyon o emotional at psychological trauma na maaaring maranasan ng isang biktima ng
cyberbullying.

Naririto ang ilan sa mga epekto ng cyberbullying:


 Mga senyales ng depresyon
 Pag-inom ng alak o paggamit ng ipinagbabawal na gamut
 Pagliban o pag-iwas sa pagpasok sa paaralan
 Pagkakaroon ng mababang marka sa paaralan
 Pagkawala ng tiwala sa sarili o pagkakaroon ng mababang self-esteem
 Pagkakaroon ng problema sa kalusugan
 Pagiging biktima rin ng harapang bullying

Ang Pilipinas ay wala pang opisyal na estadistika patungkol sa cyberbullying, sa bansang


Amerika ay lumalabas na nasa 9% ng mag-aaral sa grade 6 hanggang grade 12 ang nakaranas ng
cyberbullying noong 2010 at 2011 at noong 2013, tumaas sa 15% ang mga mag-aaral sa grade 9
hanggang grade 12 na nakaranas ng cyberbullying.

Sa sarbey na isinagawa ng www.stopcyberbullying.org, ang sumusunod ang isinasagawa ng mga


nagiging bitima ng cyberbullying:

 36% ang nagsabi sa bully na huminto sa pambu-bully niya


 34% ang gumawa ng paraan upang mahadlangan ang komunikasyon sa bully
 34% ang nagsabi sa mga kaibigan ukol sa pambu-bully
 29% ang walang giawang anuman ukol sa pambu-bully
 28% ang nag-sign-offline
 11% lang ang nagsabi sa magulang ukol sa nangyayari cyberbullying

Inihanda ni: Bb. Kristel Gail S. Basilio


Guro Sa Filipino
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

PANGALAN:_______________________________________________BAITANG AT SEKSYON:______________

A. PAGPAPAYAMAN NG TALASALITAAN (TSART)


Ibigay ang kahulugan ng mga salita at gamitin sa makabuluhang pangungusap.

Mga Salita Kahulugan Makabuluhang pangungusap

1. Bully

2. Bash

3. Hack

4. Harassment

5. Trauma

B. PAG-UNAWA SA BINASA
1. Ano ang paksa ng teksto?
2. Ano ang layunin ng mga gumagawa ng cyberbullying?
3. Ano-ano ang epekto nito sa mga biktima?
4. Paano makaiiwas sa cyberbullying?
5. Ano ang mas higit na nakasasakit, ang harapang pambu-bully o cyberbullying? Ipaliwanag.

C. GAWAIN: Punan ng mga impormasyong kinakailangan upang mapuno ang fishbone diagram

Inihanda ni: Bb. Kristel Gail S. Basilio


Guro Sa Filipino

You might also like