You are on page 1of 6

Ang Cyberbullying At Ang Mga Epekto Nito

(Sinipi mula sa tekstong “CYBERBULLYING” sa aklat na Pluma)

Sa makabagong panahon kung saan laganap


ang paggamit ng teknolohiya, isang uri ng pambu-
bully ang nabigyang-daan nito: ang cyberbullying
o ang pambu-bully sa kapwa gamit ang
makabagong teknolohiya. Ang ilang halimbawa
nito ay ang pagpapadala ng mensahe ng
pananakot, pagbabanta, o pagtataglay ng
masasamang salita maging sa text o e-mail;
pagpapalaganap ng mga nakasisirang usap-usapan,
larawan , video, at iba pa sa e-mail at sa social media;
pag-bash o pagpo-post ng mga nakasisira at walang
basehang komento; paggawa ng mga pekeng account
na may layuning mapasama ang isang tao; pag-hack
sa account ng iba upang magamit ang personal
account ng isang tao ng walang pagsang-ayon niya o
sa paninira sa may-ari nito; at iba pang uri ng
harassment sa pamamagitan ng teknolohiya. Ang
mga ito’y karaniwang nagbubunga ng pagkapahiya, o
pagkawala ng kapayapaan sa nagiging biktima nito.
Sa cyberbullying ay walang pisikal na
pananakit na nangyayari di-tulad ng
harapang pambubu-bully na kung minsan
ay humahantong sa pananakit subalit mas
matindi ang sakit at pagkasugat ng
emosyon o emotional at psychological
trauma na maaaring maranasan ng isang
biktima ng cyberbullying.
Naririto ang ilan sa mga epekto ng cyberbullying:
 Mga senyales ng depresyon
 Pag-inom ng alak o paggamit ng ipinagbabawal
na gamot
 Pagliban o pag-iwas sa pagpasok sa paaralan
 Pagkakaroon ng mababang marka sa paaralan
 Pagkawala ng tiwala sa sarili o pagkakaroon ng
mababang self-esteem
 Pagkakaroon ng problema sa kalusugan
 Pagiging biktima rin ng harapang bullying
Ang Pilipinas ay wala pang opisyal na
estadistika patungkol sa cyberbullying, sa
bansang Amerika ay lumalabas na nasa 9%
ng mag-aaral sa grade 6 hanggang grade 12
ang nakaranas ng cyberbullying noong
2010 at 2011 at noong 2013, tumaas sa 15%
ang mga mag-aaral sa grade 9 hanggang
grade 12 na nakaranas ng cyberbullying.
Sa sarbey na isinagawa ng www.stopcyberbullying.org,
ang sumusunod ang isinasagawa ng mga nagiging biktima
ng cyberbullying:
 36% ang nagsabi sa bully na huminto sa pambu-bully niya
 34% ang gumawa ng paraan upang mahadlangan ang
komunikasyon sa bully
 34% ang nagsabi sa mga kaibigan ukol sa pambu-bully
 29% ang walang ginawang anuman ukol sa pambu-bully
 28% ang nag-sign-offline
 11% lang ang nagsabi sa magulang ukol sa nangyayari
cyberbullying

You might also like