Malawak na ginagamit sa mga social media ngayon lalo na sa Twitter ang
hashtag na #NOTOCYBERBULLYING. Bakit nga ba ito ang malaking usapin ngayon? Alam nating lahat na nasa panahon na tayo ng digital age na lantad sa paggamit ng teknolohiya ang mga bata dahil na rin sa kanilang pagiging tech- savvy. Nagsimula ito dahil sa mabilis na pag-unlad ng teknolohiya. Taong 1990 nang mas maging abot-kaya ang pagkakaroon ng personal computer. Mas tumindi pa ang usapin tungkol sa cyberbullying sa kalagitnaan ng taong 2020 kung saan nagsulputan at naging patok ang pagkakaroon ng smartphone.
Ang cyber bullying ay maaring panunukso, panlalait, pang-aasar o anumang
aksyon na hindi angkop sa tamang pakikitungo sa isang tao gamit ang mga social networking sites tulad ng Facebook, Twitter, Instagram at iba pa. Tinawag itong “cyber bullying” dahil ito ay hindi angkop sa tamang pakikitungo o pambubully kumbaga sa isang tao gamit ang makabagong teknolohiya ngayon. Meron namang gumagawa ng mga pekeng accounts para maitago ang kanilang pagkakakilanlan upang magawa nila ang kanilang pambubully na walang nakakaalam kung sino sila. May iba ding gumagamit ng social networking sites para hindi lang mambully kundi gamitin din ito para sa pananakot o ang tinatawag nilang “blackmailing” para bigyan ang kanilang biktima ng takot at sobrang stress na kinalaunan ay maghahantong sa masamang mangyayari sa biktima. Kahit sino ay maaaring maging biktima ng cyberbullying kahit ano pang edad o estado sa buhay, maging ang mga artista at pulitiko ay nakakaranas ng cyberbullying.
1.2 LAYUNIN NG PAG-AARAL
Layunin ng pananaliksik na ito na matuklasan kung ano ang mga Negatibong Epekto ng Cyber Bullying sa Panahon ng Pandemic sa mga Mag-aaral. Sa Seksyon B2 STEM 01, 02, at 04 Baitang Labing Isa sa Paaralang PHINMA Cagayan de Oro College. At gayundin, inaangkop naming mga mananaliksik na mabigyan ng solusyon ang mga mambabasa para malaman at magkaroon ng kamalayan ang mga mag-aaral sa negatibong epekto ng cyber bullying sa panahon ng pandemic. Sa pagkatapos ng pag-aaral tungkol sa negatibong epekto ng cyber bullying, inaasahang masasagot ang mga sumusunod: • Sa panahon ng pandemic, ano ang mga negatibong epekto ng cyber bullying sa mga mag-aaral sa seksyon B2 STEM 01, 02, at 04? • Ano ang papel ng paaralan, magulang, lipunan, at mag-aaral upang masugpo ang cyber bullying sa paaralan ng PHINMA Cagayan de Oro College ngayon lalong-lalo na sa panahon ng pandemic sa mga mag-aaral sa seksyon B2 STEM 01,02, at 04?
1.3 KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Ang pananaliksik na ito ay nagsisilbing batayan kung ano ang maaring epekto ng cyber bullying sa panahon ng pandemya. Mahalaga sa atin magkaroon ng kaalaman pa tungkol sa cyber bullying at ang mga negatibong epekto nito dahil isa itong malaking problema sa kabataan at lalong lalo na sa mga estudyante sa pilipinas. Dapat ito ay bigyan ng pansin ng mga tao para ito ay maiwasan o kaya namn ay mahinto. 1.estudyante-upang malaman nila ang mga negatibong epekto ng cyber bullying. Madaming estudyante ang nag pakamatay dahil sa cyber bullying at dapat sila ay mabigyan agad ng kaalaman pa tungkol sa mga epekto ng cyber bullying 2.Guro-upang malaman ng mga guro kung ang kanilang estudyante ay nakaranas na ng cyber bullying at mabigyan nila ang kanilang mga estudyante o kaya ang mga kabataan ng pato kung paano ito maiwasan o masolosyunan 3.kabataan- para malaman nila kung sila ay nabubuli na sa Internet. Madami na ding kabataan ang nakaranas ng cyber bullying kaya mas magandang basahin nila ito up ang mapahinto na ang pambubuli sa mga kabataan kung sila ay mabigyan agad ng kaalaman 4.magulang-upang alam nila o makita nila ang mga pagbabago na nangyayari sa kanilang mga anak. Mas mabuting may alam ang mga magulang ang epekto ng cyber bullying para ma Bantayan nila ang kanilang mga anak sa ano mang negatibong pangyayari at agad na mabigyan ng desiplina at payo. 5.sa paaralan-mahalaga sa pagpapahnlad at pagpapatupad ng pataka ran ng buong paaralan na may kinalaman sa pambubully gamit ang teknolohiya sa gani tong para an ay masolusyonan ang mga pambubully.
1.4 SAKLAW AT LIMITASYON
Sa lumalaking presensiya ng social networking platform sa internet, ang cyber-
bullying o online hurtful behavior ay nagpalawig sa saklaw ng bullying na nakakaapekto sa isa sa bawat 10 bata sa mundo. Ito ang isiniwalat sa bagong report ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) na nagsaad na, sa buong mundo, isa sa tatlong bata ang nakakaranas ng bullying at ang kahalintulad na bilang ay apektado ng pisikal na karahasan. Sinasabi sa 2019 UNESCO report na “Behind the Numbers: Ending School Violence and Bullying” na isa sa tatlong estudyante sa buong mundo (32%) ang nabibiktima ng bullying ng kapwa nila mga estudyante sa eskuwelahan minsan sa nagdaang buwan.
Binanggit sa report ng Global Kids Study na lumilitaw na ang percentage ng 9-17
years old internet user na nagsusumbong ng online hurtful behavior ay 35% sa Serbia, 29% sa Pilipinas at 20% sa South Africa, at 77% sa 13-17 years old sa Argentina. Lumitaw din sa datos sa Pilipinas, Argentina, Brazil, Serbia at South Africa na sa pagitan ng 12% at 22% ng mga bata ay nakakatanggap ng mga mensahe na merong sexual content sa nagdaang taon. Kabilang sa sinasabing cyberbullying ang mga instant message, posting, email at text messages na merong mga masasakit na salita laban sa isang estudyante o nagpoposte ng hindi magandang larawan ng biktima. Ang mga batang lalaki ay mas malamang makaranas ng physical bullying habang ang mga batang babae ay psychological bullying. Sinabi pa sa report na ang bullying ay mas dumami pa sa mga batang estudyante sa Myanmar, Pilipinas at United Arab Emirates.
1.5 KATUTURAN NG MGA SALITANG GINAMIT
Upang maging mas malinaw at maliwanag ang pag-aaral na ito, inilahad ng
mgamananaliksik ang kahulugan ng mga talakay na ginamit na may kaugnayan sa paksa.
Social Networking Sites-is a platform to build social networks or social relations
among people who share interests, activities, backgrounds or real-life connections. Teknolohiya-Isa sa mga kahulugan ang pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina, kagamitan at proseso upang tumulong sa paglunas ng mga suliranin ng tao. Internet -ay ang mga magkakabit na mga computer network na maaaring gamitin ng mga tao sa buong mundo. Siyensya -ay ang sistematikong pag-aaral ng bagay at pisikal na sansinukob. Ito ay batay sa pagmamasid, eksperimento at pagsukat. Cyberbullying o cyberharassment -ay isang uri ng pananakot o panliligalig gamit ang elektronikong pamamaraan. Ang cyberbullying at cyberharassment ay kilala rin bilang pang-aapi sa online. Blackmailing- ang aksyon, na itinuturing bilang isang kriminal na pagkakasala, ng paghingi ng bayad o ibang benepisyo mula sa isang tao bilang kapalit ng hindi paglalahad ng nakakakompromiso o nakakapinsalang impormasyon tungkol sa kanila. Bullying- ay paggamit puwersa, pagbabanta, o pamimilit sa pang aabuso,manakot o agresibo ito mangingibabaw, ang pag uugali ay madalas na paulit-ulit at kinagawian.