You are on page 1of 7

Kaalaman sa Netiquette ng mga mag – aaral sa Senior High Student ng

Paaralang AMA Computer College Fairview Campus

Kabanata 1

By:

Astudillo, Carlo

Batallones, Gabriel Anthony M.

Magbanua, Charles

Marasigan, Maria Clarissa C.

March 2020
Kabanata 1

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN

Panimula

Ang Netiquette o mas kilala sa tawag na “Online Etiquette”. Nagmula sa dalawang

salita. Ang isa ay “Internet” na ang ibig sabihin ay ang mga nakakabit na mga computer network

na maaaring gamitin ng mga tao sa buong mundo. At ang “Etiquette” na ang ibig sabihin ay

talaan ng mga mabubuting asal, kadalasan ginagamit ang Netiquette sa pagpapadala ng

Sulatroniko, Social media, pakikipag-usap at paghahayag ng mga reaksyon online, web forum,

paglalaro at iba pang-uri ng pakikipagdiyalogo. Ayon kay Shea, (1994), Ang Netiquette ay

talaan ng mga mabubuting asal sa mundo ng internet at talaan ng patakaran para sa pag-uugali sa

isang positibong balangkas at ang mga porma na kinakailangan ng positibong pagsagot sa

pamamagitan ng awtoridad na kinakailangan sa buhay panlipunan.

Nagagamit ang Internet sa pag-aaral. Ang mga impormasyon na binibigay ng Internet

ay nagiging sandata ng mga mag-aaral upang kampanteng dalhin ang sarili tuwing may leksyon

at maging aktibo ang partisipasyon. Isa rin itong paraan ng interaksyon sa ibang tao sa tulong ng

social media, sa pamamagitan ng Internet, nagkakaroon ang mga tao ng mas malawak na pang-

unawa tungkol sa mundo, mula sa balita sa ibang bansa na madaling nasasagap, hanggang sa

mga trends na higit na nakakukuha ng atensyon ng mga kabataan.

Ang mga tao ay sumusunod sa mga alituntunin ng etiketa bago ang pagdating ng mga

computer. Ang mga pamantayan ng pag-uugali ay nakatutulong na sapat na kumakatawan sa

mga tao at opinyon, upang magsagawa ng pag-uusap sa anyo ng magalang na pag-uusap, upang

igalang ang pag-unawa ng iba sa paksa at mapanatili ang isang malusog na "microclimate" sa
komunikasyon. Ang ilang mga tao ay nag-iisip na sa pagdating ng teknolohiya ng computer at

networking, maaaring kalimutan ang tungkol sa mga kaugalian ng etikal na pag-uugali lamang

dahil ang mga estranghero ay nakaupo sa kabilang panig ng screen na hindi mo kailangang

matugunan. 

Talagang napakalayo na ang narating ng teknolohiya sa paggawa ng makabagong

kagamitan. Upang mapabilis ang mga gawain at magbigay-aliw sa tao lalo na sa mga kabataan

pati na rin sa mga matatanda. Ang mga makabagong kagamitan ay kinalolokohan na ngayon ng

mga kabataan, isa na rito ang kompyuter na madalas ginagamit upang mag-internet na kilala sa

buong mundo. Ito ay nagbibigay ng mabilis na impormasyon, lawak ng komunikasyon at aliw.

Marami na kasing gamit ang kompyuter lalo na sa mga kabataang Pilipinong mag-aaral

ngayon. Isa na rito ang pagbibigay ng internet. Ang internet ay sinusubaybayan at halos

ginagamit na ngayon ng maraming mag-aaral sa Pilipinas. Ito ang aming piniling pagtuunan ng

pansin sa kadahilanang kapansin- pansin, lalo na sa mga mag-aaral. Sa halip na maghanap ng

mga karagdagang impormasyon para mapunan ang kaalaman sa pag-aaral ay nakatutok na sa

mga social networking sites.

Ngunit nakakaalarma rin na may mga kabataang nahihirapan tukuyin ang mga

prayoridad. May mga kabataan na sobrang nahuhumaling sa paggamit ng Internet at wala na sa

kanilang prayoridad ang pakikihalubilo sa kapwa. May mga pagkakataon din na ang pagiging

bukas sa Internet ang nagiging dahilan mismo sa pagkawala ng dahilan upang makipag-

interaksyon sa aktwal na mundo, isang patunay dito ay ang mga biktima ng Cyber Bullying,

online scandals, o Identity crisis. Marami ang tumatangkilik sa paggamit ng internet, ngunit, ang

iba sa mga kabataan ay naaabuso ang pag-gamit ng internet Ninanais ng mga mananaliksik na
alamin ng kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa wastong pag-aaral ng internet o mas kilala sa

tawag ng netiquette. Ang layunin ng pag-aaral na ito ay mas palawakin pa ang kaalaman ng mga

Senior High Students ng AMA Computer College Fairview Campus sa netiquette.

Kaligirang Kasaysayan

Ang salitang “Netiquette” o talaan ng mga mabubuting asal kapag tayo ay nasa mundo

ng internet ay noon taong 1990’s nang nauso ang paggamit ng sulatroniko upang makapaghatid

ng mensahe sa internet, lalo na noon taong 2002 ng si Jonathan Abrams ay nakabuo ng pang-

interaktibong website na tinatawag na “Friendster”, naging patok at tinangkilik ng mga

gumagamit ng internet ang ganitong libangan, ito rin ang naging inspirasyon ng ibang

gumagamit ng internet na gumawa pa ng ibang pang-interaktibong website, ang ilan sa mga ito

ay Yahoo, Gmail, LinkedIn at iba pang-uri ng pakikipag-interaskyon online, Ang Facebook na

sumikat at pumatok noong 2004 dahil sa mas moderno nitong pakikipag-interaksyon, naging

patok din ang Twitter at Instagram noong 2006, mas tinangkilik ng mga gumagamit ng internet

at ang mga kabataan lalo na ngayon 2010. Ang ganitong uri ng pang-interaktibong website ay

likha ng mga makabagong kaalaman at modernong teknolohiya kaya sumikat ang mga ganitong

social media website ay marahil sa dala nitong kakaibang aliw sa mga tao lalo na ang mga

kabataan at kasabay pa nito ang pagsikat ng mga modernong teknolohiya na mas kinilala, mga

nauusong salita, sayaw at marahil, mga nais ipasikat online o sa internet.

Sa makabago at modernong panahon ngayon ay hindi lingid sa mga kaalaman ng mga

“Generation Z” o mga kabataan na ipinanganak noong 2000’s hanggang sa kasalukuyan ang

pagiging mulat ng mga mata sa social media maging sa iba pang uri o larangan sa internet tulad

ng pagpapalaganap ng Memes o paglalahad ng isang sikat na pangyayari, tema o mga

nirerepresenta hindi rin mawawala ang salitang “Bash” o negatibong komento sa mga pinapakita
nila sa internet, kalamitan sa mga “bash” ay puno ng masasakit na salita at kung minsan, ay puno

ng mura at pangbabanta, sa mga ganitong uri ng pakikipag-interaskyon papasok ang “Netiquette”

dahil kalimitan ng mga kabataan ngayon ay madalas ng gumamit ng mga iba’t-ibang uri ng

Social media.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong malaman ang kaalaman ng mag – aaral sa Senior

High Student sa paaralang AMACC Fairview Campus tungkol sa Netiquette.

Ninanais ng mga pag-aaral na ito na masagot ang mga sumusunod na katanungan:

A. Demograpikong Propayl

1. Ano ang demograpikong propayl ng mga respondante ulat sa:

1.1 Kasarian;

1.2 Edad; at

1.3 Baitang?

B. Pangkalahatang Katanungan

1. Ano – ano ang mga kaalaman ng mga mag-aaral ng AMA Computer College Fairview

Campus tungkol sa netiquette?

2. Paano nakakatulong ang kaalaman nila sa Netiquette sa:

2.1 Komunikasyon;

2.2 Libangan; at

2.3 Pangsarili?

3. Paano naaapektuhan ng Netiquette ang ugali ng mga mag-aaral ng AMA Computer

College Fairview?
4. Paano isinasagawa ng mga mag-aaral ang netiquette or internet etiquette?

5. Ano ang mga negatibong epekto sa hindi pagkaalam o pagkilala sa netiquette?

SAKLAW AT LIMITASYON

Ang saklaw ng respondente pag-aaral ay nasa loob lamang ng mataas na paaralan ng

AMA Computer College Fairview. Ang limitasyon naman ng pag-aaral, ay aaralin ng mga

mananaliksik kung gaano ba karami ang kaalaman ng mga mag-aaral ng AMACC tungkol sa

Netiquette at matulungan rin ang mga mag-aaral na madagdagan pa ang kaalaman ng mga mag-

aaral tungkol sa Netiquette at kung ano ang dapat at hindi dapat gawin sa Internet.

Ang resulta ng pag-aaral na ito ay hindi palaging naaangkop kahit saan sa labas ng lugar

ng mga respondente ng pag-aaral na ito at hindi dapat gamitin na hindi kabilang sa populasyon

ng pag-aaral na ito.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Sa pag-aaral na ito, higit na binigyang pansin ang mga sumusunod:

Mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa mga mag-aaral na mas mapalago pa

ang kanilang kaalaman tungkol sa Netiquette at alamin kung anu-ano ang dapat sundin sa tuwing

gumagamit ng Internet.

Mga magulang. Ito ay magsisilbing batayan upang makatulong na ibahagi sa iba pang

mga magulang ang impormasyon tungkol sa Netiquette o mga ideya upang matulungan ang

bawat isa sa pagiging magulang.

Opisyal ng Paaralan. Mabibigyan ng karagdagang kaalaman ang mga mag-aaral tungkol

sa Netiquette at maturuan ng maayos na paggamit ng Internet.


Susunod na Mananaliksik. Maaaring gamitin ang pag-aaral na ito upang masuportahan

ang paksa na kaugnay sa mga mananaliksik.at sa kadahilanang mas lalalim pa ang kaalaman ng

mga susunod na mananaliksik tungkol sa paksang pinag-aaralan at malalaman din ng

mananaliksik kung bakit importante ang paksa na ito.

Katutunan ng Talakay

Cyberbullying. Maaring panunukso, panglalait, pang-aasar o anumang aksyon na hindi angkop

sa tamang pakikitungo sa isang tao gamit ang mga social networking sites.

Etiquette. Tamang Pag-uugali.

Identity Crisis. Krisis sa pagkakakilanlan ay ang kabiguan upang makamit ang pagkakakilanlan

sa panahon pagdadalaga o pagbibinata.

Internet. Internasyonal na network na pang-computer at nag-uugnay sa mga indibidwal,

institusyon, ahensiya, industriya, at iba pa.

Microclimate. Isang local na pook ng atmospera kung saan ang klima ay naiiba mula sa

nakapalibot na lugar.

Netiquette. Ang tamang pag-uugali na maaring gawin ng isang tao habang gumagamit sa mundo

ng internet.

Social Media. Tumutukoy sa system ng pakikipag-ugnayan sa mga tao na kung saan sila ay

lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon at mga ideya sa isa virtual na

komunidad at mga network.

Social Networking Sites. Isang online platform na ginagamit para makag-usap, makapag-post

ng litrato at paghahanap ng impormasyon.

You might also like