You are on page 1of 1

Karanasan ng mga mag-aaral ng Lagro High School HUMSS 11 ngayong pandemya ukol

sa Cyber Bullying

INTRODUKSYON

Halos tatlong taon na nung dumating ang pandemya sa mundo, at ganon narin katagal
ang paghihirap ng bawat tao. Kung babalikan at susuriin ng mabuti ay malaki talaga ang naging
epekto nito lalo na sa mga nagnenegosyo, nagtatrabaho, nag-aaral at sa iba pa. Isa na dito ang
patuloy na paglaganap ng Cyberbullying, dahil napapanahon ang paggamit ng teknolohiya, hindi
maiiwasan ang pagtaas ng kaso nito. Ito ay matagal ng suliranin na kinakaharap ng maraming
kabataan, dahil sila ang madalas na biktima dito.

Ang Cyberbullying ay isang hindi magandang gawain dahil dito sinisiraan mo ang
pagkakilanlan ng isang tao. Nabubuo ito sa tulong ng teknolohiya, kung saan maaari kang
magpadala o makatanggap ng mga hindi kaaya-ayang mensahe. Mararanasan din dito ang
pagbaba ng tingin sa iyong sarili at ng ibang tao. Ang malala pa dito ay ang panganib na maaari
ding maranasan dahil isang pagbabanta.

Simula nung kumalat ang samu’t saring komento ukol dito ay nagkaroon din ito ng batas.
Ang Republic Act No. 10627 (Anti-Bullying Law of 2013), kung saan ipinagbabawal sa mga
paaralan o sa kahit anumang instusyon ang cyberbullying lalo na sa mga menor de edad. Sa oras
na may nangyari na ganito sa isang paaralan at hindi ito agad binigyan pansin, sila ay
makakatanggap ng parusa ng pag suspende sa pamumuno ng Department of Education.

Sa paglaganap ng ganitong klaseng isyu, mahalaga itong mahinto at maagapan sa tulong


ng mga posibleng tao na makakalutas dito. Inaasan ang mga magulang ng bawat mag-aaral na
turuan at bantayan ng maayos ang kanilang mga anak. Ganon din sa mga guro ng bawat
paaralan, lalo na ngayong puro teknolohiya na ang komunikasyon pagdating sa pag-aaral.
Mahalagang ipaunawa sa bawat isa ang mga hindi magandang resulta kung ipagpapatuloy ang
ganitong isyu.

You might also like