You are on page 1of 1

Tabisaura, Art Limuel C. Feb.

29, 2020

ABM1905 Journal Entry #1

Naranasan mo na ba ang na cyber bullying?

Ang cyber bullying ay isang aktibidad na nangyayare sa mga social medias ito ay isang uri ng
panlalait sa tao sa loob ng social media. Ito ang isa sa mga pinakamalaking problemang kinakaharap hindi
lng sa Pilipinas kundi maging sa ibang mga bansa. Sapagkat ang cyber bullying ay maaari o isa sa mga
nagiging sanhi ng papapakamatay ng ilang mga kabataan ngayon. Maraming mga kabataan ang
nagpapakamatay sapagkat hindi nila nakakayanan ang mga salitang sinasabe sa kanila ng ibang tao. Ito ay
patuloy pang lumalaganap at napakahirap pigilan sa panahon ngayon. Ito ang tawag sa paggmit ” Internet
“at iba pang kaugnay na teknolohiya para sadya at paulit-ulit na makasakit ng kapwa tao. Dahil sa patuloy
na paglaganap nito, lalo na sa mga kabataan, nagsusulong na ng mga batas at kampanya upang ito’y
matigil na. Sa kahulugan pa lamang nito ay masasabi nating ito ay maaring magkaroon ng negatibong
epekto sa ibang tao, lalo na sa mga kabataan ngayon. Sa kasalukuyan, tayo ngayon ay nasa “iGeneration”,
ibigsabihin. Sa isang pindot lamang sa telepono or kompyuter, maari mo na magawa ang lahat.Maraming
epekto ang cyberbullying, isa rito ang mapahiya sila sa ibang tao. Natural lamang na mapahiya o ayaw na
pumasok dahil takotmapahiya, mainsulto at iba pang negatibong epekto na mararamdaman ng isang
biktima ng CYBERBULLYING. Itong uri nang pagmamaton gamit ang Internet ay hindi man pisikal na
nakakasakit pero ito naman ay sikolohikal na nakakasakit. Nakakapagpababa rin ito ng tiwala sa sarili at
maaring rin ma-“trauma:” ang isang biktima nito.

Isa sa mga solusyon dito ay ang mga magulang kung papangaralan lamang nila ang kanilang mga
anak palagi ay hindi ito magagawa ng ilan. At dapat lamang na turuan din ang ilang mga kabataan na
maging malakas sa ganitong uri ng mga sitwasyon upang maiwasan ang pag iisip na ang kamatayan ang
solusyon sa ganitong uri ng kaso. At sa mga kabataan Maging bukas o magkwento sa mga taong
komportable kang kausap. Makakatulong na may nakakausap at napagsasabihan ka ng iyong
nararamdaman kung ikaw ay nabiktima ng cyberbullying. Hindi ka nag-iisa at may mga taong nais
tumulong sa iyo. Maaari din na Ireport o iblock ang taong gumagawa ng cyberbullying. Mayroong report
o block button ang mga social media sites tulad ng Facebook. At mas magandang Huwag patulan ang mga
masasamang bagay na sinabi sa iyo sa internet. Huwag gumanti sa mga taong nagsasagawa ng
cyberbullying dahil lalo lang lalala ang away sa social media.

You might also like