You are on page 1of 6

PAKSA:

ANG PAGGAMIT NG SOCIAL MEDIA SA


TAMANG PARAAN

GINAWA NI:

LLOYD CORONEL

AT

AIMEE CALDERON
PAHAYAG NG THESIS:

ANG NEGATIBO AT POSITIBONG EPEKTO NG


PAGGAMIT NG SOCIAL MEDIA
PROBLEMA AT SITWASYON:

Isa sa mga problema ng Social Media ay hindi lahat ay maganda dito.


Maraming mga di nakaka ayang litrato o bidyo na maaring Makita ng
mga bata. Hindi lahat ng makikita sa social media ay
makakapagtiwalaan, hindi natin alam kung mapagkakatiwalaan ba ang
lahat ng post sa social media. Ang Social Media ay malaking tulong sa
ating mga tao ngunit na sa kamay natin kung paano ito gamitin. Alam
nating lahat na walang pinipili ang kasamaan kahit matanda o bata man
ay kaya nitong linlangin. Sa tuwing tayo’y magpopost, magsishare at
magkiclick ay dapat pagisipan muna nang mabuti at maging mapanuri
at huwag magbigay ng impormasyon na maari mong pagsisihan sa huli.
Huwag din nating isapubliko ang mga personal na bagay na maaring
maging sanhi ng pagnanakaw, scam at kamatayan.
SANAYSAY:
Ang Social Media ay tumutukoy sa Sistema ng pakikipag-ugnayan sa
mga tao na kung saan sila ay lumilikha, nagbabahagi, at
nakikipagpalitan ng impormasyon at mga ideya sa isang virtual na
komunidad at mga network. Ang kakayahan nito na magbigay ng
pagkakataon sa gumagamit na makipag-ugnayan sa maraming tao
malapit man o malayo sa iyo. Nangangahulugan ito na maari kang
mailantad sa isang mas malayo, mas malawak na hanay ng mga
opinyon. Maaring sites sa internet ang kadalasan na naaccess ng mga
kabataan. Kabilang ditto ang facebook, twitter, Instagram, tumblr, at
mga laro tulad ng dota, clash of clans at kung ano-ano pa. Sa isang klik
lamang ay maari ka nang mapabilang sa isa o sa lahat ng mga to.
Maraming kabataan na ginagawa ang mga social networking sites na ito
bilang libangan. Pero ano nga ba ang mga negatibo at positibong
epekto ng mga ito sa kabataan ngayon? Unang bagay ditto ay pagiging
tamad ng mga kabataan sa pag-aaral dahil sa mga sites na mayroon ay
nahahati ang kanilang atensyon. Mas marami pa silang ginugugol na
oras sa pag aaccess o paglalaro kaysa sa pag-aaral. Mas nagiging
interesado sila sa mga bagay na makikita sa sites kesa pagtyagaan ang
mga aralin sa paaralan. Dahil din sa mga Social Networking sites na ito
ay nagiging aktibo ang mga estudyante sa latest na bagay at sa kung
ano ang uso. Nagiging ugali nila ang makiuso sa mga sikat na
nagpapabago sa kanilang mga ugali. Dahil din sa mga Social networking
sites maraming kabataan ang nalalayo sa tamang landas. Marami sa
kanila ang nalululong sa mga larong kinasisira ng kanilang pag-aaral.
May pagkakataon pa na hindi sumisipot ang ibang mag-aaral
makapaglaro lamang ng mga dota o clash of clans o di kaya’y
magfacebook lamang. Marami ding kabataan ang naiimpluwensyahan
ng mga laro at napapanuod nila. May mga naapektuhan ng mga
madadahas na pamumuhay. May ibang kaso pa nga na nakapatay ang
mga kabataan ng
kapwa nila dahil lamang sa inis o galit sa mga laro. Nagiging sanhi ito
upang maging brutal sila at malulong sa madaming gawa. Kaya kapag
gumamit tayo ng Social Media ay maging maingat at masuri tayo palagi
sa lahat ng mga sasabihin at ipopost natin dito. Walang pinipili ang
kasamaan kahit matanda o bata ay kaya nitong linlangin kaya sa tuwing
tayo’y magpopost, magsishare, at magkiclick ay dapat pagisipan muna
nang mabuti. Maging mapanuri at huwag magbigay ng impormasyon na
maari mong pagsisihan sa huli. Tandaan na ang Social Media ay
malaking tulong sa ating mga tao ngunit na sa kamay natin kung paano
natin ito gamitin.

You might also like