You are on page 1of 2

Katulad na lamang mga gumagawa na hindi ka nais-nais at nagpapakita ng mga maling halimbawa sa

social media,

Baka may pagkakataon na gayahin ng mga kabataan ito, marami nang tao ang gumagamit ng iba’t ibang
social media sites at pati na rin ang kabataan na katulad ko. Maaring makaepekto ito sa atin sa pagsabay
sa mga uso na hindi naman kanais-nais na magdudulot ng kapahamakan sa atin. At Tama nga na maaring
makaapekto ito Lalong-lalo na ang mga kabataan na katulad ko.

Meron din nakakaranas ng pang-aabuso, sila yung mga napapadalhan ng negatibong komento, tweets at
mensahe. Sa maaring dahilan na ayaw na nakikita ang mga post nito, ikalawa, lalo na sa picture mo na
nakakahiyang tingnan. At talaga naman, ito rin ang gamit ng mga kawatan para bigayan sila ng kahihiyan.
Ang Maling-mali pag post ng mga nakakahiyang litrato ng biktima.

Ito ang isang lumaganap ng isang pang-aapi at pang-aabuso na kung saan karamihan ay ang kabataan na
katulad ko na madalas na nabibiktima nito. Ang Cyber-bullying. Ito ay nilikha bilang suporta sa mga
sinasadya at paulit ulit na mapanirang pamamaraan ng isang indibidwal o grupo upang makasakit ng tao
at magpahiya ng kapwa.

Isipin natin yung mga tao na nakapaligid satin kung makakaapekto ba ito o hindi. At dahil ito ay maaring
makasira nang buhay. Para sa akin, Huwag tayong magpa-epekto sa dapat naman hindi dahil pwede
silang magpaimpluwensya ng masama sa atin.

Pag-tuunan din natin ng pansin ang internet ngayon at maging maingat sa mga personal na inpormasyon,
kasi sa panahon ngayon ay maraming nangyayaring krimen sa paligid natin. Mayroong mga krimen na
mga nanggagahasa, holdup at iba’t ibang modus na gumagamit ng internet upang makabiktima.

Sa kabilang dako, Ang masasabi ko lang dito na sumasang-ayon ako na may maganda din ang tulong ng
internet sa atin, pero maging maingat din lamang rin sa mga nilalagay natin sa internet o sa mga social
media sites, malakas ang impluwensya ng internet sa panahon ngayon, halos lahat ng kabataan ng
katulad ko ay nandito at naniniwala sa mga nilalagay ng iba’t ibang tao.

Isipin mo muna kung ano ang iyong i-popost, isa-share o ico-comment baka kasi makasakit tayo ng tao
ng hindi natin alam, malaking responsibilidad ang pag gamit ng internet kasi lahat ng sasabihin mo ay
makikita ng tao.

Kapag online, sana’y maging mabuti at matulungin tayo sa iba, tama ang impormasyong ibinahagi, at
pinag-iingatan ang ating kaligtasan.Tiyakin na ang bawat aksyon ay may mabuting patutunguhan at hindi
makakaapak ng ibang tao.Pahalagahan natin at gamitin ng tama ang bawat oras sa lahat ng responsibilad
o alituntunin.

Ako ay naniniwala na kung meron kang maraming kakayahan ay,meron karing maraming
responsibilidad/A great power comes with a great responsibility.

You might also like