You are on page 1of 3

Oktubre 2017

BANGHAY-ARALIN
FILIPINO 11

I.LAYUNIN:
 nakapagbibigay ng kahulugan at layunin ng Tekstong Persuweysib
 nabibigyang-halaga ang gamit ng Tekstong Persuweysib sa pang-araw-araw
 nakapagsusulat ng isang halimbawa ng Tekstong Persuweysib

II.PAKSA:
 Tekstong Persuweysib (Kahulugan at Layunin)

III.KAGAMITAN:
 aklat, banghay-aralin, biswal na kagamitan

IV.PAMAMARAAN:
Panimulang Gawain:
 Panalangin: Tatawag ng isang mag-aaral upang pangunahan ang panalangin
 Pag-tsek ng liban sa klase
 Ilang paalala
 Pagbabalik-aral: Tekstong Impormatibo – Nagbibigay ng impormasyon at
ebidensya tulad ng mga report, ulat, balita at iba pa. Naglalayon itong
magpabatid.
 Pagganyak: Pagpapakita at pagpaparinig ng video (Biyahe Tayo ni Regine
Velasquez) at ipasusuri sa mga mag-aaral ang video na napanood at
napakinggan.
 Tungkol saan ang inyong napanood?
 Ano ang inyong mga nakita?
 Ano ang nais ipabatid nito sa ating mga Pilipino?
 Magkakaroon ng malayang talakayan sa loob ng klase batay sa mga
sagot ng mag-aaral at agad itong iuugnay sa magiging paksa o aralin sa
araw na ito.
Presentasyon:
 Pagsagot sa mga tanong pagganyak
 Pagpapabasa at pagsusuri sa isang halimbawa ng tekstong Persuweysib (power
point)
 Pagtalakay sa Aralin: Tatalakayin sa bahaging ito ang paksa – Tekstong
Persuweysib (kahulugan at layunin)
 Tekstong Persuweysib
 tekstong nanghihikayat upang tanggapin ang sinasabi o
mapaniwala ng awtor o mananalita ang mga bumabasa,
nanonood o nakikinig
 may kahirapang idebelop ito sapagkat kailangang makumbinsi
ang tagabasa o tagapakinig sa ipinapahayag, partikular sa mga
kontrobersyal na isyu
 hindi hiwalay ang paggamit ng emosyon sa pagpapahayag na ito
upang mahikayat ang tagabasa o tagapakinig
 ang mga ekspresyon/salita na sumasapol sa damdamin ang
mahalagang kasangkapan sa pagpapakitaw ng emosyon
 matagumpay ang ganitong pagpapahayag kung naipahiwatig o
naipakita ng awdyens ang pasasalamat, pagsang-ayon, pagkilos
tungo sa pagbabagong magaling at pagtalima/pagsunod sa
kahilingan ng manunulat o tagapagsalita
 layunin ng ganitong pahayag na makapagbabago ng atityud o
beheybyor ng awdyens
 layunin ng pagpapahayag na ito na umakit ng taga-pakinig o
mambabasa at upang higit na maging makatotohanan ang
panghihikayat kinakailangang magkaroon ng mga ebidensya o
patotoo
APAT NA URI NG EBIDENSYA:
1) Pangyayari – ito ang pinakaobhektibong ebidensya
2) Obserbasyon – ito ay mga ebidensyang batay sa mga
nakita, narinig, naamoy at nadama
3) Mga Saksi – ito ay mga taong nagpatotoo sa mga
pangyayari
4) Mga Dalubhasa’t Iskolar – sila ang mga taong nagbibigay
ng mga palagay na mapaniniwalaan dahil sa pinag-aaralan
nila ang mga pangyayari, sinusuri ang mga patotoo ng
mga saksi, at pinag-iisipan ang lahat ng katibayan)
Pagpapayaman:
 Pangkatang Gawain: Papangkatin ang mga mag-aaral sa apat (4) at bibigyan ng
kani-kanilang gawain batay sa tinalakay na paksa - Tekstong Persuweysib.

PANUTO: Gumawa ng isang patalastas batay sa naiatas na gawain sa bawat


pangkat.

UNANG PANGKAT: pag-eendorso ng isang beauty product


IKALAWANG PANGKAT: pag-eendorso ng pagkain/restaurants
IKATLONG PANGKAT: pag-eendorso ng t-shirts/pants
IKAAPAT NAPANGKAT: pag-eendorso ng palabas/movie shows

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA:
Nilalaman 10
Hikayat sa madla 10
Pagkamalikhain 5
KABUUAN 25
Paglalahat/Sintesis:
 Pagbubuod ng paksang tinalakay
 Pagbibigay-halaga sa paksa:
 Bakit mahalaga ang tekstong Persuweysib sa pang-araw-araw na
gawain ng tao sa kanyang: (sarili, pamilya, komunidad, at bansa).
Ebalwasyon:
 Sumulat ng isang tekstong Persuweysib (malaya kayong pumili ng inyong
sariling paksa.) Isulat ito sa isang short bond paper.

V. TAKDANG-ARALIN:
 Paggawa ng isang brochure na naglalayong humikayat sa inyong lugar/pook na
kinabibilangan, mga pagkaing tampok sa inyong lugar at iba pa na nais mong
tangkilikin ng ibang tao.

Inihanda ni:

Queen Gladys V. Opeña


Guro sa Filipino (SHS)

Sinuri nina:

Dr. Romulo N. Peralta Gng. Marilou Y. Limpot


Tagapagsalita Tagapagsalita
Dr. Rene P. Sultan
EPS – FILIPINO (Davao City)

You might also like